Part 22

"Alamat ng Tokneneng.

Nagkaroon ng tokneneng nung 1872, panahon pa nang pananakop ng Espanya sa Pilipinas.

Naimbento ito ni Ka-Berto.

Habang nakikipaglaban ang mga Pilipino noon, siya naman nag aalaga sa mga sugatang sundalo. Nagpapakain, nag gagamot.

May poultry siya sa likod ng bahay niya at doon siya kumukuha ng itlog para gumawa ng tinapay.

Galit ang mga Espanyol dahil nagtatago raw ng itlog si Ka-Berto. Kaya ang ginawa niya, para hindi niya ibigay ang mga itlog, pinakuluan niya tapos binalot niya sa ginagawa niyang tinapay.

Pero hindi kumbinsido ang mga Espanyol, kaya ginawa niya, pinrito niya para magmukhang gumagawa siya ng doughnut.

Fun fact: ayaw ng mga Espanyol ng doughnut kasi raw hindi sila nagpauso non.

So naniwala naman sila kaya pinabayaan na nila si Ka-Berto.

Pero 'yung makulit na kapatid niya, natapunan ng food coloring 'yung ginagawa niya.

Kaya kulay orange ang tokneneng.

At 'yun ang alamat ng tokneneng"

Lahat kami nakatingin kay Jared.

Bumalik na kasi kami sa lahat, nakaupo na kaming pabilog sa may bonfire.

Nakinig din mga tao doon sa storya ni Jared pero lahat kami literal na nakatulala.

"Nasaan 'yung tokneneng doon?!" Tanong naman ni Sir Jayden.

"Teka teka, hindi pa kasi tapos 'yung storya!" Sagot niya.

"Pero sabi mo ayon na 'yung alamat ng tokneneng?! Ayun na 'yun?"

"Makinig ka Kuya. Eto na 'yung twist.

So, nagalit si Ka-Berto sa kapatid niya pero in the end, nagustuhan naman ng mga Pilipino.

Nagulat siya kinabukasan, pinipilahan na 'yung bahay nila para lang makakain ng tokneneng."

"Oo na! Pero bakit tokneneng pangalan?! Trip lang nilang pangalanan ng ganon?" Si Sir Jordan naman 'yung nagtanong.

Lahat kasi nakainom na.

First time ko lang uminom nang kaunti para maenjoy ko 'yung gabi.

Si Tom at Jenica naman ineenjoy din 'yung gabi at etong kwentuhan na 'to.

"Eto na!

So bale, bentang benta 'yung naimbento nila.

Sabi ng kapatid ni Ka-Berto, 'Patok na Patok ang ginawa nating Tokneneng!'

Sumagot si Ka-Berto 'Patok na Patok, Neneng'

Ang pangalan ng kapatid ni Ka-Berto eh Neneng. Patok na Patok, Neneng. Tok-Neneng. HAHAHAHAHHAAHAHAHAHA"

Infairness naman tumawa lahat ng mga tao, kahit ako natawa.

Nakakatawa kasi 'yung pasok ng tawa ni Jared kaya bumagay sa kwento.

"Magaling! Magaling! Plot twist nga!" Sabi ni Sir Jayden.

"Hindi ko ineexpect 'yun! Feeling ko magiging magandang movie 'yan starring Anne Curtis bilang Neneng at Christopher De Leon bilang Ka-Berto!" Singit ni Tom.

Tawanan pa rin nang tawanan.

Hanggang sa mag lie-low lahat.

Lumipas pa 'yung gabi at nagsitulugan na 'yung mga tao.

Pumunta na rin ako sa kubo ko para magpahinga.

Pero biglang kumatok si Sir Jayden sa kubo ko.

"Hello" ang random ng Hello niya!

"Hi!" Parang mga sira lang kumustahan namin.

"Matutulog ka na ba?" Tanong niya.

"Uhm, bakit po?"

"Wala lang. Baka gusto mo makipagkwentuhan" sabi niya.

Pinapasok ko naman siya. Pumasok din siya sa loob nang ginawa kong higaan na may kulambo.

Buti na lang kasya kami.

"May problema ba?" Tanong ko.

"Wala naman. Gusto lang kitang kumustahin. Okay ka naman sa bakasyon?"

"Ah.. okay lang po..."

"Sorry kung dito tayo dinala ni Jared. Akala ko tatapatan niya 'yung extreme na plano ko eh!" Sabi niya

"Haha, extreme din naman 'to. Walang CR, kailangang magbungkal ng lupa para jumebs"

"Hehe, pero tradition lang daw nila 'to. May sarili naman daw silang bahay. Pumunta lang talaga sila para mag celebrate" kwento niya.

Bigla namang natahimik. Tunog lang ng crickets maririnig mo.

Ayoko rin namang magsalita.

Hindi rin siya nagsalita.

So nahiga muna ako.

Humiga din siya.

"Ang saya dito no?" Sabi niya.

"Masaya? Akala ko ayaw mo kasi gusto mo sa hotel?"

"No. I mean, ang ganda. Ang fresh ng hangin. Fresh ng pagkain. Hindi mo kailangan ng aircon para mapreskuhan. Nilalamig na nga ako eh"

"Ako nga rin eh hehe"

"Ikaw ba? Saan mo gustong tumira? Sa ganito? O sa city?"

"Syempre gusto ko sa City. Parang hindi ko yata kaya 'yung walang kuryente. Pero maganda 'yung paminsan minsan, pupunta ka sa ganitong lugar" sabi ko.

"Tama ka."

Ramdam ko 'yung pagod sa tono ng boses niya. Medyo husky na boses niya, siguro dahil na rin sa hamog.

"Eh sinong gusto mo makasama?" Tanong niya pa.

"Huh?"

"May girlfriend ka ba?"

Isa talaga sa pinaka awkward na tanong sa lahat ng mga nagtatagong bakla sa Pilipinas ang tanungin ka kung may girlfriend ka.

"Wala po" sabi ko na lang.

"Ahh. May niniligawan?"

"Wala po. Ako po nililigawan" sabi ko.

"Aba ang gwapo ah!" Mukhang hindi niya nakuha gusto kong sabihin.

Siguro dahil na rin sa alak kaya parang gusto ko mag out sa kanya.

"Ang ibig ko pong sabihin, wala akong girlfriend. Kasi gusto ko po, boyfriend" sabi ko pa.

Doon siya biglang nabangon at napaupo.

"Wow! So????....."

"Yeap!" Sabi ko kaagad.

Mukhang masaya siya na ewan sa sinabi ko.

"Well medyo halata naman gusto ko lang na manggaling sa'yo" bigla niyang sabi.

"Halata??"

"Eh palagi kitang kinukulit sa opisina di'ba??? Tapos minsan parang hindi komportable o minsan namumula ka."

Namula na naman ako ngayon. Buti na lang medyo madilim sa loob kaya hindi niya mapapansin.

"Don't worry. Okay lang sa'kin!" Sabi niya pa.

"Eh kung hindi naman okay sa'yo, wala rin akong paki. Ang okay, eh masaya ako" sabi ko.

"Aba aba good 'yan. Good. Good!"

Humiga uli siya.

Medyo gumaan na loob ko kasi nasabi ko na sa kanya.

Wala naman akong balak sa kanya, duh. Mabuti nang alam niya lang para hindi siya magtanong ng awkward questions sa'kin.

"Napano 'yung sugat mo sa katawan?" Tanong ko bigla

Siguro dahil lang sa alak kaya ko siya nadiretso.

Pero tahimik siya.

Sinilip ko itsura niya pero mukhang nag iisip siya.

Hindi naman siya obligadong sagutin 'yun pero curious lang ako.

May kaaway ba siya? Kaya nag aalala Mama niya sa kanya?

Kaaway niya kaya 'yung sumusunod sa'min ni Leo noon sa Mall? Tapos tinutunton nila mga kakilala ni Sir Jayden? Atleast mapapaliwanag na kung sino 'yung mga sumusunod sa'min non.

Pero bigla siyang huminga nang malalim.

"I tried to kill myself"

Nawala lahat nang iniisip ko dahil sa sinabi niya.

Nagpakamatay siya?

Hindi ako nagsalita. Feeling ko naopen ko 'yung storyang ayaw na ayaw niyang ikwento.

"Nararamdaman mo ba 'yun minsan? Na okay ka sa umaga, masaya. Pero pag uwi mo, ang lungkot lungkot mo. Hindi lang basta malungkot, sobrang lungkot mo. Tapos maiiyak ka na lang nang walang dahilan? Tapos maiisip mo na lang magpakamatay?"

Nagulat ako sa sinasabi niya kaya napabangon ako.

"When I was in college, pala aral ako. Sa takot siguro kay Papa noon, nag aral talaga ako nang mabuti. In the end, aral lang ginawa ko. Wala akong nabuild na friendship kaya everytime may problema ako, wala akong mapagsabihan."

Bumangon din siya at naupo. Magkaharap na kami this time.

"Ang lungkot ko lang talaga. Sa totoo nga, nung namatay si Papa, natuwa ako. Feel ko ang libre libre ko na. Pero nadala nang lungkot na nararamdaman ko hanggang sa lumaki ako.

Kaya palagi akong nagpapaparty sa unit.

Kaya palagi akong may girlfriend. Ayokong mabakante baka kasi hindi ko kayanin.

Sumama pa 'yung issue ko kay Kuya Jordan.

Nung gabing sinaktan ko sarili ko, nakipag break sa'kin girlfriend ko. Kasalanan ko rin pero hindi ako nalungkot dahil nakipag break siya. Nalungkot ako kasi alam kong wala na naman akong kasama sa bahay, malungkot na naman ako. Feel ko nakakulong na naman ako.

Kaya after kong maginom, binasag ko 'yung bote tapos hiniwa ko sa dibdib ko.

Sa totoo lang ang sakit. Literal.

Kaya natumba ako sa mga bubog nang binasag kong bote kaya marami rin akong sugat sa likod.

Narinig naman ng kabilang unit 'yung basag kaya pumasok siya sa unit ko. Tapos tinawagan niya si Mama. Sabi ko na lang naaksidente ako kaya ganon."

Kaya pala nag aalala Mama niya.

Dahil may ganitong issue si Sir Jayden.

Siguro instinct na lang din na yakapin siya after niyang magkwento.

Kaya nang yakapin ko siya, niyakap niya rin ako pabalik.

Naririnig kong umiiyak siya.

Hindi ko naman alam dapat kong sabihin kaya nanahimik na lang ako.

Minsan, sapat na rin na makinig lang at huwag nang sumagot.

Pero kumawala na siya tapos pinilit tumawa.

"Ikaw lang nag paiyak sa'kin ng ganito!" Sabi niya sabay punas ng luha niya.

"Kung wala kang makausap, nandito lang ako. Makikinig ako, promise" sabi ko.

"Huwag kang mag alala. Matagal ko nang ginagawa ang pagpapakamatay pero hindi naman natutuloy...."

"Huwag mo nang uulitin 'yan! Huwag mo nang sasaktan sarili mo. Kailangan mo lang ng kaibigan at promise, kaibigan mo ko. Makikinig ako" sabi ko.

"Salamat." Ayun lang sagot niya at from that, ngiti lang binigay ko.

Natahimik na naman sandali tapos lumabas na siya sa kulambo ko.

"Babalik na ako sa kubo ko..."

"Sure ka? Ayaw mong matulog dito?" Tanong ko.

"Haha hindi na. May ginagawa pa kasi ako bago matulog, alam mo na" sabi niya sabay kindat.

Hindi ko na inalam kasi alam ko na 'yun. Hanggang sa makalabas siya.

Nagtataka naman ako at wala si Jared kaya sinubukan kong puntahan siya sa kubo niya.

Wala siya pero naririnig ko boses niya na mukhang may kausap sa phone.

Nang marinig niya ring papalapit ako, nagulat siya at agad niyang binaba 'yung tawag.

"Bakit nandito ka?" Tanong niya sabay lakad pabalik sa kubo niya.

Sa tono ng boses niya parang galit siya.

"Uhm. Wala lang." Sabi ko.

"Good."

"Teka, bakit ganyan ka?"

"Nakita ko kayong magkayakap ni Kuya Jayden! Anong gusto mong isipin ko don?!"

Hindi ko pwedeng sabihin 'yung totoo kasi seryosong issue 'yung kinwento niya sa'kin.

"Wala lang 'yun, nagkekwentuhan lang kami. Tapos..."

"Tapos ano? Trip niyo lang magyakapan?"

Hindi naman malakas boses niya at alam ko rin na walang makakarinig sa'min.

"Hindi mo kasi naiintindihan..."

"Edi ipaintindi mo. Umihi lang ako tapos pagtingin ko, ganon makikita ko"

"Eh bakit ka ba kasi nagagalit sa'kin ng ganyan?" Tanong ko.

"Hindi ko nagagalit sa'yo, okay? Nagseselos lang ako!"

Natahimik ako.

Napalunok ako ng laway.

"Nagseselos...ka?" Medyo utal kong tanong.

Hindi rin siya makatingin sa'kin.

"Oo, Victor." Ayun lang nasagot niya.

Ang tahimik na naman. Crickets lang naririnig namin.

"Uh.... sige na, goodnight na!" Bigla niyang sabi.

Hindi na niya ako pinasagot kasi nagmadali na siyang bumalik ng kubo niya.

I guess.... uhm... may gusto sa'kin si Jared?

*******

VOTE AND COMMENTS!!!

PASENSIYA. parang ang dami kong ginagawa haha sunod sunod kasi Birthday sa'min pag September eh!!! :)))

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top