Part 16

Nakaupo lang ako sa buhangin. Hinahayaan ko lang na mabasa ako ng alon ng dagat.

Si Jenica at Tom naman naghaharutan sa medyo malayong part.

Paano ako makakapag scuba diving kung hindi ako marunong lumangoy?

Kinakabahan ako pero hindi naman ako pwedeng umayaw.

Pwede, kaso si Sir Jayden naman malalagot.

"Bakit ayaw mo maligo?"

Tinignan ko kung sino nagsalita, si Sir Jayden.

Naka TShirt siya at short.

Kahit gusto kong makita kung ano 'yung nasa ilalim ng damit niya, alam kong hindi siya maghuhubad kasi makikita 'yung sugat niya sa katawan.

Sabi nila nakakagaling ng sugat 'yung tubig dagat. Baka kaya gusto niyang magdagat, para gumaling mga sugat niya.

Umupo siya sa tabi ko.

"Bakit ang tahimik mo? May problema ka ba?"

Huminga ako ng malalim.

"Hindi ako marunong lumangoy"

Bigla naman siyang natawa.

"Eh ano naman?" Sabi niya.

"Ano naman?! Eh lulubog tayo sa dagat! Paano ako makakalangoy!"

"Hindi mo naman kailangan malaman kung paano lumangoy eh. Lulubog lang tayo sa dagat tapos ayun, kung gusto mo maglakad, maglakad ka sa ilalim ng tubig! Ganon lang."

Pero hindi pa rin ako convinced.

"Takot ka ba sa tubig?" Tanong niya.

"Hindi. Araw araw naman ako naliligo eh"

"Haha I mean takot ka ba sa malalim na tubig?"

"Takot ako malunod" sabi ko.

Bigla naman siyang tumayo tapos inabot niya kamay niya sa'kin.

Hindi ko pinansin.

"Tara" sabi niya.

"Saan tayo pupunta?"

"Basta. Tara"

Kinuha ko kamay niya at tumayo ako.

Naglakad kami papunta sa tubig.

"Woah. Ayoko!"

"Trust me. Dali" sabi niya.

Okay lang naman sa'kin lumayo sa dagat. Kahit hanggang dibdib pa 'yung tubig, okay lang.

Kinakabahan lang ako ngayon kasi alam ko, kailangan kong lumubog sa ilalim.

Nasa hita ko na 'yung tubig.

Hindi naman malakas 'yung alon kaya naglakad pa kami palayo.

Nagulat ako nang biglang lalim at hanggang leeg ko na 'yung tubig.

Agad niya akong inalalayan. Sa kanya kasi hanggang dibdib pa lang.

Napayakap tuloy ako sa kanya.

Pero mukhang okay lang naman sa kanya.

"Okay ka lang?" Tanong niya.

Malapit mukha namin sa isa't isa pero iniwasan ko talagang makipag harap harapan sa kanya.

Nakahawak ako sa balikat niya, nakahawak siya sa bewang ko.

Buhat buhat niya ako sa ilalim ng tubig.

"Bitaw ka sa'kin" sabi niya.

"Ayoko! Lulubog ako!"

"Hindi. Promise. Hahawakan kita. Hindi kita bibitawan"

Dahan dahan kong tinanggal kamay ko sa balikat niya. Hawak pa rin niya ako sa bewang.

Nang makabitaw na ako, hinawakan niya ako sa leeg. Agad ako nataranta.

"Wait wait lulubog ako!"

"Trust me!"

Wala akong nagawa kung hindi mag tiwala.

Hiniga niya ako nang nakalutang.

Good thing wala akong boner kung hindi makikita niya talaga.

Hawak niya ako sa leeg at sa pwetan.

Pasalamat na lang at natatakpan ng ulap 'yung araw.

Then naramdaman ko na parang ang gaan gaan ko.

Alam niyo 'yung moment na 'yun? Na lumulutang ka sa tubig tapos natatakpan ng tubig 'yung tenga mo kaya naririnig mo lang 'yung tunog sa ilalim ng dagat tapos marerealize mo ang payapa pala.

Napapikit pa ako.

Ang sarap sa pakiramdam.

Then pagdilat ko, nakatingin sa'kin si Sir Jayden.

"Lumulutang ka na." Sabi niya.

Pinakita niya sa'kin kamay niya na hindi nakahawak sa'kin.

So kanina pa pala siya nakabitaw.

Nang marealize ko na walang nakahawak sa'kin, bigla akong nagpanic.

Napahawak agad ako sa kanya at parehas kaming lumubog.

Sa kakapanic ko, napayakap ako sa kanya. Yakap talaga. Buong katawan ko nakayakap sa kanya habang nasa ilalim ng tubig.

Mabuti na lang marunong siyang lumangoy.

Pero hindi kami umalis sa pwesto namin.

"Kaya mo naman eh! Kaya mong lumangoy" sabi niya habang nakayakap pa rin ako sa kanya.

"Balik na tayo please?"

"Haha sure ka? Tuturuan pa kitang lumangoy."

Nararamdaman ko sa likod ko na humahagod kamay niya. Parang sinasabi niya na hindi niya ako bibitawan.

Humarap ako sa kanya para may sabihin pero in the end, napatitig ako sa kanya.

Tinignan niya rin ako.

Nagtitigan kami.

Narealize ko na matagal na kami nagtititigan kaya bumitaw na ako.

Kahit malalim 'yung tubig sinubukan kong maglakad pabalik.

Inalalayan naman niya ako hanggang sa maabot ng paa ko 'yung buhangin.

"Gusto mo sa pool tayo magpractice" sabi niya.

Pero naglalakad na ko ng mabilis.

"Hindi na. Magbabanlaw na ako" sabi ko.

"Victor, sorry!"

Hindi ko alam kung bakit siya nag sosorry pero siguro dahil nagtitigan kami?

Ayun ba 'yun?

Hindi ko na inalam kung bakit siya nagsosorry basta pagkaahon ko, naglakad agad ako nang mabilis papunta sa kwarto namin.

******

"Hi! Yes! Room 507. Pwede po bang umorder ng pizza, fries, cookies and cream na ice cream, 5 beers at saka onion rings"

Alam ko naglalandian pa si Tom at Jenica sa dagat, kita ko nga sila dito mula sa terrace eh.

"Sorry sir, wala pong cookies and cream. Double dutch lang" sabi nung sumagot.

Sa totoo lang, joke lang talaga 'tong mga pinag oorder ko. Napapanuod ko kasi sa movie 'yung ganito pero meron sila lahat nang nabanggit ko!

"Sige po, double dutch na lang" sabi ko.

"Okay sir. Ayun lang ba?"

"Yes po. Thankyou!"

Pagbaba ko pinagmasdan ko uli 'yung view. Maya maya, masarap tumambay sa dagat kapag palubog na 'yung araw.

For now, mag fofoodtrip muna ako mag isa.

Naligo muna ako at sakto pagtapos ko, may kumatok na sa pinto.

May lalaking may dalang tray bitbit mga sinabi ko.

At ang binigay, isang buong box ng pizza, isang bowl ng fries at onion rings, may limang beer pero wala 'yung ice cream.

"Sir, isusunod na lang po 'yung ice cream" sabi niya.

Kinuha ko 'yung mga pagkain at nilagay ko sa higaan ko.

Hindi kasi ako naglunch kaya medyo nagugutom na ako.

Maya maya may kumatok uli sa pinto.

Pero pagbukas ko, si Sir Jayden.

Buhat buhat niya 'yung ice cream na double dutch na inorder ko.

"Nag order ka raw neto?" Sabi niya. Nakabihis na rin siya, nagpalit na siya ng damit pero naka TShirt pa rin siya at short.

"Hehe. Yeap!"

"Wow! Sinusulit mo 'yung room service ah!" Sabi niya pagkakita ng mga inorder kong pagkain.

"Hindi ako naglunch eh!"

"Medyo gutom na rin ako. Pwede bang makishare?"

Ayoko sana pero hello, siya nagbayad neto kaya pinapasok ko na rin siya. Umupo rin siya sa kama ko nang nakaharap sa'kin.

Buti na lang binuksan ko 'yung TV para hindi mukhang awkward.

"Seryoso ka? Kaya mong ubusin 'to?" Tanong niya.

"Syempre hindi! Maya maya darating na rin sila Tom at Jenica kaya mauubos na rin 'to!"

"Uhm siguro hindi? Nakita ko sila kanina sa bar, umiinom ng smoothies and shake. So baka hindi sila umakyat"

Fuck. So ibig sabihin, solo ko si Sir Jayden dito sa kwarto?

Medyo nahihirapan tuloy akong lumunok. Mabuti na lang nanuod din siya ng TV.

Pero para makanuod siya ng TV, kailangan niyang tumalikod sa'kin.

Pero ang ginawa niya, tumabi siya sa pwesto ko at sumandal din sa dingding.

Magkatabi na kami ngayon habang nanunuod ng iCarly sa Nickelodeon.

"Sorry pala" bigla niyang sabi.

Fuck. Magiging awkward na usapan namin! Mag sosorry siya kasi nagtitigan kami at muntikan na kaming maghalikan.

Ofcourse joke lang 'yung muntikan maghalikan pero ganon na rin 'yun.

"Sorry saan, Sir?" Kailangan kong iemphasize 'yung Sir para marealize niya na trainee ako at boss ko siya at kung may balak siyang gamitin sa'kin kapangyarihan niya, hindi pepwede!

"Kung alam ko lang na hindi ka marunong lumangoy edi sana hindi eto 'yung pinili ko. Sorry"

Ayun pala!

"No, okay lang Sir. New experience di'ba?"

"Yeap. New experience!" Sabi niya.

Natahimik na naman kami.

Nakarami na kami ng pagkain nang tumawag uli siya ng room service.

"6 na beer pa. 507" sabi niya sabay baba.

Naka dalawa na kasi ako tapos paubos na niya pangatlong beer niya.

Bigla naman siyang kumamot sa dibdib niya.

Alam kong may sugat doon.

Gusto ko sana tanungin kung napapano 'yun pero mukhang napansin niya na nakatingin ako.

At alam niya na alam kong meron siyang sugat doon.

"May kaaway ka ba Sir?" Bigla kong tanong.

Hindi siya sumagot.

Hindi siya komportbale sa tanong kaya hindi na ako nag insist pa.

Maya maya, hinubad niya 'yung damit niya sa kama ko.

Nagulat ako. Pero kahit nandoon 'yung malaking sugat, mas napansin ko ganda ng katawan niya.

Wala siyang chest hair katulad ng kay Jared pero mas firm abs niya.

Napalunok ako pero parang instinct na kailangan kong hawakan siya.

Pero nilagay ko kamay ko sa mga sugat niya.

Medyo natuyo na pero alam ko talagang malalim 'yung mga sugat.

"Masakit ba?" Tanong ko.

Tinignan niya ako uli na para bang may something sa mukha ko.

Pero bago siya makasagot, biglang bumukas 'yung pinto at narinig ko tawanan ni Jenica at Tom.

Agad namang nagbihis si Sir Jayden at ako umayos ng pwesto pero pagbukas mo kasi ng pinto makikita mo kaagad 'yung mga kama kaya nawala bigla tawanan nila.

Alam ko 'yung reaksyon ni Tom. Reaksyon na natatawa na gustong mang asar buti na lang hindi niya ginawa.

Buti na lang din, hindi nila nakita 'yung sugat ni Sir Jayden.

"Wow. Daming pagkain!" Biglang umupo 'yung dalawa para kumain ng pagkain namin.

"Huwag mong ubusin!" Sabi ko kay Tom na grabe kumuha ng onion rings.

"Pwede naman tayo umorder uli!"

"Alam mo ba, naka tatlong smoothie si Tom tapos umorder pa ng pork ribs!" Sabi ni Jenica.

"Haha. Libre naman 'to! At saka minsan lang 'to! Kailangan natin sulitin!" Sabi pa niya.

"Nandito si Sir Jayden oh! Binabayaran niya 'yan!" Sabi ko naman.

Tumawa lang si Sir.

"Pwede naman di'ba Sir?" Sabi ni Tom.

"Pwedeng pwede!" Sagot niya.

"Di'ba?!! Pabebe ka kasi Victoriano! Akala mo naman virgin ka pa!"

Okay. So, 'yang 'akala mo naman virgin ka pa' line, asaran lang namin 'yan ni Tom.

Pero mukhang nagulat siya sa sinabi niya kaya agad niyang binago 'yung topic.

"Magshoshower lang kami ni Jen tapos bababa uli kami. May night party ata rito eh!" Sabi niya agad.

Sumagot naman si Sir Jayden.

"Yeap. Sabi ko kasi magset up ng DJ para magparty sa beach. Marami namang tao kasi bakasyon kaya enjoy 'to!"

Nagshower na si Tom tapos si Jenica naman lumabas muna sa terrace. Si Sir Jayden naman tumayo na at lumabas ng kwarto kasi mag aayos na raw siya.

Nang makalabas si Sir, agad lumapit si Jenica at naki share sa pagkain. Hindi na siya nagsalita pero sa ngiti  niya, alam ko iniisip niya about sa'min ni Sir Jayden.

Maya maya, lumabas na si Tom at si Jenica naman nagshower.

"Kups, labas ka muna!" Sabi niya.

"Na naman?!"

"Sige na, please? Pagtapos ni Jenica baka.... alam mo na"

"Pangalawang beses na 'to!"

"Please? Hinahanap ka rin ni Jared kanina. Puntahan mo na!"

Alam ko naman na wala akong magagawa kaya lumabas ako para puntahan si Jared.

Sabi ni Tom nasa bar daw siya at pagbaba ko nga, nakita ko siya don.

Tinabihan ko siya.

"Hi!" Bati ko.

Pero hindi niya ako pinansin. Hindi naman kalakasan 'yung sounds kaya imposibleng hindi niya ako narinig.

"Uy!" Tinapik ko na siya.

"Oh?" Parang galit siya sa tono ng boses niya.

Pero hindi ko pinansin.

"Hinahanap mo raw ako sabi ni Tom"

Pero hindi siya sumagot.

"May problema ka ba?" Tanong ko.

"Wala. Doon ka kay Kuya Jayden. Magsama kayo."

Okay. So, uhm...... nagseselos ba siya?!

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko pero natatawa ako na uhm..... kinikilig?

"Bakit parang... nagseselos ka?" Tanong ko.

"Doon ka na. Magpaturo ka don lumangoy! Grabe ka pa makayakap! Akala mo kayo lang tao sa beach!"

Natatawa na ako ngayon.

"Bakit ganyan ka????" Tanong ko sa kanya.

"Wala lang! Kung gusto mo pala matutong lumangoy edi sana sa'kin ka nagpaturo!"

"Hindi naman ako nagpaturo..."

"So trip mo lang yumakap sa kanya, ganon?"

This time humarap na siya at mukhang naiinis nga siya.

Pero hindi ko sinabayan, kiniliti ko lang siya sa tagiliran.

Pero alam kong wala siyang kiliti doon kaya ginawa ko uli.

Ang kiliti niya kasi sa batok.

Kaya kiniliti ko siya paatas.

Sa likod.

Sa braso.

Walang reaksyon.

Pero nang hawakan ko batok niya bigla siyang ngumiti.

"Okay na. Okay na. Tama na!" Sabi niya.

"Bakit kasi ganyan ka? Nagseselos ka ba?" Biro ko.

"Haha hindi ako nagseselos. Gusto ko lang na sana ako nagturo sa'yo. Pwede naman 'yun di'ba?"

"Hindi ko naman alam na big deal sa'yo"

"Hindi naman siya big deal. Pero kasi lumaki akong nakukuha ni Kuya Jayden lahat ng gusto niya. Eh sa ngayon, FUBU tayo, baka kunin ka rin niya sa'kin"

"Haha. Una sa lahat, SUBU lang tayo kasi subo lang naman ginagawa ko sa'yo at saka ganon ba ako kakati para pati Kuya mo ganunin ko?!"

"Hmmmm. May point. May point. Pero, gusto mo bang ilevel up 'yung SUBU to FUBU?" tanong niya.

"No!" Sagot ko kaagad.

Hindi naman siya nagtanong kung bakit.

"Okay. So, tara sa kwarto now?" Tanong niya.

Nandito ako para mag enjoy!

"Tara!" Sagot ko at sabay kaming umakyat sa kwarto niya.

*******

VOTE AND COMMENTS!!!

OY VOTE NAMAN KAYO!!! HAHA SIMPLENG VOTE CAN MAKE ME FEEL GOOD. HAHAAAJOKE!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top