CHAPTER 7
YOU GOTTA FACE YOUR FEAR
"Merlat, you've got a mail!" patakbong binigay sa'kin ni Martha ang papel na hawak nito.
The thing about working your ass out throughout your damn whole life, nakapag-invest na ako ng sarili kong bahay, kung nasaan kaming nakatirang tatlo nila Tiya Judith.
Soon, I would start my own firm and my own establishment. Makikita ko na ang paglakas ng kapangyarihan ko sa bawat sulok ng Pilipinas.
"James again?" I asked. "He better shows up than sending me a childish love letter again."
"Sabi niya sa mga nauna niyang letter sayo, wala siya rito sa bansa. He's in far, far, far away from home, na walang makakakita sakanya."
Napangiti ako habang nakatingin sa salamin. Oh, he became a mystery too. Just like me. Well, goodjob, James. I am proud to be your mentor, I taught you how to fuck without giving your emotion's away. I taught you to be a sinner like me, at wala akong pinagsisisihan doon.
My dearest Ericka Quinn,
You don't know how much I've longing for you, everyday and night, I still remember how we started and how we ended. But depsite all that, I'm still willing to do it with you, again and again. Even without assurance. See you soon, My Quinn...
Love and hate, James.
Napangiti na lang ako sa nabasa ko na sulat niya. Oh, James. . .I wished I'm not a cold hearted person you once knew. I don't deserved him. Masyado siyang bata noong nagkakilala kami. Masisira ko lang uliy ang buhay niya dahil lahat ng taong lumalapit sa'kin bandang huli, ginagamit ko sila para sa sarili kong mithiin.
"Merlat, ready ka na?" basag ni Martha sa katahimikan ko.
Inilagay ko naman ang sulat sa drawer na nasa gilid ko at pinasadahan muli ang sarili ko sa salamin.
I looked fucking gorgeous. Mukhang magandang surpresa ang mabibigay ko sa bagong engaged mamaya. Alam ko rin na nakatakas si Rake Alicante, actually, expected ko na 'yon. Pero palagi naman akong handa sa posibleng mangyari.
I tilted my head. "I guess, I am. Let's go and start this game."
Handang handa na ako makita ang lahat ngayon gabi. Everyone who were involved to my suffering. I would surprise them especially the woman I hated most, Laura. Pinasadya ko talaga ang damit, make-up at buhok para lang magkapareho kami ngayon.
Bumaba na kami ni Martha, naabutan namin si Romeo na hindi mapakaling nakaupo sa sala ko. He was really handsome, though. Sayang Adan din ang gusto nito sa tao.
"Uhm, Ms. Ericka, k-kailangan ko pa ba talagang sumama? K-kasi may pasok pa ako bukas, alam niyo naman si Mr. Esqueza, ayaw ng nale-late sa trabaho."
Huminto ako sa paglalakad. "Let me ask you one thing, which one would you choose tonight? To live or die?"
Nagulat ako nang lumuhod siya sa harap ko. "H'wag mo lang ako sasaktan, please! Kahit bakla ako, gusto ko rin makita ang lahi ko."
"Stand the fuck up," I said. Narinig ko naman ang tawa ni Martha mula sa likod ko. "You act like a guy tonight, okay? Dahil kung hindi, ako mismo ang papatay sayo. Kailangan natin mapakinabangan ang pagkamagandang lalaki mo ngayon. I'll pay you, don't worry."
"Girl, sa'kin ka nalang tumabi, hindi kita aapihin. Basta sumunod ka nalang sa gusto ni Madam, ha? Para hindi tayo masaktan pareho."
"K-kasi naman, I-I don't know how to act like a man. I'm a barbie girl in this barbie world kasi?" maarteng sabi ni Romeo na nakabalikwas ang kamay.
"Control your body movement then," puna ko sakanya. "Palakihin mo ang boses mo at h'wag na h'wag kang makikipaglandian sa mga lalaki mamaya, alright? I'll give you time for that."
"Kailangan kasi namin magamit 'yan beauty mo," sagot ni Martha. "Hindi naman illegal itong ginagawa namin. Basta, sumunod na lang tayo. Ready na ba ang lahat?"
"I'm not kasi. Paano na leng, kapag may hottie na kumausap sa'kin? Anong isasagot ko like gusto niya ako o kukunin niya ang number ko?"
"Romeo, ang dali-dali lang ng sagot sa tanong mo, eh," hinawakan ito ni Martha sa balikat. "You say, 'No bro, I'm good' ganyan!"
Napahawak si Romeo sa magkabilang pisngi. Okay. He was overreacting and it freaking annoyed me. Napairap na lang ako dahil kahit nabibwisit ako sa inaasal niya, it was sort of entertaining.
"I can't! I really can't. Baka bigla ko sila offer-an ng sapatos na Nike o Adidas. Oh, God! Please help my nerves to stay in line tonight. Please, please, please!"
Ang lakas ng tawa ni Martha, tipong hinahampas na nito si Romeo. "Girl, ikaw na talaga. Tabi kalang sa'kin para ako bahala sayo, kunwari jowabels tayo."
"Ew, ew, ew!" sagot agad ni Romeo at lumayo kay Martha. "That's so gross! Halika na nga, magpapakalalaki na lang ako kunwari kaysa tumabi sayo."
Nagkatinginan kami ni Martha nang dumeretso na ito palabas ng pinto na gumegewang. Napailing na lang ako. Alam kong imposible na maging lalaki siya ngayon pero kailangan ko siya para pagselosin si Rake Alicante.
Everyone was watching me while walking. I felt like there was an invincible air that was coming in my way, kaya hinahangin ang buhok ko. Nasa likod ko sila Martha at Romeo, habang ako? Ine-enjoy ang mga tingin ng tao sa'kin.
Sino ba naman ang hindi mapapalingon sa alindog ko? People didn't get to see a bitchy face like this everyday. Kinuha ko ang wine sa nagiikot na waiter at saka nilagok iyon. Hinahanap ng mata ko si Rake at umupo sa pinaka malapit na table na nakita ko.
"Merlat, kakain lang muna kami ni Romeo, ha? Kaya mo na muna siguro 'yan. Don't worry. We got your back. Magpapakapatay gutom muna kami. ATM."
Bago pa ako makasagot mabilis silang nawala sa paningin ko. Then I saw Laura, wearing the same dress as me. There was some troubled in her face. Mukhang hindi nito nagustuhan ang pinadala ko kanina.
Nasa tabi naman nito ay si Rake. He was holding Laura's hand, mahigpit ang pagkakahawak nito roon. Mukhang nag-away na ang dalawa bago pa makarating dito.
"Very well, then it's working. Hindi naman nasayang ang effort ko."
Pinanood ko lang sila kung paano kausapin ang mga bisita kahit may pagitan ang dalawa. Kitang-kita ko kasi sa kilos ni Laura na hindi siya komportable sa presensya ni Rake.
Nagbago ang music na pinagtugtog. Hinila ni Rake si Laura sa dance floor at niyakap ito. Kasunod n'on ang pagsayawan din ng ibang tao. Kahit pilit hinahawakan ni Rake ang bewang ni Laura para hindi umalis, tinulak nito si Rake at tumakbo.
Now it's my cue. Mabilis ako naglakad sa tulalang si Rake at hinawakan ang kamay niya. I hugged him and hid my face on his suit. Pareho naman kami ng suot ni Laura, hindi ako makakapagkamalan na ibang tao.
"Surprise, Alicante? I know you didn't expect me to be here." bulong ko at ipinatong ang kamay sa leeg nito.
I was forcing him to dance. Inilagay ni Rake ang kamay sa balikat ko para lalo akong takpan.
"You're not invited. Paano ka nakapasok dito? You even copied her looks. She won't be happy if she sees you," seryosong bulong nito sa tenga ko.
"I'm not asking for her approval. Anyway, do you like it?" tinulak ko siya at tiningnan ang suot ko. I was swaying it. "I like it, actually. But I think I wore it better. Mas maganda nga lang ako sa fiancée mo, at mas ma-appeal, at alam mo na mas magaling. So why waste your time to her?"
Tumingala ako paitaas pero hinawakan ni Rake ang ulo ko para maitago ulit sa dibdib niya. I heaved a sigh. "Okay. I came here for you, dahil hindi ka sumusunod sa gusto ko."
"Bullshit," bulong ni Rake sakanya. "Alam mong hindi ko susundin ang gusto mo."
"Alam kong susundin mo ang gusto ko na gusto mo rin," natatawang sabi ko at hinawakan siya pababa ng bewang. "Come on, darling. Don't be a killjoy. Let's enjoy this night? Alam ko naman lover's quarrel kayo ngayon. Isipin mo na lang ako si'ya, magkapareho naman kami ng suot at buhok ngayon, right?" she giggled.
Itinulak si'ya ni Rake palayo, pero isinayaw na lang niya ito at lumapit ulit. "I'm good, at this, don't you remember?"
Everyone was still busy dancing. Madilim sa pwesto namin kaya hindi masyadong halata na iba ang kasayaw ni Rake. Unless, si Laura mismo ang makakita kung sino ang kasama ng fiance niya.
"You're good at flirting, you mean?"
"Yes, flirting with everyone to be exact." Inilapit ko ang mukha kay Rake, hahalikan ko sana siya ng biglang may nagsalita sa gilid namin.
"Mr. Alicante, hello! I'm Sandy Pasa, one of your biggest fan. I'm so honored that you invite me."
Napakagat labi ako at dahan-dahan nilingon ang petite na babae. Her eyes were glistening with admiration. I raised a brow to her but when she looked at me, lumaki ang mga mata nito.
"M-miss. . .Gomez? Mas maganda pala kayo sa personal. Holycow!"
Hinawakan ni Rake ang balikat nito. "Kid, we're a bit preoccupied--"
Tinulak ko ng bahagya si Rake at nginitan ang babae sa harap ko. "Hello, darling. Nice meeting you, yeah?" I said, offering my hand to her.
Tinanggap ng dalagita ang kamay niya. "Fan na fan niyo po ako! Hindi niyo po kamukha 'yong nasa picture! Iba talaga nagagawa ng photoshop minsan napapapanget ang isang tao pero minsan, napapaganda. Sa case niyo naman po, mas maganda talaga kayo sa personal."
Humalakhak ako ng pilit. "I know right? Hindi kasi photogenic ang mga ganitong itsura. Well, I'm much better in person, sexier and naughtier."
Hinalikan ako ni Rake sa buhok na tila napu-frustrate sa ginawa niya. "Excuse us, may kailangan lang kami pag-usapan."
"No, no. It's fine here," natutuwang sabi ko. "Dito mo ba sabihin. Infact, parang gusto kong yayayain siya sa kwarto para makipagkwentuhan. You know, mas tahimik."
Mas lalong na-excite ang mukha ng babae sa sinabi niya. She was clapping her hand and jumping up and down already.
"No, we're a bit busy, Sandy. Maybe next time. We have to talk first in private," seryosong sagot ni Rake dito at hinila na ako ng sapilitan palayo sa dance floor.
"I'll see you when I see you, darling!" Parang lasing na sigaw ko sa dalaga.
"What the fuck, Ericka?!" hila-hila padin ako ni Rake nang ipasok ako nito sa isang kwarto.
Mas lalo akong na-entertain sa naging reaksyon niya. He was mad right now. Well, kung sumunod lang siya sa gusto ko, hindi na sana siya magagalit ng ganito ngayon. Alam mo 'yon? Hindi niya kailangan itanong kung paano ako nakapasok kahit hindi ako invited dahil madami akong sources.
I put my hand behind my waist. "Shh, come on. I'm actually having fun in my supposed to be engagement party, Rake. Hindi mo naisip kung gaano kasarap sa pakiramdam kung tayong dalawa talaga ang ikakasal? God, it'll be the talk of the town," sabi ko at lumakad paupo sa malaking kama.
Bigla akong napahinto nang makakita ako ng tao. She was shocked, na parang nawala ang dugo nito sa mukha. Napangiti ako, my most devilish smile I could give. I bit my lower lip. Oh this game, was getting more exciting.
"Honey, it's nothing, we went here to talk to her. Dahil baka manggulo siya sa baba," pag-e-explain ni Rake rito at nilapitan.
Sinampal ito ni Laura ng malakas ng makalapit. "What the fuck, nasaan ang popcorn kapag kailangan ko ng isa?" natatawang komento ko.
"I risked my life for you. I even gave you everything that can make you happy, tapos bumalik lang siya babalik din tayo sa wala, Rake? Fuck this!"
I crossed my legs. Hindi makasagot si Rake sa sinabi ni Laura. Mukhang nagulat din ito sa ginawang pananampal ng fiance sakanya. Well, well, well, iba talaga ang nagagawa ng selos.
Tumayo na ako at lumapit sa kanilang dalawa. "Hello there. Sabi ko naman sa'yo last time, 'di ba? You're going to face your biggest fear one day, and that fear is me. Now, it's so nice to see you again. At magiging masaya ako kung sasali ka sa laro ko ng hindi pinipilit, Laura the bruha and the secret maldita."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top