Part 9
Hindi pa rin sinosoli ni Jared 'yung plato.
Gusto ko sana siya tanungin kung may balak pa siyang isaoli pero nang malaman ko na kapatid pala siya ni Sir Jayden at Sir Jordan, parang naging mabait ako bigla sa kanya.
I mean, mabait naman ako pero kasi naisip ko siyang tikman. Pero ngayon, nabawasan na 'yung imagination pero nandoon pa rin naman.
Ang hirap lang magtrabaho (tumunganga) kanina kasi feeling ko binabantayan ako ni Jared pero nairaos ko naman 'yung araw.
Pagkauwi sa condo, sabi ni Leo nasa gym daw si Tom at Angelo. Wala rin si Justin kasi daw may date sila ni Kit.
"Alam mo ba, I saw uli 'yung dalawang lalaking sumusunod sa'tin noon. Sa ground floor. I don't know, feeling ko tuloy I'm their target!" Sabi ni Leo bigla habang kumakain ng chichiriya sa sala.
Tumabi ako.
"Talaga??"
"Eh I saw them eh. Nakita mo ba sila kanina?"
"Hindi ko napansin pero wala naman." Sagot ko.
"So, ako talaga kailangan nila. Hindi ko naman alam kung anong ginawa ko, at saka bakit hindi na lang nila ako kausapin?"
"Hindi naman tayo sure kung talagang hinahanap ka nila or what eh. Assuming lang tayo" sabi ko.
Pero ang creepy non. Kinalimutan ko na nga 'yung dalawang lalaki na 'yun kasi hindi na sila nagparamdam uli at baka nga guni guni lang namin ni Leo 'yun noon.
Pero ngayon, nakita niya uli, parang nakaka alarma lang.
Tinatanggal ko na nga rin sa isip ko 'yung "multo" sa kabilang unit eh.
"Anyway, have you eaten na ba? I'll re heat na lang the spaghetti Tom cooked yesterday if you want"
"Uhm hindi na. At saka isa pa, baka magalit si Tom kapag kumain na ako kaagad"
"You know, your friendship really amazes me."
"Bakit naman?"
"You know the saying na parang kayo pero hindi kayo? Ganon kayo"
"Haha. Siguro nagkasundo lang talaga kami from the start pa lang" ayan, nacoconyo na rin ako magsalita.
"Well, ang ganda pa rin. Parang Tom is every gay man's dream of being the bestfriend kind of guy"
"Totoo."
"Hindi ka ba nainlove sa kanya?" Parang eto lang 'yung straight question ni Leo na hindi siya medyo conyo.
"He's okay. Super pogi. Pero una, technically magkapamilya kami kasi mag asawa 'yung Kuya ko at Ate niya. Pangalawa, may boyfriend ako nung panahong na meet ko siya so basically hindi ko siya napapansin"
"Well, to be honest. At if hindi mo mamasamain, you look good together. If one day maging kayo, I will not be shocked or something."
"Sobrang labo mangyari. Magkapatid turingan namin sa isa't isa."
"Hehe okay. I understand!" Sabi na lang niya.
Sanay na rin ako sa mga taong nagsasabi na bagay na kami ni Tom kasi si Tom talaga ang perfect vision ng boyfriend.
Tinext ko na lang si Tom na iinitin ko 'yung pagkain at hihintayin ko siya bago ako kumain.
Nagpaalam naman si Leo na may bibilhin lang siya kaya ako na lang natira sa condo.
Maya maya, may kumatok sa pinto at nang buksan ko, nandoon si Jared.
Naka pambahay na lang siya this time. Pero sadly, may suot siyang damit.
Pero naka sando lang siya kaya kahit papano, may view ako sa medyo hairy chest niya (which is sexy!)
"Sorry, nakalimutan kong soli plato niyo" sabi niya.
Pero may lamang carbonara 'yung plato.
"Hope hindi pa kayo nagdidinner!" Sabi niya.
"Uhm.. hindi pa nga po"
"Woah. Saan nanggaling 'yung po? Yesterday, tropa tropa lang tayo ah. Ngayong nalaman mo na..."
"Well boss kita eh" sabi ko.
Bago pa siya makasagot, naramdaman ko si Princess, 'yung cute dog niya, na dumaan sa paa ko.
Takbo siya nang takbo sa loob ng unit at tahol nang tahol.
"Princess! Come out!" Sabi ni Jared.
Pumasok si Jared sa loob at nilapag 'yung pagkain sa lamesa. Takbo pa rin nang takbo si Princess.
Tapos maya maya, pumunta siya sa sulok. Sa may ilalim ng lamesa.
"Natakot. Hays. Hindi pa 'yan lalabas!" Sabi ni Jared.
"Sinisigawan mo kasi eh"
"Sorry. Nahihiya kasi ako na tumakbo siya rito. Naiwan ko palang bukas pinto ko"
"Okay lang. Hayaan mo na muna siya diyan"
"Hehe."
Umupo siya sa sofa
Oh ang hairy din ng legs.
Naisip ko tuloy kung ganyan din si Sir Jayden o Sir Jordan.
Tapos ang hot talaga ng chest hair niya. Parang gustong lumabas.
Gusto ko na nga siyang hubaran para makita kong mabuti pati abs eh.
Ang masaklap lang, nahuli niya akong nakatingin sa kanya.
Napalunok lang ako at umiwas.
Tumayo ako at kumuha ng juice sa kanya.
"Technically, I'm your half boss" sabi niya bigla.
"Ano po?"
"Sabi mo kasi boss mo ko pero no, half lang. Kasi half brother ko sila."
Oh.
Ang korny ng joke.
"If you're wondering at yes, obvious naman na ako 'yung anak sa labas kasi ako 'yung mas bata."
Masyadong malalim pinag uusapan namin.
Parang "hey, gusto mo ng spaghetti?" Tapos "sure, heto pala talambuhay ko"
Pero hindi ko naman dinidisregard. The fact na kinekwento niya sa'kin 'to, ibig sabihin may tiwala siya sa'kin.
"Ahh... alam ko kasi silang dalawa lang. I mean, 'yung kwento ni Maam Cherry sa'kin before"
"That's okay. Hindi rin naman ako nagpupumilit na pumasok sa pamilya nila. Pero close kami ni Kuya Jayden."
"Eh si Sir Jordan?"
"Well... sakto lang."
Gusto ko pang tanungin pero ayoko talagang maging malalim 'yung topic about sa family nila kaya tinanong ko na lang 'yung about sa narinig ko.
"Ano 'yung tradition niyo?" Tanong ko.
"Hala chismoso ka ah!"
Nagulat ako kasi chismoso naman talaga ako pero hindi ko alam na sasabihin niya sa'kin directly 'yun!
"Hala..."
"Haha joke lang. 'To naman Victor."
"Ahh hehehe..."
"Well, 'yung tradition namin is aalis kami every summer" sabi niya.
"Kayong.... magkakapatid?"
"Yeap. Pero ang twist eh hindi namin alam kung saan kami pupunta"
"Ha??????"
"Kumbaga, may sari sarili kaming plano. Kunwari ako, ang plank ko, pupunta kami sa Bohol tapos doon kami magbobonding. Hindi nila alam na ang plano ko eh sa Bohol. So, ganon"
"Ahhh... normal vacation lang pala"
"NORMAL?!" Medyo napalakas boses niya doon.
Napansin ko rin na lumabas na si Princess at palakad lakad na lang. Nagpapalambing din siya sa'kin kaya binuhat ko muna siya.
"Idea ni Kuya Jayden, pumunta kami ng Bohol at akala namin magpupunta lang kami sa Chocolate Hills pero hindi. Sumakay kami ng chopper tapos tumalon kami, 2000feet! Ang landing namin sa Chocolate Hills. So yes, nag chocolate hills pa rin kami"
Wala akong nasabi.
"Nag skydiving kami nang hindi namin alam. Normally si Kuya Jayden lang naman 'yung may ganyang idea."
"Nakakatakot naman!"
"Haha not really, masaya naman. Kasi palagi kaming may kasama. Kailangang may isama kami na isa sa adventure namin. Normally, girlfriend" sabi niya.
"So 'yung babae kahapon 'yung sasama mo?"
Chismoso ko talaga.
"Haha. Not my girlfriend."
So fubu lang sila ganon? Inignore ko na lang 'yung sinabi niya.
"Ang saya naman. Sana may ganyan din kaming magkakapatid" sabi ko.
"Gusto mo ikaw na lang isasama ko? Kilala ka naman nila Kuya kaya hindi naman siguro awkward"
"Ako??"
"Kung gusto mo lang naman"
Bigla namang bumaba si Princess at tumakbo. Pagtayo ni Jared, natapon sa kanya 'yung juice na binigay ko.
Oh God, yes, take it off!
"Shit!"
Ayan na nga, naghubad na siya ng damit. Wow. Wow. Mas masarap kapag malapitan.
"Sorry, nagkalat ako. Nasaan 'yung pamunas"
"Hindi ako na."
"okay lang ako na." Pero pumunta na ako sa kusina. Hindi ko naman alam na sumunod siya.
Pero biglang bumukas 'yung pinto at bumungad 'yung tawa ni Tom at Angelo.
Napatingin agad sila sa'min.
Since may parang counter sa kusina, kalahati lang ng katawan makikita at definitely, makikita nilang nakahubad si Jared habang kaharap ko siya.
Nanlaki mata ni Tom pero ngumiti siya na parang ewan.
Sakto pagkabukas, tumakbo na rin si Princess palabas.
"Ako na po" sabi ko
"Sure ka???"
"Opo"
"Sorry talaga!" Sabay lakad palabas.
Tinignan lang siya ni Tom hanggang sa makarating siya sa pinto.
"Hey, seryosong offer 'yun Victor. Kung gusto mo lang" sabi niya sabay labas.
Sinara na ni Tom 'yung pinto at hindi ko maimagine kung anong sasabihin sa'kin ng bestfriend ko sa nakita niya!
********
VOTE AND COMMENTS!!!!!!!
Ang dami niyong advance magisip hahjahaha pero I appreciate sa mga advance mag isip!
Pero so far, mali pa rin mga hula niyooooo sooooooo hahaha
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top