Chapter 24
CHAPTER 24
Pumiyok ang boses ko sa sobrang takot. The man suddenly look onto my direction. Napahawak ako lalo sa bibig ko habang pinipigilan ang paghinga ko. He was slowly walking towards me, still holding the axe.
Umupo ito sa harap ng cabinet tila nakikipagtitigan saakin kahit ang liit ng butas na mayroon ito. Halos sumabog ang puso ko sa sobrang bilis ng pagtibok nito. Napakagat-labi ako nang damputin ng lalaki ang ulo ni Sabrina.
He then turned around and left.
Napayuko ako at hinihingal na nakatapong ang ulo sa tuhod. I felt like crying. I'm in the verge of dying again when I only wanted to live. Who's that man, really? At bakit niya kailangan patayin ang mga taong may konektado saakin? Bakit sa ganoon na paraan?
Nanginginig padin ang mga kamay ko. It seemed forever waiting for someone to come. I'd been in a situation like this before. I'd been kidnapped and trapped. But this time was different because I've a family waiting for my comeback. I've my children to fight and live.
I found unconditional love I never thought I would have before. These people, they gave me strength and keep me sane in this world full of judgemental humans. Where one mistake could define your whole personality as if you couldn't do something to undone that.
It frightened me to die when you found something worth living for. I became mother of three and I think, that was my main purpose of this lifetime. Hindi pa tapos ang misyon ko para sa aking pamilya.
"Sir, katawan ni Sabrina ito..."
May mga pumasok na armadong lalaki. Hindi na ako umaasa na may pulis na makakaalam ng nangyari.
Knowing Greg, ayaw niya makakuha ng atensyon ng kinaukulan. Sinipa ko ng marahan pabukas ang cabinet upang malaman nila na andito ako. Kahit na hindi ko dapat pagkatiwalaan si Greg. He would make me safe from the dangerous man.
"You killed her too, Ericka?"
Namumugto ang mata kong iniangat ang ulo. "I fucking did not. Hindi ko siya papatayin ng ganyan, Greg."
Umupo ito sa harap ko gaya ng lalaki kanina. Hinawakan niya ang tuhod ko. "You are indenial. The monster inside you is consuming you na hindi mo nalalaman."
"Hindi ko nga siya pinatay!" sigaw ko at hinataw palayo ang kamay niya. "There's this man doing it! He's wearing a mask! Hindi ko kilala at lalong hindi ko alam kung bakit niya ginagawa ito!"
"Patay ang lahat ng bantay sa labas, Ericka. Either you know him or he needs something from you... Or from me."
"Maybe it's my father," I stated bitterly.
Nanigas ng bahagya si Greg at tinitigan ako. I never mention my father infront of him. He knew now something was up.
"Bago mamatay si Sabrina, she told me everything about it, Greg," I said icily. "Pareho tayong may-ari ng kumpanya na hinahawakan mo. All these years, I worked for you wholeheartedly. Kinalimutan ko ang sarili ko dahil sa pagdidisiplina mo. I became the person I hated most, Greg. And now I found out na ginawa mo lang 'yon dahil nakaplano ang lahat. Gusto mo mapasayo ang lahat ng kapangyarihan na dapat ay hati tayo."
Namumutla niya akong tinitigan. Dahan-dahan siyang tumayo at nilingon ang mga lalaking nakikinig sa sinasabi ko habang hinihila ang katawan ni Sabrina palabas.
"Lumabas muna kayo at kailangan namin mag-usap," utos nito at sumunod agad ang mga lalaki at nagsilabasan.
Greg sat on the bed while staring at me. I was still sitting here like a child. Nakayakap ang kamay ko sa aking tuhod.
"I still remember everything. Kung paano mo ako niligtas noong gabing 'yon. Handa na akong mamatay... But then you found me and offered me another world to live in."
"I found you by chance, Ericka. Labingwalong taon... At ngayon mo lang kukwestyunin ang pagkupkop ko sa'yo?"
"I suffered because of you. I became like this because of you! You taught me how to hate people and to never trust them! Ikaw ang nagturo saakin kung paano gamitin ang mga taong nasa palagid ko. People like us believes that manipulation is an important matter. And power is our greatest possesion. Doon ako namulat dahil iyan ang tinuro mo saakin! At ngayon? Malalaman ko na pinlano mo lang ang lahat?!"
"I did it for you. Gusto kitang ihanda sa makasalanang mundo na iyong gagalawan. I trained you well, Ericka. You can always do better than anyone. I made you wiser and braver. Kung nabubuhay ang iyong ama, iyan din ang ituturo niya sa'yo," mahinahong pagpapaliwanag nito.
Ni hindi ako nakakita ng kahit anuman emosyon sa kanyang mukha. This fucking man. He was the root how I play my game so well.
"Kaya mo siya pinapatay?" I gritted my teeth."Hindi ko siya pinapatay. Hindi lahat ng sinasabi sa'yo ng mga taong nasa paligid mo ay totoo. Hindi mo dapat pinapaniwalaan basta-basta ang iyong nadinig kung wala kang sapat na ebidensya."
"I don't want to believe you anymore, Greg. I'm totally done with this bullshit. You can have this organization just let me live in peace, that's all I ask."
Tumayo ako ng dahan-dahan at lumapit kung saan siya nakaupo. Lumuhod ako sa harap niya gaya ng dati kong ginagawa kapag may kasalanan akong nagawa sakanya.
"I will forget all of this. Lahat ng kasalanan na nagawa mo saakin at sa lahat ng tao, just let me go."
Hinaplos ni Greg ang pisngi ko. I closed my eyes stopping myself from killing him kahit gusto na bumunot ng kamay ko kung nasaan nakalagay ang baril. But I did not, hanggang may nakikita ako tsansa, kailangan kong gamitin iyon upang mawala sakanya na hindi gumagamit ng dahas.
Bumaba ang kamay niya sa balikat ko. He was caressing it like before. Bigla na lamang ako nanigas nang may humawak sa magkabilang kamay ko at hinila ako patayo.
"No, Ericka. Ito na ang huling hirit ko bago ako mamatay ng tuluyan. So I need to play it the best way I can. Hindi ito ang oras para pumalya at maawa sa isang katulad mo."
Hinila ako ng dalawang lalaki palayo kay Greg. I spitted on him and tried to kick him ngunit mas lalo lang ako inilayo ng mga lalaki sakanya.
"Fuck you!" sigaw ko. "Hinding-hindi mo makukuha ang kailangan mo saakin, tandaan mo 'yan!"
Tumayo si Greg at lumapit saakin. "Don't challenge me, Ericka Quinn. Ako ang nagturo sa'yo. Tandaan mo rin 'yan."
Lumingon ito sa lalaking nakahawak sa magkabilang braso ko.
"Dalhin siya sa sasakyan at linisin ang dumi dito. Siguruduhin niyo na walang makakahalata ng nangyari." Naglakad na si Greg palayo. "Kailangan na natin umalis."
Just like that I was imprisoned again. Will this gonna end? The car was driving fastly for six straight hours. Mukhang dadalin niya ako sa isang probinsya kung saan walang taong makakakita saakin. Puro palayan at bundok na ang nakikita ko.
The sky was dark like my soul. Iilan butuin lang ang nakikita ko sa langit. I didn't waste my voice to plead for freedom. Alam ko na magsasayang lang ako ng laway kapag ginawa ko 'yon.
Greg was in the car infront of us. He maybe thought that I'm dangerous to be with now kahit hindi ko naman talaga alam kung sino ang pumapatay.
I was about to stretch my body nang may bumunggo mula sa likuran namin. Muntik na akong tumilapon kung hindi lang ako nakahawak sa harapan ko. The car stopped immediately, and so does Greg's car.
Mabilis naglabasan ang mga tauhan niya na may dalang baril. I was left alone in this car. Lumingon ako sa likuran upang tingnan kung sino ang bumannga saamin.
I was a little bit shocked when I saw Rake holding a gun. I never saw him holding one before. Hindi ko makita ang emosyon sa kanyang mukha dahil sa liwanag na nanggaling mula sa sasakyan nito.
But one thing for sure, he was pointing it towards Greg's direction.
_______
I'm using wattpad sa phone ko lang. So I can't dedicate but anyway, hi to you @amera_the_1 :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top