Chapter Twenty Three - Finale
Habang nagsisikap na bumangon si Divina, hindi niya maiwasang maalala si Rafael. Sa bawat araw na lumilipas, umaasa siyang darating ang balitang magigising na ito mula sa coma. Hindi niya matanggal sa isip ang kanilang huling sandali sa ibang dimensyon, at ang pangako niyang hindi siya bibitiw sa pagmamahal niya para sa binata.
Habang naglalakad siya sa kahabaan ng Roces Ave, nanumbalik sa isip niya ang moment na huling nakasama niya si Rafael sa fictional dimension. Sa gitna ng pagmumuni-muni, biglang nag-ring ang kanyang telepono. Hindi niya kilala ang numero ngunit may kutob siyang mahalaga ito.
"Hello, Divina? Si Lolo Paeng ito," bungad ng nasa kabilang linya. "Gusto ko lang ipaalam sa'yo na may magandang balita."
"Ano po iyon?" tanong ni Divina habang nadarama puso niya na mabilis ang pagkabog.
"Nagising na si Rafael mula sa coma. Conscious na siya at kailangan mo siyang makita."
Hindi napigilan ni Divina ang mapaiyak sa tuwa. Agad naman siyang nagtungo sa ospital. Pagdating niya roon, nakita niya si Lolo Paeng na naghihintay sa labas ng kwarto ni Rafael. Nang makita siya ng matanda, agad itong naglakad palapit sa kanya.
"Nakabalik ka, Divina," sabi ni Lolo Paeng na may luha sa mga mata. "Salamat at hindi ka sumuko."
"Salamat din po, Lolo Paeng, sa lahat ng suporta ninyo. Akala ko, nabigo na ako sa misyon ko," tugon ni Divina habang niyayakap ang matanda.
Pumasok sila sa kwarto at sa wakas, natunghayan niya si Rafael at may ngiti sa kanyang mga labi—bagay na labis namang ipinagtaka ni Divina dahil tila ba, namumukhaan siya ng binata. Nang magtama ang kanilang mga mata, napatigil din si Divina. Parang gusto niyang magpasampal sa kahit sino dahil maaaring panaginip lang pala ang lahat.
"Divina," mahina ngunit may halong tuwa ang boses ni Rafael. "Alam kong hindi mo ako iniwan. Salamat, at nandito ka—Divi Soraya."
Lumapit si Divina sa kama ni Rafael at hinawakan ang mga kamay nito. Hindi pa rin mapigil ang paglandas ng luha sa kanyang mga mata, lalo na't niyakap na siya ni Rafael.
"Nakikilala mo ako?" pagtataka ni Divina.
"How can I forget you? Si Lolo ang mentor mo sa pagsusulat kahit natatakot kang sumabak sa writing contests dati. And one time, nakita kitang pumunta sa house nanin. Pinakialaman mo 'yong notebook ko na pinagsusulatan ko ng mga kanta dati. May itinama kang grammars," natatawang paglalahad ni Rafael. "I'm aware of who you are, even before the accident. Alam kong fan mo ako. At pinaalam na rin ni Lolo Paeng kung paano mo ako niligtas."
"Paano?" Halos hindi makahuma si Divina sa isiniwalat ni Rafael. Dahil doon, pumagitan na si Lolo Paeng sa kanilang madamdaming pag-uusap.
"Habang unconscious si Rafael sa reyalidad, lahat ng nangyayari sa kanya sa kabilang dimensyon ay naging panaginip niya. Ang dedikasyon mo na baguhin siya, iyon ang naging dahilan para matandaan niya lahat ng nasa panaginip niya, matapos siyang magising. Pinaalam ko na rin kay Rafael ang ginawa nating manipulasyon, at kasama ko si Mang Gori para ipaliwanag ang lahat," pahayag naman ni Lolo Paeng.
"Salamat. Handa na sana akong mag-move on. Pero, nagtagumpay pala ako." Mas lalong napahagulhol si Divina.
"Sinadya namin ni Mang Gori na pauwiin ka muna. Dahil mas kailangan mo rin na pagtuunan ng pansin ang sarili mong buhay," paliwanag naman ni Lolo Paeng.
"I already apologized to lolo. Naintindihan ko na lahat," dagdag pa ni Rafael at saka hinaplos ang pisngi ni Divina.
"Salamat din Divina. Salamat sa pagmamahal at pagsagip sa walang kwentang katulad ko," dagdag pa niya.
"Hindi," naiiling na sagot pa ni Divina. "Paano mo nasabi na wala kang kwentang tao kahit na marami kang pinasaya sa existence mo?"
Rafael's heart sang with gratitude for what he had learned before, and even now that he's finally reunited with Divina. If it weren't for the concerned people around him, malamang wala na siya sa mundo. But now, he's still living and now striving to become a better person.
Ipinangako niya sa kanyang sarili na hindi niya sasayangin ang pangalawang pagkakataon kasama ang minamahal niya sa buhay.
***
Days had passed and the exposé of Harvey Mateo's lies brought a chaotic media attention. Maraming interviews si Rafael na hindi niya muna pinaunlakan dahil mas gusto niyang mag-reflect sa sarili. At syempre mas gusto niyang kasama muna si Divina na kasalukuyang abala naman sa pagbabantay ng bookshop sa Tutuban. Dating gawi, siya pa rin ang trusted employee ni Mang Gori upang pangalagaan ang negosyo nito habang busy rin ito sa pagiging educator.
"Sayang, hindi ko nadala rito sa dimension na 'to 'yong books na nabili ko. Remember, 'yong dapat na ibenta sa book fair na naudlot?" Rafael recalled with a beam on his face.
"Hayaan mo na 'yon. Besides, hindi mo na kailangang magbenta ng kahit ano pa. Tanggap ka na ng mga tao at nag-apologize na sila sa nangyari. Marami nang nakaabang na projects para sa'yo," pagpapaalala naman ni Divina. Hanggang ngayon, hindi siya makapaniwala na naging sila na nga ni Rafael at hindi lang sa fictional dimension ang ugnayan nilang dalawa. Somehow, she felt like she's just dreaming about it. Kaya naman, hindi niya masisi ang sarili kung nagpapakita pa rin siya ng nonchalant demeanor kapag kasama si Rafael. Nakatapat siya sa salamin at hindi niya namalayang nakikita ng binata ang repleksyon ng kanyang mukha, na halos mapunit na ang labi niya na hindi matigil sa pagngiti dahil sa sobrang kilig sa kanyang puso. When she's about to move, she felt an air on her neck. Rafael finally stood close behind her and breathing with a thumping heart.
"Wala na tayo sa dimensyon na 'yon, Vina. Magpaka-out of character ka na, please? I-reciprocate mo dapat ang feelings and emotions ko. I will continue studies kaya wala pa akong planong bumalik sa profession ko. Tapos sabay tayong magtatapos sa SBU, okay? Ang dami kong fans at alam kong madidismaya sila na hindi pa ako babalik. Pero wala naman akong paki sa opinyon nila. What's the use of having thousands of fans if I finally have the most loyal of all, beside me, who never gave up on me, stood by me until the end, and never judged me? Higit sa lahat, 'yong fan na 'yon, kilalang kilala na kung sino ako."
Tumango na lang si Divina bilang pag-agree sa sinabi ni Rafael. Tama naman ito na hindi na niya kailangang magkunwari pa. Ipinakita na niya sa wakas kung paano siya magre-react kapag kasama na ang lalaking pinakatatangi niya noon pa man.
Rafael's laughter tickled her soul, and she felt at ease as she realized that she was once again enveloped in his arms, free from worries about the future.
At gano'n na nga, unti-unting magbubukas ang bagong kabanata sa tunay na kwento nina Rafael at Divina—here comes an upcoming chapter of their tale of resilience, understanding, and the power of their hearts intertwining to create something beautiful, regardless of where dimension they could travel together. Pag-ibig ang naging susi upang mabago nila ang kanilang mga kapalaran at sarili.
Wakas.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top