MFALC Chapter 11: Pursuing Amara

Chapter 11


Kinabukasan, maagang gumising si Tyron para ipaghanda ang kanyang asawa't mga anak ng almusal. Naisip niya na matagal na rin niyang hindi nagagawa ang ipagluto't pagsilbihan ang kanyang mag-iina, simula nang maging busy ito sa pag-asikaso ng kanilang kumpanya.

"Oh anak ang aga mo atang gumising." wika ni Manang Letty isa sa kanilang kasambahay.

"Opo Manang, balak ko po sanang ipagluto ang mag-iina ko." nakangiting saad ni Tyron dito.

"Ay ganoon ba? Hala sige, tutulungan na lang kita sa paghahanda ng hapag-kainan."

"Salamat po Manang." pasasalamat ni Tyron sa matanda at nag-umpisa nang maluto ng almusal.

Makalipas ang isang oras ay nakapaghanda na si Tyron ng kanilang kakainin, nang biglang bumati ang kanyang anak na si Tyler.

"Morning Dad." bati nito sa kanyang Ama bago naupo sa dining table.

"Morning, grab your breakfast little guy." usal ni Tyron bago ginulo ang buhok ng kanyang anak.

Maya-maya lamang ay sabay na bumaba sina Reese, bitbit ang kanyang kapatid na si Tyarra, na siya namang tuwang-tuwa na makita ang kanyang Ama.

"Hello baby girl, did you miss Daddy?" lambing niya sa bunsong anak bago ito hinalikan sa pisngi.

Nang lingunin niya si Reese ay tahimik lang itong humarap sa hapagkainan habang naka-pout ang nguso.

"Good Morning, princess." bati niya rito ngunit hindi sumagot ang kanyang anak. Alam ni Tyron na nagtampo ito sa hindi niya pagdating sa kaarawan ng dalaga, kaya't para mabawasan ang tampo nito ay unti-unting inilapit ni Tyron ang kanyang regalo sa ibabaw ng lamesa.

Napabaling naman si Reese roon at walang ganang nilingon ang kanyang Ama, "Why didn't you come to my party, Dad?" biglang pagtatanong nito kay Tyron at mababatid mo ang pagka-dismaya sa timbre ng boses nito.

Huminga muna ng malalim si Tyron bago nito sinagot ang kanyang anak, "I'm sorry princess, an urgent meeting happened yesterday and Daddy didn't have a choice but to stay." pagsisinungaling ni Tyron dahil ayaw naman niyang magalit pati ang mga bata sa kanya.

Hindi na naman sumagot si Reese kaya muling nagsalita si Tyron, "Hindi mo ba bubuksan ang gift sayo ni Daddy?" lambing pa niya rito at saka ngumuso rin para gayahin ang itsura ng kanyang anak.

Tiningnan naman agad ni Reese ang regalo na nakapatong sa dining table bago ito maagap na kinuha, "I will open it later Dad, thank you." anito saka ngumiti na rin sa kanyang Ama.

"You're always welcome my princess," nakagiting sambit ni Tyron dito. "Here, I cooked your favorite breakfast." anito saka hinanda ang tocino with egg na siyang paborito ng dalagita.

Nagising si Amara nang may tumamang sikat ng araw sa kanyang mukha. Mumukat-mukat itong bumangon sa kama nang biglang may marinig na hagikgikan sa ibabang bahagi ng kanilang tahanan.

Mabilis niyang hinagilap ang itim na roba saka ito isinuot habang papalabas sa silid ng kanyang anak na si Reese. Patuloy sa pagbaba si Amara habang humihikab, mugto na rin ang kanyang mga mata dahil sa patuloy niyang pag-iyak magdamag. Mabuti na lang at mahimbing na natutulog si Reese, kaya't hindi nito narinig ang kanyang mga hikbi.

Nang tuluyang makababa ay narinig muli ni Amara ang hagikgikan sa kanilang kusina, mumukat-mukat siyang dumiretso roon at nakita niya si Tyron kasama ang kanilang mga anak na masayang-masayang nagku-kwentuhan sa harap ng hapagkainan.

"Tapos Dad, Ate Reese got really mad at me kasi natalo ko siya sa scrabble." tuwang-tuwang saad ni Tyler.

"Hoy, that's only a TSAM Tyler." biglang sagot ng dalagita.

"Ha? What's Tsam, princess?" kunot noo namang pagtatanong ni Tyron rito habang bitbit ang bunso nilang anak na si Tyarra.

"Dad naman, its a short term for Tsamba! I just gave him that round baka kasi umiyak na. Hahaha!" humahalakhak pang sabi ni Reese sa pambubuska nito sa kanyang nakababatang kapatid.

Napasandal na lang si Amara sa pintuan habang pinagmamasdan ang kanyang mag-aama na masayang-masayang nagtatawanan. Matagal na niyang hindi nakikita na ganoon kasaya sina Reese at Tyler pati na ang bunsong si Tyarra, kaya't napangiti na lang din siya ng palihim.

Nasa ganoong posisyon si Amara nang biglang mapadako ang kanyang paningin kay Tyron, na ngayon ay nakatingin na rin pala sa kanya. Bigla naman namilog ang kanyang mga mata bago dumiretso ng tayo dahil sa pagkakahiya.

"Good Morning, Babe." masiglang bati ni Tyron sa kanya, kaya't sabay na napabaling din sa kanyang kinatatayuan sina Reese at Tyler.

"Good Morning Naynay." nagniningning ang mga matang turan ng mga bata saka muling itinuon ang kanilang atensyon sa hapagkainan.

"Come on Babe kain ka na, ipinagluto kita ng fried milkfish." ani Tyron bago siya nilapitan.

Nang akmang hahalikan na siya ng binata mabilis na naiiwas ni Amara ang kanyang mukha rito at nagkunwari na lang na kinuha ang kanyang bunsong anak na si Tyarra, "Kumain na ba ang baby ko?" lambing niya sa bata saka lumapit sa dining table.

Binalewala naman iyon ni Tyron at saka ipinaghanda ng plato si Amara, "Here's the plate." abot nito ngunit mabilis naman itong hinablot ni Amara.

"Ako na." malamig na saad nito dahilan para mapabaling ang mga atensyon ng kanilang anak sa kanila. "A-ako na B-babe." sa puntong iyon ay nag-iba ang pakikitungan ni Amara kay Tyron para hindi na sila usisain ng kanilang mga anak.

Habang kumakain, naging tahimik ang lahat sa harap ng hapagkainan. Hindi man aminin ay naiilang si Amara sa presensya ni Tyron dahil sa galit niya rito. Ngunit sa kabilang banda naman ay ayaw niyang mamroblema pa ang kanyang mga anak dahil lang sa pag-aaway nila ng kanyang asawa.

"Naynay, why did you sleep in my room last night?" biglang pagtatanong ni Reese sa kanyang Ina kaya't biglang napaubo si Amara nang marinig iyon.

"Babe, are you alright?" nag-aalalang usal ni Tyron rito habang hinihimas ang likod ng kanyang asawa.

Nang makainom ng tubig ay tiningnan lang ni Amara ang kanyang anak at hindi alam kung anong isasagot dito. Alam niyang matalino ang kanyang panganay na anak kaya't hindi niya agad ito mapapaniwala na kaya siya natulog doon ay dahil gusto lamang niya.

Nasa ganoong pag-iisip si Amara nang biglang magsalita si Tyron, "Reese, your Naynay and I got drunk last night. Naynay didn't notice that she fell asleep in your room." alanganing sagot ni Tyron dito at abot-abot ang dasal niya na sana ay kagatin nito ang kanyang palusot para kay Amara.

Sandaling nanahimik si Reese at parang sinusuri kung nagsasabi ba sila ng totoo. Ngunit segundo lang ang lumipas nang biglang sumagot ito nang, "Okay po, I thought you both were fighting kaya doon natulog si Naynay." anito saka kibit-balikat na bumalik na sa kanyang pagkain.

Nakahinga naman ng maluwag sina Tyron at Amara dahil sa muntikan nilang pagkabuko. Sabay silang napatingin sa isa't isa habang ang mga mata ay nag-uusap, wala mang salita ang lumalabas sa kanilang mga bibig ay tanging mga puso lamang nila ang nagkakaintindihan ng mga sandaling iyon.

Mabilis namang umiwas ng tingin si Amara at muling inasikaso ang kanyang bunsong anak na si Tyarra sa pagpapakain dito.

Nagbibihis na ngayon sina Tyron at Amara sa kanilang kwarto, ngunit walang ni isa sa kanila ang gustong manghangas na magsalita. Tanging ang tunog lamang ng aircon ang maririnig sa loob ng silid sa sobrang katahimikan.

Mabilis na nag-ayos si Amara dahil parang hindi niya kinakaya ang katahimikan na pumapagitna sa kanila ni Tyron. Ayaw niya munang makausap ito dahil nagdadamdam pa rin siya sa ginawa nitong paglihim sa pakikipagkita kay Stephanie.

Habang abala si Amara sa pagsusuklay ng kanyang buhok, bigla niyang narinig na nagsalita si Tyron, "Babe." anito dahilan para matigil siya sa kanyang ginagawa.

Hindi umiimik ang dalaga kaya't muling nagsalita si Tyron, "Babe, about last night..." hindi na natapos ni Tyron ang kanyang sasabihin nang biglang putulin ito ni Amara.

"Stop it Tyron, I don't want to hear anything about your stupid lies." kalmado ngunit mababatid mo ang sakit sa bawat salitang isinasambit ng dalaga.

"Amara, would you let me explain first?" at sa puntong iyon ay napaupo na lang si Tyron sa dulo ng kanilang kama.

Hindi naman sumagot pa si Amara dahil alam niyang pagtatalunan lang nila ang mga bagay na iyon, dahil sarado pa ang kanyang isip para pakinggan ang mga sasabihin ni Tyron.

"Please... I want you to listen to me, Babe." at sa puntong iyon ay narinig na ni Amara ang paghikbi ng kanyang asawa.

Nakaramdam naman siya ng awa kay Tyron, ngunit mas nanaig sa kanya ang desisyon na palipasin muna ang mga araw para tuluyan na siyang makapag-isip. Para makapaghanda na rin sa mga sasabihin ng binata.

"Not this time Tyron, I'm not yet ready." matigas na saad ni Amara saka nagmadaling hinablot ang kanyang bag papalabas ng kwarto.

Naiwan namang balisa si Tyron habang patuloy sa pag-agos ang kanyang mga luha, "Babe, I didn't cheat on you for pete's sake!" frustrated na usal nito sa hangin bago isinuklay pataas ang mga kamay sa kanyang buhok.



*****

Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top