Chapter Two

“Hindi namin inaasahan na sa kabila ng pagiging busy mo Rafael, nagkaroon ka pa rin ng oras na tapusin ang essay na pinapa-submit ko para sa International Human Rights Month. Irerekomenda ko rin sa History council na tingnan ang essay mo at baka maitampok nila sa isang documentary. Sobrang makabuluhan ng tema na inilagay mo lalo na sa current issues ng bansa.”

Hindi na bago kay Rafael ang papuri ni Prof Chavez at ng iba niyang kamag-aral. Lahat sila, napaniwala ng aroganteng binata na siya talaga ang sumulat ng essay na ipinagmamalaki ng propesor. Magagawa pa ba niya na magtipa ng kahit ano sa desktop? Hindi naman niya sineseryoso ang pag-aaral dahil para sa kanya, mas masaya ang p-um-arty at magsayang ng oras kasama ang barkada sa bar. Wala naman talaga sa schedule niya ang pagpupursigi kung oportunidad na mismo ang lumalapit sa kanya. He is currently enrolled in a Bachelor of Mass Communication course and currently in his fourth year of studies.

Ngumiti lamang si Rafael at nagkunwaring humble sa compliment ni prof. Why would he be scared na mahuling nag-plagiarize? Hindi made-detect ng plagiarism checker ang ginawa niyang essay dahil napulot lamang niya ang journal na kinopyahan nito—somewhere.

“Gayahin n’yo si Rafael, hindi lang mukha ang puhunan. May utak din,” dugtong pa ni Prof Chavez. Medyo umingay ang silid dahil sa kabi-kabilang bulungan na alam din ni Rafael na hindi sang-ayon sa papuring kanyang natanggap. Palibhasa, halata naman sa mga ito na lubos silang naiinggit sa tinatamasa ng binata. At the age of 20, he's age when he started his career, marami na agad siyang pera na naipon sa bangko. Kahit nga hindi na siya mag-aral, alam niyang hindi pa rin siya sa kangkungan pupulutin. It’s not his fault that he’s like this. Bukod pa roon, malakas din ang kanyang Lolo Paeng sa owner ng university kaya hindi siya natatakot na bumagsak.

Ngunit sa isang iglap, naging nakabibingi na ang paligid na hindi dahil sa nakaaasiwang ingay. Tila ba may dumaan na anghel at natahimik ang lahat. Pero anghel nga ba ‘yon? Bakit nanlilisik ang kanyang mga mata, at bakit tila may hinahanap siya na hindi niya titigilan hangga’t hindi niya mahanap?

“Oy, Divina! pambihira, buhay ka pa pala!” bulalas ni Prof Chavez na parang wala lang sa babaeng iyon. Inisa-isa niya ang mga notebook sa mesa ni Prof Chavez at pinagbubuklat ang mga iyon. Saka lamang siya tumigil nang mabuklat na niya at mabasa ang notebook na may pangalan ni Rafael, kung saan nakasulat ang pinagmamalaki ni Prof Chavez na essay.

“Plagiarized ito. Ako ang nagsulat nito!” sigaw ni Divina at pinakatitigan ang pangalan ko na nakasulat sa cover ng notebook.

“Sino rito si Rafael Gravidez?”

Everyone pointed their fingers at Rafael. Later on, she kept a straight face while walking. Papunta siya sa kinauupuan ni Rafael. Hesitant si Divina sa dapat niyang gawin sa binata, pero kung hindi niya susundin iyon, hindi siya magtatagumpay sa pag-navigate ng sarili niyang kwento.

“Wala akong kinopyahan,” maagap na pagkakaila ni Rafael na may pagbabakasakaling paniniwalaan siya ng babae. Baka naman this time, tatalab pa rin ang charms niya bilang tanyag na personalidad.

“Ilabas mo ‘yong napulot mong journal,” pasikmat na utos ni Divina.

Rafael remained silent. Wala siyang ibang sasabihin. Dapat lang na ipagpatuloy niya ang pagde-deny and besides, wala naman sa bag niya ang journal. Hindi na niya ‘yon maibabalik dahil naitapon na niya. Mapapahiya lang ang babaeng ito.

“Ilabas mo ‘yong journal, kung hindi—”

“Anong gagawin mo kung hindi ko ilabas?” panghahamon na tanong ni Rafael.

“Baka mapatay kita.” Pinagdiinan niya ang bawat pantig ng mga salitang binitiwan ng kanyang labi. She’s obviously not kidding at all.

“Wait wait. Prank ba ‘to? Tell me? May hidden cameras ba rito? Alam ko naman na sikat ako pero you should know that I’m studying. I want to do this in private at hindi ko pa ina-announce sa followers ko ang tungkol sa pag-aaral ko. Umamin na kayo. Prof, may kinalaman ka ba?” Napilitan tuloy si Rafael na tumayo at hindi na nga niya maitago na talagang nakakatakot ang babaeng ito. What’s her name again? Divina?

“Well, itong gagawin ko, hindi prank!”

He’s about to utter a word but she punched him twice. Wala siyang kalaban-laban na bumulagta at nataranta na lamang ang lahat nang saklolohan siya.

Nang bumulagta na si Rafael, napamaang si Divina at umatras. Gusto niyang tulungan ang binata ngunit naunahan na siya ng mga kaklase ni Rafael na dumumog para akayin ito. Dahil sa komosyon na iyon, nakakuha na siya ng tyempo upang umalis sa silid aralan pero maagap na sinara naman ni Prof Chavez ang pinto.

“Ms. Altamirano, you can’t get away for what you did,” pananakot ng propesor.

Following the incident, dinala si Divina sa tanggapan ng dean habang si Rafael naman ay dinala sa malapit na ospital.

***

“Hindi po mae-expel itong Rafael na ‘to? Walang parusa? Samantalang ‘yong mga nahuli n’yong cheaters sa exam, hindi nakatakas sa community service?” Hindi mapakali si Divina nang kwestyunin ang naging desisyon ng dean tungkol sa insidente kanina lamang habang nagkaklase si Prof Chavez. Ayon din sa propesor, nag-sustain ng matinding sugat ang mukha ni Rafael dahil sa lakas ng kanyang pagkakasuntok. Nakonsensiya naman talaga siya sa ginawa niya kay Rafael pero dapat ipakita niya ang matinding galit dahil sa pag-plagiarize nito sa kanyang essay.

“Dahil po ba artista? May special treatment?” dugtong pa niya kaya pinandilatan siya ng mata ni Dean Santos.

“Hinay hinay, may kasama tayong seminarista sa loob,” paalala nito sa kalmadong tinig. Napatingin tuloy si Divina sa tinutukoy ni Dean Santos na panauhin din pala nito bago mangyari ang komosyon sa klase ni Prof Chavez. Nag-insist kasi ang seminarista na huwag nang umalis upang mag-observe pa patungkol sa mga problemang kinahaharap ng unibersidad. Palibhasa, funded by the sectarian group ang paaralan bago ito mapalago kaya hindi pa rin inaalis ang Christian values dito kahit na hindi naman lahat ng estudyante ay nabibilang sa iisang relihiyon at hindi ini-insist sa kahit sino ang anumang paniniwala.

“Sorry po, father,” paumanhin agad ni Divina sa binatang seminarista na tahimik lamang sa gilid.

“Hindi pa po ako pari,” pagtatama naman nito na bahagyang nagpausbong ng hiya kay Divina.

Walang nagawa si Divina sa naging desisyon ng dean at ni Prof Charles. The university couldn’t afford to lose her, kahit may nagawa siyang mali. Dahil sa malaking ambag ni Divina sa larangan ng pagsusulat, marami siyang natanggap na pagkilala na nagdulot din ng karangalan sa St. Bernadette University. Isa rin siyang dedicated staff member na kilala sa buong paaralan dahil sa kanyang pagiging mapagkakatiwalaan.

Napilitan siyang dalawin si Rafael sa ospital kung saan ito naka-confine. Dinalhan na rin niya ito ng pagkain at ang pinakaimportanteng bagay na dapat nitong makamit—ang sincere o sincerest apology. Aminado naman siya na nagkamali siya nang dinaan niya sa violence ang disappointment niya rito.

Upon reaching the hospital’s room, hindi na siya nag-abalang kumatok at dire-diretso na lamang na pumasok sa kinaroroonan ni Rafael na abala sa pagse-cellphone.

“Okay ka na?” tanong agad ni Divina na hindi man lang ngumingiti nang ilapag ang dala niyang pagkain sa bedside table.

“Mukha ba ‘tong okay? You almost killed me,” paasik na tugon ni Rafael na itinabi agad ang hawak na gadget nang harapin si Divina na mukhang wala man lang ni katiting na remorse sa ginawa nitong panununtok.

“Sinira mo ‘yong puhunan ko, ito ‘yong pang-market ko, eh. Itong mukha ko,” dagdag pa ni Rafael na kung hindi lang dahil sa pakiusap ni Prof Chavez, ready na siyang magsampa ng kaso. He didn’t understand the reason why this woman seemed untouchable when in fact, para lang naman itong kabute sa St. Bernadette.

“Sinira ko pala ‘yong investment mo,” sarkastikong pahayag naman ni Divina. “Dapat mag-invest ka naman ng kaunting talino, para hindi ka na mangongopya next time. Iyong ninakaw mo, investment ko rin ‘yon. Paano ko mailalaban ‘yon kung ninakaw mo na?”

“Simple lang. Magsulat ka ulit nang bago,” aroganteng sagot naman ni Rafael na walang paki kung offensive iyon sa pandinig ni Divina.

“Basta ba ikaw ang maghanap ng inspirasyon para makapagsulat ako ulit—nang mabilis. Akala mo yata, umupo lang ako sa desk ko at nag-journal tapos iyon na! May gawa na ako!” singhal naman ni Divina saka umiling.

“How many times do I have to tell you na hindi ko nga ninakaw ‘yon?” For the nth time, Rafael kept on denying it.

“Ako lang ang makakasulat nang gano’n kagandang sanaysay, na sa sobrang ganda ay nanakawin o kokopyahin na lang nang walang pakundangan,” giit naman ni Divina. “Alam mo na ba kung anong ipagagawa ni Prof sa’tin? Kailangan nating i-comply ‘yon dahil kung hindi, dadagdagan ko ‘yang pasa mo sa mukha. Kaya mo bang magbenta ng maraming libro at hikayatin ang mga estudyante na magbasa? Hindi ka ba aware na ligwak ang Pilipinas sa PISA?”

“Can you talk calmly? At sana hindi ka rin bastos. Hindi mo ako kilala,” paasik na turan naman ni Rafael. “And what’s PISA? Anong kinalaman ko do’n at ng buong paaralan?”

“Ikaw itong may atraso, ikaw pa ang sumusubok na takutin ako. Para lang sa kaalaman mo, kahit sa mga prof hindi ako natatakot lalo na kung alam ko namang ako ang nasa katwiran. Maiwan na nga kita. Magkita tayo bukas sa cafeteria na malapit sa SBU, kailangan kong i-discuss ‘yong gagawin nating project.”

“What did you just say? Hindi pa ako pwede bukas, kita mo nga itong ginawa mo sa'kin! Saka ayokong magbenta ng libro. Hindi natin trabaho ‘yan.” Pinandilatan tuloy ni Rafael si Divina.

“Wala akong pakialam kung anong kalagayan mo basta sumipot ka bukas, 2 PM sharp,” asik naman ni Divina saka padabog na nilisan ang silid. Naiwang nagngingitngit si Rafael na walang ibang naiisip kundi ang makaganti kay Divina, sa anumang paraan na maiisip niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top