Divina's Diary Page Two
** Divina's diary **
Page Two
Year 2010
Totoo pala na wala namang masama sa pag-romanticize sa pagkalugmok mo sa buhay. Iyong mga mayayaman, ginagamit nilang pang-motivate ang hardships nila sa buhay para ma-inspire 'yong mga nasa lower class na mas magpursigi pa upang umangat someday. Sa pamilya ko, partikular sa mga magulang ko, sinasabi nila palagi na hindi naman daw totoo na paghihirap lang ang naging susi sa tagumpay nila, lalo na raw sa mga kilalang negosyante. Hindi lang luha, dugo, at pawis ang ibinuhos nila para makamtan ang grasya. Nagbuhos din sila ng pera at sumugal sa bawat pagkakataon hangga't sa maging pabor na ang lahat sa plano nila. Those kind of risks were also my family can't afford. Wala kaming perang mailalabas, dugo, luha, pawis o kahit laway lamang ang mayro'n. Kung magkakaroon man kami ng pera, kailangan din naming kumain at magbayad ng pinagkakagastusan sa araw araw. Tinuruan na lamang kami ng parents namin na makuntento kung ano pa lamang ang mayro'n kami. Huwag daw kaming maghangad na maging mayaman at makapangyarihan. Ang mahalaga lang daw ay maging 'fair' o patas sa anumang aspeto ng buhay at sa kahit sino.
Natatandaan ko, second year high school lamang ako noong nangyari ang pinakamadilim na yugto ng buhay ko. Kinuha ng Maykapal ang mga magulang ko dahil sa isang aksidente. Nagbebenta ng mga libro noon sa Tutuban si Mama at sinundo siya ni papa kinagabihan. Bumangga ang sinasakyan nilang jeep sa malaking truck malapit lang din sa Divisoria. Hindi ko alam ang gagawin matapos kong malaman ang nakagigimbal na balita. Wala kaming malapit na kamag-anak sa Maynila at noong time na inaayos na namin, ang pagpapalibing sa kanila, hindi ko alam kung paano magiging gabay sa aking tatlong kapatid. Nilakad ko mula Divisoria hanggang Binondo Church. Hindi naman kalayuan ngunit nakakapagod ang pagtahak ng landas. Gusto ko nang humimlay. Sana ako na lang ang nawala. Kakayanin ba ng isang tulad ko, na dose anyos lamang, na alagaan ang tatlong musmos na nagdadalamhati rin katulad ko?
Sa sandaling inaalala ko kung paano ako umiyak habang nasa loob ng simbahan, naramdaman ko ang pagtapik sa akin ng isang may edad na lalaki. Inabutan niya ako ng panyo sabay sabi ng, "Ayos lang 'yan. Hindi pa katapusan ng mundo. Kailangan mong magpatuloy."
Marahan akong tumango. "Kailangan ko naman po talaga. May tatlo pa akong kapatid. Wala pa akong trabaho, nangungupahan lang din kami. Hindi ko na alam kung saan kami pupunta. Kino-contact pa namin ang iba naming kamag-anak, ipapakiusap ko na lang po sana tanggapin na lang muna doon sa kanila itong mga kapatid ko. Tapos ako, magtatrabaho na lang, kahit ano."
"Sa katunayan, kilala ko ang mga magulang mo. Si mama mo, nagtitinda ng libro sa Tutuban at madalas na naglalako rin ng kakanin sa Sta. Cruz. Iyong tatay mo, nirekomenda ko bilang janitor sa isang university kapag wala siyang pasada. Kaya lubos akong nakikiramay sa'yo, Divina," malumanay na pagsiwalat nito. "Ako nga pala si Gori. Mang Gori."
Natawa ako nang bahagya. "Kapangalan n'yo po 'yong nasa Slamdunk. Paborito kasi 'yon ng kapatid ko."
"Go Ri. RI-cardo GO. Binaliktad ko. At may iba pang ibig sabihin ang Go-Ri. Ghostwriter," paglalahad naman sa akin ni Mang Gori.
"Ano po 'yong ghostwriter? Multong nagsusulat?" inosenteng tanong ko.
"Nagsusulat ako para sa ibang tao. Kumbaga, para akong singer pero hindi ako nakikita sa entablado, dahil 'yong singer na kumakanta ay nagli-lipsync, gamit ang boses ko," paliwanag naman ni Mang Gori na madali ko namang naunawaan.
"Parang pinapagawa lang kayo ng assignment na hindi naman sa inyo pero 'yong nakapangalan 'yong ginawa ninyo doon sa nagpagawa lang? Parang nang-aangkin ng ideya? Hindi po ba parang pandaraya naman po 'yon?" sunod-sunod kong tanong kay Mang Gori. Biglang nag-spark ang interes ko sa mga sinabi niya sa akin. Pansamantala, hindi lang karamay ang umeksena sa malungkot kong sandali, kundi isang guro at magulang na maaring umagapay.
"Hindi naman pandaraya kung babayaran ka naman, eh. Minsan, kailangan mo ring ibenta ang talento at kakayahan mo para mabuhay sa kahit anong paraan pa. Ang mahalaga, nakuha mo naman sa malinis na paraan ang pera at sariling talento mo naman ang pinagbili mo," katwiran ni Mang Gori. Nagpagaan sa damdamin ko ang sinabi niya. Naalala ko na ganyan na ganyan ang pangaral sa'kin ng namayapa kong magulang. Hindi na baleng mapagod ka para sa kaginhawaan ng iba, ang mahalaga'y napagod ka naman nang walang napeperwisyong ibang tao. Kailangan lang na laging patas at magiging patas din ang mundo sa mga tulad namin.
Mas lalo akong nagkaroon ng interes sa pagbabasa at pagsusulat nang matapos na ang paglibing sa mga magulang ko. Naging pang-aliw ko ang libro, notebook, papel, library, iba't ibang panulat, at ang maliit na bookshop ni Mang Gori habang nangungulila ako sa aking pamilya. Paano ba naman kasi, kahit labag sa loob ko, pumayag na lang ako sa payo ng mga tiyahin namin sa probinsya na kunin muna ang tatlo kong kapatid. Doon muna sila mag-aaral habang ako naman ay mananatili sa Maynila at magtatrabaho na rin habang nag-aaral sa High School. Dalawang taon na lang ang bubunuin ko at magkokolehiyo na ako. Nagtrabaho ako sa bookshop ni Mang Gori sa Tutuban. Sabihin na nating pinagpapatuloy ko lamang ang legacy ni mama. Magaan sa pakiramdam ang ginagawa kong ito. Naaaliw ako sa pagbabasa. Na-inspire din ako na maging manunulat. Gusto ko na maging kasinggaling ako ni Mang Gori na nakapaglimbag na rin pala ng maraming libro gamit ang pangalan niya bilang si Ricardo Go. Buti naman, kahit papaano, may mga obra naman pala siyang matatawag niyang 'kanya'. Pansamantalang nakipisan muna ako sa dorm ng university kung saan nagtrabaho bilang janitor si papa. Iyon daw ang 'token of appreciation' nila dahil sa serbisyo ni papa. Mas lalo akong naging proud sa kanya dahil hindi sumagi kailanman sa isip ko na kaya pala niyang magtrabaho ng kahit ano para lang may maiuwi siyang pagkain at para hindi na sila magtalo ni mama sa financial matters.
Nang makapagtapos na ako sa high school, hindi ko inaasahan ang mas magandang balita na dumating. Malilibre na raw ako sa St. Bernadette University, the same university where my late father served as a janitor. Pero tinanggihan ko. Pakiwari ko kasi ay hindi ko deserved. Kailangan kong maging scholar na lang kaysa bigyan na naman ako ng pabor dahil na naman sa token of appreciation nila kay papa. Nag-take ako ng exam nila para sa scholarship but unfortunately, hindi naman ako nakapasa. Pinaghinaan ako ng loob pero paulit-ulit na ipinaalala ni Mang Gori na hindi por que bumagsak ako, nangangahulugang mahina na ang ulo ko. Naniwala siya sa kakahayahang mayro'n ako at siya rin ang naging mentor ko sa pagsusulat.
Nakapag-aral pa rin naman ako at napagsabay ko naman iyon sa pagtatrabaho pa rin sa bookshop ni Mang Gori. May good news pa rin na dumagdag, pinahintulutan ako na maging staff o intern ng SBU kaya kahit papaano, may pantustos na ako sa matrikula. Hindi nga lang naging tuloy-tuloy ang pag-aaral ko dahil kailangan ko rin na ayusin ang setup ng mga kapatid ko sa probinsya. I still have to look after them. May isang sem ako na hindi natapos during first year ko pa lang pero hindi naman ako nanghihinayang dahil alam kong may maganda pa namang bagay na nakalaan para sa akin at hindi naman paunahan ang pag-aaral. Matapos ang ilang buwan, bumalik na naman ako sa SBU. Sa pagbabalik ko, hindi ko inaasahang may isang tao na magiging espesyal na bahagi ng mundo kong mapanglaw.
His name is Rafael Gravidez, by the way.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top