Part 25
Nakaupo pa rin ako sa may kama. Siya naman nakasandal sa may dingding habang nakatingin sa'kin.
Maliit lang 'yung kwarto kaya parang dalawang ruler lang pagitan namin.
Nakatingin lang siya sa'kin.
Wala siyang sinasabi.
Hawak hawak ko 'yung tuwalya na pinapangtakip ko sa'kin.
Bigla siyang naglakad, akala ko palapit sa'kin pero kinuha niya 'yung bathrobe sa gilid ko at inabot sa'kin.
"Bihis ka muna" sabi niya.
Kinuha ko 'yung bathrobe.
Nahawakan ko ng bahagya 'yung kamay niya pag abot. Bigla siyang ngumiti nang kunin ko 'yung bathrobe.
Sumandal uli siya habang nakatingin sa'kin.
"Suotin mo muna 'yan" sabi niya.
Maraming factor kung bakit ayokong tumayo.
1. Matigas siya. As in, tigas na tigas. Kaya mahahalata niya.
2. Nahihiya akong tumayo para magbihis.
3. Hindi naman matatakpan neto 'yung boner ko!
"Uhm. Talagang nakaharap ka?" Tanong ko.
"Nakita ko naman na 'yan ah?" Sabi niya sabay ngiti uli.
Gosh. Bakit ang gwapo niya ngayon.
Ang lakas maka gwapo ng all white na damit. Tapos si Hector pa may suot.
Paano kumalma?
All this time na nagdodoubt ako na magmahal uli dahil sa kanya tapos ngayon, nasa harap ko na siya.
"Tatalikod ako. Sabihin mo kung okay na ha?" Sabi niya.
Tumalikod nga siya. Dinikit niya pa 'yung noo niya sa pader.
Sumilip muna ako kung talagang hindi niya ako nakikita.
Kaya nagmadali akong magsuot ng bathrobe tapos umupo uli.
"Okay na." Sabi ko.
Humarap na uli siya.
Sumandal uli.
Tahimik lang kami.
Eye to eye. Pero umiiwas ako ng tingin kapag medyo matagal na kaming magkatitigan.
Bigla bigla naman siyang ngingiti kapag titingin uli ako tapos wala na kong magagawa kung hindi ngumiti din.
"Hindi ka pa rin nagbabago, ang cute mo pa rin" bigla niyang sabi.
Nahihiya ako. Ramdam kong namumula ako.
"6 months pa lang naman nung huli tayong magkita" sabi ko.
"6 months 12 days and...." tumingin siya sa orasan niya "2 hours, since last na nagkita tayo"
Gusto ko siyang yakapin.
Gusto ko siyang halikan.
Gusto ko siyang maramdaman.
Ang dami kong gusto pero hindi ko magawa.
Ayokong mag assume na single pa rin siya kasi 'yang ganyang itsura at ugali, imposibleng walang magmahal diyan.
"Sure ka bang ayaw mo na ng massage? May oras pa naman tayo" sabi niya.
"Ah.... hindi na. Okay na ako..." hindi pa ako makapagsalita ng maayos.
"Good. Pwede ka bang mayayang kumain? Hindi pa kasi ako nagdidinner eh" sabi niya.
Bakit hindi ka pa kumakain? Though mas gusto kitang kainin ngayon, kailangan kong magbehave.
"Ahh. Sige, medyo gutom din ako eh" sagot ko
"Nice! Hintayin kita sa labas ah?" Sabi niya.
Pagkalabas niya at pagkasara ng pinto, nakahinga ako nang maluwag.
Hindi pa rin ako makapaniwala.
Hindi pa rin ako makapaniwala na matigas pa rin 'yung ano ko.
Tumayo ako at nag shake shake ng katawan.
"Woo! Kaya mo 'to, Victor!" Sabi ko sa sarili ko.
Lumabas ako at pumunta doon ss babae kanina.
"Nag enjoy po ba kayo, Sir?"
Mukhang iba nasa isip ni Ate. Pero hindi ko na lang pinansin.
"Yes. Thank you!" Sagot ko.
Kinuha ko na uli 'yung damit ko at nagsuot saka ko lumabas.
Nakita ko na si Hector sa labas. Nagpalit siya ng damit.
Naka black pants at white T Shirt.
Ngumiti uli siya ng malaki pagkakita niya sa'kin.
"Saan tayo kakain?" Tanong ko.
"Nagpareserve na ako, tara?" Sabi niya.
Umaasa ako na aabutin niya kamay niya para hawakan ko pero hindi niya ginawa.
Hindi pa nagdidikit katawan namin maliban doon sa daliri niya nang iabot niya 'yung bathrobe kanina.
Sumakay kami ng elevator pero imbis na bumama, umakyat kami.
"Saan tayo pupunta?" Tanong ko.
Pero wala siyang sinabi.
Pagbaba ng elevator, naglakad lakad kami hanggang sa makarating kami sa isang pinto.
Pagbukas, may hagdanan paakyat.
Pagka akyat namin, andon na kami sa rooftop.
Ang lamig ng simoy ng hangin.
May naka set up na table sa gitna, may mga christmas lights sa gilid at nakita ko si Sir Jordan doon.
Nandoon din si Sir Jayden na nag lalabas ng champagne.
Ngumiti silang dalawa nang makita ako.
Nagyakapan pa silang tatlo bago nagpaalam 'yung dalawa sa'min.
Pinaupo niya muna ako saka siya pumwesto sa harapan ko.
May nakahain na spaghetti at red wine.
Tinitignan niya ako pero hindi ako makatitig. Ang dami kong tanong sa kanya.
"Kain ka na" sabi niya habang sumusubo ng pagkain niya.
Sinubukan ko ring kumain muna bago ko itanong mga tanong ko.
"Busog ka ba?" Tanong niya.
"Hindi naman. Medyo lang" bakit hindi makapag function ng utak ko?
Ngumiti lang uli siya sabay kain.
Kumain na lang din ako hanggang sa maubos namin 'yung pagkain namin.
Saka ako nagkalakas ng loob para magtanong.
"Magkakilala kayo nila Sir Jordan at Sir Jayden?" Tanong ko.
"Oo." Sagot niya lang.
Bakit Oo lang?! Gusto ko ng paliwanag!
"Kailan pa?" Tanong ko.
Natawa lang siya sabay kuha nung baso na may lamang wine. Tumayo siya at pumunta sa dulo habang nakatingin sa view sa baba.
"Tignan mo 'to, ang ganda" sabi niya sa'kin
Tumayo ako at lumapit sa kanya. Hindi pa rin ako dumikit kasi nahihiya ako.
Pero parehas kaming nakadungaw habang pinagmamasdan 'yung view.
"Ang ganda ng view no?" Sabi niya.
Umoo ako. Pero nang tignan ko siya, nakita kong nakatingin siya sa'kin.
"Sobrang ganda ng view" sabi niya uli habang nakatingin pa rin.
Ang hirap itago ng kilig sa ganong moment.
"Kailan ka pa bumalik?" Tanong ko kaagad.
Binaba niya 'yung baso sabay sandal.
"Kahapon lang." Sagot niya.
"Bakit ang bilis naman ata?"
"Bakit? Ayaw mo ba akong makita?"
"Huh? Uhm hindi... natanong lang"
Shit.
"Ahh. 1 year talaga supposedly pero 'yung ibang work, pwede nang gawin dito sa Manila kaya sabi ko, dito ko na lang gagawin" sabi niya.
"Ohhh..... okay.... so, paano mo nakilala si Sir Jordan at Sir Jayden?"
"Haha. Una sa lahat, boss ko sila. Boss ko Mama nila, si Maam Cherry?"
Ofcourse! Siya 'yung secretary ni Maam Cherry!
"Alam mo naman na kailangan kong bayaran utang ko kay Jason di'ba? Enough naman na 'yung work ko sa London for 6 months para mabayaran siya. Kaya pumayag na lang din ako na bumalik"
"So... Si Sir Jordan?..."
"Si Maam Cherry talaga boss ko pero maraming akong ginawang favor para kay Sir Jordan."
"Katulad ng?"
"Si Jason. May influence kasi siya sa mga investors na gustong makatrabaho ni Sir Jordan...."
"So, ginamit mo si Jason??" Tanong ko.
"Ha? No. Hindi ako ganon. Nagkataon lang na kami na ni Jason noon. Well, doon niya nalaman 'yung tungkol sa'kin kaya nanghingi siya ng favor na kumbinsihin si Jason na pumayag siyang kausapin 'yung investors para mag invest kay Sir Jordan. So, ayun, pumayag siya"
Now I know bakit sobrang attached ni Jason kay Hector noon.
"Yeap. Eh si Jayden?"
"Ah. Si Sir Jayden, kainuman ko 'yan palagi. Palaging nagyayaya 'yan. Mas close kami ni Jayden. Kaya nga Jayden lang tawag ko sa kanya eh."
"Ohh.."
"Then nahuli ko siya one time na gustong mag overdose, buti napigilan ko. Then kinwento niya sa'kin lahat nang pinagdaanan niya kaya mas lalo kaming naging close. Nasabi niya sa'kin na nakwento niya sa'yo"
"Nasabi niya?"
"Oo. Bakit?"
"Eh kahapon lang kami nagkwentuhan about doon ah? So palagi kayong magkausap?"
"Hindi naman palagi. Pero palagi siyang nag uupdate sa'kin tungkol sa'yo"
Ah! So mas malinaw na lahat. Kaya close sa'kin si Sir Jayden para bantayan(?) siguro ako.
"Okay, so.... bakit ka naging masahista?" Tanong ko.
"Haha. Hindi. Nag request lang ako na ako magmasahe sa'yo"
"Hmmmm... so may dalawa akong tanong diyan. Una, paano ka kasigurado na magpapamasahe ako? Pangalawa, bakit ang galing mong magmasahe?"
Tumawa naman siya.
"Okay, ah, ilang araw na kayong bumabyahe so alam kong kailangan mo ng masahe. Pangalawa, alam ko kung paano ka pasayahin" sabi niya.
Hindi ko alam paano sagutin 'yun kaya sumandal na lang din ako.
Medyo malamig kaya niyakap ko sarili ko.
Nakita naman ni Hector ginawa ko kaya pumunta siya sa harap ko para hawakan braso ko.
Pinapainit niya ako pero hindi niya alam, isang hawak niya lang nag iinit na ako.
"Malamig pa?" Tanong niya habang patuloy sa ginagawa niya.
"Hi...hindi na" sagot ko.
Nagtitigan kami.
Ang gwapo niya talaga sa malapitan.
Ang bilis ng tibok ng puso ko.
"Huli na ba ako?" Tanong niya.
"Anong tinutukoy mo?"
"May mahal ka na bang iba?"
Hindi ako makapagsalita.
"Sabi ni Jayden ano...." sabi niya
Masaya ako kay Jared pero hindi ko siya mahal na katulad nang pagmamahal ko kay Hector.
Pero hindi ko naman pwedeng itanggi na hindi ako masaya kay Jared kasi masaya talaga ako.
Iba lang talaga ang kaso ni Hector, Mahal ko siya.
Mahal ko si Hector.
"Ikaw? May mahal ka na bang iba?" Tanong ko sa kanya
"Ikaw. Mahal Kita."
Bumababa hawak niya papunta sa mga kamay ko.
Hinawakan niya nang mahigpit kamay ko. Ganon din ginawa ko.
"Hindi ka nawala sa isip ko" sabi niya.
Wala na akong nagawa.
Hinalikan ko na siya sa labi.
Good thing, gumanti din siya at binitawan niya kamay ko para hawakan mga pisngi ko.
Sobra ko 'tong namiss. Halik ni Hector. Halik ng Mahal ko.
Hindi kami mapakali.
Kung saan saan na napupunta kamay namin.
Gusto ko siya. Gusto ko lang ng ganito.
Then kumawala siya.
"Ang sarap mo pa rin" sabi niya sabay tawa.
Hindi naman ako sumagot, tumawa lang din ako.
"Nung nakita kita kanina, nakadapa. Hindi mo alam kung gaano ako nagtimpi." Sabi niya.
"Kahit ako" sagot ko.
"Talaga???"
"Oo. Nung nakita kita, hindi rin ako mapakali"
"Mabuti kung ganon."
Natahimik na naman kami pero enough na 'yung hawakan namin sa isa't isa para malaman 'yung gusto naming sabihin.
"Sobrang sakit sa'kin nung iniwan kita sa Baguio pero baka hindi ako umalis kung hihintayin pa kitang gumising non" sabi niya.
Hinigpitan ko lang hawak ko sa kanya kasi hindi ko alam sasabihin ko.
"Liligawan uli kita. Papakita ko sa'yo na simula ngayon, hinding hindi na ako aalis. Simula ngayon, nandito lang ako sa tabi mo. Simula ngayon, sa'yong sa'yo lang ako"
Umiiyak si Hector. Naiiyak din ako sa sinabi niya kaya hinalikan ko uli siya.
Ngayon, mabagal lang. Dinadamdam ko bawat galaw ng labi namin.
"Mahal na Mahal kita, Victor" sabi niya.
Yumakap ako nang mahigpit.
"Mahal na Mahal din kita" bulong ko sa kanya.
********
VOTE AND COMMENTS!!!!!! :))
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top