Chapter Thirteen

Kinabukasan, nagising na lamang si Rafael sa ringtone ng kanyang phone dahil bombarded na ito ng maraming text at missed calls. Kinusot niya ang mga mata at nasira agad ang umaga niya dahil si Clint pala iyon.

"Napaano ka?" bungad agad ni Clint nang sagutin niya ang tawag.

"Excuse me? Hindi ko gets ang tanong mo. I'm doing fine with my studies, medyo kasundo ko na si Divi or Vina," naguguluhang sagot naman ni Rafael kahit alam niyang hindi lang yun ang concern ng kanyang manager. Hindi ito tatawag nang ilang beses kung hindi urgent ang dahilan.

"Hindi ka pa allowed na gumamit ng personal FB, nakalagay sa contract mo 'yon na gagamitin lang for endorsements at promotions 'yon habang hindi pa natatapos ang deal. Kahit na busy ka pa sa studies mo, kailangan mo pa ring mag-comply," iritableng pagpapaalala naman ni Clint.

"I forgot. My intention was always good. I wanted to use the platform para sa'min ni Divina. Is that bad? May siniraan ba ako?" Bakas ang sama ng loob sa boses ni Rafael.

"Look, paano ka makakabalik nyan if you're breaking the rules?" pagkwestyon naman ni Clint.

"I don't think na gusto ko pang bumalik. Nag-iba ang ihip ng hangin, basta," rason ni Rafael. Hindi na niya mahintay ang sagot ni Clint kaya siya na ang pumutol sa tawag nito. Bukod kay Divina, may iba pa siyang priorities sa araw na ito. Kailangan niyang balikan ang inquiries niya tungkol sa supplier ng mabebentang libro sa market. Fortunately, may nakuha naman siyang response at madali pa niyang makukuha ang mga librong kanyang bibilhin.

Pagkatapos niyang gumayak, kailangan niyang pumunta sa chapel para mag-ensayo. Mamayang madaling araw na ang Simbang Gabi. Ni wala pa siyang nakakausap kung sino ang lider ng music ministry na dapat niyang lapitan. Pagkarating sa simbahan ay madali naman niyang na-approach ang ilan sa servants, nagkaroon din siya ng time na mag-practice nang mag-isa. It didn't cross his mind that the church would be an ideal and solemn place for him. Kahit papaano, naramdaman niya ang katahimikan na gusto niyang maramdaman noon pa. Parang nakalayo siya sa panghuhusga.

Isang beses pa lang ang pagtipa niya sa piano key, at tumindig agad ang kanyang balahibo. Aminado siyang hinahanap niya ang tunog na iyon noon pa. But the worst part is, he seemed to forget playing piano. Parang nabura ang knowledge niya tungkol doon.

"Nevermind," sambit niya sabay kuha ng music sheet. Ang piyesang aaralin niya ay unang patutugtugin sa mesa. Basic lang naman, pero nahirapan siyang kumapa. Daig pa niya ang phase noong beginner pa siya. Paulit-ulit siyang bumuga ng hangin habang tumutugtog. He's not aware that someone has been watching him earlier.

Nang matapos na sa pag-ensayo si Rafael, saka lamang bumalik sa hardin si Divina. Kahit papaano, relief nang maituturing na sumipot ito sa practice. Mamaya raw, kailangan pa niyang maki-ensayo kasama ng choir members.

Nagkunwaring abala si Divina sa pagdidilig ng mga halaman nang mamataan niyang palabas na sa chapel ang binata. Heto na naman ang hindi maipaliwanag na pintig ng puso niya sa mga sandaling iyon. She didn't expect Rafael to notice her, but the other writers behind this fiction might be in favor of her to get more interaction with him.

"Hoy," pabalagbag na pagbati nito sa kanya. Bahagyang nairita si Divina sa paraan ng pagtawag nito. Lumalabas na naman ang rude side ni Rafael. Akala pa man din niya, magtutuloy-tuloy na ang character development nito sa istorya.

Nagtaingang kawali si Divina. Pagkatapos niyang magdilig ng halaman, dumiretso siya sa area kung saan pwedeng magtirik ng mga kandila ang church goers. Nakasunod pa rin pala sa kanya si Rafael.

"Hindi mo ba narinig na tinawag kita?" pabulong ang paraan ng pagtanong ng binata na parang may bahid ng panunuyo.

"Sinong hoy ba 'yon? Divina ang pangalan ko. Daig ko pa ang aso kung tawagin nang gano'n, ah," pang-uuyam na sagot naman ni Divina saka sinindihan ang isang maliit na kandila at naghulog ng barya sa donation box.

"Bakit hindi ka matawagan kagabi? Galit ka ba?" tanong naman ni Rafael.

"Oo. Pero hindi lang ako nakapag-charge. Busy," sagot pa ni Divina. Ipinikit niya ang mga mata at umarte siya na parang nananalangin nang mataimtim para lang hindi na siya maistorbo pansamantala ni Rafael. O kaya, ipagdarasal na lang niya ang tuluyang pagbabago ng puso nito. Habang nakapikit ang kanyang mga mata, narinig niya ang pagkalansing ng barya sa donation box. Unti-unting napadilat si Divina, natunghayan niya na ginaya na pala siya ni Rafael at mukhang taimtim din ang pananalangin. Sinamantala na niya ang pagkakataon na layuan ito nang hindi nito namamalayan. After she went farther, natawa na lang siya sa sarili niyang trick.

"In fairness, ang hirap magpaka-hard to get sa isang lalaking gusto mo naman talaga," aniya saka umiling nang dalawang beses.

***

Kailangan ni Rafael ng sapat na tulog dahil alas dos ng madaling araw siya dapat na sumipot sa chapel. Alam niyang hindi na kakayanin ng oras niya ang pag-travel pabalik sa residence niya kaya nakiusap siya sa dean ng SBU na kung pwede ay matulog muna siya sa vacant room ng dorm na para lang sana sa mga iskolar. Pinayagan naman siya at sa gabing ito, sinadya niya rin na ipagtanong kung saan naman banda ang dorm ni Divina. Nakakuha naman siya ng mabilis na sagot sa ilang schoolmates nila roon.

"Tatanungin ko lang naman siya kung galit ba siya," pakli niya sabay singhap. "Bakit parang kinakabahan naman ako?"

Kahit hesitant sa balak niyang paghahanap sa dalaga, ginawa niya pa rin. Matiyaga siyang naghintay sa tapat ng room dahil ilang beses na siyang kumatok ngunit wala pa ring nagbukas ng pinto hangga't sa dinalaw na lang siya ng antok.

"Galit nga siya, akala naman niya kung sino siya. Fine. Bahala na siya," inis niyang sabi saka bumalik sa designated dorm na tutulugan niya for a while. Unexpectedly, nakasalubong niya sa hallway si Divina. Nagtaka naman ito nang mamataan siya na mukhang dismayado.

"Problema mo?" mabilis na tanong ni Divina.

"Hinintay kita kani-kanina lang," pagsiwalat ni Rafael, and he's obviously sulking.

"Para saan? Wala tayong usapan na maghihintayan or what. Saka, hindi ka dapat nagpupunta sa ladies dorm. Pangit tingnan. Kahit wala kang masamang intensyon, pag-iisipan ka nila nang masama. Ang creepy kaya ng ganyan," pahayag naman ni Divina saka ngumiwi.

"Lagi na lang akong nami-misunderstood," bagot na sagot ni Rafael. "Why can't they see na sinusubukan ko namang maging mabuting tao?"

"Sinusubukan mo naman talaga, pero hindi dapat sa ganitong paraan. Para kang bata na nagmamaktol kapag hindi napagbigyan sa gusto. Seriously? Ano bang issue? Ano bang gusto mong pag-usapan?" tanong ni Divina.

"Well, gusto kong malaman kung galit ka ba talaga? Kanina iniwan mo lang ako," tugon ni Rafael.

"Iyon ba? Disappointed lang ako dahil sa ginawa mo sa project. Saka mas gusto ko na mag-focus ka sa pagpa-practice. Anong masama ro'n?" pagkaklaro ni Divina.

"Ano ba naman 'yong tapikin mo ako habang nagdarasal tapos magpaalam ka na aalis ka," bwelta naman ni Rafael at mas lalong sumimangot.

"Bakit ako magpapaalam? Nagdarasal ka kanina, remember?"

"Dapat nagpaalam ka pa rin. Mamayang madaling araw, may misa. Ako ang pianista roon, you should attend the mass," maawtoridad na paalala ni Rafael.

"Magsisimba ako para sa Diyos, hindi para sa pagtugtog mo," mabilis na paglilinaw ni Divina.

"Goodnight. Matulog ka na dapat. Maaga ka pa," habol niya saka nagpatuloy sa paglakad papunta sa sariling dorm.

"Goodnight, Vina," malumanay na sagot naman ni Rafael at padabog din namang tumalikod.

Kapwa sila nakangiti habang tumutungo sa taliwas na daan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top