Chapter 25


Chapted 25

May limang sasakyan pang dumating at pinalibutan kung saan kami nakapwesto. May mga bumabang lalaki na may hawak din na baril. They pointed it at Greg's guard too.

"Anong ginagawa mo dito?" rinig kong tanong ni Greg kay Rake. "Hindi ba nagkaroon na tayo ng kasunduan?"

"Kasunduan? Pero balak mo siya itago?"

Tumatagos ang galit na tono nito sa kinauupuan ko. If Rake would save me, so what happens next? Paano matatapos ang lahat? I don't know. I really don't know. Ayokong mapahamak siya. Kahit ilan beses niya na akong sinabihan na pagkatiwalaan siya.

"Where is she?" tanong ni Rake dito. "Where is Ericka?!"

Mukhang nakarating sakanya ang balita ng lalaking pumapatay. Inisip niya ba na isa ako sa mga naging biktima? That's why he came all the way? Sobrang nag-alala ba siya?

"Nasa loob siya ng sasakyan," mahinahong tugon ni Greg.

"Ilabas niyo siya. I want to see her," utos ni Rake. "Kung hindi, babaha ng dugo dito."

Tumawa ng mapakla si Greg. "Too much love can kill you, eh? Huwag kang padalos-dalos sa desisyon mo, Alicante. There are bigger things that's more important than her---"

"Three," umpisang bilang ni Rake dito. "Hindi ako nagbibiro. Ilabas niyo siya. Two." Inayos nito ang pagkakatutok kay Greg. "One."

"Ilabas niyo si Ericka sa sasakayan," mabilis na utos ni Greg.

Wala pang ilan segundo. May lalaking nagbukas ng pinto at hinila ako palabas. Itinulak niya ako sa gitna dahilan upang mapaluhod ako.

"Here she is, alive and still bitching," saad ni Greg. "Iyan lang naman ang gusto mo masigurado, hindi ba? Ang malaman na buhay siya? There she is. Pwede naba kami umalis habang hindi pa tapos ang kasunduan natin?"

"I won't let you. Ngayon na alam kong may pumapatay sa tauhan mo," komento ni Rake. "The last time I checked isa si Ericka sa gusto mong maglaho sa mundong ito."

"Hindi ako tanga para patayin siya."

Hula ko humakbang si Greg papalapit saakin dahil mas lalong lumalakas ang boses niya. I was just staring at Rake while he was talking to him.

"Pero tanga ka para patayin ang sarili mong tao?"

"Alicante," tumawa ng mapakla si Greg. "Hindi ko sila pinapatay kung iyon ang iyong inaakala. She is diagnoses with multiple personality disorder. Ang babaeng pinaglalaban mo ay ang pumapatay ng mga taong nasa paligid niya. Ngunit hindi niya aaminin iyon sa'yo..."

"I know that, long time ago. I want her back. And I want her now, Greg."

"I'm sorry, hindi kita mapagbibigyan sa request mo kahit isa ka sa anak ng mga naging matalik kong kaibigan." Hinimas ni Greg ang buhok ko at sabay sabunot upang mapatingin sakanya. "Gusto mo ba ikaw magkwento ng sikreto ng pamilya nila?"

"You don't have to tell him that, asshole!" sigaw ko. "Ako nga kailangan niya---"

"Sonya killed your dad, Rake."

Mabilis akong kinabahan sa sinabi ni Greg. I slowly turned my head to Rake to see his reaction. None. As if he knew it all along. Ngunit biglang nanginig ang kanyang kamay pero ang mukha niya ay nanatiling blanko.

"And this woman is dangerous. You want to know another secret again, Alicante? She killed James."

I looked at Greg sharply. "I fucking did not! You're making stories!"

"Hindi ako tanga para maniwala sa'yo," sagot ni Rake dito. "Ibigay mo nalang si Ericka. She's not safe here with you."

"Talaga ba?" gulat na tanong ni Greg. "Gusto mo bang pakitaan kita ng video? Patunay na sinadya ni Ericka patayin ang kauna-unahang mong anak na si James..."

Nangatog ang kalamnam ko. Hindi ko alam ang sinasabi niya. I'm not capable of killing someone! And I would never do that to James. I cared for him for a long time kaya't hinding-hindi ko magagawang gawin iyon sakanya.

Dumukot si Greg sakanyang bulsa at may inilabas itong cellphone. Gulat ang rumehistro sa mukha ko. Am I really capable of doing that? Inibaot ni Greg ang cellphone kay Rake. Pinindot nito ang cellphone na hawak. He was watching something... I don't know. Pero kinakabahan ako. Wala akong maalala na pinatay ko si James.

"See?" ulit ni Greg. "She killed him."

"Hindi ko magagawa iyon kay James!" sigaw ko. "Rake, you know that. May pakialam ako sakanya at hindi ko magagawang saktan siya ng ganyan!"

"Of course, Ericka. Hindi mo magagawa. But how about your other self? Will they care for him, too? Tandaan mo, hindi lahat ng ginagawa mo ay naalala mo."

I shaked my head. "I don't have freaking idea kung anong pinanood niya sa'yo. But beleive me, I will never do anything like that. Maybe it's a trap!"

Binagsak ni Rake ang cellphone sa semento at inapakan. It became quiet all of a sudden. Mukhang nakuha ni Greg ang simpatya na gusto niya dahil puot ang rumehistro sa mukha ni Rake habang nakatingin saakin.

He then lowered his gun onto my direction. My eyes widened as I kept shaking my head. No, no, not again. Hindi ako pwedeng mamatay.

"Rake, we talked about this! And you know the truth! Huwag kang maniwala sa kakapiranggot na nakita mo."

Tumawa si Greg sa gilid ko dahil wala akong nakuhang sagot mula kay Rake. Dahan-dahan siyang lumalapit saakin habang nakatutok padin ang baril. Pinagdikit ko ang kamay ko at pinagpatuloy ang pagmamakaawa sakanya.

His expression didn't change. Mukhang desidido na siyang patayin ako because of one mistake I committed in the past.

"Don't believe him." My voice cracked nang tumama ang dulo ng baril niya sa noo ko. "Please..."

"Minsan kalang magkaroon ng tsansa para itama ang maling nagawa niya, Alicante," singit ni Greg. "For the sake of James' soul, do it, for him. Ang mga katulad ni Ericka ay hindi na dapat binubuhay sa mundong ito."

Ibinaba ko ang aking kamay and I closed my eyes. Nawawalan na ako ng pag-asa. Was he capable of doing it to me?

"Rake... Please..."

Pero nagulat ko nang may pumutok na baril. Hinila ni Rake ng mabilis ang aking kamay at itinago ako sa kanyang katawan. Nakipagsalitan siya ng putok sa mga tauhan ni Greg at ganoon din ang ginagawa ng mga tauhan niya, pinoprotektahan siya kunn sinuman ang gustong sumunod sakanya.

"I will never do that again, you know that," rinig kong bulong niya saakin habang nakahawak sa bewang ko. "It's all part of the show."

"What an act!" bulyaw ko.

Mabilis kaming nakarating sa sasakyan niya. Nang may maaninag akong panibagong sasakyan na paparating sa pwesto namin. When I saw who it was in the driver seat, parang naparalisa ang katawan ko.

"Rake! T-the guy in the mask—"

Napabaling si Rake kung saan nakatutok ang mga mata ko. He cursed and hugged me again upang tumakbo kami sa gilid kung saan may mga damo. I thought it was too late, bumangga ng tuluyan ang malaling truck sa sasakyan ni Rake.

We both rolled to the grass.

"Okay kalang? May masakit ba sayo?" he asked, concern.

"None, pero 'yong lalaki—" nauutal ko nanaman sabi. "H-he's here again. Fuck!"

We both stopped looking at each other nang marinig namin ang sigaw ng naka-mask. It wasn't a man as I expected it. It was a voice of a woman. Holyfuck. It sounded familiar. Tanstsa ko ganoon din ang naiisip Rake as we both stared in horror.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top