Chapter I

"Jenny! Sigaw ng kaibigan niyang bakla na si Gia, actually Gian ang pangalan talaga nito pero dahil pinaninindigan nitong pusong babae ito kaya imbes na Gian ay naging Gia.
nasa likod na niya ang kaibigan at may dala dalang bulaklak, napakunot noo siya dito.

"Bakit ba? para kang hinahabol ng kabayo ah. Tugon niya dito at hinintay itong makalapit.

"Hay naku girl eto ibinigay ni Henry para sayo daw. Saad nito at saka iniabot ang tatlong tangkay ng pulang rosas.

Si Henry nga pala ay isang matiyagang manliliigaw at walang paltos itong magbigay ng bulaklak halos araw araw, at kaya naman ito laging may pabulaklak dahil may ari ang mga ito ng flower shop kaya malamang ipinupuslit nito iyon doon.

"Pakisabi sa kanya tigilan na kamo ang kabibigay ng bulaklak sa akin at pwede wag siyang makulit. She said at tumirik pa ang mata dahil sa inis.

Priority kasi niya ngayon ang pag aaral dahil mahirap lang sila kaya kailangan niyang maging pursigido kailangan makatapos siya, naawa na siya sa mga magulang niyang hirap na hirap mairaos lang ang pag aaral niya.

Isa na siyang 3rd year college student sa PUP at currently shes taking up Bachelor of Science in Hotel and restaurant Management. At isang taon na lang kung papalarin ay gagraduate na siya and she was a working student as well kaya naman talagang busy at very hectic ang schedule niya and she doesn't have time for love.
At si Henry ay sobrang pursigido at ayaw paawat sa panunuyo sa kanya ang sabi pa'y willing daw itong maghintay.

Gia frown at her pagkasabi niya iyon botong boto kasi ito kay Henry pano ba naman eh lagi nitong inililibre ang kaibigan kapag ganung may ipapabigay sa kanya.

"Ano ka ba besh, hindi mo man lang ba maapreciate yung ginagawa ng tao sayo.? Tugon nitong sumabay na sa paglalakad niya.

"Hay naku Gia mas priority ko ang pag aaral kesa makipag boyfriend. Nakaingos na sagot niya sa kaibigan at nagtungo na sila sa susunod nilang klase ng araw na yun.

Mag isa lang siyang anak  ng mga magulang niya, ang nanay niya ay isang tindera lamang ng isda sa palengke habang ang tatay naman  niya ay isang construction worker. Pero kahit na mahirap lang sila ay masaya naman ang buhay nilang mag anak. She was a simple girl with a simple dream at ang pangarap niya ay ang maiahon sa hirap ang mga magulang kaya naman pursigido siyang mag aral.

Pagkatapos ng klase niya ng hapong iyon ay tutungo naman siya sa pinagttrabahuang coffe shop yun ang part time job niya at bale 4 hours siya doon kaya alas otso na madalas ng gabi siya nakakauwi.

Pagod siya ng araw na yun galing sa kanyang part time at pauwi na siya at dahil sa traffic pag ganoong oras kaya inaabot ng isang oras na ang byahe niya pauwi.

She was so exhausted that night and all she wanted to do is sleep, pero nasa bungad pa lamang siya ng bahay nila ay namataan na niyang madaming tao doon at mistulang nagkakagulo ang mga ito kaya  naman dali dali na siyang tumakbo palapit sa bahay nila, and there she saw her mother crying habang nakahiga sa kandungan nito ang tatay niyang mistulang natutulog, pero bakit umiiyak ang nanay niya kung tulog lang ang ama.?
Nang makita siya ng nanay niya agad agad siya nitong tinawag.

"Nak, wala na siya huhuhu anak w-wala na ang tatay mo! Palahaw na iyak ng nanay niya. She was stunned hindi siya makagalaw sa kinatatayuan, para bang nawalan ng lakas ang buong katawan niya at hindi niya macontrol basta ang alam lang niya ng mga sandaling iyon ay umaagos ang luha sa mga mata niya at bigla na lang nagdilim ang lahat.

Pagmulat niya ng mata nabungaran niya ang mga kamag anak  nilang nandoon at si Gia andoon ito.

"Besh okay ka lang ba? Tanong nito halatang nag aalala para sa kanya.
"Gia a-asan sila tatay at nanay? Naluluhang tanong niya dito.

"Jenny anak n-nasa funeraria na ang tatay mo at si Lucing ay umalis para asikasuhin ang mga kakailanganin sa b-burol ng tatay mo. Saad ng tiyahin niya.
"A-anong nangyari kay tatay tiya? Palahaw niya. Ang sakit sakit naman kaninang umalis siya ng bahay masigla pa ang ama at ito pa nga ang naghatid sa kanya sa sakayan tapos ngayon sasabihin nilang patay na daw ito it was so sudden.

Ang sabi ng mga kamag anak nila ay inatake daw sa puso ang tatay niya at dahil may sakit nga ito sa puso kaya agad binawian ng buhay.

Iyak ng iyak ang nanay niya at halos hindi na ito kumakain sobrang apektado ito sa pagkawala ng tatay niya. Napakabait na tao ng tatay niya at walang masabi dito ang mga kamag anak ng nanay niya. Higit sa lahat responsable itong asawa at ama.

Nang mailibing ang ama ay naiwan silang mag- ina sa kanilang bahay at mas lalo nilang naramdaman ang lungkot lalo na ang nanay niya pero kailangan nilang magpatuloy sa buhay kaya naman kahit mahirap pinilit niyang magpakatatag lalo pa't bigla na lang tumamlay magtinda ang nanay niya dahil sa sobrang lungkot nito sa pagkawala ng tatay  niya.

"Nay kain na ho kayo, papasok na po ako sa eskwela.. Tugon niya sa ina, nakaupo ito malapit sa bintana at nakamasid sa labas at mistulang wala sa sarili.
Tinignan lang siya nito saka bumuhos na naman ang mga luha nito.

"Sige na, pumasok ka na anak. Ako  na ang bahala sa sarili ko. Sagot nito saka siya hinawakan sa kamay at hinagkan sa pisngi.Nag aalala man sa ina ay pinilit niyang ngumiti at saka umalis para pumasok na  sa eskwelahan.

Pauwi na siya nun at pupunta sa part time job niya ng mamataan niya sa tabi ng gate si Henry nakasandal ito sa kotse nito at mistulang may inaabangan.

"Jenny! Tawag nito sa kanya saka siya kinawayan nito at lumapit.
Si Henry gwapo ito at may kaya sa buhay, may mga negosyong flower shop at meron silang sariling farm kaya naman nakakaangat angat ito sa buhay.

Kinunutan niya ito ng noo ng makalapit sa kanya at may iabot sa kanyang nakasobre, hindi niya ito tinanggap.
"A-ano yan Henry,? She asked him instead.

"Konting tulong ko sayo sa pagkamatay ng tatay mo. I heard about it from Gia. He uttered.
"Condolence Jenny. Malungkot na dagdag nito.

"Thanks, pero di ko matatanggap iyan Henry, Im sorry. 
Sagot niya dito at lalagpasan sana ito ng hawakan siya nito sa braso.

"Alam kong kailangan mo ng tulong ngayon at ayokong nahihirapan ka jen. Kaya please just let me extend my help. Tugon nito saka ipinahawak sa kanya ang sobre. She was quite guilty dahil lagi niya itong iniiwasan at tinatanggihan pero matyaga pa din ito at laging nandiyan hindi ito sumusuko sa kanya kahit ilang beses na niyang sinabi ditong tigilan na siya.

Wala nang nagawa si Jenny ng ipilit ibigay ni Henry ang sobreng hawak nito kaya naman tinanggap na lang niya iyon.
"S-salamat Henry. Tanging nasambit na lamang niya. Ang totoo niyan talagang kailangan nila ngayon ng tulong na mag ina dahil kasi magmula ng mawala ang tatay niya ay naging balisa na ang nanay niya at hindi na nakakapag tinda marahil dahil na din nasanay itong nandiyan lagi ang tatay niya kaya sobra itong naapektuhan.

"I-if you need anything jen Im just here. Ahmm by the way gusto mo bang magmeryenda? Pagiiba nito sa usapan.

She smiled at him sa mga ganong pagkakataon parang all she needed is someone to talk to dahil kapag hahayaan niya ang sariling kainin ng lungkot ay matutulad siya sa ina. Kahit pa kasi lagi niya ditong sinasabihan na andito siya para dito at kailangan nilang magpatuloy sa buhay ay mistula pa din itong walang naririnig o nakikita kundi ang kalungkutan nito dahil sa pagkawala ng ama.

"Sige. Matipid niyang sagot dito at sumakay na sila sa sasakyan nito.
At iyon  na ang umpisa ng closeness nila ni Henry.

*next chapter*

# Ayan po subaybayan nyo po ang kwento nina Jenny at Jigs. Enjoy reading po.😊❤

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top