Chapter Three
"Ilayo mo 'yan sa'kin. Hindi ko kakainin 'yan." Rafael made a long face when the food was being offered to him. Galing iyon kay Divina, maaring pang-peace offering nito.
"Hindi man lang nag-apologize," patuloy na himutok ni Rafael.
"Okay na 'yan. Si Divina ang naghanda nito, siguradong masarap," pakli naman ni Clint, ang bisexual na manager ng binata na unang tumikim sa dinalang pagkain ni Divina. "Kapag bumula ang bibig ko, ibig sabihin nilagyan niya ng lason."
"Kilala mo siya?" His curiosity sparked.
"Oo. Friends ako sa guard na friend naman niya sa SBU," pagmamalaki ni Clint na halata ang enthusiasm sa boses habang ngumunguya ng pagkain.
"So hindi mo siya friend," half-hearted na sagot naman ni Rafael.
"But she's nice with everyone, kahit sa'kin. Kaya friends na rin kami."
"Nice ba 'yong nananakit? She could just sue me. Pero ano 'tong ginawa niya?"
"Deserved mo naman. Anyway, hindi ko pa nga naibabalik sa kanya 'yong naiwan niyang notebook ba 'yon? O parang journal noong nilibre ko siya sa coffee shop. Sana pala nandito na ako para nasabi ko man lang sa kanya," pag-alala naman ni Clint.
"Kaya pala galit siya sa akin, dahil sa iyo?" Halos sumigaw si Rafael sa kanyang assistant. "If that journal wasn't on your desk, hindi ko 'yon mababasa at hindi ko–"
"Oh my God! So totoo nga? You copied her work? Akala ko hinanap mo lang sa website niya," shocked na tanong ni Clint. "Parang kasalanan ko pa na nangopya ka, ah."
Napalunok si Rafael nang marinig ang tanong ni Clint. "Hindi ko naman ninakaw. I just... lend some ideas," depensa niya.
"Yari ka. Mag-sorry ka sa kanya! At sa'kin na rin dahil pinakialaman mo ang gamit na hindi sa'yo," may himig ng pagtatampong demand ni Clint.
"Why should I? Sinapak na niya ako, quits na kami," aroganteng sagot naman ni Rafael.
"Ano ba kasing akala mo sa essay? Parang caption lang sa Instagram na pwedeng gayahin? Huwag kang mao-offend, huh? Pero sa edad mong 'yan, dapat basic na lang sa'yo ang paggawa ng non-fiction essay, o kaya sana nagpagawa ka na lang sa'kin o nag-hire tayo ng writer," katwiran pa ni Clint. "You couldn't blame Divina for hurting you, ikaw naman kasi."
"Ang akala ko naman kasi, sa'yo 'yon," bwelta naman ni Rafael.
"Mukha ba akong may time sa ganyan? Saka nga lang ako nakapagpahinga nong nabakante ka na. Hay naku Rafael, magpapalit na ang taon, magbago ka na. Masakit na ang ulo ko sa iba kong talents," sermon naman ni Clint at kahit naiinis siya kay Rafael, idinuldol pa rin niya ang pagkain upang ialok.
Sa kabilang banda naman, hindi pa rin makapaniwala si Divina na nagawa niyang saktan si Rafael. Nagawa niyang i-portray ang desired attitude niya na hindi naman pala gano'n kaganda kung isasabuhay. Her rude and blunt manners were just a facade. In reality, hindi pa rin siya naniniwalang may magandang idudulot ang dahas sa pagtatama ng kamalian at na-realize din niya na hindi pala dapat na gano'n ang naging simula ng fanfic. Naiiling niyang binuksan ang old model laptop na ginagamit pa rin niya sa pagsusulat. Habang may free time pa siya at hindi pa nasisimulan ang proyektong pinagagawa ni Prof Chavez, hindi siya pwedeng mag-procrastinate. Sa ngayon, hinahanap niya muna sa internet ang ibang articles na pwedeng makapagbigay ng lead sa kanya kung sino ang nasa likod ng pagka-frame up noon kay Rafael.
"Eh, kung balikan ko kaya?" Nagkamot siya ng ulo at nakipagtalo pa sa sarili sa loob ng ilang minuto. Sa bandang huli, nanaig pa rin ang soft side niya at nagmadaling bumalik sa ospital.
Huminga nang malalim si Divina matapos na makarating sa tapat ng elevator sa ground floor. Nanginginig ang kanyang mga kamay at nang makarating siya sa pinto ng kwarto sa ospital kung saan naka-confine si Rafael, hindi niya napigilan ang paghinga bago siya kumatok. Sa unang katok pa lang, bumukas agad ang pinto para sa kanya. Lumitaw si Clint at kitang-kita sa anyo nito ang labis na pagkagulat.
"Divi?" bulalas nito sa pabulong na paraan. Maingat itong nagsara ng pinto at hinarap si Divina.
"Hindi mo ako papapasukin? Kumusta na siya?" usisa pa ni Divina saka tinangka na buksan ang pinto para matingnan man lang ang kalagayan ni Rafael.
"Tulog na siya. Ayaw kasi niyang iniistorbo sa pagtulog," paglilinaw naman ni Clint. He guided Divina through the hospital's lobby. Mas mainam kasi na sa medyo malayong lugar sila makapag-usap.
"On behalf of him, ako na ang magso-sorry," dugtong pa nito na ipinagtaka naman ni Divina.
"Siya ang dapat mag-sorry. Pati ba naman sa mga kamalian na may kinalaman na sa private life niya, ikaw pa rin ang sasalo?" she questioned.
"Technically, ako rin ang mali. Nang dahil sa'kin kaya nakita ni Rafael 'yong journal mo at nakopya niya 'yong essay." pag-amin ni Clint.
"No need to explain, Sir Clint. Bumalik ako sa coffee shop that time nang maiwan ko 'yong journal at nasabi nga ng staff na ikaw daw ang nakakuha. Wala naman kasi akong number mo at nang magpunta ako sa office mo, wala ka naman. Sabi ng colleague mo, may kumuha raw ng journal na hinahanap ko na walang iba kundi si Rafael," kalmadong sagot naman ni Divina. "Actually hindi ako nakatulog agad dahil alam ko na posibleng pag-interesan ni Rafael 'yong nakasulat sa journal ko. Alam ko rin na may pinagagawa si Prof Chavez na essay sa subject na tini-take ni Rafael at kung gaano katamad itong si Rafael na lagi mong sinasalba sa kahihiyan. Sinapak ko siya dahil sa tama pala ang hinala ko, kinopya niya 'yong ilalaban ko sana sa isang literary contest."
"Kaya nga I'm deeply sorry, Divi. Hindi na mauulit," sincere na paumanhin ni Clint.
Dalawang beses na tumango si Divina bago muling nagsalita ng kanyang saloobin.
"Nage-gets ko naman ang pinagdaraanan ni Rafael, eh. Pero choice niyang maglasing at hindi gawin 'yong essay na 'yon. Patatawarin ko naman siya kung magso-sorry na lang siya nang maayos. Sa totoo lang, mag-a-apologize din naman talaga ako. Kaya lang, tulog na pala. Pakisabi na lang na aasahan ko pa rin siya sa cafeteria ng 2pm since dapat makakalabas na siya ngayon kung hindi lang siya nagpumilit na mag-stay pa."
"Sorry talaga, Divi."
"Okay na nga 'yon. Next time, hindi na ako magpapadala sa galit." Nilakihan ni Divina ang mga ngiti sa labi para i-assure na hindi na siya dismayado at handa na siyang harapin si Rafael kung sakaling magkita sila bukas.
"Uuwi ka na? By the way, pinakukumusta ka ni Senior," banggit naman ni Clint saka ngumuso. "Ibinalita ko na sa kanya ang nangyari sa St. Bernadette. Tama lang daw ang ginawa mo. Next time magtatanda na 'yan si Rafael."
"Against sa karahasan si Sir Gravidez," pag-alala naman ni Divina at si Lolo Paeng ang kanyang tinutukoy. This is also a part of her fiction. Kaya nasasabayan niya pa si Clint sa pakikipag-usap.
"Oo. Kaso, alam naman no'n na si Rafael na ang pinakatinik sa lalamunan niya. Kaya hindi rin niya sineseryoso ang pag-aaral dahil si Senior lang naman ang nagpu-push sa kanya no'n. But I know that Senior only want what's best for his grandson. Alam niya kung paano winawasak ng media ang mental health ni Rafael. Hindi lang din niya masabi na gusto na talaga niyang mag-quit si Rafael sa industry. Ako naman, keber lang. Mas okay pa nga na mawala muna sa spotlight si Rafael dahil nade-destroy na siya. Interesado pa rin sa kanya ang media kahit hindi na siya gano'n ka-active," mahabang paliwanag pa ni Clint na mas lalong nagpalawak ng pang-unawa ni Divina.
"Kung alam lang sana niya 'yong pinagdaanan ni Senior bago siya nagtagumpay, ano?" sagot naman ni Divina na may paghalakhak.
Matapos ang mahaba-habang pag-uusap, nagpaalam na rin si Divina kay Clint. Lumalalim na rin ang gabi at may duty pa siya sa St. Bernadette kinabukasan. Humihikab siya palabas ng ospital nang mahagip ng paningin niya ang pamilyar na lalaki na inaasam niyang makita. That's none other than Rafael. Nang magtagpo ang kanilang paningin, mabilis na tumalikod si Rafael at naglakad sa ibang direksyon.
"Ang bilis naman niyang tumakas kay Clint," naiiling pa na bulong ni Divina.
Rafael tried to search for the other way back. Hangga't maaari, ayaw niyang makasalubong si Divina. Hindi rin nito pwedeng makita ang dala niyang paper bag na naglalaman lang naman ng alak na pinabili niya sa kakilala niyang rider. Iniisip niya na baka hindi na susunod si Divina, ngunit bigla itong humarang sa kanyang daan na kasingbilis ng kidlat.
"What do you want? Gusto mo pa akong makita? Gusto mong magpa-picture?" paangil na tanong ni Rafael. Sinalubong niya ng tingin si Divina at napansin niya ang pagsusumikap nito na makuha man lang ang katiting niyang oras.
"Iniwan ka ni Clint sa room mo. For sure naghahanap na 'yon sa'yo at nag-aalala kung bakit hindi ka niya mahanap," sagot naman ni Divina saka sinipat ang dalang paper bag ni Rafael na agad naman nitong ikinubli sa kanyang likod.
"Ah. Bumili ka ng pagkain. Hindi mo ba kinain 'yong dinala ko? Bakit sabi niya okay naman ang lasa at nagustuhan mo?" pang-uusisa naman ni Divina, while keeping a straight face. Pumunta pa siya sa likod ni Rafael upang masilip kung ano talaga ang itinatago nito.
"Alcoholic ka, right? So hula ko alak 'yan," dagdag pa niya saka umiling. "Anyway, aasahan kita bukas ng 2 PM, and sorry sa pagsapak ko sa'yo."
She didn't hear any response from Rafael. Pinakatitigan niya lang ito sa loob ng sampung segundo at saka siya umalis.
Habang pailing-iling sa paglalakad si Divina, hindi niya namalayan ang paghabol sa kanya ni Rafael.
"Wait—"
"Huh?" Mabilis na lumingon si Divina.
"I can't make it tomorrow," tahasang sagot ni Rafael.
"Magbigay ka ng valid reason."
"Kasi ayoko. Wala akong mukhang maihaharap." Nasundan ng buntong-hininga ang pagdadahilan ng binata.
"Mayro'n pa naman. Gwapo ka pa rin kahit na-damage nang slight ang mukha mo. Kailangan mong makipagkita sa'kin. Nakasalalay ang pag-graduate ko sa'yo," unenthusiastic na tugon pa ni Divina.
"For sure, Clint told me about my grandpa's demands. Sobrang dreading na ang pag-aaral. I want to go back to work," daing ni Rafael. "Surely, you know him."
"Tama ka, kilala ko ang taong nasa likod ng pagiging lousy and privileged mo," sagot naman ni Divina at muling sinipat ang paper bag na hawak ni Rafael.
"You know him but you didn't know me? Pathetic. Akala mo ba nakakatuwa 'yong charades mo sa room? Maybe, you're just one of my fans at nagpapapansin ka lang," Rafael smirked. Bahagya siyang umatras dahil nagkaroon siya ng assumption na kukunin sa kanya ni Divina ang alak na pinakatatago niya.
"Pakitigilan na ang pag-a-assume na dapat kilala ka ng lahat. Mas kilala ka ng mga tao sa pagiging troublemaker and that you're getting back your normal life as an average school guy—charades mo rin 'yon," giit naman ni Divina at nag-dial ng phone. Si Clint ang tatawagan niya.
"Clint, nakasalubong ko si Rafael. May tinatago siyang bagay na ayaw niyang ipakita, nandito rin siya sa ground floor. Huwag ka nang mag-worry sa tamad na 'to. Hindi naman 'to mapapahamak at deserved naman niya kung may mangyaring masama sa kanya," paglalahad ni Divina, kahit na hindi naman sinagot ni Clint ang kanyang tawag. Napansin niya agad ang mabilis na pagrehistro ng kaba sa mukha ni Rafael. Imbis na umalis sa ospital, naisipang bumalik ni Divina sa entrance para kausapin ang guard na agad namang napansin ni Rafael. Matapos ang sandaling iyon, sa ibang direksyon na siya um-exit.
Rafael easily figured it out. Alam niyang tinimbrehan ni Divina ang guard ng ospital. Pwes, may iba pa naman siyang way para maipuslit ang alak, o kaya sa ibang lugar na lang siya iinom. Without hesitation, sinundan niya si Divina kung saan ito pupunta. Sa kasusunod nga niya rito, napadpad na siya sa cafeteria na sinabi ni Divina kung saan sila dapat na magkita kinabukasan. Nag-order lang ito ng kape at nagsulat sa dala nitong journal. Nainip na nga siya sa paghihintay ng magandang timing para magawa ang binabalak niyang paniningil sa pamamahiya nito sa kanya.
"Ang tagal naman," buntong-hininga ni Rafael. Napatingin siya sa dala niyang alak at naghanap na lamang ng pwesto na hindi siya makikita para uminom. Tinago pa nga niyang maigi ang bote ng alak nang balutin ito sa jacket bago buksan. Hindi rin naman siya dapat na mangamba dahil hindi naman matao ang lugar na kanyang kinatataguan at gabi na rin. Wala siyang napapansin na presensiya ng guard o mga tanod na nagroronda sa paligid.
Hassle nga lang sa kanya ang pag-inom dahil wala siyang dalang baso. Kaya ang ending, tinungga na lamang niya ang alak kahit nagkandaumid na siya. He needed to drink to ease his mind. Pakiwari niya, hindi siya makakapag-function kung hindi nakakainom kahit isang shot. Medyo gumuguhit na ang lasa ng alak sa kanyang lalamunan nang mapansin niya ang ilang estudyante na namumukhaan niya galing sa kalapit na park. Sa pagkakaalala niya, mga delingkwenteng Senior High School students ang mga ito na laging napapatawag ng dean.
"Ewan ko na lang kung makakapag-angas pa 'tong si Divina sa plano ko," hagikhik niya nang lapitan ang mga estudyanteng balak niyang suhulan para sundin ang pabor na kanyang hihingin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top