Chapter Twenty

Naging magical ang tahanan ni Rafael sa bawat tawanan at kwentuhan nila ni Divina. Matapos ang Noche Buena, hindi pa rin nakakaramdam ng antok si Rafael. Ayaw niyang matulog at mas gusto niyang abutin na lang sila ng umaga ni Divina habang nagkukwentuhan tungkol sa mga random na bagay.

"Hindi ka ba napapagod? I mean, dapat magpahinga ka naman, Rafael. Ilang araw ka rin na nag-participate sa music ministry tapos may mga libro ka pang ibebenta," pakli ni Divina sa sandaling pareho silang nakadungaw sa bintana at nakatingala sa makikinang na bituin sa ulap.

"Nag-aabang ako ng fireworks," Rafael confessed.

"Sa New Year, mas maraming magf-fireworks for sure," tugon naman ni Divina.

"Do I have to wait for the New Year to come? Actually, hinihintay ko lang naman na may fireworks kasi gusto kong harapin ang takot ko," pag-amin naman ni Rafael. "Noong nagkaroon ng buy bust operation sa bar na na-frame up ako, mga dalawang gunshot ang narinig ko. Akala ko mabibingi na ako. Kaya sa tuwing makakarinig ako ng pagsabog ng fireworks, parang pakiramdam ko, bumabalik ang lahat. Pakiwari ko, gunshot agad 'yon kahit hindi."

"What if hindi ka pa ready? Hindi mo na kailangang ipilit 'yon, Rafael. Mas mabuti pa na matulog ka na lang," sagot naman ni Divina saka marahang tinapik sa balikat si Rafael para pagaanin naman ang loob nito.

"Ready na akong harapin ang takot ko, kasi I already have my companion—you," sincere na sagot ni Rafael at saka huminga nang malalim bago isara ang bintana.

"Matulog ka na, Divina," masuyong utos ni Rafael. "Goodnight. Matutulog na ako—sa kwarto ko. Wait—I mean, doon ka sa kwarto ko, tapos dito na lang ako sa living room."

Natawa na lang si Divina dahil nababakas sa pananalita ni Rafael ang kaba sa pagkakabulol-bulol nito. "Dito na lang ako, bahay mo 'to, eh. Good morning na nga pala."

"Alright. As you said. Good morning," nakangiting pakli naman ni Rafael na hindi binabali ang tingin hangga't sa tuluyan na siyang makapasok sa sarili niyang silid. Napaupo na lang si Divina at napansin ang phone ni Rafael na nakapatong doon. Pagkapulot pa lamang niya ay eksaktong lumiwanag na rin ang screen nito dahil sa kapapasok lang na mensahe at galing iyon sa unknown number.

"Magkita tayo ngayon sa address na ise-send ko.

- Harvey."

Madaling na-sense ni Divina ang nagbabadyang panganib. She thought that everything would go under control pero mukhang hindi sila patatahimikin ni Harvey. Kahit sa dimensyong ito, hindi man lang humina ang koneksyon at kapangyarihan nito. Nahawakan niya nang mahigpit ang phone ni Rafael at mas pinili na huwag nang mag-reply o kaya nama'y kopyahin muna ang number na ginamit ni Harvey para ma-contact si Rafael. Hindi naman niya inaasahang tutunog ang phone ng binata at si Harvey nga iyon.

Narinig naman ni Rafael ang malakas na tunog ng ringtone kaya napaigtad siya sa kama at lumabas muli. Ikinagulat niya nang mamataang hawak na ni Divina ang phone niya at akmang ito ang sasagot sa tawag.

"Who's that?" tanong ni Rafael at kinuha agad kay Divina ang kanyang telepono at saka naging pamilyar sa kanya ang numero.

"Harvey," singhal niya at napilitang sagutin ang tawag. Ipinagtaka naman ni Divina kung bakit alam ni Rafael na si Harvey nga iyon. Baka noon pa lang, hindi na ito tumitigil sa paggambala sa peace of mind ni Rafael.

"What do you want?"

"You think you won just because you spread the CCTV footage? Look what I can do more, hindi lang sa'yo pati sa lolo mo at dyan sa babaeng kasama mo na source ng video footage!" galit na pakli ni Harvey at dinig na dinig din ang mga taong nag-uusap at may tunog pa ng wangwang sa background.

Magsasalita pa sana si Rafael upang pabulaanan ang paratang ni Harvey pero biglang naputol ang tawag. Kumakabog ang dibdib niya nang harapin si Divina sa sandaling iyon.

"Totoo ba ang sinabi niya? Nilabas mo ang CCTV? Kanino mo pinasa?" pasinghal ang kanyang tanong. Malinaw na pinaglihiman siya ni Divina at that point. Napag-usapan pa naman nila na magiging maingat at magiging safe space ang isa't isa pero hindi niya lubos maisip na pagilihiman pa rin siya ni Divina.

"Ang sabi mo sa'kin, hindi mo ipapakita sa kahit sino 'yon hangga't hindi natin nahahanap si lolo. Kasi paano nga kung na-expose na si Harvey pero gumanti naman siya gamit ang connections niya habang nasa kulungan tapos hindi pa natin nakikita si lolo? You're not even thinking! Akala mo simpleng mayaman lang ang angkan niya. Hindi gano'n Divina!" litanya ni Rafael. He might burst out anytime. Sobrang dismayado na siya sa takbo ng pangyayari.

"Safe naman ang ginawa ko at kinonsulta ko 'yon kay Clint. Siya lang naman ang binigyan ko ng copy," depensa naman ni Divina. Her body slowly trembled. Nauunawaan naman niya ang frustration ni Rafael sa sandaling iyon. "Sabi niya, sure naman na masusuplong na si Harvey kapag na-release na 'yon pati 'yong drug test result mo na negative."

"Okay! Let's just say na makukulong nga 'yon pero makakalaya pa rin siya sa connections niya from Luzon to Mindanao. Halos lahat ng kapamilya niya, mga politiko at reelectionist. I don't know what to think about you, Vina, Divina, Divi Soraya or who you are! Since then, you're such a mystery. Pero ang nakakadismaya, 'yong ganyan ka na nga pero parang hindi ka na nakakatulong," sabad ni Rafael na tila punyal na tumagos sa puso ni Divina. Ang masayang Christmas Celebration, nauwi lang tuloy sa hindi pagkakaintindihan.

"Sinakripisyo ko ang pagkakataon na makasama ang mga kapatid ko sa kabilang dimension at ipagpatuloy ang buhay ko tapos pagsasabihan mo lang ako ng ganyan? Sana next time iniisip mo naman na nakakasakit ka at hindi lahat ng sinasabi ng puso mo ay dapat mong i-voice out!" litanya ni Divina na puno ng hinanakit.

"Anong dimension ang pinagsasabi mo?" pagtataka ni Rafael.

Hindi sumagot sa Divina at naglakas-loob na lang na lumabas sa bahay ni Rafael. Hindi gaanong matao sa neighborhood ng South Triangle kahit Holiday pero mabuti na lang at hindi palyado ang streetlights kaya kumpiyansa siya na hindi siya mapapahamak kahit mag-isa siyang naglalakad sa oras na iyon.

"Ito na nga yata ang consequences sa pagbibigay ko ng spoiler kay Rafael. Sana pala hindi ko na lang inamin na may kinalaman si Lolo Paeng sa pag-traverse ko rito. Nakalimutan ko na kapag ginawa kong isiwalat sa kanya ang mga hindi dapat isiwalat, mag-iiba ang flow ng kwento at mangyayari ang mga eksenang hindi naisulat at hindi talaga dapat mangyari," pangaral ni Divina sa kanyang sarili. Mula Timog Ave., sinikap niyang lakarin ang daan para maabot naman ang dulo ng Mother Ignacia. Balak niyang mag-stay na lang sa bookshop at hilingin na bumalik na lang sa reality dimension dahil mukhang hindi na niya mako-control ang lahat. Ngunit sa isang iglap, napahinto ang kanyang paglalakad at napaisip.

"Pasko ngayon. December 25, 2022 nangyari ang aksidente sa reyalidad ni Rafael. Paano kung umalis siya at kumagat sa pain ni Harvey? Tapos i-drive niya 'yong sasakyan?" kinakabahang aniya. Dahil nadala siya sa kanyang emosyon, nawala na sa isip niya na Pasko ngayon at dapat walang mangyaring masama kay Rafael at maiiwas niya ito sa pagda-drive.

Tumakbo na lamang ito pabalik sa bahay ni Rafael at hindi siya tumigil kahit napapagal na ang buong katawan niya sa sandaling iyon. Mas mahalagang hindi mawala sa paningin niya si Rafael at mailigtas ito. Nanaig pa rin ang pagmamahal niya sa binata kahit na pinagsabihan siya nito ng mga paratang at salitang hindi kanais-nais. But Divina knows her limits, hindi naman siya robot pero para na siyang naubusan ng baterya at hindi na magawang ibangon ang sarili nang tuluyan siyang madapa. Tanging pag-iyak lang ang nagawa niya sa sandaling liwanag ng streetlights lang ang karamay at saksi sa madilim na bahagi ng kanyang sitwasyon.

"Mabuhay lang si Rafael, kahit ako hindi na... Tapusin n'yo na ang paghihirap niya sa kabilang dimensyon. Ibalik n'yo na po siya...Diyos ko."

She was also surprised upon hearing what she just said. Hindi siya madasaling tao dahil humina na ang pananampalataya niya nang mawala sa mundong ibabaw ang kanyang mga magulang at nagwatak-watak silang magkakapatid para maka-survive pero ngayon, tila nanunumbalik ang pananalig niya dahil lang sa iisang taong nagparamdam sa kanya kung paano ang magmahal kahit na hindi minamahal nang pabalik.

Parang mauupos na kandila na si Divina ngunit naramdaman niya ang tila pagsiklab ng mitsa sa kanyang puso nang maramdaman niya ang pagsaklolo sa kanya ng isang lalaki.

"Vina, I'm sorry..."

She just heard Rafael, whimpering as he finally enveloped her in his arms.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top