Part 4
Halos mapuyat ako kagabi pero salamat sa gatas na ininom ko, nakatulog ako.
Asusual, nagising ako sa masarap na amoy na luto ni Tom. Kahit mga kasama namin, gustong gusto na rin luto ni Tom.
Ayoko na ikwento kay Tom nangyari kagabi kasi siguradong magagalit na naman 'to dahil nagkekwento ako nang katatakutan.
Pagkatapos namin kumain, nakatambay lang kami sa condo. Sunday kasi ngayon pero sigurado na aalis si Tom at makikipag date kay Paula.
Kaya nung lunch, wala na si Tom at kami kami na lang natira.
"Victor!" Tawag sa'kin ni Leo sa kwarto.
"Yow" kapag si Leo nagsasalita minsan napapa conyo na rin ako eh.
"Samahan mo naman ako. Will buy some stuff lang sa grocery"
"Sure tara!"
"I already asked Gelo pero ayaw niya. Justin naman seems to have an appointment already"
"Okay lang. Now na?"
"Yes sana?"
Nag asikaso na ako. Nakabihis na rin si Leo pagkatapos kaya umalis na kami kaagad.
Pumunta kaming grocery na may dalang malaking cart.
"You know Victor, I have this weird na panaginip last night." Bigla niyang kwento.
"Ohh??"
"Yeah. Some kid is looking for you. Bata, I don't remember 'yung actual na nangyari pero yeah. Ang weird lang"
Fuck. Hanggang sa mga ka dorm ko nagpaparamdam 'yung babae.
Hindi na ako sumagot kasi mamaya makwento ko pa.
Tapos parang hindi mapakali si Leo. Tumitingin tingin sa paligid.
"Bakit?" Tanong ko.
"I dunno if you saw them kanina pero sila 'yung nasa lobby sa building kanina. 'Yung mga guys sa likod natin"
Hindi naman ako nag obvious. Buti nalang may salamin kaya tinignan ko nasa likod namin.
Hindi ko sila napansin kanina.
Siguro kasi hindi naman sila cute para mapansin.
Pero dalawang lalaki 'yun na nakaitim na jacket at cap na black.
"Dude, I'm pretty sure na sinusundan nila tayo" sabi niya.
Kumalma ako. Feel ko hindi sanay si Leo sa ganito.
Hindi rin naman ako sanay. Never pa naman ako hinabol ng lalaki sa grocery store.
One time, kami ni Hector naghahabulan sa grocery kasi malandi kami that time.
Pero iba 'to!
Naglalakad pa rin kami. Sinubukan namin lumiko sa may bilihan ng keso.
Nasa likod pa rin sila.
Literal na iniikot namin kada aisle sa grocery at sumusunod nga sila.
Fuck.
Bakit ganito? Anong nangayayari?
Nagsimula lahat ng weirdness simula nang pumasok kami ni Tom sa kabilang condo.
Nagpapanic na si Leo. Nakikita kong medyo shaky siya pero pinakalma ko siya.
"May bibilhin ka pa ba?" Tanong ko.
"Wa....wala na"
"Kalma, Leo. Baka namimili din sila"
Pero wala silang dalang tray.
Obvious na sinusundan nga kami!
"May kaaway ka ba?" Tanong ko
"What? No dude. I'm like so mabait."
Kahit sa ganitong sitwasyon, conyo pa rin siya magsalita.
"Okay. Okay. Wala naman akong kaaway at mabait din ako. I think" sabi ko.
"Well, kinakabahan na ako. I can't handle this pressure." Sabi niya.
So pumila na kami sa cashier pagkakuha ng kailangan namin.
Hindi na namin nakita kung saan pumunta 'yung dalawang lalaki.
Sinabi ko kay Leo at mukhang nakahinga siya nang maluwag.
"We should get na sana pang 2 weeks na grocery para hindi na tayo lalabas" sabi pa niya.
Tumawa na lang ako para gumaan loob niya.
Pagkabayad namin nang mga binili namin, nakita na naman namin 'yung dalawa.
Matanda na sila mga 30s. Hindi naman sila tumitingin sa'min pero hello, nandito na naman sila so baka kami talaga kailangan nila.
Sinama namin 'yung cart palabas ng grocery at may nakita kaming ni Leo na familiar.
Si Sir Jayden.
Nakita niya kami ni Leo. Naka short lang siya tapos white T Shirt at cap. Ang bad boy talaga ng datingan.
"Yow, talkshit!" Bati sa'kin ni Sir Jayden.
Awkward smile lang binigay ko.
"May birthday?" Tanong niya sa'min.
"Wala. Some stuff lang" sagot ni Leo.
"Pauwi na kayo?"
"Yes" si Leo lang sumasagot.
"Nice. Tara hatid ko na kayo"
This time, sumagot na ako.
"Huwag na Si.... Jayden. Kaya na namin" sabi ko.
"Oh okay. Pero goodluck kung makakahanap kayo ng taxi. Ang haba ng pila" sabi niya.
Dito sa loob, kita na 'yung pila at ang haba nga.
"Come on dude, atleast hindi na tayo makikita ng mga sumusunod sa'tin" bulong ni Leo.
Okay. Medyo creepy nga na may sumusunod sa'min kaya pumayag na rin ako.
"Good. Pero I'll grab something muna. Gusto niyo sumama muna kayo? Sandali lang 'to" sabi niya.
Wala naman kami magagawa so sumunod kami.
Naglakad kami sa mall tulak tulak mga pinag grocery namin tapos pumunta si Sir Jayden sa bookstore.
Pumasok din si Leo. Naiwan na ako sa labas para sa cart namin.
Pagkalabas nila, nagtatawanan sila at mukhang marami ding pinamili si Sir Jayden.
"Tara na?" Sabi ni Sir sa'kin.
Umoo lang ako.
Pagkadating namin sa parking lot at malagay lahat nang pinamili namin, sa harap ako umupo.
"Bakit mo ko tinalk shit kahapon?" Tanong ni Sir Jayden.
"Uhm... may mini party din kasi kami kahapon. Di'ba Leo?"
"Yes yes." Sagot niya.
"Ahh I see. Sayang. I'm looking forward pa naman na pumunta ka" alam ko si Sir Jayden nagsalita eh pero parang nahawa agad siya kay Leo.
"Kung sinabi mo kahapon na he's having a party edi sana doon na lang tayo nag party. Pool party 'yun!!" Sabi ni Leo sa likod.
"Nextime, invite ko kayong lahat ha?" Sabi ni Sir Jayden.
Hindi na ako sumagot hanggang makababa kami ng sasakyan.
Kinuha namin ni Leo pinamili tapos tumulong din si Sir Jayden.
"Kaya na namin Sir" sabi ko.
Tumingin lang siya sa'kin.
"Jayden" sabi ko pa.
"I know. May gagawin lang din ako dito" sabi niya.
Pagka akyat ng condo, pumasok din si Sir Jayden.
Inayos na ni Leo pinamili namin tapos lumabas na si Sir Jayden.
"Victor" tawag niya bago ko isara pinto.
"Po?"
"Hinintay kita kahapon. Sana nagsabi ka na hindi ka pupunta"
"Pasensiya na Sir. Biglaan lang. At saka first time namin sumahod eh hehe"
"Okay. Pero next time sumama ka ah?"
"Okay"
Pasara na pinto pero pinigilan niya uli.
Hinawakan niya kamay ko.
Okay assuming lang ako. May inabot siya sa kamay ko tapos binitawan niya agad.
Pagkatingin ko, key chain 'yun na Lady Gaga.
Okay, paano niya nalaman na mahal na mahal ko si Lady Gaga???
"Inorder ko pa 'yan online! Huwag mo walain ah!" Sabi niya.
"Teka paano niyo nalaman??"
"Nakita ko one time sa phone mo na puro siya 'yung nasa mp3"
"Tinignan mo phone ko?!"
"Nope. Si Tom. Hehe"
PAHAMAK TALAGA YANG THOMAS NA 'YAN.
"Bakit niyo po ako binigyan neto?"
"Lahat ng trainee binibigyan ko ng regalo."
"Oh."
"Sige na, may gagawin pa ako" sabi niya sabay paalam.
Umiwas siya sa kabilang kwarto kasi takot din siya. Tumawa na lang ako at pumasok sa loob.
Gosh. Lady Gaga keychain. Sinabit ko kaagad sa phone ko.
Tapos tinulungan ko si Leo sa pagliligpit sa kusina.
********
Napagdesisyunan namin ni Leo na huwag na ikwento sa iba 'yung sumusunod sa'min, baka kasi hindi naman talaga at assuming lang kami.
Pagkapasok namin kanina, wala na 'yung dalawang lalaki.
Another week sa office at agad na may pinagawa sa'kin si Maam Cherry.
"Kumusta weekend mo, Victor?" Tanong ni Maam.
"Okay naman po."
"Good. Kasi this week ang dami nating gagawin okay?"
"Okay po."
"Simulan mo na dito" nagabot siya sa'kin ng papel.
"Mga kalokohan 'yan ni Jayden. Taon taon na lang gusto niyang may summer outing!" Sabi niya.
Tinignan ko 'yung list na gusto niyang puntahan.
La Union nga 'yung best choice niya. With 300 employees.
Eto rin pala 'yung hinihinging tulong ni Sir Jayden sa'kin. Mukhang okay naman na lahat.
"Sabi ko kasi sa kanya, magtrabaho na lang siya dito pero ayaw niya!" Kwento ni Maam Cherry.
"Bakit naman po?" Hindi ko alam kung masyado akong chismoso pero wala na, natanong ko na.
"Ayaw niya magtrabaho dito. Ang gusto niya magsulat. Ano namang kikitain niya sa pagsusulat? Gusto pa niya magtravel? Inuubos niya 'yung pera niya sa kung ano anong bagay!"
Wrong move na tinanong ko kaya hindi na lang ako nag follow up question. Pero nagkwento pa siya.
"Sana lang tigilan na niya pag paparty at pag uubos ng pera. Kasi wala akong ibibigay sa kanya kapag naubos 'yon!"
Hindi pa rin ako sumagot pero mukhang tinitignan niya ako gumawa sa computer.
Tinatype ko lang naman lahat pati 'yung budget.
Nahuli ko siyang nakatingin sa'kin tapos umiwas siya.
"Alam mo, siguro namimiss lang ni Jayden 'yung pagiging teen niya. Hindi niya kasi naranasan 'yun. Nung nabubuhay pa Tatay niya, mahigpit 'yun sakanilang dalawa ni Jordan. Kaya school at bahay lang talaga"
ANONG ISASAGOT KO SA MGA SINASABI NG BOSS KO?!
"Pero ikaw, Victor. 18 ka lang. Baka pwedeng pakita mo sa kanya kung gaano kasaya maging 18...."
"Uhm, boring po ako Maam. School, dorm lang po ako palagi sa UP"
"I see. Pero taon taon, may nagiging favorite si Jayden sa mga trainees. Alam ko 'yun, mag nagrereport sa'kin pero this time mukhang ikaw favorite niya" sabi niya pa.
Hindi ko alam kung saan papunta 'yung usapan namin.
"Bantayan mo lang siya. O kung may party kayo na pupuntahan, sabihan mo ko. Mukhang ikaw 'yung tipo na 'on track', may path na sinusundan. Sana mahawaan mo si Jayden. Pakita mo sa kanya na kailangan na niya mag move forward."
This time, tumigil ako sa ginagawa ko.
"Please? Victor. Samahan mo siya palagi kung saan niya gusto."
ANG WEIRD NG OJT KO.
Magtrabaho para sa boss pati sa anak niya.
Pero wala naman masama kung gagawin ko.
"Sige po" ayun lang nasagot ko.
Tapos ngumiti siya.
Siguro kaya hindi ko siya matanggihan kasi Nanay siya at wala akong nanay na humingi ng favor sa'kin.
Simula nang malaman ko rin na hindi ko tunay na tatay 'yung alam kong tatay, sinubukan kong maghanap ng info about sakanya pero wala ako.
Siguro gagawin ko 'to kapalit ng info about sa tunay kong tatay.
Pero ayokong ipaalam kay Papa kasi baka magalit siya or magtampo. Gusto ko lang talaga makilala tunay kong magulang.
Siguro kaya niyang gawin 'yun! May pera siya eh.
Pero hindi ko muna ioopen ngayon.
Baka isipin niya na kaya ko gagawin 'to kasi may kailangan ko. Which is totoo naman.
Hinayaan na niya akong tapusin 'yung pinapagawa niya sa'kin.
*
After ng shift ko, umuwi kaagad ako ng condo.
Everytime dumadaan ako sa kabilang kwarto, nag sisign of the cross ako baka sakaling tigilan na ako ng babaeng multo.
Pagpasok ko, wala pa rin si Tom. Baka OT na naman. Si Leo lang tao doon.
"Victor, I ordered pizza awhile ago. Hope you're gutom!" Sabi niya.
"Nice. Hindi pa ako kumakain" sagot ko.
Humiga agad ako sa sofa habang nanunuod ng TV.
"Uy!" Sabi ni Leo sa phone ko.
"Bakit?"
"Well, this is a limited Lady Gaga keychain ah? Wow. Gusto ko rin neto!" Sabi niya.
"Paano mo nalaman??"
"Oh, I saw this one kasi kay Sir Jayden last time. Ganitong ganito actually. He told me na he'll give it to his girlfriend."
"Ganyang ganyan??"
"Yes."
Alam ko walang girlfriend si Sir Jayden.
So para sa'kin talaga?
Ganon tingin sa'kin ni Sir Jayden?
O assuming lang ako?
Hindi ko na lang sinabi kay Leo na galing kay Sir Jayden 'to at hinayaan ko na lang.
*******
VOTE AND COMMENTS!!!!!!!!!
:))))))))))
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top