Part 24

Excited na ako sa plano ni Sir Jordan kasi magchichill lang daw kami sa Tagaytay.

Matapos nang lahat ng drama dito, parang gusto ko na lang mahiga sa malambot na higaan at matulog nang matulog.

Naghihintay kami ng 6PM para sa flight at nandito na kaming lahat sa airport.

Hindi pa rin kami nagpapansinang tatlo. Si Jared at Sir Jayden naka earphones lang.

Si Sir Jordan naman, masaya na kasi nagcharge na uli phone niya.

Si Tom naman kasama ko, nakwento ko sa kanya lahat kaya ang sabi niya sa kanya muna ako tumabi.

Surprisingly, ang payapa ng flight. Ang tahimik, katabi ko si Sir Jordan kasi hindi ko ma take landian ni Tom at Jenica.

Busy naman siya sa laptop kaya ang tahimik talaga.

Since nasa window side ako, nakatingin na lang ako sa view.

Ignorante pa rin talaga ako pagdating dito kaya inenjoy ko last na sakay ko ng eroplano ngayon.

Narinig ko namang sinara ni Sir Jordan 'yung laptop niya kaya napatingin ako.

"Masaya ka ba sa bakasyon?" Tanong ni Sir Jordan.

"Sobra, Sir. Thank you!"

Saktong may dumating na attendant at binigyan kami ng salad at juice.

Infairness, ang sarap din ng pagkain sa eroplano.

"Ano pong gagawin sa Tagaytay?" Tanong ko sa kanya.

"Uhm. Secret."

"So may plano po kayo? Sabi kasi nila Sir Jayden chill lang daw pagdating sainyo"

"Chill nga lang pero this year kasi may plano ako" sabi niya.

"Pwede ko bang malaman?"

Nag isip siya ng konti sabay ngiti.

"Siguro may kinalaman 'to sa'yo" sabi niya.

"Sa'kin?"

"Oo. Sa'yo."

Baka alam na niya 'yung kay Sir Jayden at Jared.

Kinakabahan tuloy ako pero mukhang hindi naman.

"Ano pong meron sa'kin?" Tanong ko.

"Basta mamaya. Malalaman mo." Sabi niya sabay ngiti

Ngayon lang naging ganito si Sir Jordan sa'kin. Ang weird. Pero hinayaan ko.

Hanggang sa makababa kami ng eroplano at pagsakay ng sasakyan, hindi ako umiimik.

9PM na kami nakarating ng Tagaytay, mabuti na lang malamig.

Hindi lang 'yon, sa hotel pa kami mag sstay kaya okay na okay.

Ang ganda ng reception ng hotel. Naupo muna kami sa gilid habang kumukuha ng kwarto si Sir Jordan.

Pagkabigay sa'min ng susi, dumiretso kaagad kami sa kwarto. Magkakasama uli kaming tatlo.

Ang maganda pa sa hotel namin, sa 10th floor kami tapos may view pa na maganda sa bintana.

Nagsolo muna ako rito para mapag isa.

Nagpaalam naman si Tom sa'kin na aalis sila ni Jenica para maglakad lakad. Hindi na ako sumama kahit niyaya nila ako.

Atleast, solo ko 'yung kwarto.

Humiga kaagad ako.

Nakatingin lang ako sa kisame.

Pinikit ko lang saglit mata ko tapos nagising ako dahil may kumakatok sa pinto.

Pagbukas ko, si Jared.

"Hi!" Bati niya.

"Hello."

"Pwede ba ko pumasok?"

Pinag isipan ko muna. Pero parang wala ako sa mood makipag usap sa kanya. O sa kung kahit na sino.

Parang gusto ko lang mahiga tapos magpahinga habang may nagmamasahe sa'kin.

"Uhm. Matutulog na kasi ako. Actually, natutulog na nga ako eh." Sabi ko na lang.

"Ganon ba? Usap tayo bukas ha?"

"Sige sure." Hindi ko na hinayaan na tumagal usapan namin kaya sinara ko kaagad pinto.

Nahiga uli ako sa kama.

Narinig ko namang bumukas 'yung pinto tapos sumisilip si Sir Jordan.

"Hi, natutulog na ba kayo?" Tanong niya.

"Uhm. Umalis sila Tom eh" sagot ko.

"Oh, so ikaw lang nandito?" Sabi niya sabay pasok na ng tuluyan sa kwarto.

"Opo."

Napansin kong naka bath robe lang siya at sa itsura niya, mukhang wala siyang suot na damit. Mukhang nakahubad siya.

"Gusto mo ba sumama? Magpapa masahe kasi ako" sabi niya.

Agad akong tumayo.

"Ugh! Salamat! Kanina ko pa po gusto 'yan!" Sagot ko.

Sinundan ko siya pababa ng elevator. Pumasok kami sa isang kwarto na sobrang payapa.

Ang ganda ng ilaw, may pa kandila pa at sobrang nakaka relax 'yung amoy.

"Jordan." Sabi niya sa babaeng nandoon.

"This way, Sir"

Naglakad si Sir Jordan tapos sumunod ako. Pero pinigilan ako ng babae.

"Sir, pwede po kayong magbihis sa changing room, may provided po na towel and bath robe doon" sabi niya.

"Kailangang nakahubad talaga?" Bulong ko.

"Yes, Sir." Sabi niya sabay ngiti.

Fvck.

Sensitive pa naman ako. Paano kung bigla akong magka boner habang hinihilot.

Gusto ko na mag back out kaso baka kung ano isipin ni Sir Jordan.

So naghubad na ako ng damit, nagsuot ng bath robe at nagdala ng tuwalya.

Ang weird sa pakiramdam maglakad ng walang suot na brief. Grabe mag sway si junjun eh.

Habang naglalakad, tinuro sa'kin nung babae na magbabad daw muna ako. Hindi ko naman alam ibig sabihin noon pero pagpasok ko ng pinto, naintindihan ko.

May malaking hot tub! Hindi ko alam kung kumukulo sa init 'yung tubig o talagang ganon lang 'yun?

Nakita ko si Sir Jordan doon, mag isa. Nag rerelax.

Sumenyas siya na samahan ko siya pero syempre hindi ako tumabi sa kanya, pumwesto ako sa harap niya.

Hinintay ko siyang pumikit uli bago ko tinanggal 'yung bath robe at lumubog.

Grabe ang init pero nakaka relax. Talagang mapapasandal ka at mapapapikit.

"Ang sarap no?" Sabi niya.

Umoo lang ako.

"Eto lang naman habol ko rito." Sabi niya. Mukhang gusto niyang makipagkwentuhan kaya sumasagot ako.

"Parang hahanap hanapin ko na rin 'to"

"Hehe lalo na 'yung maghihilot. Sobrang sarap!" Sabi niya.

"Nakakahiya nga po eh, kailangan bang nakahubad talaga?"

"Professionals naman mga nandito. Hindi 'to 'yung nire-raid kasi may extra service. At please, huwag ka mag request non kasi sa'kin nakapangalan. Okay?"

"Oo naman po!" Sagot ko agad.

"Pwede ka naman mamili kung lalaki o babae eh. Saan ka ba mas komportable?"

"Mas okay po sana kung lalaki."

"Ahh"

Parang mali ata sagot ko. Si Sir Jordan pala kausap ko.

Kapag ba gusto mo magpahilot sa lalaki, bakla ba datingan non?

"Saan mo balak magtrabaho pagkatapos mo mag aral?" Bigla niyang tanong.

Hindi ko naman ineexpect 'yung tanong niya.

"Hindi ko pa po iniisip 'yun eh"

"Ahh. Well, alam mo naman na open kami palagi pagdating sa mga trainee namin"

"Alam ko po. Kung maganda benefits sainyo, paggraduate na paggraduate, mag aapply na ako kaagad"

Tumawa naman siya.

"Pero salamat ah?" Bigla niyang sabi.

"Salamat po saan?"

"Alam ko ginagawa mo kay Jayden. Sinabi sa'kin ni Mama. Hindi ko alam pero mukhang may depression si Jayden eh. Hindi niya kayang ihandle sarili niya kaya in the end, sinasaktan niya na lang sarili niya."

Ang crucial ng ganitong topic. Parang hindi ko kayang magsalita baka kasi mali masabi ko.

"Basta Salamat. At alam ko kung paano ako makakabawi." Sabi niya pa.

Bago ko tanungin kung ano 'yun, nakarinig ako ng tunog ng bell.

"So, tapos na ako magbabad, Victor. Kapag narinig mo uli 'yung tunog na 'yun ibig sabihin pwede ka ng tumayo. Sundan mo lang 'yung babae kanina ah?" Sabi niya.

Tumayo siya at ayun na nga, nakahubad siya. Wala talagang suot.

Hindi ko nakita. Hindi ko tinignan. Kasi nahiya ako.

Promise.

At nung paglabas niya, naiwan na ako.

Ano kaya 'yung sinasabi niyang makakabawi siya sa'kin?

****

Narinig ko na nga 'yung bell at tumayo na ako saka nagpunas at nagsuot ng bathrobe.

Paglabas ko, nandoon 'yung babae.

"Satisfied, Sir?" Tanong niya.

"Sobra"

"Good. Now, follow me"

Sumunod nga ako. Pumasok kami sa isang maliit na kwarto na may higaan. Pero nakadapa 'to tapos 'yung ulo mo nakapatong sa may pabilog na may butas para siguro makahinga ka.

"Be ready, Sir. At tatawagin ko na 'yung masseur niyo"

Pagkasara niya ng pinto parang ayoko ng ituloy.

Hindi ko pa naman dala 'yung damit ko kaya no choice talaga ako kung hindi dumapa nang nakahubad.

Buti na lang may kumot at ayun na lang pinantakip ko sa bandang ibaba.

Maya maya may pumasok na na lalaki. Hindi ko siya masyadong tinignan kasi nahihiya ako.

Kaya dumapa na ako kaagad.

Siya na nagtakip ng tuwalya sa may pwetan ko.

"Good Evening, Sir!" Bati niya. Gosh, ang gwapo ng boses.

"Good Evening!" Bati ko rin.

Habang naka dapa ako, naramdaman ko na 'yung oil sa likod ko.

At nang hawakan niya likod ko, napaungol ako sa sarap.

Grabe, ang galing niya maghilot.

Nakakahiya lang na parang ungol na nakikipagsex 'yung tunog nung akin.

"Ang daming lamig ng katawan niyo, Sir" sabi niya

Hindi ko naman alam ibig sabihin non, kaya umoo na lang ako.

Binaba niya 'yung hilot at halos mabaliw ako nang dumating sa may lower back bago mag pwetan.

"Ahhh!!!"

Iniwasan niya 'yung pwet ko tapos sinimulan niyang hilutin binti ko hanggang sa talampakan.

Ayoko ng tumayo. Gusto ko na lang magpahilot ng ganito sa buong buhay ko.

Maya maya, umakyat 'yung hilot niya sa may balakang ko.

Doon na ako kinilabutan.

Iba 'yung hawak niya. Sensitive talaga 'yan! Kaya nararamdaman ko na tinitigasan na ako.

"Uhm.... huwag diyan, Kuya." Sabi ko.

Pero hindi niya ako pinapakinggan.

Though sobrang sarap ng pisil niya, parang alam na alam niya kung saan kiliti ko, hindi pepwede kasi ramdam ko na 'yung sobrang tigas.

"Sir, harap na po kayo." Sabi niya.

"Harap?"

"Yes, Sir."

"Uhm, titihaya ako?"

"Yes, Sir"

Shet.

"Uhm. Okay na po ako Kuya. Satisfied na hehe"

"Gusto kitang makita"

Parang nagbago boses niya.

Parang pilit lang kasi 'yung boses niya kanina pero this time, eto talaga boses niya.

Agad kong sinilip kung sino siya pero hindi pwedeng hindi niya makita boner ko kaya hindi ko na tinuloy.

"Please, Mahal."

At ayun na nga.

Isa lang tumatawag sa'kin niyan.

At alam na alam ko na 'yung boses na 'yan.

Wala na akong paki kung makita niya.

Agad akong bumangon at umupo at nakita ko siyang naka suot ng all white na damit na may mask.

Kahit mata niya lang makita ko, kilalang kilala ko siya.

"Hi, Victor."

Pagkatanggal niya ng maskara, parang gusto kong maiyak.

Nasa harap ko ngayon si Hector.

*******

VOTE AND COMMENTS!!!!!!!!

:)))))))

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top