Chapter Six

“Magkano ‘yang iced coffee?” tanong ni Divina matapos iabot ni Rafael ang in-order nito habang naghihintay.

“Mura lang, ‘wag mo nang bayaran,” aburidong sagot naman ni Rafael.

“Wait, itatanong ko.” Mabilis na tumayo si Divina para ipagtanong sa cashier on duty ang presyo ng inumin. Napangiti na lamang siya nang may kapanatagan dahil si Anton, na masugid niyang supporter sa kanyang writing career ang naka-duty sa oras na ‘yon.

“Hello,” magalang na bati ni Divina.

“Uy, Divi—Soraya!” excited na pagbating pabalik sa kanya ni Anton.

“Ikaw pala ang dahilan kung bakit nalaman ni Rafael ang penname ko,” naiiling na sagot ni Divina. “Marami ka pang sinabi sa kanya na tungkol sa akin?”

“Kasi nagtanong siya ng tungkol sa’yo. Mukhang type ka,” panunudyo naman ni Anton na madaling pinabulaanan ni Divina.

“Actually, napansin mo naman na may sugat siya sa mukha, right?”

Tumango naman agad si Anton. “Tapos?”

“Ako may gawa no’n. Sinapak ko, kinopya ‘yong gawa ko sa journal,” pabulong na pagsiwalat ni Divina. Anton was stunned for a moment.

“‘Divina? Nawala ka lang ng ilang taon, naging barumbado ka na? Sayang ang pagiging manunulat mo kung hindi mo naman pinaninindigan ang mga sinusulat mo. Naalala ko, doon sa isang novella mo, sinabi roon ng karakter na: “Hindi karahasan ang sagot sa pagtama ng kamalian. Hindi karahasan ang susi para mapasunod ang sinuman.’” Madamdamin pa ang pagkakapahayag ni Anton ng kataga mula sa tinutukoy niyang obra ni Divina. “Pasalamat ka, hindi ko nabanggit sa kanya na fan mo ako.”

“Kinailangan kong gawin, para magbago naman. Nasanay na ang mga tao na umiilag sa kanya dahil maaring natatakot sa impluwensyang mayro’n siya. Walang nakikipag-socialize kay Rafael dahil na rin sa issue niya noon. At huwag kang mag-alala, makikipag-ayos naman ako sa lalaking ‘yan. Hihingi ako ulit ng dispensa,” paglilinaw pa ni Divina saka sinulyapan si Rafael na halatang naiinip na sa pwesto nito.

“Bakit ba? Naniniwala ka ba na hindi talaga siya sangkot doon sa drug related case?” pang-uusisa naman ni Anton. “Saka problematic naman talaga siya, hindi malabong mangyari na sangkot talaga siya.”

“Trial by publicity? Hindi mo ba alam na maraming buhay na ang nasira dahil dyan? Kahit pa mapabulaanan ang mga paratang sa isang tao, hindi na mabubura ang negatibong balita na may kinalaman sa paratang na iyon lalo na sa social media. May nabalitaan ka na ba na grupo ng netizens o ng anumang community na humingi ng sorry dahil nagkamali sila ng judgment? Medyo swerte pa siya dahil nakabawi siya kahit papaano, at may mapupuntahan pa rin siya kahit wala na siya sa rurok ng tagumpay. Samantalang ‘yong iba, naglalaho na lang sa pagkitil ng sarili nilang buhay.” Huminga nang malalim si Divina at seryosong tinapunan ng tingin si Anton.

“Relax. Fan ka ba niya?” Napasimangot si Anton.

“Kailangan ba na maging fan para magkaroon ng empathy?” pabalik na tanong ni Divina. “Siya nga pala, patingin naman ako ng presyo ng binili niyang iced coffee saka kung anong oras siya nagpunta rito. For sure naiwan naman ang record nito sa POS.”

“Okay okay.” Hindi mapigilan ni Anton na mapataas ang kilay habang itinutuon ang paningin sa screen ng POS na ginagamit niya sa pagkakaha.

“159 each ang iced coffee, dalawa ang in-order. 1:35PM.”

“Okay, salamat Anton.” Nginitian naman ni Divina si Anton bago ito iwan sa pwesto nito at kahit sa pagbalik niya, hindi pa rin maikakaila ang inis ni Rafael dahil sa paghihintay sa kanya.

“May utang ako sa’yo na 159. Babayaran ko,” giit ni Divina saka inilabas ang coin purse. Puro barya pa nga ang inilabas niya kaya mas lalong naalibadbaran si Rafael at kahit na gano’n, napabunghalit pa rin ito ng tawa.

“Inaasar mo ba ako?”

“Kailan pa naging pang-aasar ang pagbabayad ng utang? Dapat nga magpasalamat ka na babayaran kita,” katwiran naman ni Divina. “Ayan, four 20 na coins, isang papel. Limang 10 peso coin at siyam na piso.”

“Talagang nag-effort ka pa na mag-breakdown,” puna ni Rafael. “Pero okay na rin, still commendable. So ayaw mo pala nang nililibre?”

“Gusto ko naman, kaso saka na. Sa date na lang natin,” biro naman ni Divina na walang kangiti-ngiti sa kanyang mukha.

“That date, hindi mangyayari ‘yon,” aburidong pakli naman ni Rafael. But there’s a side of him thinking that dating her might be a good catch. Date lang naman.

“Kaya hindi rin mangyayari ang panllibre mo kasi hindi naman talaga tayo magdi-date,” turan naman ni Divina. “Nandito tayo para pag-usapan ang project.”

Maingat na inilabas ni Divina ang kanyang panibagong journal, the same one that she used last night. Nag-iwan ng mantsa ang kapeng itinapon ni Roldan at ng kasamahan niya sa bawat pahina. Talagang iyon na lang din ang ginamit niya para maipamukha kay Rafael ang kasalanan nito.

“Wala ka bang pambili ng bago?” puna ni Rafael.

“Kabibili ko lang nito, tinapunan lang ni Roldan ng kape. At ikaw ang nag-utos sa kanya, right?” Iniangat ni Divina ang tingin sa binata.

“Kilala mo sila?” Parang nagpantig ang tainga ni Rafael. It only means a thing, inutusan din ni Divina ang mga delinquent student na naging mitsa rin ng pagkakadampot sa kanya ng mga barangay tanod.

“Naisahan mo ‘ko dun, ah.” Rafael made a long face. Hinampas niya nang bahagya ang mesa na naging dahilan sa pagkakaantala ng pagsusulat ni Divina. Nagkalansingan din ang mga baryang nakapatong doon.

“Lahat ng ginawa mong mali, may kapalit na hindi maganda. Bawat action, may consequences,” malumanay na sagot lamang ni Divina.

“Kung totoo na lahat ng ginagawang mali ay may kapalit na hindi maganda, bakit masaya pa rin ang buhay ng mga taong ginawan ako ng kamalian? Kahit hindi na lang sa’kin, kahit sa ibang tao na lang natin gamitin ang analogy,” frustrated na pahayag ni Rafael.

“Baka ‘yon lang ang nakikita mo. Fixated ka lang sa idea na hindi sila kakarmahin dahil naiinip kang dumating ang karma sa kanila,” katwiran naman ni Divina. “Iyong tipo na atat na atat kang masaksihan pa ng dalawa mong mata.”

“Kalokohan. Napakadali lang sa kanila na manakit tapos kapag singilan na sa kasalanan nila, ang tagal?” himutok na tanong ni Rafael.

“Akala mo lang hindi sila nagdurusa dahil nakikita mo kung gaano sila katatag at mukhang unbothered. Pero hindi mo lang alam, stressed na stressed na rin ang mga ‘yon sa pagtatakip at pagde-deny sa mga kasalanan nila,” sentimyento naman ni Divina. “I think, inaalala mo pa ‘yong naging issue mo dati. Naintindihan ko kung bakit mo nararamdaman ‘yan.”

Dumilim ang mukha ni Rafael. Biglang nanumbalik sa kanya ang eskandalong halos sumira na sa kanyang career noon.

“Napaka-insensitive mo rin, ano? Tungkol sa project ang dapat nating pag-usapan pero bini-bring up mo pa rin ‘yan? Ikaw kaya ang lumagay sa sitwasyon ko na akusahan ng bagay na hindi mo naman ginawa?” pasikmat na pahayag ni Rafael. Kung ganito pa rin ang paraan ng pang-aasar sa kanya ni Divina, well, hindi na ito nakakatuwa. Sobrang nakakapikon na gusto niyang magmura nang malakas at wala siyang pakialam kung umalingawngaw ang boses niya sa buong cafeteria.

“Exactly. Masakit ‘yong ginawa sa’yo, hindi ba? Nagka-trauma ka dahil doon. Pero tama ba na magpakita ka ng kagaspangan ng ugali dahil traumatized ka? Na imbis na maging masama ka sa mga hindi naman nanakit sa’yo, eh sana mas inayos mo na lang ang sarili mo at paraan ng pakikitungo mo sa kapwa?” panunumbat naman ni Divina sabay tiklop sa journal at mabilis na inilagay iyon sa bag.

“Hindi ka pa yata nakatulog nang maayos. Mahirap din na ma-hold sa barangay nang ilang oras,” dugtong niya saka tumayo. “Alis na ko. Kung gusto mo pang g-um-raduate, sa library mo lang ako madalas na matagpuan. Or i-text mo na lang ako.”

Divina stood up as if she’s not hurt at all. Aminado siyang naging insensitive siya sa pagpapaalala ng nakaraan ni Rafael. But in order for him to realize his mistake, she needs to cross the line.

“Akin na lang ‘yong iced coffee, binayaran ko naman, eh,” dugtong ni Divina saka nagpakawala ng hangin na may bahid ng pagkabagot.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top