CHAPTER 13


EXPECT THE UNEXPETED

"Bakit ba ako pa 'yung sinama mo dito? Tsk. Peping naman, baka masuntok nanaman ako ng di oras." reklamo ni Damon habang nasa sasakyan sila ni Ericka.

Ito kasi ang napili niya maging alalay sa araw na iyon, kailangan niya ng driver dahil tinatamad si'ya magdrive.

"Ang dami mong tanong. Ikaw ba tinanong ko kung bakit ka nakikitira sa bahay ko?" matarayna sagot ni Ericka dito.

Napanguso naman si Damon habang nagmamaneho. "Sabagay, may point ka. Ayun nga nimemorize ko na sasabihin sa'yo kung sakaling tinanong mo ako nung gabi na 'yon."

"Wala akong interest sa buhay mo."

"Nako, nako, nako naman, peping." panunukso nito sa kanya. "Ako, alila mo lang ako ah. Pero curious kase ako sa buhay pag-ibig mo, nakwento na sakin ni Ivan 'yung sa inyo pero hindi nagwork out daw kase masyado si'yang gwapo para sa'yo."

Nagtaas ang kilay ni Ericka. Ivan was an ex, and her close friend too. Medyo malalim din ang pinagsamahan nila, kaya kung ano ang hilingin ng isa pinagbibigyan nila. "Pagnakita ko 'yan kaibigan mo. Kakalbuhin ko 'yung pinakaiingatan niyang buhok."

"Gusto ko 'yan, peping. Para ako na pinaka gwapo sa mga kaibigan ko." tumawa si Damon, naaasar naman si Ericka.

"Bakit magkaugali kayo ni Ivan?" usisa niya dito.

"Syempre, since pinapalitan kami ng diapers magkakilala na kami."

"No, may something. May nararamdaman ako."

"Hindi ako bakla, peping." depensa nito. "Joke lang 'yung sinabi ko nung isang gabi ah! Pero sige, tanong ko na lang kung nainlove ka na ba?"

"Defensive but nah." mabilis na sagot ni Ericka. "And you?"

"Oo, madaming beses." malakas na sabi ni Damon.

"Kaibigan mo nga talaga si Ivan. Ginagawa nang hobby ang mainlove, pati ata aso sa kanto naiinlove 'yon."

"H'wag mo ako itulad doon, peping. Sabihin na natin madaming beses ako nainlove pero nainlove ako ng madaming beses sa iisang babae." proud na sabi nito.

"Is that even possible?" tanong ni Ericka. "So, bakit wala si'ya sa tabi mo?"

"Yes, of course, peping! Ha ha ha! Interesado ka na?"

"You'll answer my question or I'll kick your ass out in my house?"

"Eto na nga peping, eh. Masyado kang hot. She said 'I'm lost. I need to find myself."

"And then?"

"Naliligaw 'di ba? Binigyan ko ng mapa. Ayun, mas lalong nabadtrip sa'kin, at tuluyan akong iniwan."

Pumalatak si Ericka. "If I were her, if someone gonna answer me that way I'll burn him alive."

"Peping naman.."

Natatawa si Ericka na nakatingin kay Damon. Mukha kasing natakot ito sa sinabi niya. Good. Mas okay na 'yung takot sa kanya, kesa komportable. Nang makarating sila sa kompanya ng pamilya ni Rake agad niyang sinabihan si Damon na hintayin si'ya.

"Sisipol ka? Hindi naman ako aso, peping."

"Well, maghintay ka kung gusto mo may matutulugan mamayang gabi." isinara ni Ericka ang pinto.

The usual, habang naglalakad si Ericka napapahinto na naman ang bawat tao sa ginagawa ng mga ito. 'Yung iba napapanganga, 'yung iba nabubunggo. Kahit 'yung security hindi na din si'ya tinanong kung anong kailangan niya.

Lahat nag give way sa kanya papasok sa masikip na elevator, she's late at iisa na lang ang slot kaya isiniksik na niya ang sarili niya. Pero nagulat si'ya ng may matandang babae na humabol at pilit ipinapasom ang sarili.

Marahan itinulak ito ni Ericka palabas. "I'm sorry, old lady. It's full and crowded. Maghintay ka na lang ng susunod." she was about to push the closed button ng nagsilabasan 'yun mga nasa loob.

Napakunot ang noo ni Ericka, hawak-hawak ang baston napatingin sa kanya ang babae. "What? H'wag mong sabihin nag eexpect ka na lalabas din ako katulad nila?"

Sobrang dilim na ng mukha ng babae at padabog na pumasok. May dalawang malaking lalaki sana papasok pero tuluyan na niya pinindot ang close button.

"Hindi ka pinalaki ng maayos ng magulang mo." mapakla sabi sa kanya nito.

Ericka tilted her head. "Plot twist: Wala akong magulang." kinindatan niya ito.

Natahimik ang matanda sa inasal niya pareho na lang sila naghihintay bumukas 'yung elevator sa floor nila. Dumeretso si'ya sa meeting room at sobrang dami ng lalaki naka pormal ng suot, nakatingin halos sa kanya.

Erica smirked, at nagsitayuan ang lahat.

"Mrs. Alicante," bati ng mga tao.

Napahinto si'ya at napalingon sa likod niya. Pinapaalis si'ya ng matanda sa dadaanan nito. Nakita niya si Rake na lumabas ng office nito, tiningnan muna si'ya saglit at sabay lapit sa matanda.

"Ma, welcome home." sabi nito, sabay halik sa noo.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top