Part 13
"Mukhang maganda ang gising natin ah?" Bungad sa'kin ni Sir Jayden pagpasok niya ng office.
Gusto ko sanang sabihin na dahil may nangyari sa'min ng kapatid mo pero syempre hindi ko sinabi.
Nakangiti siguro ako kakaisip sa nangyari kagabi at kaninang umaga. Sino ba naman kasing hindi kikiligin di'ba?
"Hehe. Masarap lang pagkain kanina" sabi ko.
"So??? Tuloy na ba tayo sa bakasyon?" Sabi niya.
"Napag isip isip ko po na mukhang masaya naman 'yung bakasyon na ginagawa niyo kaya po sasama ako" sabi ko na lang.
"Nice!"
"Pwede ko bang malaman kung anong plano niyo sa bakasyon niyo?"
"Haha. No! Mamaya espiya ka ni Jared! Sabihin mo pa kung saan ko balak pumunta"
Medyo kinabahan ako. Bakit niya iisipin na espiya ako ni Jared? Alam kaya niya 'yung nangyari sa'min?
O OA lang ako?
Kasi for sure hindi naman sasabihin ni Jared 'yun dahil nga sikreto lang namin.
"Okay ka lang ba?" Biglang tanong ni Sir Jayden habang nagiisip ako.
"Okay lang po Sir. May naisip lang"
"Good. Basta ikaw kasama ko. Balita ko magsasama si Kuya Jordan ng babae. At si Jared, hindi ko pa alam kung anong balak niya!"
Ang weirdo nilang magkakapatid pero ang saya lang na may ganito silang tradisyon.
Sana kami ring magkakapatid meron.
Bumalik na ako sa trabaho.
Nakita kong naghubad si Sir Jayden ng damit para magpalit ng long sleeves. This time, hindi siya tumingin sa'kin para akitin ako.
Napansin ko lang sa likod niya na parang may pasa siyang malaki.
Nakikipag away kaya 'to si Sir Jayden?
Nang humarap naman siya, napansin kong may hiwa siya sa dibdib niya. Ang laki! At kitang kita mo talaga.
Mukhang napansin ni Sir Jayden na nakatitig ako kaya tumalikod uli siya.
Kinakabahan tuloy ako. Eto siguro 'yung gustong ipabantay sa'kin ni Maam Cherry.
Baka may kaaway si Sir Jayden.
Feeling ko nabugbog siya eh. At 'yung hiwa sa dibdib? Grabe! Fresh na fresh pa kasi namumula 'yung sugat.
"Okay ka lang Sir?" Tanong ko bigla.
Ngumiti lang siya
"Wala 'to. Nasugatan lang ako" sabi niya.
Obvious naman na hindi totoo kasi paano ka masusugatan sa dibdib? Unless may gumawa sa'yo non.
Hindi pa rin ako mapalagay. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba kay Maam Cherry 'yung nakita ko?
Baka naman nasugatan lang talaga.
Siguro nasira 'yung sampayan nila na gawa sa alambre. Tapos kinukuha niya 'yung sinampay nila. Sakto naman na nakuha niya rin 'yung alambreng nasira.
Nagkataon din na nakahubad siya habang kinukuha 'yung labahan kaya tumama sa dibdib niya 'yung alambre at nasugatan siya.
Ganon na lang iisipin ko para hindi na ako magsabi kay Maam Cherry.
Pagdating ng lunch.
Nagkita kami ni Tom sa canteen at this time, hindi na niya kasama si Jenica.
Pansin ko 'yung excitement niya sa kwento ko
"Wait. Ikaw muna!" Sabi ko.
"Nagkiss lang kami ni Jenica. Ikaw na magkwento dali!"
"Ayun lang?!"
"Nagkiss kami. Ginawa ko 'yung Tom's Style of kissing ko."
"Pauso ka na naman. Anong Tom's Style of kissing?!!" Tanong ko.
"Tatabihan ko siya, then aakbayan. Then hahalikan. Kapag nasa moment na kami nang halikan, hahawakan ko siya sa ilalim ng binti para buhatin tapos diretso kama"
"Ha?!"
"Apparently, hindi umepek. Sabi niya masyadong mabilis daw para sa first date"
"First date niyo sa condo?!"
"Oo! At saka nag mouth wash ako at nagshave, sa baba, tapos hindi ko naman nagamit!"
"Loko ka! Ang bilis mo naman kasi!"
"Kaya nga gusto ko siya eh. Normally 'yung mga babae g na g agad kapag ginawa ko 'yun, pero siya, umayaw. Gusto pa raw niya ako makilala nang lubusan"
"Oh. Nice! So wala na talaga si Paula?"
Sa moment na mabanggit ko si Paula, alam kong maling desisyon na 'yun. Buti na lang hindi niya minasama.
"Sabi ko sa'yo, magpapakasaya lang tayo this summer. Walang pressure."
"So lalandi ka pa sa iba?"
"Ha! Alam kong pogi ako pero kung makikipaglandian ako sa babae, isa lang. Isa isa lang. Isa lang etits at puso ko eh"
"Gago! Haha"
To be honest, kahit babaero si Tom, hindi siya nagsasabay ng babae. Palaging one at a time lang.
No strings attached kasi talaga siya after nang magbreak sila ni Paula noon.
Tapos nagkabalikan sila, stick to one uli siya. Ngayon, naghiwalay uli sila, back to ganitong format si Tom.
"Pero kung ipupush ni Lord, okay maging girlfriend si Jenica. Iba sila ni Paula pero girlfriend material siya"
"Wow! Congrats! Atleast hindi lang puro sex hanap mo!" Sabi ko.
"Speaking of sex! Natalo niyo ba ni Jared 'yung record niyo ni Hector na apat na condom?!"
"Loko! Walang ganon!" Agad kong sabi.
"Subo subo lang? Wow. Okay. I respect that. Hindi ka nagmamadali"
Hindi ko na lang pinansin 'yung sinabi niya.
"Alam mo, ang sweet niya nga eh. Pinagluto niya pa ko ng breakfast tapos hinalikan niya ako. Sa labi ah! With dila!"
"Stop stop stop" bigla niyang sabi.
Kumakain na kami pareho at sa pagsabi niya non, napatigil din ako sa pagnguya.
"Nagsisimula ka na naman umasa. Huwag mong pansinin 'yung kasweetan niya okay? It's either libog lang siya or parang pa thank you niya 'yun sa nangyari
Straight siya sabi mo. Kahit hindi ako naniniwala na straight siya, sa isip niya straight siya. At kung straight siya sa isip niya, babae pa rin gusto niya makasama sa huli.
Ang pinopoint out ko, nag eenjoy lang siya sa pagsubo mo sa kanya. That's all. Huwag kang mag isip. Huwag kang may daydream na magiging mag jowa kayo.
Sweet lang siya kasi may nangyari sainyo."
Pinroseso ko sa isip ko mga sinabi ni Tom.
Tama siya. Straight siya sa isip niya at ang straight, babae pa rin ang gusto sa huli.
"Ang advice ko, enjoy ka lang. Kung maulit, edi maulit. Pwede kang kiligin pero huwag kang aasa. Okay? Mapusok ka pa naman" sabi niya pa.
"Ayan din nasa isip ko..."
"Na mapusok ka?"
"Hindi! Na, enjoyin ko lang 'to. Sabi niya rin na huwag ko raw ipagsabi at first time niya raw 'to sa lalaki."
Hindi naman nag salita si Tom. Parang may iniisip siya.
Tapos tumingin siya sa'kin.
"Kung first ka niya, baka nga may something siya sa'yo." Sabi niya.
"Huh?"
"Kasi first mo si Hector, first ko si Paula. Alam natin na may special place sila pareho sa puso natin. Tapos ikaw, first ka niya sa lalaki kaya baka may gusto siya sa'yo!"
"Anong nangyari sa enjoyin lang?! Bakit ganyan ka mag salita ngayon?"
"Haha! Basta Victoriano, huwag ka mag isip. Enjoyin mo lang okay?" Ayun na lang sinabi niya.
Ang sarap talaga sa feeling na may mapagkekwentuhan ka ng ganito.
Naalala ko naman bigla 'yung offer ni Jared.
"Nga pala. Si Jared, Sir Jayden at Sir Jordan, may tradisyon na bakasyon nang magkakasama. Pero dapat, may isama sila. Sabi ni Jared ikaw daw isasama niya."
"Oh? Bakit hindi ikaw?"
Hindi niya alam 'yung kay Sir Jayden. Hindi ko rin sinabi sa kanya 'yung tungkol sa paghahanap ko sa magulang ko.
"Nauna kasing magsabi si Sir Jayden sa'kin kaya umoo ako" sabi ko na lang.
"Libre ba?"
"Libre lahat!" Sabi ko.
"Alam mo naman kapag libre, sige lang ako!"
Natuwa naman ako. Atleast kasama si Tom dito sa adventure na 'to.
Ang bilis talaga lumipas ng oras kapag nag eenjoy ka sa kausap mo. Ala una na pala kaya umakyat na uli ako sa office.
Pagbaba ko pa lang ng elevator, nakita ko na si Jared na nakaupo sa pwesto ko habang kumakalikot sa PC ko.
Paglapit ko sa kanya, sumandal siya sa upuan ko tapos sumenyas na pumatong ako sa kanya.
"Ano ka ba. Nandito..."
"Wala si Mama. Wala si Kuya. Tayong dalawa lang" sabi niya.
Umupo naman ako sa kanya tapos niyakap niya ako.
"Punta ka mamaya sa condo?" Bulong niya
"Uhm... hindi ko alam"
"Ayaw mo ba? Maglalaro lang uli tayo"
"Maglalaro ng ano?"
"Ikaw. Kung anong gusto mong laruin" sabi niya.
Tumayo naman ako kaagad tapos tumatawa siya sa upuan.
"May kwek kwek diyan sa drawer mo."
Agad kong binuksan 'yung drawer ko at may kwek kwek nga na nakalagay sa plastic na baso!
"Aw! Salamat! Favorite ko 'to!!" Sabi ko sa kanya.
"Talaga? Wow. Favorite ko rin 'yan. Alam mo ba kwento ng kwek kwek?"
"May kwento 'to?" Sabi ko.
Naupo naman ako sa table habang kaharap siya at kumakain ng kwek kwek na binili niya.
"Dati kasi sa pagawaan ng tinapay nakatira si Bagala" panimula niya.
"Pauso ka na naman!"
"Haha hindi nga. Kwento nga ng kwek kwek 'to!"
"Haha sige sige!"
"Ayun na nga. Si Bagala nagtatrabaho sa bakery. Si Bagala, mabagal kumilos...."
"Ahh kaya pala Bagala. Kasi mabagal" singit ko.
"Kapag hindi mo pinatapos kwento ko, hahalikan kita dito!" Banta niya.
"Ahmm... okay" tinikom ko bibig ko.
"Ayun na nga, tapos ang boss niya Amerikano! Mabait boss niya kahit ganon si Bagala.
Isang araw, gumawa si Bagala ng donut. Habang nagmamasa siya ng arina, dumating 'yung nagtitinda ng itlog para magdeliver ng stock nila.
Kinuha ni Bagala 'yung itlog at nilagay sa gilid niya. Hindi niya alam, nalagay niya pala sa pinapakuluang tubig.
Para hindi siya mapagalitan, binalatan niya 'yung itlog tapos binalot niya sa minamasa niyang arina.
So ayun na! Doon nagawa 'yung kwek kwek!"
Proud na proud siya sa kwento niya pero hindi ko naintindihan.
"Nasaan 'yung kwek kwek doon?!" Tanong ko.
"Hindi pa kasi tapos!"
Tumayo siya bigla tapos hinalikan ako. Nagulat ako kasi ang random.
"Sabi ko sa'yo kapag sumabat ka hahalikan kita eh!" Sabi niya sabay ngiti.
Tinikom ko na uli bibig ko tapos nakinig ako.
Umupo na uli siya.
"Tatlong oras niyang ginawa 'yung kwek kwek at for the first time, nagalit 'yung Amerikano niyang boss. Sabi niya, "Begela, where's my donut!", may accent 'yung kano kaya Begela 'yung pagkakasabi niya"
Natawa ako kasi talagang committed siya sa story niya.
"Hurry Begala. Quick. Quick. Quick! At simula nun, tinawag ni Bagala 'yung imbensyon niya na Quick Quick. Pero dahil may slang 'yung kano, tinawag niyang Kwek kwek. At yun ang alamat ng kwek kwek"
Natawa ako kasi proud na proud siya sa korny niyang joke. Pero infairness, natatawa talaga ako.
"So? Gusto mo bang malaman ang alamat ng kwek kwek part 2?"
"May part 2 pa 'yun?!" Tanong ko.
"Yeap. May season 2 pa nga 'yun eh!"
"Season 2?!"
"Oo. Kung paano nagawa ang Tokneneng featuring Neneng, ang babaeng mahinhin."
Natatawa talaga ako sa pinagsasasabi niya.
Pero narinig namin na bumukas 'yung elevator at palabas si Maam Cherry.
Tumayo na si Jared tapos hinawakan niya lang ako sa legs.
"Kung pupunta ka sa condo, huwag ka na kumatok. Iwan ko na lang na bukas para sa'yo. Sana pumunta ka mamaya" sabi niya tapos umalis na siya.
Umupo na ako sa upuan ko at pagkatingin ko sa PC ko, mukha niya 'yung ginawa niyang wallpaper.
Tinignan ko siya at kinindatan niya lang ako bago siya tuluyang sumakay ng elevator.
********
VOTE AND COMMENTS GUYS!!!!!! :)))))
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top