CHAPTER 14



THE MORE YOU HATE THE MORE YOU LOVE

Napaawang ang bibig ni Ericka habang nakatingin kay 'Mrs. Alicante' at Rake. Hindi si'ya makapaniwala na ina talaga nito ang nakasabay niya at ang pinagmalditahan niya sa elevator.

"This is your mother?" tanong ni Ericka kay Rake.

"May reklamo ka?" pagtataray nito sa kanya habang binabaybay ang baston papasok ng meeting room. "Ah, the generation nowadays are going old but not growing up! They don't have respect to the elders anymore."

Natawa si Ericka sa sinabi nito at dahil na din sa itsura ni Rake, mukhang clueless ito sa nangyari. Sakto naman umupo ito sa bandang unahan at ang natitirang upuan na lang na walang laman ay ang katabi nito.

"Can I sit here?" Ericka asked.

Tinaasan naman si'ya nito ng kilay at lalong kumunot ang kunot na noo ng matanda. Inirapan lang si'ya nito kaya umupo na si Ericka habang pinapanood ang iba't ibang representative ng bawat kompanya para lang mapili na maging partner sa new project ni Rake.

"That's kinda absurd don't you think?" komento ni Ericka sa nagsasalita sa harap.

Tinitigan naman si'ya ng matanda pailalim mula sa salamin nito. Rake's mother was tall, mas matangkad pa kay Ericka at malapit na sa height ni Rake kaya medyo nakakatakot ito. Medyo may hawig ito kay Rake sa pagiging seryoso at strikto.

Nakataas padin ang kilay nito sa kanya. "I didn't say a thing, old woman." Irap ni Ericka.

Nagulat ito sa sinabi niya. "Young lady, you really don't know the word respect." Sabi nito.

"Do you?" inilapit ni Ericka ang bibig sa tenga nito. "Nag eexpect ka ba na magsosorry ako sa nangyari kanina? Sorry, but that won't happen." She said.

Hinawakan si'ya nito sa baba at tinitigan ng matalim. "Sinabi mong wala kang magulang? I see, young lady. I understand. Pero h'wag ka ka magugulat kapag hinila ko na iyang dila mo mula sa bibig mo. At hindi ko bibitawan 'yan habang hindi mo natutunan ang salitang respect."

Napaatras agad si Ericka dahil mukhang seryoso ang matanda sa sinabi. Inusog niya din ang kanya upuan upang mapalayo dito ng kaonti.

"Mas mabuti na nagkakaintindihan tayo." Rinig niya na sabi nito.

Mabuti na lang at tinawag ni Rake ang pangalan niya kaya napatayo na si'ya at humarap sa lahat para hikayatin ang lahat kung bakit nararapat ang Esqueza's Firestone Company ang maging partner nito sa susunod na project.

"You're their representative?" nagtatakang tanong ni Rake nang ibigay sa kanya ang mic.

"One and only." She winked. "Gusto ko din magkaroon tayo ng bonding moments kung sakali, Rake."

"Ericka, this is a serious matter. Hindi ko kailangan ang paghihiganti mo sa project na 'to." Bulong nito sa kanya.

Natatawa si Ericka dahil nasa unahan na sila lahat-lahat nagtatalo padin sila ni Rake.

"You are my matter, Rake." She flirted at humarap na sa lahat. "Hello, ladies and gentleman. I am Ericka Lopez, representative of Esqueza's Firestone Company. Simple lang ang sasabihin ko. Hindi na ako magpapaikot-ikot para i-convince ang board para piliin kami. I have five reasons." Itinaas ni Ericka ang daliri niya. "We are the best, and the best, and the super best, and the super duper best among you all." Ericka crossed her arms. "Last? Esqueza's Firestone is the top leading company in this country. Which means we can give you everything you want and need. We value most our consumer and so our entrepreneurship partner. So that's it. Pag hindi niyo kami pinili, it's your loss not ours. I , thanks."

Natahimik ang lahat sa sagot niya. Pati ang matanda sa harapan niya hindi makapaniwala sa sinabi niya.

"That's it?" the old woman asked.

"What? Are you expecting to feed you with some bullshit?"

"Better watch your mouth."

"I will." Natatawang sabi ni Ericka sumandal na sa upuan.

Tinawag naman ni Rake ang ina para pag usapan ang desisyon. Lumabas muna saglit ang dalawa habang hinihintay nila ang desisyon nito. Halos lahat ata nakatingin sa kanya, lalo na ang mga lalaki na hindi magkamayaw sa legs niya.

"Pipikit ka o hihilahin ko 'yung mata mo?" sabi niya sa isa, halos nirarape na ata si'ya sa utak nito.

"I know you. You're Quinn, magkano ka ba? Alam ng lahat ng lalaki dito na nabibili ka." Sabi nito sa kanya.

Sinamaan niya ito ng tingin. Habang 'yung ibang lalaki nag aabang sa isasagot niya. "Two billion." She said. "Cash. For one night."

Napasinghap ang mga ito sa sinabi niya. Ngumisi ang lalaki sa gilid niya. "Deal. Saan tayo magkikita? Saan mangyayari?"

Mapaklang tumayo si Ericka at nilapitan ito. Hinila niya ang kurbata ng lalaki at ipinatong ang isang paa sa pagitan ng hita nito. "Ngayon na, gusto mo?"

Hindi makapaniwala ang mga tao sa loob sa ginagawa niya. Lalo na ang mga babae, nakatingi sa kanya na may panghuhusga sa mata. Ganyan naman palagi, kahit saan si'ya magpunta. Ganito ang tingin ng tao sa kanya. Bayarin, low class, sinner, evil and a wicked bitch.

"Pwede.." itinaas ng lalaki ang kamay nito at hahawak sa hita niya pero nagulat si'ya ng hilahin si'ya ni Rake sa braso.

"Quinn!" naiinis na sabi nito. "You're in my territory. H'wag dito." Saway nito sa kanya, sobrang dilim ng mukha ni Rake na halos manginig na ang lalaki sa harap nila.

Hinarap nito iyon. "Get out. Hindi ko kailangan ng lalaking bumibili ng mga babae." Sabi nito doon.

"You're too selfish, Alicante. Alam ko naman nabili mo na si'ya kaya ayaw mo ipahawak sa iba."

Napahiyaw ang lahat ng bigyan ito ni Rake ng suntok. Agad na may lumabas na dugo ito mula sa ilong sa sobrang lakas ng ginawa ni Rake dito.

Nagawa padin tumawa nung lalaki. "Quinn, i-text mo ako pagkatapos mo sa kanya. Here's my number." Ibinato nito ang calling card pero hindi pa ito nakakaalis ng hilahin ni Rake ang kwelyo nito at pakaladkad inilabas sa meeting room.

Halos lahat gulat na gulat sa nangyari pwera lang kay Ericka. Nang pumasok si Rake tiningnan lang si'ya nito ng masama. That look, na mag-uusap sila after ng meeting. She just nodded then went to her seat.

She crossed her legs habang hinihintay ang announcement ni Rake. Nakasimangot padin ito habang nagsasalita sa harap kaya hindi niya mapigilan ang matawa. She still affects him, kahit na may Laura sa buhay nito.

"We both agreed this said company will be our partner for our next project which will be held at Palawan next week. Most of the time, kami lang ang magkasama at hindi pwede ipasabi sa iba ang magiging plano namin. Sa pag gawa naman ng desisyon kahit business partner ka namin, ako padin ang masusunod wala ng iba. Pag hindi ko nagustuhan 'yung sa'yo h'wag ka na makipagtalo."

Napaubo si Ericka. She knew this.

"And what company is that, Mr. Alicante?" tanong ng isa.

"Esqueza's Firestone Company. That's it for now."

Nakarinig si'ya ng hindi pagsang-ayon sa paligid niya pero hinayaan lang ni Ericka lumakad na si Rake palabas pero maya-maya binalikan si'ya, madilim padin ang mukha nito at mukhang galit padin sa ginawa niya.

"My mother wants to talk to you. And I need to talk to you first." Sabi nito sa kanya.

"And what's that, Mr. Alicante?" ngisi niya dito.

Hinintay muna ni Rake mawala ang lahat ng tao sa meeting room at saka ipinasara ang pinto sa kanyang security bago magsalita.

"Ano 'yung ginawa mo kanina?"

"Alin?" painosenteng sagot ni Ericka.

"You're selling yourself, Ericka." Naiinis na sabi nito. "Sa tingin mo hindi makakasama sa kompanya ko kapag nalaman ng iba na 'yung pinili namin na project partner ay bayaran?"

"And so?" pang-aasar lalo ni Ericka.

"Stay away with them as much as possible. May pangalan ako na pinapangalagaan." Nakatingala lang si Ericka kay Rake habang natututwang pinapanood ang reaksyon nito.

"Okay, I can do that."

"Good." Medyo ngumiti ito sa sinabi niya.

"Kaya ko naman na patago. Don't worry."

"F'ucking. Quinn."

"Rake," tawa ni Ericka. "Don't tell me you still have feelings for me?"

"Yeah, if you mean hatred then I have one for you."

Tumayo na si'ya at pilit nakipagtitigan kay Rake. "Hatred, hmm. Interesting."

"Ericka, we're not playing your f'ucking game here. You understand?"

"Understand." Kagat labing sagot ni Ericka habang nakikipaglarong nakatingin padin kay Rake.

"Ericka!"

"I said I understand. Ano pa gusto mong marinig?" mukha naman ito napufrustrate sa sinasabi niya.

"Bakit ka bigla nawala nung isang gabi?"

Tumalikod agad si Ericka upang hindi makita ni Rake ang reaksyon niya. Kunwari pinag-aaralan niya ang mga bagay-bagay sa kwarto na iyon. "You left me with a kid. I'm not a baby sitter."

"And Zach Esqueza?" may halong pagdududa sa tanong nito.

"He's my boss." She said.

"Are you sure? Mayaman si'ya."

"I'm not interested." Ericka was keeping her tone still. Ayaw niya may malaman si Rake sa kung anong koneksyon meron si'ya kay Zach. Of course, Zach had something that Ericka needed to protect still. She needed to protect it from her enemy. Ayaw niya madamay ito pinaggagawa niya.

"Hindi ako interesado sa yaman niya, Rake." Lumapit si'ya dito at pumameywang habang pinaglalaruan ang dibdib ni Rake. "It's you that I'm always interested. H'wag ka na magselos. Sa'yo lang naman umiikot ang mundo ko sa ngayon. Sa tingin mo ba, nasa harap mo ako ngayon para maghiganti? Of course, I want you back. Kaya ayoko makasal kayo ni Laura."

Tumawa si Rake ng mapakla at hinawakan ang kamay niya at ibinaba. "I know you too well to believe your lies. Alam ko naman kung ano lang ang gusto. By the way, my mother wanted to talk to you. Nasa opisina ko si'ya."

Napaatras si Ericka. Hindi niya alam kung bakit gusto si'ya kausapin ng ina nito.

"What does she want?"

"I don't know. Go on and figure it out." Ngising sabi nito sa kanya.

"And what's with that smirk?"

"Quinn, hindi kasi gagana ang pagiging maldita mo sa kanya."

Pumalatak si Ericka. "Well? Let's see." At lumakad na papunta sa pinto. Ramdam niya na pinapanood ni Rake ang likod niya at nakatingin ito sa mapuputing hita niya. Kaya lumingon si'ya ulit.

Gotcha. Nahuli niya ito nakatingin sa kanya. "By the way too, Rake. May gusto lang din ako ipaalala sa'yo."

"What?" tanong nito at kunwari busy na inaayos ang papel sa lamesa.

"The more you hate, the more you love, darling."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top