Part 20

Pagod na kaming lahat nang makarating kami ng Capiz.

Gusto na lang namin magpahinga kasi pagod na kami sa Scuba Diving kaninang umaga, pagod pa sa byahe.

May nakaabang sa'min na jeep paglabas ng airport.

May kausap si Jared na mukhang tiga rito habang pinagmamasdan lang namin siya.

"Alam mo ba plano niya?" Tanong ni Tom sa'kin na mukhang pagod na pagod na rin.

"Wala akong idea" sabi ko.

Tamad na tamad na kaming lahat. Gusto na lang namin magpahinga sa malambot na kama.

Maya maya, tinawag na niya kami at sumakay kaming lahat sa jeep.

"Wala ka bang budget?!" Tanong ni Sir Jayden.

"Haha. Masaya 'to. Magtiwala lang kayo!" Sagot naman ni Jared.

Ang maganda lang sa pagbyahe ng jeep, ang sarap ng hampas ng simoy hangin sa'min.

Though gabi, wala ako masyadong makitang view at wala masyadong street lights, feel ko mag eenjoy kami dito.

Tulog kaagad si Tom at Jenica. Si Sir Jordan naman nakadungaw lang sa labas. Samantalang si Sir Jayden, naglalaro sa phone niya.

May something sa itsura ni Jared na mukhang may binabalak na masama 'to.

"Saan tayo magchecheck in?" Tanong ko sa kanya.

"Oh. Kakaiba 'to sa tinuluyan natin sa Naga!" Sabi niya.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Basta!"

Hindi na niya ako pinansin at mukhang tumitingin na lang siya sa labas.

Napansin ko naman na sobrang dilim sa labas at medyo lubak lubak dinadaanan namin.

Nagising si Tom at Jenica at mukhang nakuha din atensyon ng kambal.

"Tama ba dinadaanan natin?" Tanong ni Sir Jayden.

Pero hindi sumagot 'yung driver.

Si Jared naman nakangiti pa rin na ewan.

Kinakabahan na tuloy ako.

Ayoko sanang maniwala sa mga kwento pero marami raw multo dito.

May kinwento si Angelo na dapat kapag dadayo ka sa ibang lugar, dapat palagi kang mag tabi tabi kasi baka sundan ka nila.

Naalala ko mga kwento niya nung nasa unit kami at parang sabay sabay pumapasok sa isip ko.

Multo. Aswang. Manananggal. Tiktik.

Huwag daw ako masyadong titingin sa puno kasi baka magkatitigan kami ng Kapre.

Mas lalo kaming nataranta nang huminto 'yung jeep sa gitna ng kagubatan. Halos wala talagang hotel na makikita.

"Ano 'to? Nanakawan ba tayo?!" Natataranta na si Sir Jordan.

Mahigpit na rin hawak ni Jenica kay Tom.

Alam kong mas takot si Tom ngayon kay Jenica pero kailangan niyang maging malakas para sa girlfriend niya.

Napahawak na rin ako kay Jared sa takot.

Nawala talaga antok naming lahat.

Sabay sabay kaming bumaba bitbit mga gamit namin.

"Magtiwala kayo sa balak ko" sabi ni Jared.

Wala kaming sinabi kasi natatakot na kami lalo sa driver.

Ayoko sanang husgahan pero may mga itsura talaga na kapag nakasalubong mo sa madilim na lugar, mapapatakbo ka.

Si Manong Driver, medyo ganon.

Pero nagbukas siya ng flashlight tapos naglakad kami.

Sinundan namin siya sa mapunong lugar.

Nasa dulo kami ni Jared nang hawakan niya kamay ko.

"Huwag ka matakot. Alam ko ginagawa ko" bulong niya sa'kin.

Nawala naman takot ko nang hawakan niya kamay ko.

Feel ko safe ako sa kanya.

Sa hindi kalayuan, may nakita kaming liwanag na parang nanggagaling sa malaking apoy.

May mga tao rin na parang nagsasayawan dahil sa hiyawan nila.

Nawala na talaga takot namin kasi papalapit, nakita namin na parang may fiesta sa gitna ng gubat.

Ang daming tao, nagsasayaw. Pero kakaiba suot nila, hindi naka pants at tshirt, parang pang katutubong damit.

Nakita namin 'yung driver namin na yumakap sa babae na mukhang asawa niya tapos may nagmanong mga bata na mukhang anak niya.

Ayoko na talagang manghusga.

Nagtinginan lang kaming lahat sa plano ni Jared.

"Dito tayo tutuloy! Makikisali tayo sa binyag ng anak ni Manong Ruben!" Sabi ni Jared.

Halos lahat nakatingin sa'min kasi obvious na obvious na outcast kami.

Pero may lumapit sa'ming babae tapos inofferan kami ng buko na may straw.

Kinuha naman namin.

"Ano 'to?" Medyo bulong ni Sir Jayden kay Jared pero naririnig namin.

"Buko Juice"

"Hindi. Anong klaseng plano 'to?! Nasaan 'yung hotel? Saan tayo matutulog?"

"Eto na Kuya. 'Yung kausap ko kanina,  si Manong Ruben, mabuti nga sinali niya tayo sa pagdiriwang ng binyag ng anak niya eh."

"Okay????? Pero bakit?"

"Kung sinabi ko ba sainyo, sasali kayo? Para maiba naman experience natin pare pareho."

"Ang akin lang, may charger ba dito?" Tanong naman ni Sir Jordan.

"Ang alam ko..... wala"

"Nice!! Wala sa usapan na walang electricity!"

"Kuya, hanggang bukas lang naman tayo dito. Sa susunod na araw, ikaw naman masusunod"

"Kailangan ko ng charger!"

"Please Kuya? For once, mag bonding lang talaga tayo. Please?" Pagmamakaawa ni Jared.

Kahit ano namang sabihin ni Sir Jordan, wala na rin namang mangyayari kaya pumayag na rin siya.

"Gusto ko nang magpahinga. Saan tayo matutulog?" Tanong niya.

*********

May provided na 5 na kubo para sa'min. Bahala na raw kami kung saan kami matutulog.

Tinignan ko oras, 9:30 na kaya gusto ko na ring magpahinga.

Hindi na ako sumama sa kubo ni Tom at Jenica kasi awkward na knowing na sila na. Hindi na ko pwedeng umaligid aligid.

Nagsolo na lang ako sa kubo. Pagpasok ko, isang unan at banig 'yung nakalatag. Meron namang kulambo pampatanggal ng lamok.

Walang kaso sa'kin 'to. Malamig naman at saka presko kaya hindi ako maiinitan.

Ang problema lang talaga, si Sir Jordan at Jayden kasi feel ko first time nila 'to.

Maya maya, pumasok din si Jared sa kubo ko.

Kasya apat na tao sa loob ng kubo. Nakakahiya nga na solo solo pa kami kasi 'yung ibang tiga rito mukhang share share sila.

"Okay ka lang?" Tanong niya.

"Oo. Para maiba naman" sabi ko.

"Hehe. Nice" tinulungan niya akong buksan 'yung kulambo tapos nahiga kaming dalawa sa loob.

"Bakit ganito naman balak mo? Unexpected masyado" sabi ko.

"Para naman maiba. Para talagang mag bonding kami"

"Hindi pa ba kayo nagbobonding ng lagay na 'to? Taon taon niyong ginagawa 'to"

"Sabi ko nga sa'yo, dati, palaging mga girlfriend namin 'yung kasama. Kaya parang wala lang din."

"Ahhh"

"At isa pa, gusto ko kasing magkabati na rin 'yung dalawa" sabi pa niya.

"Si Sir Jordan at Sir Jayden?"

"Oo hehe pero huwag mo sabihin na sinabi ko ah? Sana mag usap na sila ng totoo"

So may something nga sila.

Kaya pala sa office, napapansin ko na may gap sa kanila kasi hindi pala sila okay.

Masyadong seryoso si Sir Jordan tapos si Sir Jayden masyadong happy go lucky.

Habang nag iisip ako, nagulat ako nang kunin niya 'yung unan sa'kin tapos siya 'yung nahiga.

Inakbayan naman niya ako para sa braso niya ako mahiga.

Ang bilis ng tibok ng puso ko.

Naririnig ko rin tibok ng puso niya.

Maririnig mo ingay sa labas ng mga taong nagkakasiyahan pero parang ang tahimik sa loob ng kubo namin.

"May boyfriend ka ba?" Bigla niyang tanong.

"Ha?"

"I mean, obvious naman na wala kasi hindi ka naman makikipag anuhan sa'kin kung meron. Pero, nagkaroon ka na ng boyfriend di'ba? Or may gusto kang iba pero hindi ka gusto?"

Bakit bigla bigla naman naging interesado si Jared sa lovelife ko.

"Wala." Sagot ko lang.

"Grabe. Ang tipid naman!" Sabi niya.

Hindi na ako nagsalita, tumawa na lang ako. Baka kasi kung ano pa masabi ko.

Tapos bigla siyang nagkwento.

"Alam mo ba tumawag sa'kin ex ko. Remember? Nung nasa park?" Sabi niya.

"Ahh.. oo. Paano ko makakalimutan" sabi ko.

"Hehe ayun. Tumawag siya. Nagsosorry. Siguro dahil gusto niya lang sumama dito sa bakasyon kaya siya nagsosorry."

"Bakit ayaw mo makipag ayos?" Tanong ko.

"Bakit pa? Eh nandito ka naman"

Ayoko ng ganito.

Ayokong mahirapan sa huli.

Hindi ko alam baka nag eenjoy lang siya sa ginagawa namin, at wala naman siyang balak panindigan kung ano mang nararamdaman niya.

"Sinabi ko sa kanya" sabi niya pa.

"Sinabi? Ano?"

"Na may nangyayari sa'tin. Na, pinagpalit ko siya sa'yo"

"Ha?!" Napatayo tuloy ako.

Pero hinila niya ulo ako at this time niyakap niya ako.

"Dito ka lang, Victor." Bulong niya.

May something sa yakap niya na hindi ka magpupumiglas kasi feeling mo safe na safe ka.

Pero iniisip ko lang din kung anong mangyayari sa'kin sa huli.

"Kaya ko tinatanong kung may boyfriend ka kasi gusto sana kitang....."

Bago pa niya matapos sinasabi niya, agad siyang bumitaw sa'kin kasi hinahanap siya ni Sir Jordan.

Hindi pa alam ng magkapatid 'yung tungkol sa'min kaya nag ayos din ako.

"Nasaan 'yung CR? Saan ako magshoshower?" Sabi niya.

"Samahan kita Kuya hehe"

Bago lumabas si Jared, lumapit siya sa'kin at hinalikan ako sa labi ng mabilis.

"Usap tayo mamaya ha?"

Sabay sara ng kubo ko at sumunod na sinamahan na niya si Sir Jordan.

*********

VOTE AND COMMENTS!!!!! :)))

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top