Part 3
At dahil pasaway ako at natatakot sa kung anong mangyayari, hindi ako pumunta sa party ni Sir Jayden.
It's been a week since nag start OJT ko at so far so good. Weekly ang allowance na binibigay sa'min. 1k lang naman pero atleast meron.
May allowance pa ako galing kay Papa so mas mapera ako dito sa OJT.
Instead na sumama kay Sir Jayden, nag bonding na lang kaming magdodorm.
Bumili kami ng alak, Matador tapos chaser namin pomelo juice. Tapos sandamakmak na chichiriya.
Nagluto din si Tom ng sisig. Moment daw niya para magpasikat sa mga kasama namin.
Ikutan ang tagay namin. Masaya rin kasi puro kwentuhan.
Napansin lang namin na tahimik 'yung isa naming kasama, si Angelo.
"Dude, you're so tahimik! Speak up. Hindi naman kami monsters" sabi ni Leo
Seryoso. Nakakatuwa (hindi nakakatawa) magsalita si Leo. Nakaka goodvibes. Kasi kung kakakilala mo lang sakanya, maaartehan ka.
"Oo nga pre. Parang napilitan ka lang na mag training sa Manila ah?" Sabi naman ni Tom.
"Hehe. Hindi lang ako sanay sa usapan niyo at saka sa mga lugar lugar" sagot ni Angelo.
Si Justin naman, busy sa katext. Pero nakiki inom siya at nakikipag kwentuhan.
"Share mo sa'min. Tropa mo kami. Ilang linggo pa tayong magkakasama" sabi ni Tom.
"Yeah dude. We can handle it naman" basta kapag conyo words, si Leo nagsabi non.
Tumagay muna si Angelo bago siya nagsalita.
"Scholar ako. Full scholarship. Allowance, lahat. Naka budget lahat sa'kin. Walang wala kami. Ako lang inaasahan sa'min kaya nag alangan pa ako kung magtutuloy ako sa UP pero sabi ng Nanay, ituloy ko raw. Para din daw sa'kin 'to."
Nakatutok kaming lahat sa storya ni Angelo. Kahit si Justin, nakikinig na.
"Nag stop ako ng 2 years kasi kailangang kailangan na muna ng pera sa bahay. 'Yung allowance ko kasi pang sa'kin lang talaga.
Nang bumalik ako sa school, mahirap mag adjust. Kasi parang lahat may cellphone na. Parang required na. Dati naman hindi. Pero nang iopen ni Dean na kasali ako sa mag ttraining sa Manila, natuwa ako.
May natatanggap pa rin akong pera sa foundation. Tapos may allowance pa rito sa training. Malaking tulong na rin."
Ayoko kaawaan si Angelo kasi siguradong ayaw niya ng ganon. Buti na lang talaga bubbly si Tom.
"Nice! Dahil diyan shot na tayo!!" Sabi niya.
Ngumiti lang si Angelo at simula ng mag open siya, nakikitawa na rin siya sa'min ng malakas.
Maya maya, inopen ni Tom 'yung tungkol sa kabilang unit.
Iniwan na niya 'yung kwento tungkol sa nakita niyang picture ko sa drawer.
Nung una, ayaw nilang maniwala, pero nung sinangayunan ko si Tom, naniwala na sila.
"Seryoso. Nakakakilabot nga eh. Pero ngayon, naka lock na 'yung unit" sabi ko.
"Alam niyo ba sa bahay namin, parating may nagpaparamdam na multo." Sabi ni Angelo.
Okay, mas gusto ko na hindi siya mag oopen ng ganitong topic.
"... pero mabait na multo 'yun. Parang gusto niya lang maglaro. Namatay 'yung bata sa landslide tapos palagi lang naglalaro sa labas kaluluwa niya.
One time, nag invite ng albularyo si Nanay. Pagbaba na pagbaba ng albularyo, nagpaalam na kaagad siya sa'min.
Ang sabi niya sobrang lakas ng espiritu ng bata. At kapag naramdaman daw nung bata na nagtawag kami ng albularyo, baka maging masamang spirito siya.
Simula non, hinayaan na lang namin. Kaya hindi ako masyadong natatakot sa multo"
Again, nakatutok na naman kami sa kwento ni Angelo.
"Pero ang ginagawa namin, nag ooffer kami ng bulaklak. Kapag grabe 'yung paglalaro niya, nag lalagay kami ng sampaguita sa labas ng bahay. Para kahit papaano, tumahimik siya. Effective naman."
Alam kong natatakot na si Tom. Kunwari matapang lang siya kaya siya nakikinig.
"Okay so, pwede bang mag change ng topic???" Sabi ni Tom bigla.
Pero hindi tumigil kwento ni Angelo.
"Hayaan niyo lang sila. Baka may hindi pa siya natatapos na gawin sa mundo kaya nagpaparamdam siya sainyo. Huwag kayo matakot."
"Nakakatakot kaya!!" Sabi ni Tom.
"Haha, matakot lang kayo kapag may nawala kayong bagay bigla" sabi niya pa
"What do you mean nawalang bagay?" Tanong ni Leo na akala ko hindi nakikinig.
"Example.... relo. Kunwari, araw araw mo gamit tapos biglang nawala. Ibig sabihin non, kinuha niya. Ng multo. At may ibig sabihin lang non, may kailangan siya sa'yo. Either may gusto siyang ipagawa o may kasalanan kayo sa kanya"
FUCK!!!
'Yung picture ko!
Kinakabahan ako. Nasa kabilang kwarto picture ko!
Ibig sabihin may kinalaman ako sa babaeng namatay? Ang weird.
Kinikilabutan na ako sa pwesto ko pero hindi ko pinapakita.
Nagkekwento pa si Angelo nang kakatakutan sa kanila pero para kong bingi na walang naririnig.
ANONG KINALAMAN KO SA MULTO SA KABILANG UNIT?!
*******
Nakahiga ako, halos hindi ako makatulog.
Nakita ko si Tom kanina na tumungga ng isang buong basong shot ng Matador para daw malasing siya ng todo at makatulog.
Effective naman kasi bagsak na bagsak siya at humihilik hilik pa.
Napansin ko rin na tulog na 'yung iba pero si Justin gising na gising pa at may katext, nakikita kong tumatawa tawa pa siya.
Pinilit ko na lang makatulog pero hindi ko talaga kaya.
Tumayo ako para uminom ng gatas. Hindi ko alam kung okay 'yung gatas at alak pero kailangan ko makatulog.
Habang nagtitimpla ako, napansin kong bumukas 'yung pinto.
TANGINA. Sinong magbubukas ng pinto?!!
Sumilip ako sa kwarto, nandon pa si Justin. At kumpleto lahat sa kwarto.
Pero 'yung pinto, bumubukas talaga tapos sumasara.
Takot na takot ako pero at the same time sobrang curious!
Dahan dahan akong lumapit para sumilip sa labas pero tahimik 'yung hallway.
Kaya sinara ko uli 'yung pinto at ni lock.
Pagbalik ko ng kusina, may narinig ako.
Parang may dumaan sa harap ko.
Pero wala.
Nagtayuan mga balahibo ko.
"Huwag mo siyang palalabasin"
HALOS MAPASIGAW AKO pero walang tunog na lumabas.
May narinig akong nagsabi niyan! Boses babae!
Walang babae sa condo namin!
Mahina lang 'yung boses. Parang bata.
Tinungga ko na 'yung gatas tapos bumalik ako sa kwarto.
Tumingin lang sa'kin si Justin.
"Okay ka lang?" Tanong niya na medyo pabulong.
Ang bilis pa rin ng tibok ng puso ko.
"Okay lang." Sabi ko.
"Kwento lang ni Gelo 'yun. Huwag mong isipin masyado!" Sabi niya sabay balik sa pagtetext niya.
Hindi ko naman iniisip eh.
NANGYARI SA'KIN NGAYON NGAYON LANG.
Anong ibig sabihin non?
"Huwag mo siyang palalabasin?"
Kung hindi lang nakakatakot 'yung setting ng lugar, kabastusan maiisip ko doon.
Huwag mo siyang palalabasin.
Sino? At ano?
******
SHORT UPDATE para sainyo! Haha.
Ayus ba? Haha
VOTE AND COMMENTS ULI!!
Kapag naka 100++ votes lam na :)))))
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top