Chapter 2

Erin's POV

At tumigil ang mundo. Nung makita ko ang prize ng mga tickets.

Seriously?!?!

BTS CONCERT TICKET PRICES:

VIP STANDING {A,B,C,D} : 14,500

VIP SEATED: 14,500

UPPER BOX: 9,500

GENERAL ADMISSION: 5,500

Ticket selling will be on november 27 (9am) at all SDL ticket outlets nationwide.

Yung totoo? May ginto bang kasama yung mga tickets nila?? Wala yata silang balak mag papunta.

Napabuntong hininga ako sabay bagsak ng katawan ko sa kama at tinitigan ang ceiling.

Saan ako kukuha ng ganon kalaking pera? Eh hindi naman kami yayamanin, poor kid kumbaga. Ayoko naman humingi sa mga magulang ko ng pera dahil maraming bayarin lalo na at madalas ng atakihin ng asthma kapatid ko.

Ayoko rin naman na hindi pumunta. Last chance ko na 'to eh dahil confirm na last tour na nila ito. Ayoko naman sa malayuan because this will be my first and last chance na makikita sila kung sakali man diba? Saktong birthday ko pa nga yung concert day eh. Please lord! Ito na po ang best birthday gift na matatanggap ko in my whole life kahit hindi na rin po ako makatanggap ng kahit anong regalo makapunta lang po ako sa concert ng BTS desperado na talaga po ako pero hinding-hindi ako gagawa ng kahit anong illegal 'no.

Huminga ako ng malalim at umupo ulit at nag-search sa akin laptop. Oops! Reagalo lang sa akin ito ni tita ana na kapatid ni mama nung graduation ko nung high school sayang nga hindi ako naging valedictorian hindi kasi ako sumasama kapag may mga field trip or kung ano pang kagagastusan syempre nagtitipid ako eh.

Kaya rin ako naka wifi na hack ko wifi may ari ng apartment sa taas namin nyahaha. Ang damot nila akala mo naman mabilis wifi nila eh mas mabili pa nga data ko sadyang nagtitipid lang ako.

After 123456789 years nag-loading na rin!

Binasa ko ng maigi ang nakasulat. Hmm, eepekto nga ba sa akin 'to?eh ang gastos ko pa naman lalo na sa pagkain. Meron lang akong 2 months para mag-ipon. Aish, bahala na!

Erin hwaiting!

Para kay V baby loves!

***

"Waah august d you're the best!"

"Alam mo bes ang oa mo! Wala ka naman sa totoong concert" inirapan ko na lang ang kaibigan ko na si mikmik short for mikaela.

"Who you ka sa'kin kapag naka-punta ako sa concert nila!"

"Simulan mo na mag-ipon!" sabat naman ni mama.

"Nagiipon na kaya ako" mayabang kong sagot. Eh sa totoo naman,dati mahilig ako tumambay sa starbucks ngayon hindi na. Tumigil na rin muna akong bumili ng mga kung ano ano sinusuri ko na rin mabuti kung maganda quality nung product. Iniisip ko na rin kung worth it ba yun bilin. Ultimo simpleng palmolive at sunsilk pinagkukumpara ko na kung anong mas worth it bilin eh.

"Ganyan dapat ng makita ng makita mo na yang august daddy na sinasabi mo"

"Jusko ma, august d 'yun!" what the hell saan kaya nakuha ni mama yung august daddy?

"Aish bahala na siya kung sino man siya ako'y magluluto na"

"Hoy babaita baka nakakalimutan mo may kailangan ka pang picturan!" natauhan naman ako sa sinabi ni mikmik.

Oo nga pala pinasok ko na rin ang mundo ng online seller. Ginamit ko rin yung bayad sa akin dun sa dati kong trabaho para makapag-invest. Hindi rin ako muna nagbibili ng kung anong merchandise. Nag-hanap din ako ng bagong trabaho and lucikly ako nakahanap naman isang waitress sa isang sikat na restaurant puwede na ang laki naman ng sweldo ko doble kesa sa dati. M-W-F pasok ko 7:30 am to 4:30 pm at dahil may utak naman ako, ginamit ko iyon at pumasok bilang isang tutor ng grade 6 student na nakilala ko dahil kay mama. Balita ko inaayawan daw kasi siya ng mga tutor niya dahil sobrang hirap niyang turuan kaya papalit palit.

Tuwing T-TH-S naman ay nagtatrabaho ako sa isang café buti nga mabait amo ko eh at pinayagan akong pumili ng schedule ko, hulog siya ng langit!

At tuwing sunday naman ay nagsisimba ako at iyon ang aking rest day syempre hindi naman ako robot 'no! Hindi rin ako katilad niya na manhid na hindi nakakaramdam ng kahit ano including my feelings! Charot haha.

"Jusko bakit naging ganito sagot mo?" ibang klaseng bata talaga' to.

"Sabi mo kasi gamitin ko yung quadratic formula! Eh bakit ganito yung given?" bulyaw niya sa'kin.

"Jusko edi i-factor mo!Nalito ka na agad" paano binigyan ko siya ng equation na hindi pa naka-factor aba ang nilagay ba naman "you road, walang tamang sagot diyan". Adik ba 'to?

Wala naman siyang nagawa at inulit yun. Ang topic na pinag-aaralan namin ay quadratic inequalities. Sabi ng mga magulang niya ay simula daw napunta siya sa akin ay nagbago na siya hindi totally nag bago parang nabawasan lang ang ang pagiging maldito niya at nag improve na rin sa academics. Wala eh, ang dyosa ng tutor niya.

Habang nagsasagot siya biglang tumunog yung iphone 7 niya, dinaig pa ako.

"Tch, istorbo ka mom" kung ako nanay nito walang katapusan ang pagbubunganga ko dito. Walang galang gwapo pa naman sayang siya. Oops! Hindi ko siya type ha! Hindi ako pedo 'noh.

"Wala akong paki dyan sa garage sale na yan, tss" sabay baba niya sa tawag at pinower off ang phone. Bastos talaga kahit kailan mababato ko talaga to ng takong ko eh.

Pero wait garage sale? Yun yung mag-bebenta ng gamit gamit chuchu eklavu diba? Ma-try nga!

Dumating na ang araw na sunday. Pagkatapos ko mag-simba ay agad akong umuwi para ayusin ang garage sale ko. Buti na lang andito ang aking super bestfriend na si mikmik. Blessed talaga ako sa kanya kasi kahit hindi siya fan ng kpop sinusuportahan niya ako. Si mama kasi hindi makakatulong sa amin dahil mas lalong dumalas na hikain si ethan - nakababata kong kapatid.

Mabilis lumipas ang mag-hapon. Nakakatuwa at sold out ang aking 1st ever garage sale. Natapos ko ang araw ko na 'yun na hindi maialis ang ngiti sa akin labi.

A/n: Relate na ba kayo?haha. Remminders short story lang ito mga 4-5 chapters baka siguro by the end of next month tapos ko na ito. Keep supporting~!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top