Chapter Nineteen

Sa tulong ni Clint, naging kasado na ang pag-expose kay Harvey Mateo. Isang showbiz insider ang nakausap ni Clint at pinagpasahan niya ng drug test result ni Rafael. Naibigay din nila ang kopya ng CCTV at posibleng ma-publicize din iyon.

"Don't worry, bago ilabas 'yon kailangang makaganti muna kay Harvey Mateo. Na-spluk sa'kin ng kaibigan ng PA ni Harvey na may event ito na pupuntahan sa isang barangay sa Cubao. Kailangan na masiguro na wala siyang kawala at hindi siya makakatakas kapag pinutakte siya ng media," kampanteng sabi ni Clint.

"Bantayan mo nang maigi si Rafael at huwag mong palabasin dyan."

"Oo naman Clint. Magkasama kami ni Rafael at ia-update kita," sagot naman ni Divina.

Nagkasundo rin sina Rafael at Divina na mag-stay muna sa bahay ni Rafael at doon na rin mag-celebrate. Hindi na pinaalam ni Divina ang ginawa niyang pag-contact kay Clint at sa napipintong pag-e-expose nito kay Harvey. Umaasa na lamang siya na maganda ang kahihinatnan ng plano nila ni Clint at talagang mahuhuli sa akto ang tunay na salarin sa pagkakasira ng reputasyon ni Rafael.

Divina also silently watched Rafael right now. Natatawa na lang siya kung paano ito magkumahog sa paglilinis ng paligid dahil mukhang napabayaan na nga ang bahay ng binata sa South Triangle at hindi rin magkandaugaga sa pag-prepare ng kaunting pagkain na kanilang pagsasaluhan sa Noche Buena.

"Gusto mo ng tulong? Hindi ka marunong sa gawaing bahay, ano?" tanong naman ni Divina.

"No need. Kaya ko na," pagtanggi naman ni Rafael.

"Kahit hindi mo naman kaya. Hilig mo namang tumanggi sa pagmamagandang-loob. Iisipin ko na talaga na galit ka pa rin sa ginawa ko," sambit ni Divina para hulihin na rin ang magiging reaksyon ni Rafael.

"Noong sinabi ko na ako na lang ang magbubuhat ng books, tumanggi ka rin that time. Pareho lang tayong tumatanggi sa tulong kahit wala namang masama na tulungan as long as maibabalik mo naman ang tulong na binigay mo," litanya naman ni Rafael. "Kasama 'yan sa mga nabasa ko sa journal, naalala ko lang. Sabi mo pa, ayaw mo maging damsel in distress pero kung kinakailangan talaga ng kaagapay, hindi ka naman mahihiyang tanggapin ang tulong ng iba."

"Hindi ko akalain na pagbubuklurin tayo ng journal ko. May natutuhan ka rin naman pala." Nilakihan ni Divina ang ngiti at mabilis na tumayo sa kinauupuan. "Masyadong personal 'yong journal ko. May iba akong life experiences na naisulat doon, eh."

"I know. Nagkaroon na rin ako ng hint sa mga pinagdaanan mo," mapagsimpatyang sagot ni Rafael. "Kaya sisikapin ko na from now on, na pakisamahan ka nang tama."

Pinigil lamang ni Divina ang kanyang ngiti upang hindi siya mahalatang kinikilig sa tinuran ni Rafael. Saglit siyang natigilan bago makaisip ng magandang sabihin para umusad ang usapan nilang dalawa.

"Tutulungan na nga kita dyan. Kahit sa pag-aalis ng mga bote ng alak mo," Divina insisted.

"Oh shoot! Oo nga pala. I'm sorry, hindi mo na nga dapat makita ang mga 'yan," mapagpaumanhin na sabi naman ni Rafael na nagmadaling inilayo ang mga boteng nakita.

"Nakakailang bote ka niyan sa isang araw?" usisa ni Divina.

"Two to three bottles lang. Di naman ako gano'n kasugapa," pag-amin ni Rafael.

"Lang? Masusunog pa rin ang atay mo. I swear!" giit naman ni Divina saka tumawa nang matipid.

"Hindi na ako iinom, basta makulong lang si Harvey," sabi naman ni Rafael at tuluyan nang inilagay sa trashbin ang mga bote ng alak kahit may laman pa ang ilan sa mga ito.

"Matu-turn off ka sa'kin kapag lasinggero ako kaya mags-stop na akong uminom."

"Turn off? Kung makapagsalita ka parang gusto mong magpa-impress," pahapyaw naman ni Divina.

"Of course. Gusto ko talaga. Dahil gusto kita," straightforward na pag-amin ni Rafael at nilapitan si Divina na halatang shocked din sa biglaan niyang confession. He's not kidding at all. Nang hindi niya makita si Divina nang ilang araw, ipinangako niya rin sa kanyang sarili na hindi na mag-aaksaya ng panahon upang magtapat ng nararamdaman.

"Huwag mong sabihin na kasama ako sa Christmas wish mo?" Abot tainga ang ngiti ni Divina ngunit umiwas agad siya ng tingin. Tumalikod siya ngunit napaharap naman siya sa isang salamin at nakikita pa rin ni Rafael ang kanyang reaksyon.

"Kinikilig ka, I know it," confident na pakli ni Rafael. "Pero ang Christmas wish ko talaga, ay mawala na ang problema ko. Kaso baka mawala ka, hindi ko na 'yon afford."

Rafael beamed and gasped for a while before he continued. "At kung i-wish mo naman na mawala rin ang problema mo, baka mawala naman ako sa harap mo. Dapat natitiis mo ako sa level ng pagtitiis ko sa'yo. Kung gusto kita, dapat gusto mo rin ako.That's the true concept of Fair-mindedness—na ako lang ang nakaisip."

"Saan mo naman na-cite 'yan? Kapag gagawa ka ng research paper dapat may citations. Saka hindi katumbas ng pagre-reciprocate ang pagiging fair-minded," paglilinaw naman ni Divina na itinatago pa rin ang kilig.

"Sa akin mismo, Gravidez 2022, ayos ba? Bawal ba?" tahasang sagot naman ni Rafael at hinawakan ang kamay ng babaeng tinatangi niya. They gazed into each other's eyes with a sense of longing.

"Malapit nang mag-12 midnight. Kung nagugutom ka na, tumikim na tayo ng mga handa," pag-iiba naman ni Divina sa usapan.

"Alam ko, hindi mo pa ako seseryosohin. Pero, believe me, Vina. Sincere ako sa'yo," turan naman ni Rafael.

They spent Christmas Eve with all happiness as if they didn't care about impending struggles. Ang mahalaga, silang dalawa ang magkasama at malapit nang maging okay ang lahat.

"Merry Christmas, Vina."

"Merry Christmas din, Rafael."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top