CHAPTER 37




"No." mas hinigpitan pa ni Rake ang hawak sa kanya. Tumingin s'ya lalo ng masama rito. "Kakain ka at pagkatapos mo kumain, dederetso ka sa kwarto mo para matulog. May meeting tayo bukas sa investor natin."

She was irritated, now that she saw what was Sonya's reaction. Ayaw ni Ericka na kinakayan-kayanan s'ya ng mga lalaki, especially not infront of someone. It's like humiliating her. Napahinto si Laura sa ginawa at napatingin din sa kanila ni Rake.

"I won't do that. I still have my own life, you know."

"Quinn, naalala mo pa ba iyong inakto mo nitong mga nakaraan araw. You went to the club that night, right? When I found you sitting at the ground looking so fucking wasted." bulong nito sa kanya. "Ngayon dinadala mo ang magiging anak ko. I won't let you do that shit again. You're not allowed to drink, Quinn."

"Well, well. Let go of my freaking hand!" tinabig ni Ericka ang kamay ni Rake at dumeretso papuntang kusina.

She sat on the chair right away. Pumasok ang tatlo ngunit wala si Rebekah. Kahit sobrang naiinis na, she kept herself calm. Not letting her mood to ruin her classiness. Nope, not infront of them.

Habang isineserve ng katulong iyong pagkain nila nakapalumbaba si Ericka. She's not in the mood to talk. Ngayon nabibwisit s'ya sa pinag gagawa ni Rake sa kanya. He's so controlling like before. She didn't like that. She was supposed to be the one controlling him.

Tahimik sila na kumakaing tatlo ngunit si Sonya tila'y nagmamasid sa kilos nila.

"Anong plano mo Ericka pagkatapos mo manganak?" nakangiting tanong sa kanya ni Laura habang hinihiwa ang steak sa harap.

"That's for me to know and for you to find out." aniya at tinaas ang inumin. "Cheers."

Tumingin naman si Laura kay Sonya na seryoso ngayon katulad nang anak nito na si Rake. Good thing, pinapasok na nila si Rebekah sa kwarto nito dahil kung hindi, mahihirapan pa s'ya ngayon na kumain.

"Nasabi mo dati na wala kang magulang." ngunguya na sabi ni Sonya. "Nasaan na sila?" usisa nito. She was about to say a sarcastic answer when she spoke again. "Sagutin mo ng maayos. Kung ayaw mo paghugasin kita ng pinggan ngayon."

Tila nabulunan si Ericka sa sinabi nito. Kinuha n'ya ulit ang baso at napainom. She could hear Rake's laughed and Laura's annoying voice.

"Wala ka palang magulang?" tanong nito. "I'm so sorry to hear that, Ericka. Sobrang nakakalungkot pala 'yung buhay mo kaya ka nag kakaganito."

Tinaasan n'ya ng kilay si Laura. "Hindi bagay sa'yo, bitch."

"Quinn, you're infront of my mom." suway ni Rake sa kanya.

"No, it's okay, Rake. Naiintindihan ko naman si Ericka. Look at her situation kailangan n'ya ng malalim na pagiintindi. Don't worry, Ericka. Kung kailangan mo lang ako. I'm always here.."

Tumawa s'ya ng mapakla. "I'm always here too, to kill you." napakagat labi si Laura at humawak sa braso ni Rake tila natatakot.

"I'm so sorry, Ericka. Kung naoffend kita." tumingin ito kay Sonya. "Hindi ko talaga sinasadya, tita. I didn't know she's this sensitive, baka nga siguro dahil sa pagbubuntis n'ya."

"Don't play that game to me, bitch. Ibubuhos ko sa'yo 'tong iniinom ko." ngumganga si Laura tila nagulat sa sinabi n'ya. Only if she knew that she was faking everything.

"It's okay, iha." lumingon na naman sa kanya si Sonya. "You can answer my question."

Nginisian n'ya si Sonya. "My mom's dead." formal na sagot n'ya. "Wala akong ama nang sinilang ako. He ran away from his responsibility." mapait na sabi n'ya at isa-isa silang tiningnan.

"Wala kabang balak hanapin s'ya?" tanong ni Sonya.

"Bakit? Para saan? Para humingi ng tulong? Para tanungin kung bakit n'ya ako iniwan?"

"May mga rason ang lahat ng bagay. We shouldn't judge too quickly." sobrang seryoso ang mukha ni Sonya ngayon. "Narinig ko na may nawawala kang kapatid?"

Napatigil si Ericka sa paghiwa ng steak n'ya. Nagtataka s'ya kung saan nito narinig ang balita na iyon. As far as she remembered, sobrang tago ang impormasyon na iyon sa buhay n'ya na tanging iilan tao lang ang nakakaalam. Hindi sa kinakahiya n'ya ang kapatid. She just wanted to be away from her para hindi ito madamay sa after effect ng mga gagawin n'ya.

"Yes," maikling sagot n'ya. "It's confidential and I don't want to talk about it. I'm not an open book you see, hindi ako sanay ikwento sa mga tao ang mga nangyari sa buhay ko."

"Naiintindihan ko, Ericka." nagulat si Ericka dahil ito ang kauna-unahang beses na tinawag s'ya ni Sonya sa pangalan n'ya. Naramdaman n'ya sa boses nito ang sinseridad sa sinabi. Hindi na n'ya ito sinagot dahil hindi sanay si Ericka makatanggap ng ganitong sagot mula sa matanda.

"You're connected to Esqueza's company?" maya-maya usisa ni Rake sa kanya.

"Yeah, I work there."

"Zachary Levi Esqueza's one of my friend." pinag-aaralan nito ngayon ang ekspresyon ng mukha n'ya. She kept her face still. "He's a strict boss. Nagtataka ako paano ka nakapasok sa kanya? I heard you are one of his trusted employee."

"I couldn't blame him. I worked hard for that position. Zachary Esqueza is a good friend of mine, too." sa tono ng pananalita ni Ericka, gusto n'ya makakuha si Rake ng maling impormasyon sa kanya at kay Zachary Esqueza.

"You're using him." it's no actually a question.

"Who knows?" tinaas na ni Ericka ang goblet saka uminom.

"Do you know his wife?"

Napatigil si Ericka sa paginom. Lagi n'yang iniisp ang tamang sagot sa tanong na ito ng hindi malalaman ng kausap  n'ya ang totoong koneksyon n'ya sa mga Esqueza.

"Yes, nakikita ko s'ya madalas dati."

"Aware ka na may asawa s'ya?" tanong ulit nito.

"I'm very much aware. Oh, darling. Don't be jealous. Andito na nga ako, right?"

Nakita n'ya ang pagbabago ng ekspresyon ng mukha ni Laura pero itinago agad nito iyon nang lumingon si Sonya. Huminga ng malalim ito.

"Anong gusto n'yong maging anak? Baby girl o boy?" pagbabago ni Sonya sa usapan nila at medyo ngumiti.

Oh, nagtataka s'ya saan ito kumukuha ng lakas ng loob para tanungin s'ya ng ganitong bagay. Una, dahil alam nito na nagpapanggap lamang s'ya. Magagalit din si Rake dito kapag nalaman ang totoo sa kanya. Pangalawa, nasa harapan nila si Laura. It's like slapping her the ugly truth.

Alam n'yang nagkukunwari ito na tanggap n'ya ang lahat. But deep in her soul, Laura's cursing her in hell already. Siguro nga, sobrang mahal nito si Rake kaya kahit pagpapamartyr ng harap-harapan ay kaya na nitong gawin.

Sino bang babae na papayag na magsama-sama sila sa iisang bahay ng kabit ng fiance n'ya? Sinong babae ang magmumukhang kalmado kaharap n'ya at ang biyenan nito? Si Laura lang. Well, because she was fake.

"A baby boy. Gusto ko magkaroon ng kapatid na lalake si Rebekah." nginisian n'ya si Laura na ngayon ay lumalabas na ang tunay na kulay. "By the way, if you don't mind me asking. Hindi kasi nasabi sa akin ni Rake kung sino ang ina ni Rebekah."

Medyo nanlaki ang mata ni Laura sa tanong n'ya. Napansin n'ya ang paghawak nito sa kamay ni Rake mula sa ilalim ng mesa.

"Dead." si Laura ang sumagot. "Kaya kami na ang nag-aalaga sa bata."

"Hindi mo naman s'ya minamaltrato?" tanong ni Ericka.

"They're a good parents despite of their mistake in the past." si Sonya ang sumagot sa kanya.

"Hindi namin gagawin iyon ni Rake." sumagot si Laura. "I love Rebekah, she's like my own child. Nakita ko s'yang lumaki at umiyak sa bisig ko kapag nagugutom na."

"The thing is, wala talaga akong pake sa sinasabi mo." sumubo ulit si Ericka at tinaasan ng kilay si Laura.

"Rake," saad ni Laura. "Nagbago na ang isip ko na patirahin si Rebekah dito. Sa bahay muna sila nila mama titira. Hindi ako komportable makita ang anak ko kasama si Ericka."

"Are you scared na baka palitan kita?"

"Quinn," suway nanaman ni Rake sa kanya.

"Oh come on, let's face it. She's scared. Duh?" tumingin s'ya kay Sonya na nakikinig na lamang ngayon sa pagtatalo nila. "Right, Sonya?"

"No, young lady. Minsan ang kamalditahan mo ay dapat nilulugar." tumayo na si Sonya, mukhang nawalan ng gana kumain sa ginawa n'ya. "Ikaw ang magliligpit nitong lahat at maghuhugas ng pinggan." nanlaki ang mata ni Ericka. "Aalis na ako. Isasama ko si Rebekah, ako ang magbabantay sa kanya ipagpaalam mo na lang sa mga magulang mo Laura."

Todo ang ngiti ni Laura ngayon at si Rake tila natuwa sa sinabi ng kanyang ina.

"Hatid na kita." sabi n'ya rito. "Kunin ko na din si Rebekah sa kwarto." ani Rake at lumabas na ng kusina.

Naiwan sila ni Laura na nakatayo roon. Hindi parin nawawala sa mukha nito ang ngisi dahil tila nagtagumpay ito ngayon gabi, sa pang-iinis sa kanya.

"Ikaw? Hindi ka pa aalis?" taas kilay na tanong n'ya rito habang isa-isa na pinagsasama ang mga pinggan. Sanay si Ericka sa mga ganitong gawain noong bata pa s'ya dahil nagmula s'ya sa isang mahirap na pamilya.

Tumawa lamang si Laura sa kanya. "How's my acting?"

"Poor." sagot n'ya habang binubuhat ang pinggan at nilagay sa lababo. "Hindi bagay sa'yo ang mag bait-baitan. Gusto ko masuka." kahit naiinis at labag sa loob n'ya sinimulan na ni Ericka ang paghuhugas ng pinggan ngunit putak padin ng putak si Laura sa likod n'ya.

Pinatay ni Ericka ang tubig, lumapit s'ya kay Laura at binigyan ng isang malakas na sampal ang bibig nito. Nagulat si Laura sa ginawa n'ya at binawian s'ya agad ng sampal. She slapped her again too. Akmang babawi na naman si Laura pero nahawakan n'ya ang kamay nito.

"Once is enough." she told her. "Kung hindi ka titigil d'yan sa kapuputak ng bibig mo. Ako mismo ang magpapadugo d'yan para lang manahimik ka."

Hawak-hawak ni Laura ang bibig na tila nagdudugo na sa loob. Nakakuyom ang palad ni Laura at nanginginig ang katawan sa sobrang galit sa kanya.

"Kung akala mo masisira mo ang lahat basta-basta, nagkakamali ka, Ericka. Hindi ko bibitawan ang matagal ko nang hawak." sabi nito.  "Kahit ilan beses pa magtaksil sa akin si Rake dahil sa'yo, hindi ko s'ya bibitawan. Paulit-ulit ko s'yang papatawarin. Now, kung akala mo makukuha mo s'ya sa akin, you're wrong."

"Nakuha ko na s'ya sa'yo matagal na panahon na, Laura." tila nang-aasar ang boses ni Ericka. "Bumabalik lang s'ya sa'yo dahil hinihila mo s'ya."

"Nagkakamali ka. He never break up with me."

"And why's that?" she laughed sardonically. "Block mailing him, yeah?"

"You don't know anything about us and what we're after."

"I know everything about you. Kahit gaano pa kaganda ang plano mo, mas magwawagi parin ang plano ko. Malay mo bandang huli ako mismo ang magususot ng wedding gown mo..." hindi n'ya inaasahan ang pagsampal na naman ni Laura sa kanya.

She slapped her again and again when she saw Rake was about to enter the kitchen. "May lamok sa pisngi mo, Laura!" she said then massage it. Then smacked it lightly, dahil nanonood na si Rake sa likod nila. "Ah, kambal 'yung lamok."

Bigla s'yang tinulak ni Laura kahit hindi malakas nagpanggap s'ya na sobrang lakas ng ginawa nito at itinama n'ya ang katawan sa likod ng mesa. Napaupo si Ericka at napahawak sa t'yan n'ya.

"My baby..." kunwari'y naiiyak na sambi n'ya.

"Ericka!" agad n'yang naramdaman ang paghawak ni Rake sa bewang n'ya. Checking her body, tumingala ito kay Laura na may galit sa mukha. "Laura, I told you not to fight her. Alam kong gaano ka naiinis kay Ericka but you don't need to do this."

"Aah, Rake... Sumasakit ang t'yan ko. Yung baby ko..."

"It's not real! Can't you see? Nagpapanggap s'yang na nasasaktan. Hindi malakas ang pagkakatulak ko!"

Binuhat s'ya ni Rake, ipinikit ni Ericka ang mga mata n'ya dahil alam n'ya kapag dumilat s'ya iba ang makikita nito sa mga iyon. Sumandal si Ericka sa balikat ni Rake.

"We've talked about this. Don't you remember? She's still carrying my child."

"'Yung baby ko..." nagpapanggap na iyak na sabi n'ya.

"Rake!" sigaw ni Laura mula sa likuran nila.

Nagsimula na maglakad si Rake papunta sa kwarto n'ya. My child. She felt how nostalgic the word was to her. Kusa tuloy napahawak si Ericka sa t'yan n'ya, as if she could feel her again inside her; kicking and moving.

Binuksan ni Rake ang pinto at inilapag s'ya nito sa kama. Dumilat si Ericka. Mukhang nagulat si Rake sa nakita n'ya. Because for the first time, he saw a little tears running down Ericka's eye.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top