Chapter Twenty Two
Nag-iisa na lang si Divina nang makabalik siya sa reality dimension. At that moment, hindi matigil ang pagluha niya. Tuluyan na silang nagkawalay ni Rafael. Heto na ang reyalidad niya, ngunit mas nanatili sa kanya ang urge na alamin ang kalagayan ni Rafael dahil nasa state of coma pa rin ito.
Dali-dali siyang pumunta sa ospital, just to check if Rafael has any progress. Namataan niya roon si Lolo Paeng na mukhang kabado sa mga posibleng mangyari sa kanyang apo.
"Lolo Paeng... nakabalik ako," Divina gasped with tears in her eyes.
Agad siyang nilingon ni Lolo Paeng na may balakid sa mukha nito. "Nagising na siya kanina, eh. Pero sa hindi malamang dahilan, nakatulog na naman na parang kagaya sa pagka-comatose niya. Sabi ng doktor, hindi raw normal na maging gano'n. Milagro na lang siguro ang hihintayin kong dumating, Divina."
"Ibig sabihin po ba, hindi ako nagtagumpay sa kwento? Hindi ko pa rin nabago ang puso niya? Hindi pa rin po ba napanagot si Harvey?" Pakiwari ni Divina, mabubuwal na siya sa kinatatayuan nang wala sa oras. Her knees are shaking and it seems like her remaining strength is slowly fading. Kinukuha ng maraming alalahanin ang natitira niyang lakas dahil sa pag-aalala kay Rafael. Even she had the chance to change his fate, nabigo pa rin pala siya.
"Give up, Divina. Ayos lang. Hindi mo kasalanan kung hindi magiging maayos ang lahat. Kasalanan ko rin ito, kahit na kaya ko sanang gamitin ang koneksyon at kaalaman ko para kay Rafael, hindi ko pa rin ginawa dahil sa tingin ko, mababali ang prinsipyo ko. Pero nagkamali pala ako, minsan kailangang baliin ang prinsipyo kung kapakanan naman ng taong mahal mo ang nakasalalay. Maaaring nagtatampo talaga si Rafael dahil naisip niya na unfair ang ginawa ko dahil hindi ko siya tunay na kadugo. Kung sakaling mabubuhay siya, baka hindi pa rin niya ako mapapatawad."
Parang sinaksak ang puso ni Divina dahil sa sinabi ni Lolo Paeng. It's only the first time she heard him talk like that.
"Ako nang bahala. Bumalik ka na muna ss pamilya mo. Kalimutan mo pansamantala si Rafael. Kahit wala siya, patuloy kang mangarap."
Kahit labag sa loob ni Divina ang payo ng matanda, she still has to do it. She has to endure the thing that she called failure. Napagtanto niyang marami siyang bagay na na-miss dahil sa sobrang paghanga at pagmamahal niya kay Rafael at halos hindi na nga niya nakumusta ang mga kapatid niyang malayo sa kanya noon.
Lumipas ang mga buwan, pilit bumangon si Divina mula sa kanyang pagkakalugmok. Sa kabila ng pagod at pighati, sinikap niyang bumalik sa normal na pamumuhay. Naging matibay ang suporta ng kanyang mga kapatid na sina Chris, Maria, at Mavi. Sa kanilang mga yakap, unti-unting bumabalik ang ngiti ni Divina.
"Sorry Chris, Maria, at Mavi," naiiyak niyang sambit sa mga kapatid niya habang sila'y magkayakap.
"Magkakasama na ulit tayo," ani Maria habang hinihigpitan ang yakap sa kapatid. "Kaya natin ito, Ate."
"Nandito lang kami para sa'yo, Ate Divina," dagdag pa ni Chris. "Kung anong pagsubok ang dumaan. Hindi naman kami nagagalit dahil nalayo ka sa amin. Ngayong bumalik ka na, tutulungan ka pa rin namin na maka-graduate sa college."
Muling napaluha si Divina sa inilabi ni Chris. "Paano mo naman magagawa 'yon? May trabaho ka na ba? Saka hangga't maaari, dapat nag-focus lang muna kayo sa pag-aaral. Ayokong napapagod kayo."
"May business na tayo ate. May maliit na tayong school supplies shop na nakapwesto malapit sa palengke at nabuksan na namin iyon, mga isang buwan na. Inipon namin ang iba mong padala para makapagsimula ng negosyo. Nagtataka lang talaga kami kung bakit hindi mo kami nire-reply-an. Akala talaga namin, may masama nang nangyari sa'yo sa Manila," sabad naman ni Mavi.
"Okay naman ako. Pasensiya na huh? Sa kagustuhan kong iligtas ang buhay ng ibang tao, napabayaan ko na yung pamilya ko na nag-aalala pala para sa'kin," madamdaming sagot naman ni Divina saka hinaplos ang buhok ng kapatid.
"Ano raw?" Bahagyang natawa si Chris. "Naging superhero na pala ang ate ko."
"Naku, joke lang iyong sinabi ko. Basta. Wala lang 'yon," pagbawi naman ni Divina. Kung ie-explain naman niya kasi ang nangyari sa kanya sa loob ng fictional dimension, hindi rin siya paniniwalaan ng mga kapatid niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top