Part 1

"Oh My God Tom! Dahan dahan lang please!"

"Kayanin mo Victor!"

"Hindi ko kaya!"

"Bilisan mo! Gusto ko ako naman!"

"Dahan dahan lang! Pawis mo tumutulo sa'kin!"

"Titigil ko na?!"

"Huwag please. Gusto ko talaga!" Sabi ko.

HINDI KAMI NAGSESEX.

Nasa gym kami. Pinapabuhat niya ako ng mabigat na gym equipment habang nakahiga ako.

Gusto ko na sumuko pero gusto ko talagang magpalaki ng katawan.

"Kapag eto hindi mo binuhat, tumayo ka na! Ako naman!" Sabi ni Tom.

So kinaya ko 'yung pinapabuhat niya at well, parang sumuko katawan ko. Tumayo na ako tapos si Tom nahiga at nagbuhat.

Ofcourse, magaan lang para sa kanya, hindi na niya ako kailangan kaya pumunta na lang ako sa treadmill para tumakbo.

Nagpapawis na lang ako nang nagpapawis.

Ang maganda sa condo namin, kumpleto lahat. May gym, may library, may pool, may mini bar, may terrace at lahat ng 'to, Plainsview may ari.

Though, hindi pa namin nalilibot lahat kasi first day pa lang naman sa work, gusto ko lang ma try 'tong gym at mukhang gusto rin ni Tom.

Nakwento ko kay Tom about kay Sir Jordan at Jayden tapos tumawa lang siya ng malakas.

Sabi niya mag threesome daw kami tapos irate ko raw kung sino magaling.

Nakakaloko rin pag iisip ng bestfriend kong 'to pero sobrang saya ko kasi kasama ko siya. Nung una, ayoko pa tumuloy kasi wala siya at baka ma OP lang ako pero gumawa siya ng paraan!

Nandito rin si Justin, ang ex crush ko na ngayon eh (I think) boyfriend ni Kit.

Kasama rin namin si Angelo, nag stop si Angelo ng 2 years tapos ngayong school year siya bumalik. So basically, ahead siya sa'min at ngayon ko lang siya nakita.

Tahimik si Angelo at mukhang simple lang kasi hindi ko siya nakitang nagdala ng something special. Parang mga damit lang talaga.

Okay naman si Angelo, may itsura. Pero hindi ko siya type. At wala rin naman akong balak.

Last, si Leo. Parehas sila ng ugali ni Tom. Naging kaklase ko na rin siya sa ibang subjects pero hindi kami ganon ka close.

Safe to say na may itsura rin siya. Parang required ata dito may pleasing personality. Luckily, ganon din tingin sa'kin so medyo flattered ako.

Nakabalik na kami ni Tom sa condo.

So bali ang kwarto namin ay may malaking sala. Pwede kang magpaparty hanggang 15 na tao, may kusina pero ang gist eh isa lang kwarto at share kaming apat.

Malaki naman 'yung kwarto at tig iisa kami ng kama kaya okay lang sa'kin.

Pero ang the best talaga ang view. Since 14th (13th) floor kami at may malaking bintana kung saan pwede ka rin lumabas at magkape, palagi kaming tambay doon sa umaga.

Nakita namin si Leo at Angelo na nakatambay sa labas at nagkekwentuhan.

Ngumiti lang sila nang makita kaming papasok sa kwarto.

"Feeling ko iniisip nila tayong dalawa!" Sabi ni Tom pagkahiga namin sa kama. Nagshower na kami sa gym at ready to sleep na dahil sobrang nakakapagod mag work out.

"So?" Sabi ko.

"I know! Buti hindi ka bothered!"

"What? Haha hindi no sino kayang unang humalik sa'tin?!"

Ginagawa na lang naming katatawanan 'yung nangyari noon kaya eto, palaging ayan 'yung banat ko tapos mapapakamot na lang siya sa ulo at tatahimik.

"Alam mo ba, may nakwento si Sir Jayden sa'kin kanina. May kababalaghan daw dito" sabi ko.

Pero nakita kong may mahinang hilik na sa pwesto ni Tom at mukhang tulog na siya.

Bilang isang chismoso at may malaking curiosity ako sa sinabi ni Sir Jayden, lumabas ako ng condo para sumilip sa kabila.

Maliwanag naman 'yung hallway pero kinakabahan ako. Pumunta ako sa katabi naming condo at mukha ngang walang nakatira doon.

Room 14-D kami. 'Yung katabi naming 14-E 'yung walang tao.

Dahil curious pa ako, sinubukan kong buksan. Nakakapagtaka lang na hindi siya naka lock.

So, dahan dahan kong binuksan 'yung pinto at sumilip. Madilim. Walang tao. Parang parehas lang din ng condo naman, wala nga lang tao.

Sasara ko na sana 'yung pinto nang may marinig ako na parang nagsasalitang babae. Tapos ang creepy pa.

Parang....

Agad kong sinara 'yung pinto tapos bumalik na ako sa kwarto namin. Tulog pa rin si Tom, tapos nasa sala na si Angelo at Leo. Wala pa rin si Justin at baka magkasama pa rin sila ni Kit.

Pinilit kong matulog kahit natatakot ako sa boses na narinig ko sa kabilang kwarto.

*********

Paakyat na uli ako sa 24th floor kung saan nandoon 'yung office ni Maam Cherry.

Pagbaba ko ng elevator, nandoon si Maam Agnes at mukhang maraming ginagawa. Pero ang sabi niya, wala naman daw silang ginagawa kaya kapag nakita ko raw siya na may ginagawa, ibig sabihin nandoon si Maam Cherry.

Sa glass windows, nakita ko ngang may babae na nakaupo doon sa pwesto ni Sir Jordan kahapon tapos may kausap sa phone.

Nang pumasok ako sa office, tumayo siya at binaba 'yung phone saka lumapit sa'kin.

Si Maam Cherry 'yung tipo na matanda pero alam mong yayamanin. Halos kabalikat ko lang siya, naka dress na pula, mamahalin 'yung jewelries, alam mong maganda siya nung kabataan (kasi hello, Jordan at Jayden?)

Tinignan niya ako nang masama.

Then ngumiti.

"Hello!" Bati niya.
 
Nakahinga ako nang malalim sa pag ngiti niya.

"Good Morning, Maam" bati ko.

"Oh, polite. I love it!" Siguro mga nasa 60 or 70 na siya. Hindi naman siya uugod ugod, mukhang nag gygym pa nga eh. Pero mapapansin mo na rin 'yung kulubot sa mukha at leeg niya.

Then bumalik na siya sa pwesto niya uli.

"Anong ginagawa mo diyan?" Sabi niya.

"Po?"

"You should always be on my side. Literally. I prefer sa left side ko kasi nandito anggulo ko"sabi niya.

Agad naman akong kumilos.

Sa table niya, may desk din at upuan na para sa'kin. Doon naman ako pumwesto.

"Here, sort this out by date, lahat ng from 2000 - 2005, itapon mo na okay? 'Yung natira, lagay mo lang sa desk ko" ang daming tambak na papel non.

Pero atleast marami akong gagawin.

"Yes, Maam" sabi ko.

"Anong gusto mong itawag ko sa'yo?"

"Victor na lang Maam" sabi ko.

"Okay, Victor. No pressure pero I need all the files before lunch."

"Opo"

"Good." Tapos tumayo siya at lumabas. Nakita ko siyang sumakay ng elevator.

Ginawa ko na trabaho ko. Nice, first thing to do! Kahit ang boring, naeexcite ako.

Nasa kalagitnaan na ako nang pag sosort nang marinig ko 'yung elevator uli, pero this time, hindi si Maam Cherry.

Si Sir Jayden.

"Yow.... Victoriano Jr., nasaan si Mommy?" Tanong niya.

"Ahm, hindi ko po alam Sir." Ang angas ng dating ni Sir Jayden.

Siya 'yung tipo ng lalaki na pagsuotin mo lang ng white Shirt at black pants tapos white shoes, feeling mo model na. Kapag lagyan mo pa ng cap, feeling mo siya ang bad boy of the Philippines.

"I'm only 28! Huwag mo kong iSir. Ayoko ng Sir" sabi niya.

"Okay po."

"Call me Jayden."

"Jayden."

"Again, isa pa."

"Jayden"

"Okay, use Jayden in a sentence" sabi niya.

Hindi ko alam kung pinagtitripan niya lang ako pero sinubukan ko.

"Kung ang Superman ay nagsisimula sa S, at ang Jar ay nagsisimula sa J, saan naman nagsisimula ang Jet? Edi sa Jayden"

Nawala ngiti niya sa labi nang mag joke ako. Pota ang korny ko.

Pero bigla siyang tumawa nang malakas.

"Okay, props for making the corniest joke I've ever heard in my entire life." Sabi niya na lang.

Hindi na ako sumagot kasi ang corny ng joke ko. Minabuti ko na lang na tapusin pinapagawa ni Maam Cherry.

Nakita kong lumapit naman si Sir Jayden pero naupo siya sa pwesto ni Maam Cherry.

'Yung upuan namin pareho, 'yung may gulong na umiikot. Nakita ko siyang naglalaro sa pwesto niya tapos sumisilip silip sa ginagawa ko.

Wala akong masabi kaya nanatili akong tahimik.

Bigla naman siyang nagsalita.

"Bakit ka nandito Jayden? Ako? Uhm, wala gusto ko lang makita si Mommy. Ahh, okay. Nag almusal ka na ba Jayden? Hindi pa nga eh. Ikaw ba Victoriano nag almusal ka na? Hindi pa rin Sir.... ay Jayden lang pala. Mamaya pa pong 10 lunch break"

Natatawa ako sa gilid kasi kinakausap niya sarili niya.

"Talaga pong alam niyo na Sir Jayden itatawag mo sainyo?" Tanong ko.

"See? Sir Jayden tawag mo!"

"Sorry. Respect lang po kasi nasa loob tayo ng office ni Maam" sabi ko.

"So hindi mo ko rerespetuhin sa labas? Nice, I like that!"

"Hindi sir...."

"Okay, it's official. 10AM na. May 15 minutes kang break. So tara, let's eat. Hindi pa ako kumakain" sabi niya sabay tayo.

"Hindi pa ko tapos...."

"I'm your boss too you know. Tara!" Yaya niya.

Nakakalahati naman na ako sa ginagawa ko kaya sumama na ako.

******

Akala mo naman bumaba kami, nandito pa rin kami sa office ni Maam Cherry pero nasa pantry. Sa dulong room na hindi ko napuntahan kahapon.

Andoon 'yung ref at lutuan. Pero nag init lang siya ng tubig. Tapos naglabas ng donuts and cakes sa ref.

"Sweets sa almusal! Okay lang ba sa'yo?" Tanong niya.

"Opo"

"Coffee? Black?"

"Ahm hindi po ako nagkakape eh"

"What?! Hindi pwede. Magkakape tayo!" Sabi niya.

Maya maya, nakahain na mga donuts and cakes sa lamesa tapos may tag isang kape na kaming dalawa.

"So...." sabi niya. "...kumusta dito? Masaya ka ba?" Tanong niya.

"Okay naman po." Sagot ko.

"Mag eenjoy ka kapag may activities outside the company"

"Ano pong position niyo rito?"

"Ako? Hindi ako nagtatrabaho dito. I mean, syempre gusto ni Mama pero no, not my thing."

"Oh... ano po bang gusto niyo?"

Then napatigil siya sa paghahalo ng kape niya tapos tumingin siya sa'kin.

"Bakit po?" Tanong ko.

"Wala... wala... parang ikaw lang kauna unahang nagtanong sa'kin kung anong gusto ko"

"Talaga po?"

"Nakikipag usap ako sa mga interns, palagi. Coincidentally, tinatanong din nila kung anong ginagawa ko dito then sasabihin kong hindi ako nagtatrabaho dito tapos ang normally na sinasabi nila 'sayang naman po, ang laki ng company niyo' o kaya 'subukan niyo po. Sainyo naman 'to' mga ganon ba. Pero ikaw, tinanong mo ko kung anong gusto ko"

"Hehe.... uhm..."

"Okay, Victoriano Jr., ang gusto ko eh maging writer"

"Writer? Wow!" Okay, sa itsura niya, hindi mo iisipin na nagsusulat siya.

"Yes, ang dami ko nang nasulat na screenplays pero hindi ko naman pinupublish. Gusto ko lang magsulat"

"Pwede ko bang mabasa, Sir?"

"Hahaha No!" Agad niyang sagot.

Writer. Akalain mo 'yun. Pero huwag talaga tayong manghusga, akala ko gusto niya mag artista.

"Kumusta tinutuluyan mo??" Tanong niya.

Then naalala ko 'yung kinwento niya sa'kin before na may multo daw sa katabi namin kaya tinanong ko siya.

"Actually, tinignan ko po Sir." Sabi ko.

"What? No. Huwag. Sabi ko nga sa'yo kakaiba 'yung kwartong 'yun!"

"Bakit naman po?"

"Ang sabi sa'kin, may namatay daw doon. At nagmumulto 'yung kaluluwa doon. Kaya walang kumukuha ng kwartong 'yun kahit sobrang mura."

"Pero sumilip ako..."

"Huwag na huwag ka na uli pupunta doon! Okay? Tinatakot nga kita para hindi ka pumunta, tapos ikaw naman 'tong punta nang punta"

"Curious lang po"

"Curiosity kills. Huwag ka nang sumilip ah?"

Totoo nga mga bali balita sa condo tapos 13th floor pa ako. Kaya minabuti ko na lang na hindi na puntahan 'yun.

Tinignan ko oras, 10:20 na.

Tumayo na ako tapos bumalik sa pwesto ko. Sumunod naman si Sir Jayden tapos nandoon na si Maam Cherry sa pwesto niya.

"Jayden, anong ginagawa mo rito?" Sabi ni Maam Cherry nang makita niya kami.

"Nagutom lang. Nagpasama lang ako kay Junior" ayan talaga pinaka ayaw ko na tawag sa'kin.

"Okay, pupunta ka ba sa meeting bukas?" Tanong ni Maam Cherry.

"Nah, nextime na lang My. Junior, 'yung sinabi ko sa'yo ah!" Sabi niya. Sabay halik sa noo ni Maam Cherry at alis.

"Ano tinutukoy niya?" Tanong sa'kin ni Maam Cherry.

"Wala po. About sa condo lang"

"Ahh"

Fuck. So totoo bang meron sa condo na 'yun? Natatakot tuloy ako.

Napagpasyahan kong isama si Tom kapag titignan ko uli 'yung kwarto.

Pero nag gym pa si Tom kaya hinintay ko siya sa kwarto. Nakauwi na ata siya ng 9PM.

"Bakit ngayon ka lang?!" Sabi ko sa'yo.

"Dumating sa buhay ko. Pilit binubuksan, ang sarado kong puso" bigla niyang kanta.

"Leche"

"Haha bakit ba iritable ka Victoriano?"

"Ehh kasi...." kinwento ko sakanya lahat tapos naging seryoso din siya.

"Pumunta ako kagabi tapos may narinig ako na something"

"Pumunta ka mag isa? Bakit hindi mo ko sinama?"

"Eh tulog ka na!"

"Gising ako ngayon. Tara puntahan natin!"

"Ayoko. Natatakot ako!" Sabi ko.

"Para ka namang bakla... ay wait. Oo nga sorry."

"Gago. Purkit bakla ganon agad?"

"Joke lang. Hindi insult ang pagiging bakla. Joke lang. Sorry, Kups" sabi niya.

"Pero ayoko pa rin!"

"Dali na. Tayong dalawa lang tapos bubuksan natin ilaw para hindi ka matakot!"

Curious din kasi talaga ako kaya pumayag ako. Lumabas na kami ni Tom tapos tumambay sa tapat ng 14-E.

Again, naka unlock na naman 'yung pinto.

Dahan dahan namin binuksan tapos agad naman inopen ni Tom 'yung ilaw.

Again, parang condo lang namin pero walang gamit at tahimik.

"Hello????" Sigaw ni Tom.

Pero walang sumasagot.

"Talkshit ka ata eh!" Sabi niya sa'kin.

"Alam ko narinig ko no! At saka magpapakita ba multo kapag may ilaw?" Sabi ko.

"Hmm sabagay may point ka. Tara patayin natin ilaw"

"Huwag!" Pigil ko sa kanya

Lumibot lang kami ni Tom pero parang wala namang kakaiba.

Pagpunta namin sa kusina, wala pa ring kakaiba.

Pero nagsimula ng buksan ni Tom 'yung mga drawers.

Tumingin tingin na rin ako.

"Uhm, Victor?" Tawag niya.

Nakatingin pa rin siya sa drawer sa kusina. Parang nanghina siya sa nakita niya.

"Ano 'yan? Daliri? Mata? Suicide note??" Tanong ko hanggang makalapit ako sa kanya.

Kahit ako nagulat.

As in nagulat. Pati kinilabutan. Feel ko nawala lahat ng dugo ko.

Picture ko 'yun. Picture ko 'yung nasa loob ng drawer.

*********

VOTE AND COMMENTS!!!!

HELLO!! NEW ADVENTURE NI VICTORIANO GUYS!!!!

PURO ADVENTURE NAMAN TO HAHA! SANA MAGUSTUHAN NIYO PA RIN :)

HINDI PA KO SURE KUNG KAILAN AKO MAGUUPDATE PALAGI PERO TEASER PALANG TO HAHA!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top