Part 11

Infairness naman ang dami kong ginawa sa office ngayon, medyo napa OT pa ako ng mga 20 minutes.

Pagkauwi ko, naamoy ko na naman 'yung special na spaghetti ni Tom. Nagutom kaagad ako.

Pero nakita kong may damit siyang suot.

Normally kasi nakahubad 'yan tapos naka apron para mukha raw siyang hot pero ngayon, may damit siya.

Nakita niya ako tapos agad siyang lumapit sa'kin.

"Please please lumayas ka muna!" Taboy niya sa'kin. Hindi niya na ako pinahubad ng sapatos.

"Ha?"

"Nasa CR lang si Jenica. Sabi naman nung iba mag OT sila kaya hindi pa sila makakauwi."

"Bakit ayaw mong nandito ako?" Tanong ko.

"Ayoko talaga! Sosolohin ko lang si Jenica. Please please please. Punta ka sa kabilang unit baka nandon si Jared!"

Nagpapanic siya habang kausap ko. Ngayon lang uli naaligaga si Tom ng ganito.

"Please please! Umalis ka muna!" Sabi niya pa. Palingon lingon siya kasi baka lumabas sa CR si Jenica.

"Sa kwarto lang ako" sabi ko.

"Ehh baka gamitin namin mamaya 'yun! Please naman Victoriano Olivarez Jr. Ngayon lang 'to! Promise!"

Medyo nakakainis kasi gusto kong mahiga sa kama ngayon.

Pero at the same time, ngayon lang humingi ng favor 'tong si Tom at sigurado naman akong hindi ko siya matatanggihan.

Pero tinulak niya na ako palabas, wala na akong nagawa.

Sumama naman siya sa labas tapos hawak niya ako sa braso.

Hinatak niya ako papunta sa unit ni Jared at kumatok siya nang malakas.

"Anong ginagawa mo?!" Tanong ko.

"This is my moment to enjoy my summer. Remember? Hindi usapang lasing 'yun. Ngayon, eto moment mo!" Sabi niya.

"Ano ba? Straight 'yan!"

"Ano naman? Maghahang out lang naman kayo hindi ko naman sinabi na mag sex kayo! Abutan ko kayo ng spaghetti mamaya! Promise!"

Hindi ako nakapagsalita kasi bumukas na 'yung pinto at bumungad si Jared na... nakahubad.

Napalunok ako kaagad kasi favorite ko talaga 'yung medyo hairy chest.

Nainis siguro siya nang kumatok kami ng malakas pero nawala inis niya nang makita niya kami.

"Hello, namimiss na raw ni Victor si Princess baka raw pero sila maglaro!" Sabi ni Tom.

Seryoso?! Ayan excuse ko?!

"Hehe sure. Sakto, lalabas kami. Sama ka?" Tanong sa'kin ni Jared.

"Sasama 'yan. Tagalan niyo ah? Balik kayo mga 10. Kahit huwag mo na siya iuwi, okay lang. Bibigyan ko 'yan ng basbas!" Sabi ni Tom sa'kin

Tapos tumingin lang siya sa'kin na parang ewan at pumasok na uli siya sa condo.

"Tara pasok ka muna. Nagluluto ako ng dinner!" Yaya niya.

Wala naman akong ibang pupuntahan kaya pumasok ako.

Si Princess naman, tumakbo agad sa'kin.

How I wish makita ko uli si Smelly. Nakakamiss din kasi mag alaga ng aso.

Nakakamiss din si Hector.

Pero, wala siya ngayon at ang mahalaga ay 'yung ngayon.

"Balak ko sana kumain sa labas kaso ayaw ni Princess ng pagkain sa labas. So, magpipicnic kami. At since nandito ka, magpipicnic tayo!"

Chineck ko niluluto ni Jared, carbonarra na puro bacon!

"Sorry, fave ni Princess 'yung bacon eh" sabi niya.

"Okay lang. Favorite ko rin 'yan" sagot ko.

Pagkaluto ng pagkain, naglagay siya sa lalagyanan tapos kumuha rin siya ng pagkain sa ref.

"Wait lang ah? Kailangan kong sagutin 'to." Sabi niya sabay punta sa terrace.

Lowkey nagpapasalamat ako kay Tom dahil sa ginawa niya.

Maya maya, bumaba na kami ni Jared, kasama si Princess at naglakad lakad.

*****

Ang maganda kasi dito, 'yung building nang tinutuluyan ko, katabi lang ng office tapos sa likod naman may parang mini park.

Feel ko marami nang naglandian sa park na 'to kasi ngayon, ang daming lovers.

Pinakawalan na naman si Princess tapos nagtatakbo na siya sa damuhan.

Naglatag naman si Jared ng sapin at nilabas 'yung pagkain.

Naglabas siya ng plato sa'ming dalawa at nang matikaman ko luto niya, feel ko inlove na ako.

Ang sarap!

"Okay ba?" Tanong niya.

"Sobra!" Nasanay siguro ako sa luto ni Tom. Pero mas masarap pa rin luto ni Tom, nanibago lang ako sa sarap ng version ni Jared.

Kumain kami habang pinagmamasdan si Princess baka kasi lumayo.

"So, anong deal ni Tom kanina?" Tanong niya.

"Ah... may bisita kasing babae kanina. Sakto, wala rin 'yung mga kasama namin. Ako raw panira sa moment nila kaya pinaalis niya ako"

"At sa'kin ka niya binigay?"

Hindi ko alam kung may ibig sabihin 'yung sinabi niya kaya hinayaan ko na lang.

"Hehe. Gusto niya lang akong umalis don" sagot ko na lang

"Ikaw ba?"

"Ako?"

"Oo. May girlfriend ka ba?" Tanong niya.

Sa totoo lang, eto ang pinaka awkward na tanong sa mga bakla na hindi alam na bakla sila. Kung may girlfriend ka na ba?

Parang ang hirap sagutin ng wala.

Parang ang dali pero parang hindi malabas ng pagkatao mo 'yung sagot.

"Wala" sagot ko lang.

"Oh. Okay."

Buti na lang hindi na siya nagtanong uli about sa lovelife.

"So? Sasama ka ba sa'min?" Tanong niya.

"Pinag iisipan ko pa. Holy week kasi 'yun, may plano rin kami sa bahay taon taon"

"I see. Pero niyaya ka raw ni Kuya Jayden ah?"

"Oo. Eh hindi ko pa nga sure."

"So kung sasama ka, ibig sabihin kay Kuya Jayden ka sasama? At hindi sa'kin?"

May nasesense akong pagseselos na hindi ko mawari.

O assuming na naman ako?

"Hindi pa ako nagdedecide, sa totoo lang. Kaya nga...."

"Pero kung sasama ka, kay Kuya Jayden ka sasama?" Tanong niya uli.

Syempre kay Sir Jayden. Kasi nangako ako sa Mama niya eh.

"Oo." Sabi ko.

"Okay. Okay lang 'yun. Hehe so maghahanap ako ng bagong kasama"

"Nauna kasing magtanong si Sir Jayden" pagsinungaling ko na lang.

"Haha okay lang. Hindi mo kailangan magpaliwanag."

Maya maya, lumapit si Princess sa'min at pinakain siya ni Jared.

Pero sa'kin lumapit si Princess.

"Gusto niya sa'yo." Sabi ni Jared.

Ako na nagpakain kay Princess tapos sumandal siya sa hita ko.

"Napagod ang loko kakatakbo. Akyat na tayo maya maya" sabi niya.

Sa hindi kalayuan, nakita ko 'yung babae na lumabas sa unit ni Jared noon na hinalikan niya sa labi.

Papalapit sa'min at mukhang galit na galit nang makita si Jared.

"Sabi mo busy ka? Pero nandito ka!" Nakapamewang pa 'yung babae.

"Babe, huwag dito..."

"Anong huwag dito? Sabi mo mag dadate tayo. Pumayag na nga ako na isama 'yang peste mong aso eh! At sino siya?!" Sabay tingin sa'kin ng masama.

"Si Victor. Trainee ni Mama" sabi niya.

"Ano na namang paliwanag mo? Sabihin mo kung makikipaghiwalay ka na! Hindi ako booty call okay?!" Sabi niya.

Tumayo na rin si Jared.

"Ayoko lang kung paano mo tratuhin si Princess. Sabi ko sa'yo mahal ko 'yang aso ko di'ba?"

"Nakaka sex mo ba 'yang asong 'yan?! Di'ba hindi? Ako nagbibigay sa'yo non pero mas mahal mo 'yan kesa sa'kin!"

Okay, natawa ako ng slight doon pero hindi ko pinahalata.

"Alam mo, bahala ka na! Kung anong gusto mong gawin, gawin mo na! Huwag ka nang tumawag uli!" Sabi pa nung babae tapos umalis na siya.

Imbis na malungkot si Jared, napatawa na lang siya pag upo niya.

"Galit na galit sa aso ang loko. Ewan ko ba doon!" Sabi niya bigla.

"Okay ka lang ba?"

"Okay lang. Palagi naman kaming ganyan, bukas okay na rin kami"

Niligpit na niya 'yung pinagkainan namin tapos binuhat ko na si Princess para umakyat.

Binati ko uli si Kuya Guard pagpasok namin.

Pagkaakyat namin sa unit, hind muna ako pinapasok ni Jared sa'min.

"Paano kung pagpasok mo, nasa kalagitnaan sila ng.... alam mo na." Sabi niya.

Chineck ko 'yung oras, 8 pa lang. Kung nag OT man mga 'yun, siguradong mamaya pa sila uuwi.

Pumasok muna ako sa unit ni Jared tapos sumilip ako sa terrace kung nandon sila Leo.

Wala sila. So ibig sabihin, hindi pa nga sila nakakauwi.

Suot suot ko pa rin long sleeves, slacks at black shoes ko kaya medyo naiirita na ako.

Napansin naman ni Jared kaya binatuhan niya ako ng damit.

"Soli mo na lang sa'kin bukas" sabi niya.

Naka short at sando lang siya, favorite kong suot niya kasi lumalabas 'yung medyo hairy chest niya.

Pumunta ako sa CR para magbihis kasi mahiyain ako.

Maya maya, nakabukas na 'yung PS3 niya at may nakahain na carbonara at beer sa lamesa.

"Mukhang mamaya pa matatapos tropa mo, laro muna tayo" yaya niya.

Ayoko rin naman tumunganga lang dito kaya naupo ako sa sofa.

Nagulat ako nang iayos niya 'yung maliit na lamesa sa pwesto ko tapos tumabi siya.

"Pili ka!" Pinapili niya ako sa mga CD tapos si Naruto lang alam ko kaya ayun pinasalang ko.

So parang tekken lang pala 'to, magkalaban kami pero palagi akong talo.

Medyo nakaka frustrate kasi hindi talaga ako manalo nalo tapos tawa pa siya nang tawa.

May pustahan pa kami na kung sino matatalo, iinom ng hard na alak.

Naglabas kasi siya ng JD tapos shot glass.

Sa tingin ko naka 4 na shots na ako at alam kong nahihilo na ako kaya nung natalo ako sa last game, umayaw na ako.

"Haha, saluhin kita!" Sabi niya at siya na tumagay ng shot ko.

Naglaro pa kami at naka tatlong talo ako, pero siya pa rin tumagay ng lahat.

Since talo ako, napagdesisyunan na patayin na lang 'yung laro.

Matagal tagal din ako nakapagpahinga sa shot kaya ako na naglinis.

"Salamat ah?" Bigla niyang sabi.

"Salamat saan?"

"Sinamahan mo lang ako. Salamat"

Siguro about 'to sa nangyari kanina. Sabi ko na nga ba na hindi okay si Jared eh.

"Sabi mo okay ka lang"

"Haha. Syempre kailangan magpanggap pero sa totoo lang okay lang talaga ako. Siguro kapag mag isa na lang ako, malulungkot na ko uli"

Binitawan ko 'yung nililigpit ko sa lamesa tapos umupo uli ako.

"Matagal na ba kayo?" Tanong ko.

Gumilid siya ng upo at humarap sa'kin.

Gosh, 'yung medyo hairy chest na naman niya.

Napapalunok ako.

"Secret. Ayoko munang pag usapan 'to. Okay lang?" Sabi niya.

Umoo naman ako pero hindi ko alam kung anong pag uusapan namin.

"Uhm. Saan mo pala balak pumunta sa tradition niyo? May naisip ka na?" Tanong ko.

Pero hindi siya sumagot.

Nakita ko lang siyang naglagay ng shot sa shot glass tapos tinagay niya straight.

Hinila niya ako palapit sa kanya at bigla akong hinalikan sa labi.

Nagulat ako kaya tinulak ko siya.

Tumayo ka Victor tapos umalis ka na. Sabi ko sa isip ko

Pero nakaupo pa rin ako.

Hinalikan niya ako.

Nakatingin siya at parang gusto niyang magsalita ako.

Pero wala akong nasabi.

Siya na nag adjust. Siya na lumapit at sumunggab sa'kin.

This time, napasandal ako sa sofa habang hinahalikan niya ako.

Hindi lang basta halik, dila kung dila!

Nalalasahan ko 'yung fresh na alak sa bibig niya at feeling ko malalasing ako.

Ang sarap. Ang galing niya humalik

'Yung kamay ko gumagapang sa dibdib niya.

Gosh. Ilang araw ko ng pantasya 'tong mabuhok sa dibdib niya pero ngayon nahahawakan ko na.

Nung kumawala siya para halikan ako sa leeg saka ako natauhan. Uli.

Tinulak ko siya at napatayo ako.

"Bisexual ka?" Tanong ko.

"Siguro." Sagot niya lang habang nakangiti.

Okay. Ang hot niya sa ganyang itsura.

"Anong siguro?" Tanong ko.

"First time ko lang humalik ng lalaki eh" sabi niya.

Hindi ako nakasagot.

"Mukhang nagustuhan mo naman eh" sabi niya sabay turo sa boner ko.

Punyemas. Pwede mo talagang lokohin sarili mo pero hindi mo maloloko tunay na nararamdaman ng etits mo.

Tinakpan ko kaagad.

"Sabi mo naman wala kang girlfriend. Di'ba? At technically, wala na rin akong girlfriend." Sabi niya.

Sumandal siya sa sofa. 'Yung sandal na nang aakit.

Nakabukaka tapos nakalagay 'yung kamay sa likod. Pucha ang hot.

Napansin ko rin na wala siyang undies.

Napaghandaan niya talaga 'to no? Plano niya talaga?

"So? Ayaw mo ba?" Tanong niya.

Napalunok na naman ako.

Feel ko busog na ako sa laway ko pero nagutom ako sa kanya.

Parang ang sarap kainin.

Hinawakan niya kamay ko tapos parang  robot akong pumatong sa kanya.

Hinalikan ko uli siya habang ramdam ko buong pagkalalaki niya.

Nasira lang momentum namin nang may kumatok sa pinto.

Tumayo agad ako.

Si Jared naman kumuha ng tuwalya para takpan 'yung boner niya.

Nakaupo lang ako sa sofa.

Pagkabukas niya, nakita ko si Tom.

Save by the bell.

Tumayo kaagad ako tapos si Jared naman umupo uli sa sofa at binuksan 'yung PS3.

"Tara na. Wala na si Jenica" sabi niya.

Lumingon ako kay Jared. Hindi ko alam kung style niya 'yun pero tumingin siya sa'kin tapos nagfocus uli siya sa game.

Then tumingin ako kay Tom.

Isa talaga sa mga dahilan kung bakit gusto ko sumama kay Tom, kasi alam niya nasa isip ko.

Ngumiti lang siya.

"Pumasok ka bukas ah! Kwento mo na lang nangyari bukas" sabi niya sabay alis.

Huminga ako nang malalim at sinara ko pinto.

Napatingin si Jared sa'kin.

Lumapit ako sa kanya at pumatong uli.

Binato niya 'yung controller tapos binuhat niya ako papunta sa kwarto niya.

*********

VOTE AND COMMENTS!!!!!! :))))))))

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top