Chapter Seventeen

Bisperas na ng Pasko at ito na rin ang huling Misa De Gallo sa Chapel ng St. Bernadette. Ibinigay ni Rafael ang 'best' niya at mas ginalingan niya ang pagtugtog ng piano. Ang pagiging myembro ng music ministry sa loob lang ng ilang araw ay nakatatak na sa kanyang puso't isipan.

"Ingat ka, Rafael. And Merry Christmas sa family mo," matamis na sabi ng isa niyang kasamahan sa choir.

"Kayo rin, Merry Christmas," malugod na sagot naman niya at nagpaalam sa mga ito.

Sa katunayan, malungkot pa rin siya sa hindi pagpapakita ni Divina. Masyado na nitong na-occupy ang isipan niya at inaalala rin niya kung talagang nasa maayos ang kalagayan nito. On the other hand, hindi niya maiwasang mainggit sa mga nakikita niyang magkasintahan at ilang kabataan na may kasamang pamilya na nakapagsimba na at may mga lakad sa kapaskuhan. He let out a sigh. Hindi niya alam na ang dami niyang sinayang na oras at panahon to hate his own family just because he's miserable.

"Merry Christmas? Hindi naman masaya ang Pasko ko. Dad was gone, nakapag-leave na ang kasambahay namin and lolo was nowhere to be found. Divina wasn't here too—wait, siya na naman ang iniisip ko?" Naiinis niyang ipinagkibit-balikat ang pag-iisip sa dalaga. Kailangan niyang maging abalá ngayon o kaya manahimik na lang sa bahay. Isang tawag naman mula sa kanyang phone ang nakakuha ng kanyang pansin. It's one of those suppliers ng libro na binili niya para i-resell. Tamang tama, may pagkakaabalahan agad siya.

***

During Christmas eve, Divina finally came back to the fictional dimension. Napansin niyang wala na sa mesa ang kanyang journal at tila may kung sino nang pumasok sa bookshop. Nataranta siyang lumabas doon para ipagtanong sa mga kakilala niya kung may napansin silang kakaiba.

"Iyong gwapong lalaki, palaging dumadalaw simula pa noong December 17, basta noong kasagsagan pa na may Simbang Gabi. Kahit sinasabi na namin na wala namang tao riyan at malabong magbukas, hindi siya nagmimintis sa pagbisita. Ewan ko ba, baka gusto niyang bumili ng libro," pagsiwalat ng ale sa kabilang tindahan.

"Gano'n po ba? Salamat po," tanging naisagot ni Divina.

Hindi na siya nag-hesitate na hanapin si Rafael. Posibleng ito lang naman ang tinutukoy ng kausap niya kanina. Madali lang naman itong mahanap dahil sa pagbabalik niya, may lead na kaagad siyang nakuha.

Namataan niyang mag-isa si Rafael sa park ng SBU at nakatingala sa dambuhalang Christmas tree. She can say how lonely he is right now. Hindi niya rin maipaliwanag ang thrill na nararamdaman nang makita kung paano hinahangin ang buhok nito na malapit nang humaba. Napabuntong-hininga siya habang nilalapitan ito. Malapit na siya sa ending. Malapit na niyang mapatunayan na inosente si Rafael at hudyat iyon na malapit na rin silang maghiwalay ng landas.

She kept her usual calm attitude before speaking up.

"Kumusta?"

It's just a word, but Rafael's world seemed to stop for a bit. Sa wakas, narito na ulit si Divina bago pa sumapit ang Pasko. But instead of looking at her, inisnab niya lang ito. Ipinadama niya ang matinding pagtatampo at indikasyon na dapat siyang makarinig ng paliwanag sa biglang pagkawala nito.

Napangiti lamang si Divina at nilayuan si Rafael. She simply whined around the park, as if she's not affected. Hindi niya alam kung ganito ba talaga ang formula na ginawa niya sa karakter ni Rafael. Napakapabebe nito at parang gusto ng paglalambing. Sa nakikita naman niya, parang naging maayos na ang pakikitungo nito sa ibang tao. Nagbubunga na ang effort niya. Masasabi niyang handa na ito sa pagbabalik sa reyalidad.

"Aalis ka na naman after mong mangamusta? Ugali mo ba 'yan?" Mapanumbat ang tono ng pananalita ni Rafael. He deserves an explanation, pero parang pinaglalaruan lang siya ni Divina.

Nahinto ang paghakbang ni Divina at nilingon si Rafael na may kaba sa dibdib.

"Hindi mo gustong makita ako, binibigyan kita ng space. Iyon lang."

"Paano mo nasabing hindi ko gusto na makita ka kahit ilang beses na akong tumatawag at dumadaan sa bookshop?" pasikmat na tanong pa ni Rafael. Sinalubong niya ng tingin si Divina. He felt the need to hug her. Kaso, hindi na lamang niya gagawin dahil baka makatikim lang siya ng ikalawang suntok.

"Kailangan ko bang magpaalam?"

"Of course. Lahat ng mahahalagang tao sa buhay ko, umaalis nang walang pasabi. Tutularan mo rin ba sila?" tanong naman ni Rafael.

"Relax. Wala na tayong ugnayan, Rafael. Failed na ang project at busy ka sa choir. Hindi tayo magkaibigan," giit naman ni Divina.

"Hindi mo pa ba ako tinuturing na kaibigan? Lahat ng advices mo, iyong pagdamay mo, lahat lahat na—what was that for? Kaya pala bigla mo na lang akong iniwan. Ang pangit mo sigurong maging girlfriend, wala man lang sweetness na dumadaloy dyan sa dugo mo. Hindi ako robot. I don't know why I'm saying this, but I feel like I need to vent out. Hindi ko gusto kung paano mo ako ginu-good time."

"Wait lang, huh?" Mariing ipinikit ni Divina ang mga mata para makapagpigil man lang ng kilig at na-manage naman niyang hindi magpakita ng ngiti sa harap ng binata.

"Wala akong obligasyon na magpaliwanag kung saan ako pupunta. At hindi ko naman gusto na maging girlfriend mo."

'Gusto ko sana. Pero sana sa real dimension na lang. Dito kasi, produkto ka lang naman ng imahinasyon ko.'

"Fine, eh 'di 'wag. Sino ka ba?" sarcastic na sagot naman ni Rafael. But deep inside of him, durog na durog siya sa kaprangkahan ni Divina. Ito na yata ang isa sa pinakamasakit na rejection na natamo niya sa tanang buhay niya. Hindi naman niya kasi akalain na sa kabila ng pagiging gwapo niya, tatanggihan pa siya ng isang nobody.

Hindi umubra ang pagmamatigas ni Rafael nang basta lamang siyang iwan ni Divina. Sa bandang huli, siya pa rin ang naghabol. Niyakap niya ito nang mahigpit at hindi siya nahiyang magpakita ng affection sa dalaga kahit nasa public place sila.

"Just let me be like this, saka mo na ako tadyakan. Hindi mo alam kung gaano ako nag-alala para sa'yo. Akala ko kung napaano ka na. I'm sorry if I'm acting childish," mapanuyong sambit ni Rafael.

Ramdam ni Divina ang lamig ng hininga ng binata habang nagsasalita ito. She can hear his heart thumping faster. All of Rafael's affection seemed to shock her. Hindi lang yata kaluluwa ng binata ang na-manipulate, pati na rin ang puso nito. This change from him might ruin the plot.

Sa pag-attempt niya na kumawala sa yakap ng binata, naulinigan naman niya ang malalakas na hiyawan sa paligid. Nakikimasid din sa kanila sina Roldan at ang mga tropa nito. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top