Chapter One
Brainstorming before traversing to fictional dimension:
February 2023
**Main Characters:
Male Lead: Rafael Gravidez, 25, former actor na nasangkot sa eskandalo at nagpatuloy na lamang sa pag-aaral para mapabuti muli ang kanyang image.
Description: lazy, entitled, over-confident because he’s handsome. Hate na hate niyang mag-aral dahil mas naniniwala siya sa ‘diskarte over diploma’ narrative.
(Note: Halaw sa totoong buhay ang kanyang characteristics. There is no need to revise. Kilala mo talaga ang apo ko. Halatang in love na in love ka sa kanya. –Lolo Paeng)
Female Lead: Divina Altamirano, 25, successful writer na laging nagbibigay ng karangalan sa St. Bernadette University. Kahit hindi continuous ang pag-aaral, nananatili siyang academic achiever at kilala rin siya sa campus dahil part time staff siya at kasundo ng karamihan.
Description: She’s approachable but fierce. She’s not afraid to voice out what’s on her mind. She’s a typical kickass heroine but sometimes, she can’t show her emotions. She rarely smiles and is not a people pleaser. Overall, siya ang adjective ng isang taong nonchalant.
(Note: In reality, hindi ganito si Divina. Hindi siya naging author o kilalang manunulat dahil nahihiya siyang sumali sa mga patimpalak kahit mentor na niya ang isang manunulat at guro na si Mang Gori. Ine-encourage din siya ni Lolo Paeng na ipakita ang kanyang potensyal pero lagi siyang pinanghihinaan ng loob. Sa madaling salita, lahat ng nabanggit na description kay Divina ay ang parehong description ng pag-uugali na gusto niyang i-possess sa kanyang sarili. Sana maging palaban din siya in the future – Divina)
Story Formula (Evaluated by Mang Gori that Divina originally pitched by herself):
- Typical Campus New Adult Romance na enemies to lovers ang trope.
Slow Burn dapat ang atake pero na-revise dahil hindi pwedeng magtagal si Divina at ang kaluluwa ni Rafael sa fictional dimension. There’s a possibility that the male lead will instantly fall for the female lead after a week or more.
- Secret love na one sided ito. Tinatago lamang ni Divina ang paghanga niya kay Rafael pero gumagawa siya ng sarili niyang technique para mapansin siya nito at hindi na malimutan.
Bully si Rafael, pero dahil matalino si Divina, maiisahan niya ito palagi hangga’t sa ang chaos nila ay maglalapit lamang sa kanilang dalawa.
- Magsisimula ang unang chapter sa pagmamadali ni Divina sa isang classroom para hanapin ang nag-plagiarize ng kanyang essay na walang iba kundi si Rafael dahil tamad ito at walang motivation na mag-aral. Kunwari, hindi niya ito kilala at layunin niyang sindakin ito.
- Important for the progress in fictional dimension: Kailangang masaktan ni Divina si Rafael gaya ng sinulat niyang simula sa fan fiction. Kapag na-execute ito ni Divina, magpapatuloy ang ugnayan nila ni Rafael.
***
“Handa ka na ba, Divina? Pinapangako naman namin na parang reyalidad lang ang dimensyon na pupuntahan mo. Para ka lang bumalik sa panahong lumipas na at isipin mo na lang, para kang naglalaro doon,” sabi pa ni Mang Gori.
“Pinapaalala ko lang din Divina, parang totoong Rafael ang naroon at talagang kaiinisan mo siya dahil kaluluwa naman niya ang naroon. Kailangan mong magbaon ng mahabang pasensiya,” segunda naman ni Lolo Paeng.
“Naintindihan ko po. Kung kailangan kong ma-feel na makikipaglaro lang ako at kailangan ko ng mahabang pasensiya, sana unlimited ang iced coffee sa kabilang dimensyon,” hirit naman ni Divina. “Pero sabi n’yo nga, hindi ‘yon mangyayari dahil parang nas reyalidad pa rin ako at lahat ng gusto ko, kailangan ko pa rin na paghirapan.”
“Huwag kang mabahala masyado, Divina. Hindi ka naman magugutom doon. Sumulat ka rin sa amin sa pamamagitan ng journal na ito,” habilin pa ni Mang Gori at saka iniabot kay Divina ang journal na may puting cover na pag-aari talaga ni Divina. “Kapag may sinulat ka dyan na request, pwede ka na ulit na makabalik pansamantala nang hindi napuputol ang kwento at paglalakbay ni Rafael.”
“Noted na noted,” excited na tugon naman ni Divina kahit mas matindi ang kaba sa kanyang dibdib. Hindi pa naman talaga nasusubok ang kanyang alternate dimension traverse pero dahil sa pagmamahal niya kay Rafael, hindi na siya natakot pa na mag-take ng risk. Sa totoo lang, parang joke ang concept na ito pero mukhang may kapasidad naman ang dalawang nakatatanda na gawing totoo ang mga sinabi nito sa kanya at wala namang mawawala kung maniniwala siya sa mga ito.
“Alam mo na ang way? Pasukin mo ulit ang pinagbabawal na silid sa bookshop sa Tutuban at matulog ka lamang doon. At voila! Nasa ibang dimensyon ka na,” sambit naman ni Lolo Paeng.
Kinagabihan, ginawa nga ni Divina ang proseso ng paglipat sa kabilang dimensyon. She simply closed her eyes and fell asleep and a few hours later, she woke up in a familiar place—the ladies dorm in St. Bernadette University kung saan ang main setting ng kwento sa kanyang fan fiction.
That’s how the story should start, tipikal na eksena kung saan nagising ang female lead dahil sa eskandalosong tunog ng alarm clock. Wala na ang journal ni Divina na mag-uugnay sa kanila ni Rafael sa kwento.
Tiningnan niya ang screen ng kanyang phone at December 1, 2022 ang petsa. Totoo nga na nasa ibang dimensyon na siya. Nagmadali si Divina na ayusin ang sarili at kilusin ang susunod na dapat mangyaring eksena.
“Divina? Kailan ka pa bumalik? Mag-aaral ka na ulit?”
Napamaang lang siya sa tanong ng isang pamilyar na ka-schoolmate niya sa campus. Totoo nga, halos lahat ay kilala na siya at parang close ang iba sa kanya kung i-approach siya.
“Oo. Nakabalik na nga ako,” sagot naman ni Divina kasabay ng alanganing ngiti.
“Balita ko nanalo ka raw sa literary division noong nakaraan, ang galing. Good luck sa susunod. Nakapagpasa ka na ba?” tanong muli ng kanyang schoolmate.
“Nakapagpasa?” Divina paused for a moment. Inalala niya ang dahilan ng tanong. Naisulat niya ‘yon sa fanfic. May dapat siyang salihan na isang writing contest na nakasulat sa kanyang journal!
“Hindi pa, naiwala ko kasi ang journal ko. Hinahanap ko pa,” nahihiyang tugon naman ni Divina.
“Mag-back up ka na sa susunod, sa laptop mo o kaya sa Google Docs,” mungkahi naman ng kamag-aral.
“Oo, next time. Nakalimutan ko kasi pero lagi naman akong nagba-back up ng files,” turan naman ni Divina.
“Sige, Divina. See you around.”
“Wait,” pagpigil naman ni Divina. “Alam mo ba kung saan ang klase ngayon ni Rafael Gravidez? Nag-aaral pa ba siya?”
“Oo. Doon sa room 3-A sa third floor, si Prof Charles ang prof nila.”
“Thank you!”
Nang makuha ni Divina ang sagot, nagmadali siyang pumunta sa classroom na itinuro sa kanya. Kasalukuyan nga na may klase doon at kahit na napakaraming estudyante sa malaking silid, si Rafael lang ang bukod tanging malinaw sa kanyang paningin. Gaya ng dati, bumibilis pa rin ang pintig ng puso niya kapag nakikita ang binata.
“Totoo nga, buhay na buhay ka sa dimensyong ito…”
She took her time to look at him before she executed the next important scene to end the first chapter.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top