CHAPTER 50
It was a part of herself she didn't want everyone to see. Kahit ilan beses na s'yang napahiya sa maraming tao simula pagkabata palagi n'yang sinasabi sa sarili n'ya na matatapos din ang lahat Makakalimutan nila ang mga pagkakamali n'ya at ng magulang n'ya. Her personality was so strong that sometimes people around her forget to ask how she is.
Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa loob ng kwarto. Tanging naririnig lang ang hikbi n'ya dahil sa pag-iyak. She looked at them one by one, they were not shock at all except Rake, na nabitawan ang hawak na switch.
He was still looking at her.
Huminga ito ng malalim hindi makapaniwala sa sinabi n'ya. "Why would I believe you?"
"D-dahil alam mo kung kailan ako nagsisinungaling," humihikbing sagot n'ya. "Y-you know me well, Rake, you know it when I'm sad, mad, annoyed or even lying."
Hindi n'ya alam kung pagmamakaawa pa ba ang tono ng pananaliya n'ya o ito talaga s'ya habang nasasaktan.
"Nagsisinungaling ka," sabat ni Tanta sa kanila at lumapit sakanya. "Until the end, you're trying save your ass, huh? That won't happen." Lumakad ito papalapit sa switch at inilahad ang kamay kay Rake. "If you can't, I will."
"Don't." It was a single word yet it sounded like a threat, demanding.
"Rake, magpapaloko ka ulit kay Ericka?" lumapit din si Saul dito.
"I am your boss here, kaya ako ang masusunod sa kung ano ang dapat gawin," sagot ni Rake sa kanila.
"If you are the boss then do what's best for this organization."
"I will," Rake answered. "But first you have to let her go."
"Dahil naniniwala ka sa kanya?!" sigaw ni Tanta. "Niloloko ka n'ya ulit!"
"I'm not," Ericka answered, hinahabol padin n'ya ang paghinga "T-two years ago, Rake and I met, may nangyari samin. And I wasn't taking any pills back then. Hindi ko ginusto na mabuntis ako dahil una, hindi ako mahilig sa bata. Pangalawa, I don't deserve to have one. It happened so fast. I came back here to finish some stuffs hindi ko rin alam na buntis na ako non."
Huminga si Ericka na malalim 'tila ba binabalikan ang mga nangyari sa kanyang nakaraan.
"Four times, apat na beses na may nangyaring masama sa batang nasa sinapupunan ko noon. The third time was with Laura she tried to kill it with her friends but someone save me."
She still didn't know who save her. But she was thankful.
"Lastly, when I gave birth to it. Maybe it was not for me."
Tahimik lang si Rake na nakikinig sa sinasabi n'ya. "I thought I'll get pass through it, just like how I survived with everything. Kahit na alam kong delikado kapag tinuloy ko s'ya but shit happens. When I gave birth to her she's already dead." Kinagat ni Ericka ang kanyang labi para pigilan ang sarili sa pag-iyak.
"You are really a manipulative human---"
Biglang tumawa ng mapakla si Ericka. She didn't care if she sounded crazy right now. Ito na ang tamang panahon para malaman ng lahat kung anong nangyari sa kanya.
"If you want to kill me because I lost a child. Go on. Dahil kahit wala na ang anak ko, I did something for her. I fight for her." Tinitigan ni Ericka si Rake. "And if you still don't believe me I have my proof. I took a video of Laura while she's confessing all the shit she made in the past." She looked down then saw blood was still coming out from her mouth while talking.
"Naniniwala kaba sankanya?!"
"I do. Let her go," utos ni Rake.
"Rake! Hindi s'ya nagsasabi ng totoo. Sinasabi n'ya lang 'yan para makatakas dito!" Tanta complained. "Naaalala mo ba lahat ng kasalanan n'ya sa'yo? Walang kapalit 'yon, Rake."
"Shut your fucking mouth. O ipapalit kita dyan?"
Natahimik si Tanta, hindi ito pwedeng sumuway dahil isa na si Rake sa pinaka mataas na lider ng organisyon. And when someone disagree, all of them should follow. Tanta walked out from the room. May pinindot si Rake na button at lumakad papalapit sa kanya.
"Leave us alone." utos nito sa mga tao n'ya habang nakatingin sa nanghihinang si Ericka.
At first walang sumusunod dito pero nang sumangayon si Saul isa-isa nag-alisan ang mga tao mula sa kwarto. Rake removed her from the electrical chair.
"Why you didn't tell me?"
"Because... It's too late. H-hindi mo naman mababalik ang nawala sa'kin," nauubo na ng dugo si Ericka.
"You are smart but when your pride kicks in, it fades."
Pinunasan ni Rake ang dugong lumalabas sa kanya at saka inalalayan s'ya patayo at hinawakan sa bewang. She wanted to talk, gusto n'ya sabihin lahat ng kailangan n'yang sabihin pero unti-unti na nauubos ang lakas n'ya. Mas lalo s'yang nahilo nang patuloy sila humahakbang napatingin sa kanya si Rake, napalitaan na ng pagaalala ang mukha nito.
She couldn't remember what happened next because when she stepped out her foot, tuluyan na s'yang nahilo at nawalan ng malay.
Nagising si Ericka sa pagkakahawak sa kanyang kamay. Hindi s'ya komportable dahil pakiramdam n'ya may madaming matang nakatingin sa kanya. Idinilat n'ya ang kanyang mata unang nakita nito'y si Erin.
She was holding her hand. "Ate." naiiyak na sambit nito at sabay niyakap s'ya.
Hindi s'ya makagalaw ng maayos dahil may dextrose na nakalagay sa kamay n'ya. Inikot n'ya ang mata, then she saw Zach and two others. Which is Martha and Damon nag-aalala ang mga mukha nito.
"Good news, I'm alive," she said to them. Ngunit walang tumawa sa joke n'ya. "Come on, don't be a kill joy. I've been in a situation like this before, remember? I survived." hinawakan n'ya si Erin sa ulo.
Oh, how she missed her.
"The doctor said, you have to take a rest for a few days or more hanggang sa masiguro nila walang side effect ang nangyari sa'yo," Zach explained, his face was so serious.
"Buhay ako. Don't overreact."
"Merlat naman!" iyak ni Marth mula sa gilid at niyakap s'ya. "Sobrang nag-alala kami sa'yo. Akala ko wala na akong kaibigan na babalikan."
"Stop it." suway n'ya. She felt awkward.
Si Damon naman tahimik lang sa gilid at pinagmamasdan s'ya. Mukhang paiyak nadin ito pero pinipigilan lang. Gusto n'yang tumakas sa kwarto na 'yon. Just like the usual, hindi s'ya sanay na ganito. She felt powerless.
"Where's Rake?"
Hindi n'ya alam kung tama bang tanungin n'ya si Rake sa mga ito dahil una sa lahat si Rake ang dahilan kung bakit muntikan na s'ya mabitay sa kamay ng mga kaaway n'ya.
"Umalis s'ya kaagad pagkadating namin." Tumayo si Martha kitang kita mo sa kanya ang pagkainis sa mukha. "Buti na nga lang, eh, dahil hindi ko s'ya hahayaan makapasok ulit dito. Hindi na s'ya makakalapit sa'yo."
"Ate, may masakit pa ba sa'yo?" tanong ni Erin sa kanya.
Kahit meron umiling s'ya. Dahil ayaw na ayaw n'ya nag-aalala ito sa kanya. Medyo malaki narin ang tyan nito mukhang ilan linggo na lang ay manganganak na. Ayaw n'ya s'ya ang magbibigay ng stress dito.
"Really, I'm more than fine. I'm still kicking and alive. Matagal mamatay ang masamang damo, 'di ba?"
Nagkatinginan ang mag-asawa. Zach probably rolling his eyes at the back of his mind. Dahil sa lahat ng tao, isa ito sa mga nakakakilala sa totoong s'ya.
"Anyway, merlat. I have something for you."
May iniabot ni Martha sa kanya ang hawak nitong cellphone at may ipinakita na video. It was Laura may isinisulat ito sa isang table. And the paper was so familiar she clicked the stop button and then she zoom out. Hindi s'ya makapaniwala sa nabasa n'ya. It was the supposedly James letter for her.
Fucking bitch! All this time? Lahat ng pinapadala sa kanya na sulat ni James ay si Laura lang ang may gawa?! Her blood started to boil, for all the people in this fucking planet si Laura pa ang nagpapaikot sa kanya.
"Is this fucking serious?" Gigil na tanong n'ya. "Paano n'yo nalaman about dito?"
"Dahil sa'kin Peping! One time pumunta kame ng kaibigan n'ya sa bahay nila nakita ko may kwarto sila para sa CCTV, I took my chance dahil pakiramdam ko minsan wala na akong kwenta."
Ericka rolled her eyes. "Oh, Damon, thank you. You're a hero." Kinindatan s'ya ni Damon.
"Anyway, where is she?"
"Gaya ng napagkasunduan n'yo. She flew away, tinulungan s'ya ng mga kaibigan n'ya. Ngayon na alam na ni Rake ang ginawa n'ya. Wala na s'yang mukhang ihaharap. She lost everything dahil sa kagagahan n'ya."
"Good because I don't want to see her fucking face again."
May kumatok napatingin silang lahat sa pinto. Binuksan naman 'yon ni Damon. There was a nurse holding a letter. Naguguluhan napakunot ang noo n'ya. Another letter? May pagoodbye pa si Laura sa kanya?
"For Ms. Ericka Lopez." ngumiti ito.
Kinuha ni Laura at iniabot sakanya. Everyone was curious and so does she. Nang binuksan n'ya iyon mas lalo s'yang naguluhan.
You ruined my life.
Now, it's time to reveal the truth.
Hindi na n'ya kailangan tanungin kung sino 'yon dahil alam n'yang si Laura nanaman ang nagpadala nito sa kanya. She was copying James hand written all this time. At ngayon may gana pa syang magsulat sa'kin?!
That desperate bitch. Hindi na natuto sa mga nangyari sakanya.
Ngunit mas lalong naguluhan si Ericka nang mahagip n'ya ang nakasulat sa ibabang parte na papel. It was an address.
"Anong nakalagay?" nagtatakang tanong ni Erin sa gilid n'ya.
"None." she smiled. "Just a fare well letter from my beloved enemy. Don't worry, nothing serious."
Binago n'ya ang topic, she asked about them. Then Erin ask about her situation, too. Kung kay Erin makakalusot s'ya ngunit sa tingin na binibigay sa kanya ni Zach, hindi. But she didn't have any choice. Curiosity kill the cat.
Mag-gagabi na ng tumakas s'ya sa hospital. Buong araw s'yang naghintay ng tawag ni Rake ngunit walang tawag o presensya nito ang dumalaw sa kanya. She called him pero walang sumasagot. Tiningnan n'ya ulit ang address, hindi talaga s'ya mapakali. Para bang may humihila sa kanya na kailangan n'yang puntahan 'yon.
"Ericka," nagsalita si Zach mula sa tabi n'ya. Nagpasama na s'ya rito dahil hindi s'ya makatakas dito. Nang umalis sila ni Erin, bumalik agad si Zach dahil ramdam nito ang gagawin n'ya. "If Erin find out about this. I'm so fuck. It will take a few days before she forgives me. So you better make sure that this address is harmless."
Umirap si Ericka kahit nanghihina nakuha n'ya pang humalakhak. "I think it's not." tiningnan n'ya muli ang papel na hawak. "There's something about this letter I can't resist."
"Danger," Zach said.
"Just drive."
Ilan oras na sila paikot-ikot ni Zach ngunit hindi parin sila nakakarating sa lugar na nakalagay sa sulat. They used waze pero mukhang naliligaw na sila. Madilim na ang paligid na dinadaanan nila. She checked again, kung ilan oras pa sila bago makarating but it says ilan minuto na lang.
Wala silang naaaninag na kahit anong bahay sa lugar na iyon. It is starting to give her chill on her spine. Mabagal na ang pagda-drive ni Zach dahil tinititigan nila mabuti ang daan kung may bahay ba silang makikita.
You arrive on your destination.
Nagkatinginan sila ni Zach.
"I'll go first." hinawakan s'ya nito sa braso upang pigilan s'ya.
"Baka delikado, Ericka. H'wag kang padalos dalos sa mga gagawin mo." may kinuha ito mula sa ilalim ng upuan. It was a gun. Bigla s'yang kinabahan.
There might be danger out there. At dinamay n'ya pa si Zach. Hindi n'ya mapapatawag ang sarili kapag may nangyari rito ngunit hindi naman s'ya papayagan nito lumabas mag-isa.
Iniabot ni Zach ang flashlight sakanya. "This is yours. Let's go."
Pagkababa n'ya agad s'yang sinalubong ng malamig na simoy ng hangin. Bigla s'yang nakaramdam ng lamig tila ba may yumayakap sa kanya. Ininda n'ya 'yon then she kept on walking. Maraming puno sa gilid na dinadaanan nila kahit semento ang daan nahihirapan padin s'ya sa paglalakad dahil nadin sa sitwasyon n'ya.
Pabagal ng pabagal ang paghakbang ni Ericka. May natatanaw na s'ya na isang bagay mula sa gilid. No, it's not just a thing. Kumabog ng mabilis ang dibdib n'ya. Because she knew what was it.
"Ericka?"
Napalunok s'ya, nawawala na ang lakas ng loob n'ya habang papalapit sa nakikita n'ya. The closer she gets, the more her heart pounded. She was sweating but still cold. Shit. It felt like she's gonna throw up.
Hindi n'ya alam kung bakit pero nang mas napalapit s'ya rito. Itinapat n'ya ang flashlight dito.
Nagflashback sakanya ang unang pagkikita nila ni Rake.
"Sa tingin mo sapat na ang katawan mo para matulungan mo ako sa kailangan ko?" hinawakan ng lalaki ang baba niya upang mapatingin dito ng deresto.
"Bakit hindi mo sabihin para matugunan ko ang gusto mo?"
"It's too impossible, lady."
"Tell me, stranger."
"Kaya mo ba bumuhay ng patay?"
Nabitawan ni Ericka ang flashlight at napaluhod ng tuluyan sa puntod na nasa harap n'ya.
In Loving Memory Of
James Riley Alicante
1994-2015
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top