Chapter Seven

Reality Dimension, February 2023

"Libre ba ang edukasyon? Sa tingin ko hindi. Kita mo naman, ang dami naming babayaran sa project. May ambagan pa sa play namin. Magpapa-xerox pa ako ng text book ng kaklase ko. Ngayon, nage-gets ko na kung bakit hindi na nag-aral si Nina at naghahanap na lang siya ng foreigner sa Facebook. Binibigyan daw siya ng pera, mga 200 dollars, magkano ba 'yon kapag pinalit sa pera natin?"

Namilog ang mga mata ni Tracy nang marinig ang litanya ng kaklase niyang si Dorina. Recess pa ngayon at nakagawian ng dalawa na palipasin na lang ang kalahating oras na break kaysa bumili ng makakain sa canteen.

"Sandali, i-google ko. Wait lang mhie," pakli ni Tracy at binuksan ang data ng kanyang outdated android phone.

"Dali, punta ka na sa Google," atat na bigkas naman ni Dorina.

"200 USD to PHP."

"Wow? Umaabot ng sampung libo! Anong ginagawa ni Nina? Nakikipag-chat lang ba talaga siya? Imposibleng bibigyan siya ng ganung amount kung kinakausap lang niya 'yong AFAM," curious na tanong ni Tracy. Salat sa pinansyal na aspeto ang kanyang pamilya at baka nga huminto na siya sa pag-aaral kung makatapos na siya sa Senior High School. Sabi ng parents niya, enough nang makatapos sa high school dahil may makukuha pa rin naman daw na trabaho. Pero alam naman niya ang totoo, excuse lang 'yon ng mga magulang niya para hindi na siya pag-aralin at maging babysitter na lang ng bunso niyang kapatid.

"Baka pinaghuhubad. Pero okay na 'yon at least easy money. 'Di ba? Ano, try natin? Huwag na tayong pumasok?" hamon naman ni Dorina.

"Huwag namang gano'n. Nakakatakot kaya. Baka mamaya ikalat pa nung afam 'yong nudes ko kung sakali. Kung makakakilala man ako ng afam, gusto ko hindi sa chat," hirit naman ni Tracy.

"Huwag kang mag-alala hija, makakahanap ka rin ng afam. Kung mag-aaral ka nang mabuti at mangingibang bayan."

Nagitla ang magkaibigan sa boses ni Sir Go, ang guro nila sa Social Studies. Ang pagsulpot nito sa canteen ay hudyat na rin ng pagtatapos ng recess. "Puro kwentuhan. Bumalik na kayo sa room."

"Bitin ang break time," hirit ni Dorina at ninakawan ng tingin ang kaibigan.

"Magandang hapon Sir," ang walang kasigla-siglang bati ng buong klase.

"Mukhang hindi maganda ang hapon ninyo mga hijo at hija. Parang hindi rin kayo nag-recess," pakli ni Mr. Go at sinimulang buklatin ang kanyang lesson plan.

"Siguro naman lahat sa inyo ay nakagawa ng sanaysay o essay kung bakit kailangang pag-aralan ang Kasaysayan ng Pilipinas. Bago ko tawagin ang ilan sa inyo para i-recite ang ginawa ninyong essay, maari bang ilahad ninyo kung bakit mahalagang pag-aralan ang Kasaysayan o History?"

Natahimik ang buong klase. Batid ni Sir Go na boring para sa majority ng kanyang mga estudyante ang kanyang subject. Sa katunayan, matamlay din naman talaga ang approach ng paghimok niya sa mga kabataan na matuto sa Kasaysayan. At hindi naman lingid sa kaalaman niya ang mga tumatakbo sa isip ng mga estudyante tuwing siya ay nagtuturo.

"Bakit hindi kayo makasagot? Ganito na lang, bubunot ako ng index card," pakli ng guro na ikinataranta naman ng lahat.

"Tracy Mendiola."

Iglap na napatayo si Tracy. Sa totoo lang, hindi niya nagawa ang essay na kanilang asignatura. Pero ang mas nakababahala ay hindi niya rin alam kung paano sasagutin ang katanungan ng kanyang teacher. Takot din siyang mapahiya sa harap ng klase.

"Well, sir. For me, personally—opinyon ko lang po ito, ha. Feeling ko hindi na kailangang pag-aralan ang History because past is past," kinakabahang sambit ni Tracy na naging sanhi ng tawanan ng kanyang mga kamag-aral.

"Gano'n ba? Kahit ang mga afam na gusto mong makasalamuha ay alam na alam ang kasaysayan ng kanilang bayan. Baka mapahiya ka lang." Sa kabila ng pagiging dismayado, nagawa iyong ikubli ni Sir Go sa pamamagitan ng pagbibiro.

"Pero hindi naman po kami mag-uusap ng tungkol sa History. Pag-uusapan lang po namin kung paano magkaka-green card at ma-petisyon sa US," hirit naman ni Tracy sa kanyang guro.

"Kayo talagang mga kabataan, gusto ninyong umalis sa sarili ninyong bayan. Iyon lang ang iniisip n'yo, sarili n'yo lang?"

"Bakit po? Kapag ba nagpunta ng ibang bansa, selfish agad? Kaya nga nag-a-abroad ang ibang tao para may maipakain sa pamilya, eh," hindi patatalong katwiran ni Tracy.

"Bigyan mo na lang ako ng matinong sagot, hija. Lagi ka namang pumapasok pero hindi mo yata ina-absorb ang mga tinuro ko. Bakit kailangang pag-aralan ang Kasaysayan?"

"Dahil po required ng DepEd?"

Lalong lumakas ang tawanan ng mga mag-aaral. Napilitan tuloy na magtawag ng ibang estudyante ang guro.

"Kailangan ko na naman ng tulong ni Divina," sa isip niya pa.

Nang matapos ang klase, tinawagan ni Sir Go si Lolo Paeng para kumustahin ang lagay ni Rafael sa ospital at para pag-usapan na rin ang progress ni Divina sa fictional dimension. Si Mang Gori ay tinatawag na Sir Go sa paaralan kapag ginagampanan niya ang kanyang propesyon bilang guro. Nang makausap na si Lolo Paeng, siya na mismo ang pumunta sa ospital.

"Hindi ka ba naninibago sa environment? Kumusta naman ang junior high students?" tanong ni Lolo Paeng nang magkita na sila ng kanyang kaibigan na si Mang Gori. Kahit retirado na, mas pinili pa rin ni Mang Gori na bumalik sa pagtuturo. Sa tingin niya kasi, kailangan niya ng mas marami pang pagkakaabalahan kaysa mamalagi sa bookshop.

"Sakit sa ulo, mas pasaway sila kumpara sa mga kahenerayon natin. Siguro kasi sa panahong ito, mas madali na nilang nalalaman kung ano talaga ang gusto nila, hindi gaya dati na limitado lang ang access ng impormasyon kaya madali lang silang mapasunod. Ngayon nga, nakakapag-demand na sila agad," litanya ni Mang Gori. "Pero mabuti na rin 'yon. Sadyang nakakapanibago lang at hindi naman nila kasalanan na nabubuhay na sila sa makabagong mundo."

Bahagyang natawa si Lolo Paeng. "Palibhasa, mas madali na para sa kanila ang mundong ginagalawan nila. Hindi gaya noon, willing pa tayo na magpakaalila at magpakumbaba. I guess, makatarungan naman ang pagde-demand nila. Alam na nila kung paano sila dapat tratuhin nang tama. Pero pareho pa rin naman ang pressure na naranasan ng henerasyon natin at henerasyon nila."

"Sa sobrang kaalaman kung paano matrato nang tama, nawawalan na rin ng respeto kung minsan," sarkastikong pakli naman ni Mang Gori saka nailing.

"kumusta na nga pala ang apo mo, Paeng, ang main character," usisa ni Mang Gori.

"May pinarating na mensahe si Divina at sinulat niya sa isang journal. Heto," pakli naman ni Lolo Paeng at binuklat ang pahina ng kanilang kwaderno.

Binasa naman agad ni Mang Gori ang sulat.

"Actually, Mang Gori at Lolo Paeng, may gusto lang sana akong baguhin sa ugali ko, sa pakikitungo ko sa kanya, habang nandito pa ako. Gusto kong magpakabait sa harap niya, ayokong ipakitang wala akong pakialam o malamig ako kapag kaharap siya. Pero naiinis naman po ako dahil sa pinapakita niya sa'kin,"

"Anong reply mo sa kanya?"

Lumipat si Lolo Paeng sa kabilang pahina at sinabing, "Pero bilang matagal nang humahanga sa kanya, kilala mo na siya. Alam mo naman na hindi naman siya masamang tao. At isa pa, ikaw naman ang nagsulat ng lahat nito."

"Nahihirapan si Divina dahil hindi naman malakas ang loob niya. Hindi siya prangka at masyado siyang mahiyain. Pero, lumalambot na ang puso ni Rafael, hindi ba? Kung nagkakaroon ng improvement ang kalagayan niya habang comatose pa siya, ibig sabihin lang na ginagawa talaga ni Divina ang makakaya niya para pakisamahan ang apo mo sa kabilang dimensyon," pahayag naman ni Mang Gori.

"Oo naman. Hindi maikakaila ang effort niya na pakisamahan si Rafael. Dumating na nga sa punto na gusto nang kilalanin ni Rafael si Divina, kaya naisip ko na bigyan natin ng katiting na reward sa kabilang dimensyon si Divina at magugulat na lang siya kung ano ito," kampanteng sagot naman ni Lolo Paeng.

"Lalagyan natin sila ng sweet moments na hindi nailagay ni Divina."

***

Fictional Dimension:

Mag-isa lamang si Divina sa library at tahimik na nagbabasa ng mga essay ng estudyante ni Mang Gori. Iisa lamang ang pinakamatino sa lahat. Medyo frustrating sa part niya na kinailangan pa niyang magbasa ng sandamakmak na essays bago makahanap ng matino at may konek sa subject ng guro. Ginagawa niya ang pagbabasa at pagtulong sa paper works ni Mang Gori kahit nasa ibang dimensyon siya at itinuturing niya ito na pampalipas oras.

"Para po sa akin, napakahalagang pag-aralan ng kasaysayan dahil ito ang nagiging daan sa pag-aalaga ng kasalukuyang sistema ng lipunan. Nakakatulong ang pag-aaral nito para maunawaan ang transition o pagsasalin-salin ng masusing pagbuo sa isang lipunan na nakakaapekto sa buhay ng mga mamamayan ng isang bansa sa loob ng mahabang panahon. Ang pagbabalik-tanaw sa Kasaysayan ay nagsisilbing tool para makakuha ng aral sa mga pangyayaring hindi na dapat maganap sa kasalukuyan lalo na't kung ang mga pangyayaring iyon ay may kinalaman sa injustice gaya ng pagtapak sa karapatang pantao ng mga nasa maliit na sektor," she read in a hushing manner.

Napahinto siya sa biglang paglangitngit ng pinto. Someone entered the library, at last. Kahit papaano pala, may interesado pang mag-research doon o magbasa man lang.

Divina composed herself when she realized that it's Rafael. Kunwari, hindi niya napansin ang pagdating nito. Even if he did nothing or just took a breath, her entire system seemed to malfunction.

'Wala ito sa sinulat ko. May binago na naman siguro sila ni Mang Gori. Dapat vacant time ko ito at naka-pause lang ang katatapos lang na chapter.'

Sa sobrang trying hard niya na maging fixated sa binabasang essay, hindi niya namalayan na nasa harap na niya si Rafael na seryoso siyang pinakatitigan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top