Chapter 1

Ericka Quinn Lopez


CHAPTER 1

Naglalagay ako ng nude lipstick sa labi ko dito sa restroom. I was preparing for my not so grand entrance. You see, I was wearing a black coat with a black skirt and a black stockings. I didn't want to get so much attention to my comeback. Because staying lowkey was the least way to attract bullshit.

"Secretary niya lang ako. Ayokong mag-expect ng kung ano-ano. Para hindi ako masaktan."

Narinig kong sabi ng katabi ko habang pareho kami nag-aayos ng buhok. She was a petite girl wearing a blue dress. Hanggang balikat ko lang siya dahil naka-heels ako kahit papaano. Her facial expression was a bit sad.

"Oo nga... Sinabi ko na 'yon kay ma'am. Oh siya, sige, basta i-text mo nalang ako kapag may kailangan ka. Baka dumating na sila. Ayoko masermunan. Sige, bye!"

Napatingin siya sa akin pagkababa niya ng phone. I looked back, not breaking my eye contact.

She threw me a sweet smile. "Bago ka lang dito?" she asked, while fixing her hair again and again.

"Medyo? But not that new."

Rake and I made a deal. I would work for him again this time. But in a lower position unlike before na pareho kaming boss. He said it was the only way to get what I wanted. He didn't even ask why I'm here and we didn't talk about Rebecka. Isa lang ang alam ko, itinatago niya si Rebecka sa akin. He was using her against me. Dahil si Rebecka lang naman ang rason kung bakit ako bumalik dito.

"Returning employee ka? Parang hindi kita naabutan dati. Nasa mababang posisyon lang din ako."

Hindi ako makapaniwala sa sinasabi niya. I'm the boss too. Gusto kong sabihin. Pero pinigilan ko ang sarili ko.

Huminga ako ng malalim. "That was five years ago. As I can see, madami nang nagbago."

"Hindi ka ba na-promote? Kasi ako, kahit taga-timpla lang ako ng kape dati. Nagtyaga ako para makamit ko ang posisyon ngayon."

I gave her a warm smile. "I don't need to promote myself actually. But infairness to you, finally, you reap what you sow. I'm Quinn by the way." Inilahad ko ang kamay ko sa kanya. "You are?"

Bahagya itong nagulat sa pagbabago ng tono ng boses niya.

"I'm Teresa, halika na! Tumulong kana sa kanila sa labas. Ganyan ganyan din ako noong bago pa lang. Para ma-promote kana this time!"

"No, do I look like----" hinila na ako nito palabas.

And there you go, when I stepped outside I was almost wearing the same outfit like the most of the waiteresses. Like I'm their supervisor. Because mine, was way classy than them. Hindi pa ganito karami ang tao kanina. Ganon ba ako katagal sa restroom?

"Tumulong ka, ha? Para sa promotion! Maging pabibo ka!" umalis na ito habang may binibuklat na journal.

Parang nagkakagulo ang mga tao sa paligid ko. May lalaking lumapit sa'kin at binibigay ang isang tray na may laman ng tubig.

"Abot mo na ito doon," utos nito sa akin.

Nakatingin lang ako sa kanya.

"I'm not a waitress here, idiot---"

"Alam ko na mga ganyan galawan. H'wag kang petiks pare-pareho lang tayo pinapasahod dito." kinuha nito ang kamay ko at pweraahan pinahawak sa'kin ang tray.

"Lakad kana don!"

Napilitan ako maglakad at isa-isa nilapitan ang mga waiter para ibigay sa kanila ang tray na hawak ko. But no one even bother to give me a fucking attention.

"Thanks, miss!" sabi ng isa, pagkuha ng tubig sa tray.

This is full of bullshit! Ibabato ko na sana ang tray na hawak ko pero huminga ako ng malalim. God, I need to calm down before I turn into a bitch again. Ayoko makakuha ng anuman atensyon.

"Girl, tawag ka ng mga boss. Nabubulunan na ata bigyan mo ng tubig ng maayos. Walang matatapon."

"I said, I'm not a fucking---"

"Go, go, go!" tinulak ako nito sa table kung saan nakaupo ang mga lalaki at babae na nagtatawanan.

There was Rake Alicante and his subordinate. Sitting comfortable, eating like a boss and talking like a majesty.

Tinuturo siya ng isang babae na bigyan si Rake ng tubig. I raised my eyebrow, the girl narrowed her eyes to her.

"Wha the heck?"

"Give him the water. For pete's sake!" naiinis na utos nito sa akin habang sila Rake masaya parin na nagke-kwentuhan.

Umatras ako para lumayo na sa kanila pero biglang tumayo ang babae at hinila siya sa kamay. Binabawi niya ang kamay niya pabalik nang mabitawan iyon ng babae agad siyang kumuha ng isang tubig at binuhos mismo sa katawan non.

"Oh my god! Anong ginawa mo?!"

Napatigil ang lahat sa table na 'yon at napatingin sa kanya. Including Rake Alicante. His face was so shocked seeing her holding a tray.

"Quinn, bakit ka may hawak niyan?"

"Oh my goodness! Get her out!" utos ng babae sa mga security na nasa gilid. "I don't want to see her face! Ughh!"

"What are you saying?! Ikaw ang naghila sa kamay ko." Giit ko, sabay bigay ng tray sa security na papalit na sa'kin.

"Stop. I know her. Don't touch her."

Natahimik nanaman ang lahat. Napaawang ng bibig ng babae sa harap niya pati narin ang mga kausap nito sa mesa.

Hinila siya bigla ni Rake palayo sa mga tao. Pinagtitinginan naman sila ng mga madadaan nila.

Of course, because their boss was with someone. Unknown.

"Ano bang ginagawa mo, Ericka? Bakit ka may hawak na tray?"

Hinampas ko ang pagkakahawak ng kamay niya sa'kin. "Because your fucking employee thought I am a waitress! This is humiliating." I gritted through my teeth.

Napahinto si Rake. Malayo narin sila sa maingay na tugtugan. Ngumisi ito sa kanya ng bahagya.

"You know what, Quinn? It suits you. Why don't you try serving people just for tonight. Then we'll talk about the rewards tomorrow in my office."

"I only want Rebecka! Bakit mo ba ako pinapahirapan pa?!"

"Dahil ayokong matulad tayo ng dati. Na lahat ng gusto mo, nakukuha mo. Gusto ko paghirapan mo muna. Saka ko pag-iisipan kung karapat-dapat kaba makilala ni Rebecka."

"That's my daughter you are talking about. Our daughter."

Sumeryoso ang mukha ni Rake at dumilim ang mga mata. "Hindi mo alam kung ano ang pinagdaanan namin. At kung paano ko nalaman."

"Then why you guys didn't tell me that time?! Edi sana, nakapagdesisyon ako ng mas maayos!" naiiritang singhal ko. "Nasaan ba si Sonya?"

Hindi nagsalita si Rake. Nakatingin lang ito sa kanya. This was so frustrating!

"Ano? Pati siya itatago mo sa'kin? Sabihin mo nalang kung nasaan siya! Dahil alam ko mas matutulungan niya ako kesa sa ginagawa mo sa'kin!"

Umiling si Rake. "You left me with all your myteries. Hindi mo ako hinayaan na tulungan ka. I called. I tried every damn way to contact you. Pero kahit isa, hindi ka sumagot. Payback time, Quinn. I'll let you unlock all mysteries I have this time," he then walked away.

I was confused and shocked at the same time. Walang dumating sa akin na sulat o tawag. Kahit si Martha walang sinabi sa akin na hinahanap ako ni Rake... Tumataas ang dugo ko. I guess it was him. He tried to block Rake from me.

"Saan ba nakaupo sila Laura andito na ako kanina pa."

She was frozen into place for a moment. With hearing that name? Laura? Anong ginagawa ng bruhang 'yon sa even ni Rake?

May ngiti na gumihit sa bibig ko. Magagamit ko si Laura kahit papaano. I know she missed me too. Kapag sineswerte ka nga naman. All of a sudden, the world was turning into my favor. Slowly but surely.

Napatingin siya sa babaeng may kausap. She looked familiar. Her hair was short and silky black. She was wearing a white dress.

I removed my blazer, para hindi na ako mapagkamalan na waitress. Itinali ko rin ang buhok ko habamg sumusunod sa paglalakad kung saan sila papunta.

Maya-maya lang may babaeng lumapit dito at yumakap.

"Becca! Akala ko hindi ka na makakapunta."

"Gurl, ako pa ba? Saka event ni Rake ito. He invited us. Who am I to refuse? Punong puno ng mga businessman dito. Baka sakaling may makausap ako at maka-partner namin ng asawa ko."

"Same here. Kanina pa nga ako naglilibot. Kahit kanina parin tawag ng tawag ang mister ko sa bahay kasi umiiyak na ang anak ko pero hindi ko nalang sinagot. I will grab this opportunity."

It was Laura. Mas pumayat ito compare sa last na pagkikita nila five years ago. Her hair was still long at nagmukhang matanda na ito.

Dahan-dahan akong lumapit sa mesa nila. At first, hindi nila ako nahalata dahil nagke-kwentuhan sila. But the moment they noticed. They slowly turned their heads to me.

"Hi, ladies," I simply said.

Horror flooded through their faces. They both panicked and stood up.

"E-ericka. . ." nanginginig na sambit ni Becca.

Napalunok naman si Laura at napahawak sa upuan. "B-bakit ka andito?"

It was as if she was their terrfying nightmare that came into life.

"I'm not here to make a scene or what," I calmly said.

Humakbang ako pero humakbang din sila papalayo. Natawa ako bigla sa inaasal nila. Am I that terror five years ago? Because I couldn't barely remember. I practiced simplicity, kindness and being humble all the time.

"Let's talk in peace. May gusto lang ako linawin at itanong. Ayun lang, wala akong ibang gagawin." Dumeretso ako ng upo sa isang upuan.

They were still standing infront of me, shaking. Not knowing what to do.

"Umupo nga kayo," utos ko sa kanila.

Pareho naman silang nangangatog na umupo. Inusog nila ang upuan para lumayo sa'kin.

"A-ano ba ang kailangan mo?" tanong ni Becca sa'kin. "N-nananahimik na kami. Wala na kaming koneksyon kay Rake tanging ito lang talaga..."

I entwined both of my hands and placed it above the table. To let them know, how behave I am.

"I don't really care about that. It was all in the past and we should move on, right?"

Naguguluhan na nagtinginan ang dalawa sa harap ko.

"T-then why are you here?" Laura asked.

"For Rebecka of course."

It was a single statement and suddenly, Laura kneeled beside her.

"I'm very sorry, Ericka, kung nagawa ko 'yon, believe me. Matagal ko na pinagsisihan ang lahat. Alam ko na ang totoong pakiramdam dahil meron na akong anak. Kung pwede ko lang itama ang mga pagkakamali ko, ginawa ko na... Pero maniwala ka. Pinagsisihan ko na ang lahat ng iyon." Mangiyak-ngiyak si Laura sa tabi ko.

She was holding my hand like I'm a God and she's asking for my forgiveness.

"Pinagbayaran ko na ang lahat ng 'yon. Maniwala ka please... S-si Rake mismo ang nagpahirap sa'kin para lang pagbayaran ang kasalanan na nagawa ko."

"Rake?" Nagtatakang tanong ko. "But why are you here?"

"It took us forever before we earn his trust again. He enslaved us telling us to do what he wanted dahil kung hindi, hindi na namin makikita ang mga anak namin gaya ng ginawa ko sayo." may mga luha parin na tumutulo sa mga mata nito. "Kung alam mo lang, Ericka... Pero sana patawarin mo na kami."

"O-oo nga, Ericka." It was Becca. Nakaluhod nadin ito sa gilid niya. "Gagawin namin ang lahat para hindi mo na kami makita. Kami na mismo ang iiwas sayo basta h'wag mo na kami pahirapan ulit..."

She felt ashamed that they had to go through like this for her forgiveness. She inhaled and closed her eyes.

If you really wanted to feel your emotions and to find peace. You have to forgive yourself first and everyone who did wrong to you.

"Kinalimutan ko na lahat 'yon, don't worry. Tumayo na kayo, I'm just here to ask about Rebecka." bumalik na sa upuan ang dalawa. "I believed, pinapaalagaan siya sayo ni Rake?"

Umiling agad si Laura. "H-hindi ko na nakita si Rebecka nang malaman niya ang pagsisinungaling ko..."

"Are you sure? Hindi ka ba nagsisinungaling sa'kin?"

"O-oo, Ericka. Hindi ako tanga para ulitin na ang pagkakamali ko sa nakaraan. Maniwala ka, hindi ko talaga alam."

"God. Hindi nanaman ako pinapansin ni Rake. He's such a moody freak. Tatawagan niya lang ako kapag may kailangan siya sakin."

May biglang umupo sa tabi ko. A tall woman, that was wearing a backless dress. Her hair was tied up in a bun.

"Could you believe that ladies? That asshole. Naaalala lang ako kapag may kailangan."

Natahimik ang lahat. Napatingin ito sa kanya. Her face was bemused.

"And who's this? Bakit nakikiupo ka sa grupo namin?" She was staring at ther from head to toe. "Are you like the waitress awhile ago? Sino nagsabi sayo na umupo ka dito?"

Nakaramdam siya ng paninipa mula sa ilalim ng lamesa.

"Ouch, Becca! The fuck you are doing?!"

"Jessica--- shut your mouth just this once, please." awat ni Laura rito.

"Bakit? Sino ba to? Bakit takot na takot kayo?" The Jessica girl was all clueless about her.

"I'm Ericka Quinn, nice to meet you," pagpapakilala ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top