Part 19
Pabalik na kami ni Jared sa hotel.
Hindi niya na nakwento alamat ng tokneneng kasi sumunggab kaagad siya ng halik sa'kin.
Nauna na siyang umakyat pero nakita ko si Alex sa bar kaya umupo muna ako sandali.
Umorder ako ng juice pero binigyan niya ako ng may alak.
"Nag cheat ka ba?" Bigla niyang tanong.
Umiinom pa naman ako ng juice na binigay niya kaya halos mabilaukan ako.
"Hindi kami.... ano lang.."
"Ah okay. Mabuti naman. Hindi kakayanin ng konsensiya ko kung kayo tapos may nangyari sa'tin"
"Me too. Sorry. Nadala lang ng alak..."
"I know I know. Pero ang saya non. Salamat!" Sabi niya.
"Salamat din!"
Gusto ko lang din naman siya kausapin about dito kaya ako umupo at mukhang eto na rin 'yung closure na hinihintay ko galing sa kanya.
Maya maya, nakita ko siyang nakikipaglandian sa isang customer kaya umalis na rin ako at umakyat.
Pagkapasok ko sa kwarto, nakita ko si Tom na may kausap sa phone.
Tumambay naman muna ako sa may terrace para tignan 'yung view ng dagat.
Ang ganda ganda talaga! Lalo na 'yung simoy ng hangin. Ang sarap sa pakiramdam.
Naramdaman ko na lang na tinapik ako ni Tom.
At bago ako makapagsalita, siya unang nagsalita.
"Sorry"
Natigilan agad ako sa sasabihin ko nang humingi siya ng tawad.
"Saan?" Sabi ko.
"Kasi hindi ko sinabi totoo"
Naupo ako sa may upuan at hinintay ko siyang magpaliwanag.
"Sabi ko kasi sa'yo nung una mag eenjoy lang ako pero masyado akong nag enjoy. Nagkakaroon na ko ng totoong feelings para kay Jenica"
"Oh? Ayun lang pala. Bakit hindi mo sinabi sa'kin?"
"Magmumukha kasing kinain ko lang lahat nang sinabi ko sa'yo. Sabi ko, mag enjoy lang. Huwag mag expect. Eh ako naman 'tong nag eexpect sa kanya ngayon"
"Hindi naman ako galit kasi hindi mo sinabi. Parang ano lang, nagtatampo kasi halos lahat sinasabi ko sa'yo. Lahat lahat. Tapos ikaw, naglilihim ka ng ganyan"
"Sa'tin kasi dapat ako 'yung malakas. Ayoko lang na magmukhang mahina pagdating sa'yo"
Naiintindihan ko naman siya. Palagi siya 'yung nagbibigay ng advice sa'kin, palaging siya 'yung malakas.
"Well, minsan okay lang din maging mahina." Sabi ko.
Niyakap ko naman siya agad at yumakap din siya.
"Well, so bali ayun. Kami na ni Jenica" bigla niyang sabi.
"We?!" Nagulat ako. As in.
"Hindi na ako magsisinungaling di'ba? Oo. Kami na."
Boto ako kay Jenica at mukhang masaya naman si Tom kaya masaya na rin ako para sa kanya.
"Umakyat siya tapos nagusap daw kayo tapos hindi niya ako pinagsalita. Pagkatapos niyang magsalita, hinalikan niya ako tapos tinanong ko kung kami na ba, sabi niya oo."
"Congrats!! Magpasalamat ka sa'kin!! Ako dahilan bakit naging kayo!"
"Haha una sa lahat, naging kami kasi crush niya ako. At 'yun na 'yung dahilan bakit naging kami. Wala ng iba!"
"Hoy madaya! Sinabi ko kaya na mabait ka kahit bihira ka lang maligo!"
"Loko ka! Huwag mong pagsigawan! Mamaya marinig ka! At saka hindi lang ako naliligo 'pag nasa Baguio tayo! Malamig kaya!"
"Ang point ko, hindi ka pa rin naliligo!"
"Haha. Ano bang gusto mo? Lilibre kita!" Sabi niya.
"Gusto ko fries, pizza, shake at onion rings!"
"Okay!"
Pumasok siya sa loob tapos tumawag ng room service.
"Ang kapal talaga ng mukha mo!" Sabi ko.
"Haha may 3 hours pa tayo bago tayo umalis. Sulitin na natin room service!"
Oo nga pala. Hindi ko pa alam kung saan next destination namin pero mukhang sasakay uli kami ng eroplano.
"Kung may gusto ka na kay Jared, okay lang sa'kin. Susuportahan kita" bigla niyang sabi.
"Bakit naman napasok si Jared dito?"
"Wala lang. May gusto ka ba sa kanya?"
Hindi ako nakasagot kasi nag iisip ako.
May gusto na ba ako? Sa tingin ko oo. Pero gusto maging boyfriend? Parang wala pa ako sa level na 'yun.
Nasa isip ko pa rin mantra namin. SUBU lang kami at hanggang doon lang kaya niyang ibigay.
At okay lang ako don.
"Masaya lang ako kapag nandiyan siya" sabi ko.
Mukhang naintindihan naman ni Tom ibig kong sabihin kaya hindi na siya sumagot.
Maya maya, natapos na maligo si Jenica tapos naglinis na kami ng mga gamit namin at inenjoy 'yung room service na tinawag ni Tom.
******
So tapos na kami mag asikasong tatlo. Holding hands na silang dalawa at medyo naiinggit ako.
Parang kahit gaano kasaya 'yung set up namin ni Jared, alam mong hanggang doon lang 'yun.
Walang relationship. Sex lang.
Paano kaya kung tawagan ko si Hector ngayon?
Ang unfair lang sa kanya kasi tatawagan ko siya dahil naiinggit ako sa lovelife ni Tom ngayon.
Pero what if kaya..... what if tawagan ko si Hector ngayon?
Isa sa dahilan kung bakit da best si Tom? Alam na alam niya kung anong nasa isip ko.
Nakita niya siguro na malalim iniisip ko kaya pinauna na niya si Jenica sa baba.
Pumayag naman siya tapos bumalik kami ni Tom sa kwarto.
"Alam ko 'yan. Nag iisip ka. Bakit? Naiinggit ka?"
Oh di'ba, alam na alam.
"Kaya ayoko rin sana sabihin sa'yo kasi pumunta tayo rito para mag enjoy at hindi humanap ng magiging jowa. Pero wala na eh, nangyari na. Sabihin mo sa'kin, anong iniisip mo?" Tanong niya.
"Wala... masaya lang ako sainyo..."
"Alam kong masaya ka. Pero ano bang gusto mo? Gusto mo na ba si Jared?"
"Hindi."
"Ang bilis ng sagot ah. So? Ano nga?"
Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanya pero wala naman sigurong mawawala
"Si Hector" sabi ko.
Natigilan siya.
"Anong meron sa kanya?" Tanong niya
"Wala lang. Kung kumusta na siya"
Tapos nag isip siya sandali.
"Gusto mo bang kausapin?"
"Ewan ko..."
"Kasi pwede natin tawagan. Pwede ako mag message sa kanya sa facebook kung anong number niya"
"Hindi ko alam. Pagkatapos non? Ano? Tatawagan ko? Tapos?"
"Ewan ko, Victor. Ano ba kasing gusto mo?"
"Hindi ko talaga alam Tom. Please,huwag mo kong pressurin."
Napressure ako sa mga tanong niya. Hindi ko alam kung anong gusto ko. Gusto ko si Hector dito. Ayun lang. Wala nang paliwanagan.
Hindi na rin naman nangulit si Tom at lumabas na uli kami ng kwarto.
Pagbaba namin, nandoon na silang lahat. Nakatayo habang bitbit mga gamit nila.
Sumakay na uli kami ng sasakyan. This time, solo na lang namin ni Jared 'yung likod.
Nang makaayos na kaming lahat, nagsalita si Jared.
"Alam niyo ba kung saan tayo pupunta?" Sabi niya.
Napatingin kaming lahat sa kanya.
"Pupunta tayo sa Roxas, Capiz!"
Napatingin lang kaming lahat sa kanya. Pero alam ko unang pumasok sa isip ni Tom.
Mga multo!
Marami lang akong alam na kwento na maraming multo sa Capiz at parang doon nga raw birthplace ng manananggal!
"Ano namang gagawin natin don?!" Tanong ni Sir Jayden.
"Secret! Mamaya umurong pa kayo kapag malaman niyo!" Sabi niya pa.
Hindi mapakali si Tom kasi alam kong natatakot siya.
Si Sir Jordan naman back to work tapos si Sir Jayden, sumandal na siya tapos nag earphones.
Naramdaman ko na lang na umaandar na 'yung sasakyan.
"Anong gagawin sa Capiz?" Bulong ko sa kanya.
"Huwag kang mag alala. Masaya" bulong niya rin.
"Uhm. Beach ba?"
"Secret."
"Eh ano?"
Bigla niyang hinawakan kamay ko. 'Yung holding hands talaga. Ni lock niya kamay niya.
"Huwag kang mag alala. Hindi kita pababayaan doon" bulong niya.
Pero hindi ko maka get over sa holding hands.
Mukhang napansin niya na nakatingin ako sa mga kamay namin.
"Ayaw mo ba?" Bulong niya.
"Ah... hindi naman"
Tapos humigpit pagkakahawak niya.
"Pwede ba akong maging honest?" Bulong niya uli.
"Okay. Ano 'yun?"
Nilapit pa niya labi niya sa tenga ko.
"Ang saya ko kapag kasama kita"
Nginitian niya ako ng malaki tapos hinalikan niya ako sa pisngi nang mabilis.
Hindi ko naman alam kung anong irereact ko pero napangiti ako. Siguro natural na act 'yun.
Pinaglalaruan ng thumb niya kamay ko, at ang sarap sa pakiramdam.
"Sa'kin ka lang ha?" Bulong niya sa'kin.
Sabay higa sa lap ko na para bang wala siyang sinabi na nagpapabago sa isip ko ngayon.
******
VOTE AND COMMENTS!!!!!! :))))
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top