CHAPTER 33

Someone asked me kung sa AMTMB Demons by Imagine Dragons ang theme song. Ano naman daw dito. Actually, I started writing this one when listening to the song.  Ordinary People by John Legend.

Try to listen and understand the lyrics, that is how this story will go. :)





****


I'll never get over you, Ericka. I will not stop until you're mine again...

Pinunit ni Ericka ang sulat sa kanya. She had too much bullshit going on with her life, and this James childish love letter was giving her headache again. Ang hilig talagang sumabay sa problema ng lalaking iyon.

"Ang lakas mo naman kasi ako iwanan nung isang gabi. Akala ko ba party natin dalawa 'yon?" reklamo ni Damon sa kanya habang nakaupo sa sofa. Katabi nito si Martha na nagbubunot ng kilay ngayon.

"Hindi man lang kayo nagyaya." singit nito. "Pero Merlat, doon ka talaga natulog? Anong feeling? Nagthrowback thursday na naman ba kayo?"

"No," Ericka answered at umupo sa itaas ng mesa. "We sleep and cuddle. Pero nung umaga, ayun nga. Nakita kami ng magulang ni Laura."

"Good for you congratulations." ani Martha. "Masaya kana ba ulit? Alam ko naman ayan happiness mo, Merlat eh. Sadista ka talaga."

Tumawa si Ericka ng mapakla at nilingon si Damon. "Ikaw ba anong balita sa kaibigan ni Laura?"

"Magdedate kami. Tapos maghohotel, saka ko na tatanungin baka biglang makahalata. Edi, ako nalugi kapag iniwan ako nun bigla."

"Siguruduhin mo lang may makukuha ako sa'yo, kundi papalayasin kita."

"Peping, huh?" tinapik ni Damon ang dibdib. "Ako pa ba. Alam ko mga galawan ko. Never akong sumablay. Trust the expert!"

Umirap si Ericka. Damon was her new favorite ampon. She liked his humor, kahit minsan gusto n'ya na ito ipatapon sa Bermuda Triangle still, she found him funny.

"Where's Tiya Judith? Nasa kwarto parin ni Hope?" nagtatakang tanong n'ya.

"As usual..." inaantok na sagot ni Martha sa kanya.

Napalingon si Ericka nang may kumalabit sa likod n'ya. It was Mira, namumula ang mata nito. Napakunot s'ya at medyo kinabahan. What happened to her?

"Mira," aniya at hinawi ang buhok sa mukha.

"Uhmm... Ms. Ericka, may gusto lang sana akong sabihin. Pwede ba kita makausap ng tayong dalawa lang?" sabi nito sa kanya.

Tumingin muna s'ya sa dalawa na nasa sofa. Like her, nagtataka rin ang mga ito.

"Sure. Sa kusina tayo."

When they entered the kitchen, lumakas ang iyak ni Mira sa kanya. Walang ideya si Ericka sa iniiyak nito. Tumingin lang s'ya sa kamay ni Mira at sa bagay na hawak nito. It's a PT. She was taken aback for a second. Alam ni Mira ang rules sa bahay n'ya.

"I'm sorry Ms. Ericka... Alam kong ayaw mo sa bata. Ayaw mo sa bagay na nakakapagpaalala ng anak mo. Pero hindi ko po kasi kaya itong buhayin mag-isa. Alam kong malaking tulong ang pagtira namin ng kapatid ko dito sa bahay mo. Sana patawarin mo ako."

Kinuha n'ya ito sa kamay ni Mira. She saw the two lines. Mas lalong sumasakit ang ulo ni Ericka.

"Sino ang ama?" she asked.

"Hindi n'yo po kilala."

"Pwes, ipakilala mo." naiinis na saad n'ya rito.

"Pero po kasi---"

"Merlat, sila Laura nasa labas ng bahay!" natatarantang sigaw sa kanya ni Martha.

"What?"

"Oo nga! May mga kasamang  babae!"

Tumawa ng mapakla si Ericka. Laura's with her friends today?  She must expect this. After what she did the last few days. Alam n'yang susugod si Laura sa kanya.

"Papasukin mo." tumingin s'ya kay Mira. "We'll talk kapag ayos na ang lahat. Magtago muna kayo ni Damon at h'wag n'yo papalabasin si Tiya Judith." tumango naman agad ito sa kanya.

"Sure kana ba, Merlat? As in? You need back up?"

"Just open the damn gate first."

"Sabi ko nga."

Umalis si Martha para buksan ang gate. Umayos ng upo si Ericka, hawak-hawak n'ya parin ang PT sa kamay. What the hell she should do about this? She hated kids. Kung makakakita s'ya ng isa sa mismong pamamahay n'ya. Ikamamatay n'ya siguro ng tuluyan.

Pinaglalaruan n'ya lang ang hawak sa kamay nang marinig n'ya ang yapak ni Laura papalapit sa kanya.

"Bitch! Nasaan ka?!" galit na galit na sigaw nito.

"Here." she calmly said.

Namumula ito na nakatingin sa kanya. Oh, she's angry. But Ericka wasn't scared of her. Laura's like a tame cat kapag nagagalit. Ni hindi nga s'ya tinatayuan ng balahibo rito, depende kapag naiisip n'ya ang mga nagawa nitong kasalanan sa kanya.

Hindi lang balahibo ang tumatayo sa kanya. Kundi kamay n'ya na papunta sa mukha nito. Martha waas on their side, ready na makipag suntukan kung may gagawin mang itong tatlo sa kanya.

"You can go, Martha. I can handle these three." pinandilatan s'ya ni Martha ng mata peo sa huli lumabas nadin ito.

Binalikan n'ya ang masamang tingin ng mga kaibigan ni Laura. The hell she care? Kailan pa ba s'ya natakot sa mga ito? Two years ago? When she was vulnerable?

"Sinasabi ko sa'yo layuan mo ang fiance ko! Ang kapal ng mukha mo at doon ka pa natulog nung isang gabi! Ang kapal ng mukha mo!" sigaw nito akmang lalapit sa kanya pero tinaasan n'ya si Laura ng kamay.

"Like mother like daughter, huh? Ganyan ganyan din ang gagawin sa akin ng ina mo ng nakaraan araw." umupo si Ericka sa mesa, still trying to annoy them. "Nasabi n'ya ba sa'yo kung ano ang nakita n'ya?"

Dahan-dahan lumapit ang kaibigan nito na si Becca. She smiled at her. "Gusto mo ba maranansan mo ulit ngayon ang naranasan mo dati sa amin, ha?"

"Oo nga." sabat ni Tanya. "You stay away with Rake. Kung ayaw mo paluhod na umiiyak sa amin."

She laughed at them sardonically. "Oh dear, that would never happen." she told the. "I'm way too different now, can't you see?" nilapitan n'ya si Becca. "Ikaw, gustong-gusto mo talaga nakikisawsaw? Kasali ka rito. H'wag kang tatakbo kapag hinabol kita." napaatras ng kaunti si Becca sa kanya.

Hinawakan naman ni Laura ang balikat n'ya. "H'wag kang makalapit lapit sa kaibigan at fiance ko!" sigaw nito sa kanya. "Ano? Hindi ka parin tapos sa amin? Iniwan mo pa 'yong bra mo! Akala mo makikpagbreak ako sa kanya?! Manigas ka!"

"Magbebreak din kayo." she said, confidently. "Hindi man ngayon. But I'm on my way to do that."

Pinanlakihan s'ya ni Laura ng mata. Susugod ulit ito nang awatin na ni Tanya ito. "Only if you knew, na meron kaming hawak na magpapabagsak sa'yo. Kaya h'wag mo muna s'yang patulan Laura. We can scare her."

"Really? Scare me? Paano naman?" taas kilay tanong ni Ericka. "At magpapabagsak sa akin? Diba, pinatay n'yo na?" Natahimik ang tatlo sa sinabi n'ya. "Napatay n'yo na kaya isusunod ko kayong tatlo sa libingan n'ya next time."

Napalunok si Laura sa harap n'ya, trying to act strong. Kahit alam n'yang nanginginig na ang tuhod nito sa mga dapat n'ya pang gawin sa buhay nila.

"You two won't working anymore." mariin na sabi ni Laura sa kanya. "Kakausapin ko si Rake. Hindi na ako makakapayag magsama kayo sa trabaho. Kung dati, may assurance ako. Ngayon alam kong gagawin mo ang lahat masira lang kami."

"Oh, Laura dear. Can't you see? Matagal na kayong sira. Matagal kana nagpapakatanga sa kanya. Hindi ka n'ya mahal. Kaya h'wag kang magugulat isang araw, wala nang kasalan ang magaganap sa inyo."

"Bitch!" sabi sa kanya ni Becca.

"Thanks for the compliment, dear." sagot ni Ericka.

"Tuwang tuwa ka sa pagiging bitch mo, ha?" nanggagalaiti na sabi ni Laura. "Kung bitch ka, hindi ako magpapatalo sa'yo. Hindi matutuloy ang kasal, ha?! Pwes, ako mismo ang magiinvite sa'yo na pumunta a kasal namin para kainin mo mismo ang sinabi mo!"

Mas lalong tumaas ang kilay ni Ericka. Mas lalo s'yang natutuwa sa hamon nito. Isn't it exciting? "Really? Are you sure about that?"

"He's breaking up with you, Ericka." sabi ni Tanya. "Hindi na kayo magkikita ni Rake at kami mismo ang gagawa ng paraan."

"And this is the end of your relationship with my fiance. Dahil kapag nagkita pa kayo, lalabanan na talaga kita." pagbabanta sa kanya ni Laura.

"Oh, nice..." she said, habang pinaglalaruan ang bagay na hawak n'ya sa kamay. "Actually, this is the only beginning." inilapag ni Ericka ang hawak n'ya na PT sa mesa, at ipinakita sa tatlo.

Their eyes were shocked. Nanigas si Laura sa harap n'ya, she smirked at her.

"Positive means..." di makapaniwalang sabi ng kaibigan nito.

"Si Rake ba may gawa n'yan?" asked Tanya.

"S-sa'yo ba 'yan?"

Tumawa na naman si Ericka. "Yes and yes and yes is my answer to all your questions. Congrats. I'm pregnant. Step-mom kana."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top