Part 6
Sa totoo lang gusto ko ng sex.
Grabe kasi 'yung experience kay Hector. Nakaka adik. Pero siguro gusto ko lang ka sex si Hector at wala ng iba.
So far, nakakatamad 'yung summer ko. Walang ganap. Gigising sa umaga para pumasok, minsan wala pang ginagawa sa office tapos uuwi at matutulog.
Paulit ulit.
Umasa ako sa maraming activity pero wala. Ganito pala maging empleyado?
Mas masarap pa rin pala talaga maging estudyante.
Sa school okay lang ma late, pero dito kapag late ka bawas agad sa sweldo.
Sa school maiinis ka sa mahabang break time pero dito, may oras ang break time.
2 weeks pa lang pero tamad na tamad ako. Mabuti na lang talaga mga baliw kasama ko sa condo.
Si Tom pasimuno, kahit na minsan paepal siya at parang mas excited siya na magka jowa ako uli, hindi ko kaya na wala siya.
Si Leo naman, matatawa ka na kaagad kapag nagsalita siya eh. Inaasar na nga namin siya eh. Nung una natatakot pa kami pero ngayon, nakikitawa na lang siya.
Si Justin naman okay din, kaso bihira lang siya makipaghalubilo kasi may lovelife, at sa sis kong si Kit.
Si Angelo naman natututo nang makipagkwentuhan sa'min. At nag sheshare pa ng maraming nakakatakot na story.
Pero this week, naisipan ko munang umuwi sa bahay dahil Birthday ng pamangkin ko.
Lahat sila nasa bahay pag uwi ko ng gabi after shift ko.
Nagmano ako kay Papa. Tapos dinumog ako ng mga kapatid ko.
Last kita pa kasi namin last Christmas.
"Bakit wala kang dalang lalaki?" Sabi ni Kuya Von.
"Oo nga. Nasaan na 'yung Basketball player?!" Tanong ni Kuya Vlad.
"Wala na sila nung Basketball Player, di'ba nga iniwan niya para doon sa lalaking nahuli ni Papa noon?" Singit ni Kuya Vince.
"Ahhh 'yung Hector. 'Yung gwapings din?" Sabi ni Kuya Vlad.
"Wala ka bang bago? Ang tagal na non ah!"
"Oo nga Tutoy. Wala pa kaming nakikilala na boyfriend mo ah!"
"KUNG ALAM KO LANG NA GANYAN KAYO. Hindi na ako umuwi!" Singit ko.
Then niyakap nila ako uli.
Sa totoo lang nakakahiya na ganyan sila sa'kin pero at the same time natutuwa kasi tanggap na nila ako.
Alam ko kasi marami pa ring mag sstruggle sa pag out pero ako, hinahanapan nila ako ng boyfriend.
"Wala ka pang na kekwento sa'kin ah?" Sabi ni Kuya Vince pag punta ko ng kusina.
"Wala namang bago Kuya" sagot ko.
"We? Bakit sabi ni Tom may gusto ka raw sa boss mo?"
"Ha?!"
"Jayden daw pangalan? Mas matanda pa sa'kin 'yun ah! Para kang nakikipag sex sa Kuya mo!"
"Kuya!!! Hindi. Huwag ka maniwala kay Tom. Walang sinasabing matino 'yun!"
"Haha alam ko naman! Namiss ka lang namin."
"Halata ko nga!"
"Kumusta ka na?"
"Okay lang ako Kuya..."
"I mean, kumusta ka na? Hector pa rin?"
Natawa lang ako at hindi sumagot.
Ofcourse, deep inside si Hector pa rin gusto ko.
Hindi ko naman siya makakalimutan.
"Hinahanap mo pa rin ba si Mama?" Tanong niya.
"Hindi..." sa totoo hindi ko PA naman hinahanap. Balak ko pa lang hanapin.
Bago pa makasagot si Kuya, lumapit si Papa sa'min.
"Kumusta OJT nak?" Tanong niya
"Okay naman Pa" umalis na si Kuya Vince at naiwan na lang kaming dalawa.
"Narinig kong pinag uusapan niyo ng Kuya niyo 'yung Mama mo...."
"Pa..."
"Okay lang Tutoy. Pero wala talaga akong alam kung nasaan na sila ngayon."
"Pa, hindi ko naman hinahanap..."
"Alam ko. Pero kung hahanapin mo at mahanap mo, sana sabihin mo sa'kin"
"Hindi mo ba sila gustong makita?"
"Anak. Nagsama 'yung bestfriend ko at mahal ko. Sa tingin mo gusto ko pa sila makita???"
Malalim hugot ni Papa doon kaya hindi na ako sumagot.
Ang bilis lang ng pep talk namin. Kumain na lang ako ng handa ng pamangkin ko.
Kinukulit pa ako nila Kuya. Sabi pa nila may kilala daw sila na irereto sa'kin pero sabi ko ayaw ko.
Masarap pa rin talaga umuwi sa tunay mong bahay. Kahit gaano kasaya 'yung bonding mo sa mga kaibigan mo, iba 'yung pakiramdam kapag sa tunay mong bahay ka natutulog.
Pinainom ako nila Kuya ng alak at dahil sa pagod, medyo nahilo agad ako kaya nagpaalam ako na aakyat na at matutulog.
Naka ayos 'yung higaan ko at nahiga kaagad. Ibang iba talaga pakiramdam kapag sarili mong kama!
Hindi ko namalayan na nakatulog na ako kaagad.
Nagising lang ako bigla dahil naiihi ako at napanaginipan ko na naman 'yung pesteng babae sa kabilang unit.
Hindi na ako natatakot eh, parang nasanay na rin ako kaya mas nagising ako sa ihi.
Pagka ihi ko naman, nakita ko 'yung iba kong pinsan na lasing at natutulog sa sala. Uminom muna ako ng gatas saka ako umakyat.
Pero bago ako makapasok sa kwarto ko, may narinig ako sa loob.
Punyemas, ganitong ganito rin 'yung nangyari noon.
Nakainom ako ng alak tapos uminom ako ng gatas saka ko nakita 'yung babaeng nakakatakot.
HANGGANG DITO BA?
Alak at gatas ba ang solusyon para makakita ng multo?!
Alam ko rin sinara ko 'yung pinto pero may awang na siya ngayon.
Fuck.
Kwento sa'kin ni Angelo na kapag may sumusunod daw sa'yong multo eh huwag na huwag kang lilingon dahil kapag tumingin ka uli sa harap, makikita mo siya.
So, hindi ako lumingon.
Binuksan ko nang dahan dahan 'yung kwarto ko.
At may nakita akong nakatayo sa may bintana.
PUCHA.
Kinapa ko 'yung switch ng ilaw para buksan.
"Patayin mo 'yan!!" Sabi ng lalaki.
Pagkatingin ko...
"Tom?!!!" Halos mapasigaw ako.
"Ako nga. Bakit gulat na gulat ka?!"
"Punyemas akala ko sinundan ako ng multo sa kabilang unit natin!!"
"Gago ka talaga pinaalala mo pa!!"
"Eh bakit ka kasi biglang sumusulpot?!"
"Anong biglang sumusulpot?! Kanina pa ko rito. Nakipag inuman ako sa mga Kuya mo no tapos sabi nila tulog ka na. Dito na rin daw ako matulog!"
Nakahinga ako atleast hindi ako sinundan ng multo.
"Bakit ka pala nandito?" Tanong ko.
"Ehh kasi si Kuya Vince lasing. Kasama ni Ate Cristine baby nila, kaya nagpahatid lang sila"
"Eh bakit bumalik ka pa?"
"Duh? Alam mo naman ayaw ko sa bahay namin!"
"Eh bakit hindi ka bumalik sa condo?"
"Tinatamad ako magluto eh. Atleast dito may pagkain!"
"Sus, hindi mo lang kaya na hindi mo ko kasama eh!"
Hindi siya sumagot.
May problema si Tom!
Hindi naman ganito 'to eh.
"Okay ka lang?" Tanong ko.
"Break na kami ni Paula" sabi niya.
"Oh?? Ang bilis naman. Parang okay lang kayo nung nakaraan ah?"
"Hindi.. hindi na kami okay non. Parang nagkita lang kami para icheck kung may feelings pa kami sa isa't isa"
"So wala na??"
"Siguro."
Kilala ko si Paula sa buhay ni Tom. Kumabaga sa'kin, siya ang Hector niya.
Mahal na Mahal niya si Paula pero sa huli naghiwalay sila.
First love niya si Paula kaya alam kong nasasaktan talaga siya.
Naisip ko rin na baka ganito rin mangyari sa'min ni Hector.
"Hey...." hinawakan ko siya sa balikat tapos niyakap niya ako at nagsimula na siyang umiyak.
Bihira ko lang talaga makitang umiyak si Tom kaya hinayaan ko na lang muna.
Hindi ako nagsalita. Pinayak ko lang siya nang pinaiyak.
Pahigpit din nang pahigpit yakap niya at hindi niya pinipigilan pag iyak niya.
Ewan ko kung naririnig na kami sa labas, hinayaan ko lang siya.
Tapos parang napagod na siya at kumawala.
"Salamat" sabi niya.
"Saan?"
"Sa hindi pagsalita." Sabi niya.
Kilala ko na siya. Ayun din maganda kapag bestfriend mo isang tao, alam mo kung paano mo siya icocomfort.
"Walang anuman" sabi ko.
"Pangit ka kasi mag advice eh!" Sabi niya sabay ngiti at punas ng luha niya.
Tumawa na lang din ako kasi totoo naman sinabi niya.
"Alam mo kupal, may naisip ako" bigla niyang sabi.
"Ano???"
"Single ka. Single ako..."
"Hindi kita type!"
"Pucha ayoko rin ng etits no!! Huwag kang epal, hindi mo pa kasi pinapatapos sinasabi ko eh!"
"Haha osige, ano ba 'yun?"
"Single tayo pareho. At so far ang shitty ng summer natin. Alam ko kasi paulit ulit routine natin!"
"Okaaaay?????"
"So!!! Dapat pasayahin natin. Kailangan nating gawin na best summer 'to. Sabi sa'min, nagpapaparty daw si Maam Cherry tuwing Anniv ng company niya"
"Tapos????"
"Kailangan natin magpakasaya. Kailangan natin lumandi. Kailangan natin mag walwal. Kailangan natin may maka sex! Kailangan natin! Magpapakasaya tayo ngayong summer tapos hindi natin lalagyan ng label!"
Alam kong dala lang ng alak at emosyon 'tong si Tom.
"Promise mo sa'kin, Victoriano!! Hindi matatapos 'tong training natin na wala tayong nakikilalang iba. Na, wala tayong makaka sex na iba. Na, wala tayong makakasama bilang summer fling!!"
Natatawa ako kasi seryoso si Tom.
Parang hindi siya titigil hangga't hindi ako papayag.
"May rules tayo! Kailangan before matapos ang training magawa natin 'to!!" Sabi niya pa.
"Haha lasing ka lang Thomas!"
"Hindi ako lasing! Medyo lang! Promise 'to ah?!"
"Promise!"
Naglabas siya ng alak sa tabi niya.
Pucha, nag iinom pala siya mag isa dito. Kanina pa ba siya? Hindi ko talaga siya namalayan pag bangon ko.
"Here's to our favorite and wild summer so far!" Sabi niya.
Kinuha ko 'yung baso ng alak at nakipag toast sa kanya.
Ikeclaim ko na eto ang magiging best summer ko!
Claiming it!!
*******
VOTE AND COMMENTS GUYS!!!!!!!!!
:)))))
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top