MFALC Chapter 10: Another Heartaches

Chapter 10


Matapos ang gabi ng pagniniig ng mag-asawang Tyron at Amara. Naging maayos naman ang takbo ng kanilang relasyon, naroroon pa rin ang pagseselos ni Amara kay Steph at si Tyron naman kay Adam.

Abala ngayon si Amara sa paghahanda ng mga putahe para sa kaarawan ng kanilang panganay na anak na si Reese, na ngayon ay magdadaos ng kanyang ika-labing anim na taong gulang, na gaganapin sa Three Ty's Pastelerya.

"Ate Amara, dumating na po ang mga balloons na in-order natin sa Happy House." ani Jackie habang bitbit ang listahan ng kanilang mga kakailanganin sa okasyon na iyon.

"Okay, thank you Jackie," pasasalamat niya rito habang abala sa pag-aayos. "Teka, na-contact mo na ba ang Sir Tyron mo?" pagtatanong pa niya kay Jackie na hindi man lang nag-abalang lingunin ang dalaga.

"Hindi pa rin po Ate, panay ring lang po ng cellphone ni sir. Sinubukan ko pong tawagan sa opisina pero sabi po ni Ginger ay umalis na raw po si sir Tyron kanina pa." mahabang lintanya ni Jackie.

Natigilan si Amara sa kanyang narinig, bago nilingon ang kanyang kanang kamay na si Jackie, "Haaayyy..." buntong hininga niya sa hangin. "Sige Jackie salamat, ako na lang ang cocontact kay Babe." aniya rito saka ngumiti ng alanganin.

"Okay po Ate, doon po muna ako sa labas. Just call me when you need anything." yukod ni Jackie saka ito umalis sa kanyang kinatatayuan.

Naiwan naman si Amara na may malalim na iniisip, Saan na naman ba nagpunta iyon si Tyron? saad niya sa kanyang isip bago nagpasyang magpatuloy muli sa kanyang ginagawa.


*****


Sa kabilang dako naman:

Abala si Tyron sa pag-aayos ng kanyang mga gamit para sa maagang paglisan niya sa opisina, dahil sa kaarawan ng kanyang anak na si Reese.

Tok! Tok! Tok!

"Come in." tamad na usal ni Tyron habang patuloy sa kanyang ginagawa.

"Sir, I received a phone call and Miss Stephanie told me na pakidaanan na lang daw po sa unit niya ang mga files na kailangan ni Mr. Acosta." ani Ginger.

Kunot noong binalingan naman ito ni Tyron bago nagsalita nang, "Why do I need to go there, if she can directly bring the office files by herself?" usal ni Tyron saka dumiretso ng tayo habang ang mga kamay ay isinuksok sa bulsa ng kanyang amerikana.

"She's sick." tanging sagot naman ni Ginger sa binata.

"Well just send our messenger to her condo, Ginger." walang ganang saad ni Tyron saka muling nagpatuloy sa kanyang ginagawa.

"Sir, Mang Abner is on leave po." mabilis na turan ng dalaga kay Tyron dahilan para lingunin niya muli ito.

"Haaayyyy..." buntong hininga ng binata bago tiningnan ang oras sa kanyang relos. "Sige na Ginger, ako na ang bahala." napapailing na wika ni Tyron bago nagmadaling tapusin ang kanyang ginagawa.

Mabilis tinungo ni Tyron ang building ng condo unit ni Stephanie. Alam niya ang lugar na iyon dahil minsan nang nagdaos ng kaarawan ang dalaga sa nasabing lugar kasama ang kanilang mga piling kakilala sa opisina.

Ding Dong

Ilang minuto pang naghintay si Tyron ngunit wala pa ring nagbubukas ng pintuan. Sinubukan niyang pihitin ang seradura ng pinto at ganoong na lang nanlaki ang kanyang mga mata ng makitang bukas ito.

Dahan-dahan niyang itinulak ang pinto bago tinawag ang pangalan ng dalaga, "Stephanie..." aniya bago tuluyang makapasok sa loob ng unit.

Tahimik at malamig na kapaligiran ang sumalubong kay Tyron, patay ang mga ilaw sa buong bahay ng dalaga kaya't naisip niya na baka nasa ikalawang palapag ito.

Marahan siyang naglakad paakyat sa itaas na bahagi ng condo unit ni Stephanie at mabilis niyang nasilayan ang dalaga na nakahandusay sa sahig.

"Steph!" sigaw ni Tyron at nagmamadaling inalalayan ang dalaga.

"Hmmm..." tanging sambit lang nito habang nakapikit ang mga mata.

"Sh*t! You're burning like hell." ani Tyron nang maalalayan niya itong makahiga sa kama.

Mabilis pinatay ni Tyron ang wall mounted aircon ng dalaga bago nagpasyang kumuha ng bimpo sa kitchen nito.

Nang makabalik ay mabilis ini-angat ni Tyron ang manggas ng kanyang puting long sleeve para hindi ito mabasa. Naupo siya sa gilid ng kama ni Steph bago nagsimulang punasan ang mukha ng dalaga.

Habang nagpupunas ay napadako ang kanyang paningin sa mapupulang labi ng dalaga. Parang may nag-udyok sa kanya na haplusin iyon, ngunit nang akmang hahawakan na niya ito ay biglang natabig ni Tyron ang plangganang nakapatong sa kama dahilan para tumapon ito sa suot niyang navy blue slacks.

"Sh*t!" anas ng binata bago nagmadaling tumayo para punasan ang kanyang pambabang kasuotan.

Mabilis tumungo si Tyron sa banyo ng dalaga at hinubad ang suot nitong slacks para patuyuin. Nang makitang medyo natuyo na ito, isinuot nang muli ito ni Tyron at lumabas na ng banyo.

Iniligpit niya ang planggana't bimpo na kanyang ginamit kanina. At nang akmang tatayo na siya ay biglang niyakap ni Stephanie ang kanyang kanang braso, "P-please s-stay." nanghihinang saad nito ngunit nananatiling nakapikit pa rin ang mga mata.

Tiningnan naman agad ni Tyron ang kanyang relos dahil naalala niya ang kaarawan ng kanyang anak na si Reese. "Maaga pa naman." tanging sambit niya saka muling naupo sa gilid ng kama ng dalaga.



*****


Nagising ang diwa ni Tyron nang makaramdam ito ng kamay na humahaplos sa kanyang pisngi. Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata at ganoon na lang nanlaki ang kanyang mga mata nang makita ang dalagang si Stephanie.

"Sh*t!" anas nito bago bumangon sa kama. "What time is it?" pagtatanong pa niya rito habang nagmamadaling ayusin ang kanyang puting long sleeve na bahagyang nalukot.

"It's seven in the evening, what's with the hurry, sweetie?" maarteng saad ni Stephanie habang nakasandal ang likod sa headrest ng kanyang kama.

"D*mn! It's Reese's birthday, I'm f*cking late." nagmamadaling sagot ni Tyron bago nagsimulang lumakad pababa ng ikalawang palapag.

"Tyron!" biglang sigaw ni Stephanie kaya napatigil ang binata sa kanyang paglalakad. "Thank you." dagdag pa ng dalaga.

Walang emosyong nilingon naman ito ng binata saka tumango, nagpatuloy sa paglalakad si Tyron hanggang marating niya ang kanyang sasakyan sa parking lot.

Nang tuluyang makapasok sa kanyang kotse mabilis hinagilap ni Tyron ang kanyang telepono, ngunit ganoong na lang ang kanyang pagkadismaya nang makitang nakapatay na ito,

"F*ck! I'm Dead!" bulyaw ng binata sa hanging bago nilisan ang lugar na iyon.

Kalahating oras ang kanyang itinagal sa biyahe bago narating ang Three Ty's Pastelerya. Hindi na nagawang iparada ng maayos ni Tyron ang kanyang sasakyan sa labas ng Shop at humahangos itong tumakbo papasok sa nasabing establisyamento.

"Babe!" tawag niya sa kanyang asawa ngunit ang kanang kamay na lang ni Amara ang tanging humarap sa kanya.

"Sir Tyron, tapos na po ang party. Kanina pa po kayo hinahanap ni Ate Amara." saad ni Jackie sa binata.

"Sh*t!" balisang usal ni Tyron bago napasuklay pataas ang mga kamay sa kanyang buhok.

Sandali pa niyang nilingon ang pinagdausan ng kaarawan ng kanyang anak, sa pagbabaka-sakaling naroroon pa ang kanyang asawa ngunit dismaya, pagkadismaya ang bumalot sa buo niyang sistema.

Bagsak ang balikat na tinungo ni Tyron ang kanyang sasakyan bago isinandal ang kanyang likod sa driver's seat, "Stupid!" inis na anas nito saka inihilamos ang mga kamay sa kanyang mukha.


*****


Mabilis na narating ni Tyron ang kanilang tahanan at nakita niya na wala ng taong gising dito. Bumuntong hininga muna ito bago nagpatuloy sa paglalakad paakyat sa kanilang silid ni Amara, bitbit ang kanyang telepono na walang baterya.

Marahan niyang ipinihit ang seradura ng pinto bago tuluyang pumasok sa loob. Nang makapasok ay hinagilap agad ng kanyang mga mata si Amara ngunit wala ito sa kanilang kama.

"Babe." tawag niya rito ngunit hindi pa rin ito sumasagot.

Nang akmang pupunta na ang binata sa banyo, biglang nahagilap ng kanyang mga mata si Amara na nakatayo sa kanilang balkonahe. Nakadungaw ito sa madilim at malamig na paligid habang sumisimsim ng alak. Nakasuot lang ito ng robang kulay itim at halatang may malalim na iniisip, dahil hindi nito nararamdaman ang kanyang presensya.

"Babe." mahina ngunit sapat na bulalas ni Tyron sa kanyang asawa.

Mataman lang siyang binalingan nito bago ibinababa ang baso sa lamesang yari sa bakal, "Oh nandyan ka na pala, maaga ka pa para sa bukas." sarkastikong saad ng dalaga bago muling nagsalin ng alak.

Nakita ni Tyron na halos lampas na sa kalahati ang isinasalin ni Amara na alak, bago nito inisang lagok ang lahat ng iyon. "Gusto mo?" nakangiwing wika pa nito bago muling nagsalin sa kanyang baso.

Nang akmang lalagukin nang muli ito ng dalaga, mabilis itong pinigilan ni Tyron sabay sabi nang, "Babe, lasing ka na." pagpipigil nito sa kanyang asawa bago inagaw ang hawak nitong baso.

"Akin na 'yan!" nagpupumilit na saad ni Amara habang patuloy sa pang-aagaw ng kanyang baso.

"No! You have enough for this day, Babe." matigas na usal ni Tyron bago niyakap ng mahigpit si Amara.

"Bitawan mo ako!" sigaw ni Amara rito bago inayos ang kanyang sarili. "Saan ka galing?!" inis na sambit nito at saka tinapunan ng matatalim na tingin ang kanyang asawa.

Natigilan naman si Tyron nang mga sandaling iyon, iniisip niya kung dapat niya bang sabihin kay Amara ang totoo. Ngunit sa kabilang banda ng kanyang isipan ay sinasabing hindi na lang, dahil sa lasing ito kaya't hindi sila magkakausap ng matino.

"I'm... I'm with Mr. Acosta, we had an urgent meeting and... it's important." alanganing turan ng binata bago umiwas ng tingin sa kanyang asawa.

"Ha! Meeting... Uso ang tawag Tyron! Tsss..." anito saka tumaas pa ang kanang labi nito, na parang nasusuklam.

"Deadbatt." tanging sagot lang ni Tyron rito.

"Tsss..." napapailing na tinungo na lang ni Amara ang loob ng kanilang silid bago dumiretso sa kama. Hinubad nito ang suot niyang itim na roba at lumantad kay Tyron ang suot nitong see through nightie na kulay itim.


Photo CTTO



Diretsong nahiga na si Amara sa kama bago kinumutan ang kayang buong katawan. Tumalikod ito sa kinatatayuan ni Tyron bago pinatay ang lampshade sa side table.

Napabuntong hininga na lang si Tyron bago isinaksak ang kanyang telepono sa power outlet para kargahan ito ng baterya. Sandali pa niyang pinagmasdan si Amara, ngunit napapikit na lang ito ng mariin bago itiningala sa taas ang ulo para waksihan ang kanyang mga iniisip.

Dumiretso na lang si Tyron sa banyo para maglinis ng sarili at nang matapos ay mabilis din itong lumabas ng banyo at ganoong na lang ang kanyang gulat nang makitang nakaupo na si Amara sa kama hawak ang kanyang telepono.

"Babe, I thought you were already sleeping?" ani Tyron habang nagpupunas ng basa niyang buhok.

"Oh, nagtext ang haliparot mo!" inis na turan ni Amara saka inihagis ang telepono ni Tyron.

Kunot noong binasa naman ito ni Tyron at ganoong na lang nanlaki ang kanyang mga mata sa kanyang nabasa.


From: Stephanie Herrera

Hey, thanks for taking care of me, I'm feeling better now. Goodnight! :)


Matapos mabasa ang mensahe ay dahan-dahan niyang binalingan si Amara na ngayon ay walang emosyon na nakatingin sa kanya.

"B-babe... Let m..." hindi na natapos ni Tyron ang kanyang sasabihin nang biglang putulin ito ng kanyang asawa.

"Ano na namang kasinungalingan ang sasabihin mo sa akin Tyron?" malungkot na sambit ni Amara at sa puntong iyon ay nagbagsakan na ang kanyang mga luha.

Mabilis namang sumampa si Tyron sa kama saka hinawakan ang mga kamay ng kanyang asawa, "B-babe, its not what you think it is. Nagpunta lang ako doon dahil..."

"Tama na Tyron, pagod na pagod na ako. Maawa ka naman sa akin." humihikbing saad ni Amara sa binata saka binawi ang kanyang mga kamay kay Tyron. "You're right I had enough, enough sa paulit-ulit mong pananakit sa akin." ani Amara bago tumayo sa kama.

"Babe." nagsusumamong usal ni Tyron rito.

Nilingon naman siya ni Amara bago nagsalita nang, "I want space Tyron, siguro naman hindi kalabisan sa'yo 'yon di ba?" mugto ang mga matang sambit nito.

"Babe, I'm sorry."

"Sige na, doon muna ako matutulog sa kwarto ni Reese." malungkot na saad ni Amara saka naglakad palabas ng kanilang silid bitbit ang kanyang itim na roba.

Naiwan namang balisa si Tyron sa kama habang tinatanaw ang kanyang asawa na tuluyan ng nakalabas ng kanilang kwarto. "F*ck!" sigaw ni Tyron bago napahilamos ng mukha gamit ang kanyang mga kamay.



*****

Awww-- 😢😢😢

*****

Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top