Part 10

Nasoli na 'yung plato kaya wala nang dahilan para hintayin si Jared.

Parang gusto ko uli magluto ng spaghetti si Tom para bigyan si Jared at may dahilan uli ako para maghintay nang pagbabalik niya.

Wala si Jared sa office pero nandoon si Sir Jordan. Asusual, naka postura siyang pang businessman na talagang nagpapalabas sa kagwapuhan niya.

Binati ko siya ng goodmorning tapos ngumiti lang siya.

Pagkaupo ko sa pwesto ko, tinambakan kaagad ako ni Sir Jordan nang gagawin na puro pa type.

Pero this time, kinakausap na niya ako.

"Kumusta ka?"

Parang nawala ako kasi never naman niya ako kinausap ng casual.

"Okay naman po" sagot ko.

"I mean, kumusta ka rito? Okay ka lang ba?"

"Okay naman po. Pero sana kasama ko mga roommates ko sa training" sabi ko.

"I see."

Hindi ko alam kung nakaka offend ba sinabi ko pero mukhang hindi naman siya offended.

"Si Mama, marunong tumingin 'yan sa tao. Parang magic niya 'yan, unang tingin lang, alam na niya kung mapagkakatiwalaan ba 'yung tao o kung tamad"

Hindi ko alam kung saan pupunta 'yung usapan kaya hinayaan ko na lang.

"Siguro nakita niya sa'yo 'yun kaya ka niya pinili" sabi niya pa.

Hindi ako nakasagot. Medyo flattered lang kasi ako.

"Napapansin ko kasi na bored na bored ka palagi rito" sabi niya na may ngiti.

Magkamukha talaga sila ni Sir Jayden pero at some point, may pagkakaiba.

"Medyo po. Wala kasi akong kausap palagi. Depende pa sa mood minsan ni Miss Agnes" sabi ko.

Tumingin siya sa labas para tignan si Miss Agnes tapos ngumiti.

"Andito ako. Kausapin mo ko" sabi niya.

Saan nanggagaling 'to? Bakit parang biglang bumait si Sir Jordan?

"Okay lang Sir. Marami namang ginagawa kaya okay lang." Sagot ko na lang.

"Hmm okay."

Nagpatuloy na ako sa pagtatype pero hindi umalis sa tabi ko si Sir Jordan. Nagcecellphone lang siya. Hindi ko naman sure kung nakatingin siya sa'kin.

Medyo naiilang lang ako pero tinatago ko na lang.

"Uhm. Busy ka ba next weekend?" Bigla niyang tanong.

"Hindi ko pa po sure, bakit po?"

"Well, meron kasi kaming yearly na traditiong magkakapatid. This year, ayokong isama girlfriend ko for some reasons. Kung free ka baka gusto mong sumama?"

Ako? Bakit naman ako niyayaya ni Sir Jordan?! Out of the blue!

"Nakikita ko naman na close kayo ni Jayden at nalaman ko rin na magkakilala na kayo ni Jared. So, hindi ka naman siguro ma OOP?"

Fuck.

Sasabihin ko ba na niyaya din ako ni Jared? Pero hindi naman niya ako niyaya talaga. Parang tinanong lang niya indirect.

Pero etong si Sir Jordan, direct na tanong.

"Mga tropa ko kasi busy. Tapos ayun nga, ayaw ng girlfriend ko. At required talaga na dapat may kasama. Tradition kasi." Sabi pa niya.

Okay. So may girlfriend si Sir Jordan at talagang gusto niya lang akong sumama.

Walang malisya.

"Titignan ko Sir." Sagot ko.

"Pero sabihan mo ko kaagad ah? Kapag walang kasing sinama, sagot mo lahat ng gastos. Ayokong gumastos ng malaki knowing na sobrang mahal ng gustong punatahan ni Jayden palagi!"

Natawa ako. Ganon din kwento ni Jared sa'kin kahapon.

"Sige Sir." Sagot ko na lang.

This time umalis na siya. So ayun lang pala gusto niya. Yayain ako. Kung ano ano pang paligoy ginawa niya.

Pero nakakatuwa lang na kinonsider niya ako.

******

Pagdating ng lunch, nakita ko na si Tom na nakapwesto sa pwesto namin sa canteen pero kasama niya si Jenica.

Konting flashback lang.

After kami "mahuli" ni Tom kahapon sa kusina ni Jared, kinwento niya na nasa gym din daw si Jenica non.

At nilandi niya raw.

Gumana daw moves niya kasi pawisan daw siya.

Sabi niya pa, nagpapunas siya ng pawis sa likod.

Malanding Tom.

Tapos niyaya niyang sabay daw silang mag lunch.

Akala ko naman next week pa.

Hindi ko na siya nilapitan, gusto ko naman magkaroon ng moment si Tom sa iba kasi feel ko nadadamay siya palagi sa problema ko sa buhay.

Umakyat uli ako sa office at pagka akyat, nakita kong naglulunch mag nanay.

Si Maam Cherry, Sir Jordan, Sir Jayden at Jared.

Nagtatawanan pa sila.

Dahan dahan akong umurong pero parang sira lang kasi glass room 'to so alam kong nakita na nila ako pagbaba na pagbaba ko ng elevator.

Nakareceive naman ako ng text galing kay Tom.

"GUTOM NA KO KUPAL NASAAN KA KANINA PA KITA HINIHINTAY. TXTBK"

Bago ako makareply, tinawag ako ni Maam Cherry.

"Victor, halika! Samahan mo kami" sabi niya.

Ofcourse paano ako makakatanggi.

"Sige po." Sabi ko habang nagrereply kay Tom.

"Sorry, nakita kita kasama si Jenica. Date muna kayo haha mwa enjoy!" Reply ko sabay tago ng cp ko.

Umupo ako tapos inabutan ako ng plato.

"Tanungin niyo si Victor!" Sabi bigla ni Jared.

Mukhang gusto nila akong isama sa topic na pinag uusapan nila kanina.

"Saan 'yung pinakamalayong lugar na napuntahan mo?" Tanong ni Sir Jordan na hindi ko ineexpect na magtanong kasi akala ko si Sir Jayden magtatanong.

"Uhm. Kasal po ng Kuya ko. Sa Baguio" sagot ko.

"Oh, summer capital. City of landian dahil sa lamig!" Sabi ni Jared.

Ang funny lang kapag si Jared nagsalita. Feel ko kung ako 'yun, walang reaksyon mga makakarinig.

"Hanggang ngayon ba sila pa rin ng Kuya mo?" Birong tanong ni Jared.

"Hehe opo"

"Anong ginagawa ng Papa mo, Victor?" Si Maam Cherry nagtanong.

"Retired na po siya pero bago po 'yun, Maintenance technician po siya."

"Ahh I see. At Mama mo?"

Naka focus silang lahat sa'kin. Parang interrogation.

Hindi ako nakasagot kaagad. Hindi rin ako masyadong komportable kasi nga hindi ko naman nakilala o nakasama Mama ko.

"Ma, personal question 'yan." Sabi bigla ni Jared na mukhang napansin na nailang ako.

"I'm sorry Victor. Hindi ko alam." Sabi ni Maam Cherry.

Ngumiti lang ako.

Ang awkward na tuloy ngumuya.

Buti na lang nandito si Jared kasi siya talaga 'yung comedy. Sila ni Sir Jayden.

Pagkatapos namin mag lunch, umalis na silang magkakapatid kasi may aayusin daw sila.

Naiwan kami ni Maam Cherry.

"Victor, if you don't mind. Bakit ayaw mo pag usapan Mama mo? Wala na ba siya?"

"Hala hindi po Maam."

Mukhang naghihintay pa siya nang sasabihin ko.

Eto rin naman gusto ko. Gusto ko rin tulungan niya akong mahanap sila Mama. Alam kong kaya niya 'yun.

Naalala ko rin na humingi siya ng tulong sa'kin na tignan ko si Sir Jayden so siguro eto 'yung gusto kong kapalit sa inuutos niya sa'kin.

"Uhm. Nung Christmas po kasi, umamin Papa ko sa'kin na hindi ko po siya tunay na Papa."

"Ohh...." hinawakan niya kamay ko tapos umupo kaming dalawa.

Okay. Kung gusto kong tulungan niya ako, kailangan niya rin malaman kwento.

"So lumaki po ako na akala ko wala na si Mama pero mali ako."

Kinwento ko sa kanya 'yung tungkol kay Carlos na bestfriend ni Papa na first love ni Mama.

Nakinig lang siya at mukhang concern naman siya.

"Hindi ko po tinanong kay Papa kung nasaan sila. Ayoko kasing isipin ni Papa na nagkulang siya pero part of me, gusto ko po makilala parents ko"

"May picture ka ba nila?"

"Uhm wala po eh. I mean, wala po ngayon pero meron po sa bahay." Sabi ko naman.

"Gusto mo bang hanapin natin?" Tanong niya.

Gusto kong umiyak. Gusto ko siyang yakapin pero kailangan ko pigilan.

"Opo. Gusto ko po. Kahit anong pagawa niyo sa'kin gagawin ko..."

"Shhh. No. I wanna help you okay? Pero 'yung pangako mo sa'kin na you'll help Jayden. Hindi ko kasi kaya na mawala anak ko."

Ramdam ko na naiiyak siya pero pinipigilan niya.

Bakit naman mawawala si Sir Jayden? May sakit ba siya?

Syempre hindi ko na lang tinanong bilang respeto.

"Opo Maam. Thankyou po!"

"Pahingi ng pictures nila soon ha? Then ako ng bahala" sabi niya.

Natuwa ako. Gusto kong ikwento kaagad kay Tom pero ayoko muna sirain date niya.

Hindi naman siguro magagalit si Papa kung ipapahanap ko di'ba?

Or hindi ko na lang din sasabihin para hindi niya malaman.

Maya maya, tumayo na siya at ako naman, nagkunwaring may ginagawa uli kahit tapos na pinapagawa sa'kin.

Nakita ko si Sir Jayden na nakatingin sa computer niya tapos nagchat siya sa'kin.

"Hey pogi!" Ayan talaga pagkakasabi niya.

"?" Reply ko para kunwari hindi ako interesado.

"Anong pinag usapan niyo ni Mama kanina? Mukhang seryoso ah?"

"Secret. :p"

"Patingin nga ng dila"

"Ha?!"

"Dinidilaan mo ko eh. Dilian mo ko ngayon dali."

Nakatingin siya sa'kin ngayon at dinilaan ko siya sa pwesto ko.

Hindi ko gustong dilaan katawan niya ha? Hindi didikit. Pang asar na dila lang ginawa ko.

"May secret pala akong sasabihin" chat niya pa.

"Hmm...."

"Hindi ka interesado?"

"Hindi. Busy ako"

"Busy? Eh binigay mo na kay Kuya 'yung ginagawa mo kanina haha talkshit. Wala kang ginagawa!"

"Haha. Oh ano na?" Feeling close ko naman sa reply ko.

"So, aalis kaming magkakapatid sa weekend. Need namin magsama ng isa eh. So, baka gusto mong sumama?" Tanong niya

Fuck. Niyaya ako ni Jared, Sir Jordan at ngayon naman si Sir Jayden.

"Normally girlfriend namin sinasama namin eh kaso wala girlfriend ko eh."

"May girlfriend ka??" Hindi ko rin alam bakit ko tinanong 'yan.

"Bakit? Selos ka?"

Nakatingin siya tapos nakangiti na parang ewan. Medyo nahiya tuloy ako sa tinanong ko

"Anyways, surprise din kasi kung sino isasama namin. Parang tradition na kasi namin 'to para walang uurong. So? Pwede ka ba?"

Fuck. Paano 'to? Kanino ako sasama?

"Sa next weekend pa naman! Pero ano? Sasama ka ba?"

Naghihintay talaga siya ng sagot.

"Hindi ko sure. Try ko!" Sabi ko na lang.

"Nice! Hindi ka magsisisi. Papasayahin kita doon! ;)"

Hindi ko naman alam ibig sabihin non pero mas iniisip ko pa rin kung kanino ako sasama.

O pwede namang hindi ako sumama?

Pero syempre, nangako ako kay Maam Cherry. Kung pipili ako, kay Sir Jayden dapat ako sasama.

Chineck ko rin calendar, fuck holy week pala next week.

So hindi lang weekend 'to! Buong linggo ata kami magbabakasyon.

******

VOTE AND COMMENTS GUYS!!!!! :))))

Parang gusto kong lagyan ng BS na hindi eh haha.

Pag iisipan ko pa!! Haha

O malay niyo walang mangyari sa summer ni Victoriano.

We'll never know haha.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top