Chapter Four
Napaangat ang tingin ni Divina sa tatlong estudyante na itinuring siyang katropa sa campus. She only kept a straight face while looking at them as she stopped writing in her journal.
"May problema? Anong pinagawa ni Rafael sa inyo?" tanong niya na hindi man lang ngumingiti. Wala yatang kaalam-alam si Rafael na aware si Divina sa pagsunod nito sa kanya. She even caught him riding in the same bus going to SBU.
"Pagtrip-an ka raw namin," patawa-tawang sagot ni Roldan, ang pinakasiga sa tatlo na soft-hearted pagdating kay Divina. In this fiction, napakaraming beses na siyang tinulungan ni Divina noong nahihirapan siyang gumawa ng research papers. Alam din ni Divina ang mga pinagdaanan niyang family problem kaya nang pakiusapan siya nito na magpakabuti sa pag-aaral, talagang hindi siya nagdalawang-isip na sundin ito. Si Divina ang itinuturing niyang ate kahit na hindi pa naman sila totally close. Nasumpungan niya ang pag-unawa sa pamamagitan ng dalaga na hindi niya nakamtan sa mga guro niya sa SBU.
"Tapunan daw namin kunwari ng kape ang journal mo," gatong naman ni Dustin na kahit patpatin ang pangangatawan, maliksi naman pagdating sa takbuhan kaya hindi madaling mahuli ng guards kapag nakikipagbasag-ulo. Umarte pa siya na kunwari'y nag-aangas kay Divina at kinuha ang tasa nito na may laman pang kape.
"Binayaran kami tapos pinainom din kami ng alak, eh. Okay lang ba na itapon ko ang kape? Hindi mo ba kami sasapakin gaya nang ginawa mo kay Rafael?" tanong naman ni Keifer na bunso ng grupo at nasa likuran.
"Sure, mapapatuyo ko naman ito."
Naging go signal ang pagpayag ni Divina. Talagang itinapon nga ng mga estudyanteng siga ang natirang kape. Nagkunwaring 'shocked' si Divina sa nangyari at nakisakay na lamang sa trip ng tatlo. For sure, nakikita na ni Rafael ang fake comotion na nangyayari. Pero hindi nito alam na mas matindi ang ganti ni Divina—something that would give him sleepless night.
Habang pangiti-ngiti naman si Rafael sa kanyang pwesto, wala siyang kaalam-alam na naisahan siya ni Divina sa mga sandaling iyon. He's really unbothered by getting caught drinking. Wala namang bantay at madali lang naman siyang makakalusot sa mga aberya na nag-aabang. Para saan pa ang pagiging influential ng lolo niya kung mahuhili rin lang naman siya?
Ramdam niyang tumatama na ang alak na parang layunin lamang ay pabagsakin siya nang walang laban. Kailangan niyang magtira ng pang-uwi dahil mas malaking hassle kung magpapasundo pa siya kay Clint. Sa eksaktong pagtayo niya, dumating ang mga parak na siya naman talaga ang pakay. Halos mapamura na nga siya nang makita ang mga ito na halatang sisitahin siya nang walang pakundangan.
"Sir, pwedeng makita kung ano 'yang iniinom mo? Bukod sa bawal ang foods and drinks para iwas kalat, mas lalong bawal naman ang ang pagtoma sa area na 'to," malumanay na panimula ng isang tanod.
Ilang saglit pa ay inusisa na nga ng isa pang tanod ang hawak na bote ni Rafael. Pilit namang tinatago ng binata sa kanyang likod ang bote na natatakpan ng sarili niyang jacket.
"Wala 'to boss. Juice lang," pagsisinungaling pa ni Rafael. Unfortunately, those officers didn't buy his lie. Inagaw na nga ng mga ito ang pinakatatago niya at tumambad sa kanila ang bote na may printed label ng brand name ng isang sikat na liquor brand.
"Sorry. Pero may authority kaming damputin ka papunta sa barangay," sabi ng tanod na alisto at madaling na-corner si Rafael dahil tinangka pa nitong tumakbo papalayo.
Sa kabila ng pagiging cornered ni Rafael, mas nag-init pa rin ang ulo nito ngayong nasa harap na siya ng mga tanod. Hindi niya matanggap na sa simpleng pagso-solo drink niya ay naambunan pa ng ganitong abala.
"Ano bang akala mo sa sarili mo? Akala mo kung sino ka na hindi pwedeng ma-check ng mga katulad namin?" tanong ng isang tanod na halatang na-provoke sa reaksyon ni Rafael. Kahit kailan, hindi man lang ito naging apologetic at parang walang kinikilalang authority.
"Wala kayong mapapala sa'kin! Aalis na lang ako rito, so tabi!" pasigaw na angil naman ni Rafael saka nagtangkang maglakad palayo. Alerto naman ang mga tanod at hinawakan pa siya sa braso.
"Kalma. Sumama ka na lang sa amin papuntang barangay para maayos ang lahat," sabi ng isa sa mga tanod na sinusubukan panatilihing maayos ang sitwasyon, na pwede rin namang makaiwas na lang sa gulo dahil kilala nito si Rafael pati ang mga taong related sa binata na benefactor ng SBU.
Sa barangay hall, inireklamo na nga si Rafael ng mga tanod sa barangay captain na ikinagulat din ng iba pang opisyales na naroroon. Mukhang napapailing lamang si Kap Magno habang iniintindi ang nangyari.
"Sir, nahuli po namin siyang nag-iinom sa campus grounds o doon sa park, tapos nagsisinungaling pa siya na juice lang daw," paliwanag ng isa sa mga tanod.
Tumingin si Kap Magno kay Rafael na tila may bahid ng pagkakahiya sa mukha. "Ano bang iniinom mo at bakit sa loob ng campus? Alam mo ba na bawal 'yon? Patikim nga kung juice talaga?"
"Sir, kahit sino naman siguro makakapagpasok ng alak sa open area. Hindi naman sa loob ng campus ko ginawa. Saka nagpapatanggal lang ako ng boredom at disappointment sa buhay. Wala naman tayong bantay sa campus o nearby area nang 24/7, 'di ba?" sarkastikong sagot ni Rafael na may halong pagmamaktol. "Wala na sa'kin ang alak. Confiscated na nga, 'di ba?"
Ngumisi si Kap Magno at nagbigay ng mapanghusga at nakakadismayang tingin kay Rafael. "Alam mo, binata ka na, lagpas 20 na ang edad mo. Balita ko sikat ka raw—noong mga nakaraang taon. Dapat ay may disiplina ka na, nakakahiya sa lolo mo. At saka, hindi excuse ang kakulangan ng bantay para gumawa ka ng mali. Kaya nga may mga patakaran tayo. Sana pala mas nilakasan pa ni Divina ang suntok sa'yo."
"Kahit kayo? Kilala n'yo ang Divina na 'yon? That nonchalant and arrogant lady? Sino ba siya? Anak ba siya ng may-ari ng SBU? Anak ng prinsipal? Kabet ng mga dean? Bakit parang lahat kayo panig sa kanya? Sa totoo lang, kasalanan niya rin itong nangyari sa'kin. Kung hindi ako sumunod sa kanya..." Biglang huminto sa pagsasalita si Rafael nang ma-realize na hindi na pala niya kontrolado ang lumalabas na salita sa makasalanan niyang bibig.
"Kita mo na. Lumalabas na ikaw ang mali rito. Nagpunta ka sa malapit na area ng campus at sa'yo na nanggaling na sinundan mo si Divina. Hay naku. Malalagay ka sa alanganin niyan," dismayadong pahayag naman ni Kap Magno.
"Ipapaalam ko na 'to kay Senior, o kay Lolo Paeng," dagdag pa nito na nagpatindi ng tensyon kay Rafael.
"Please no! I-hold n'yo na ako kahit kailan ninyo gusto basta huwag n'yo siyang i-inform. I don't want to meet him as of now!" Maawtoridad ang tono ng kanyang pakiusap.
"Ang bastos mo huh? Ganyan ba ang henerasyon ninyo? Kaya ka pala nabibigwasan, eh," pang-uuyam pa ni Kap Magno.
"Sorry na lang po. Hindi ko naman alam na sobra-sobra kayong magbantay doon," sabi na lamang ni Rafael na nagsimulang bumaba ang tingin.
"Ayan, titiklop ka rin naman pala, pinahirapan mo pa kami. Sa susunod, kapag alam mong marami kang ginawang mali, mas damihan mo ang effort sa paghahanda sa resulta ng kamalian mo. Para kapag nalalagay ka sa alanganin, hindi ka na titiklop agad kasi sa una pa lang, hinanda mo na ang sarili mo sa resulta at mas madali mong madedepensahan ang sarili mo. Dapat, maaga pa lang, mayro'n ka na agad noong tinatawag na 'self accountability'. Hindi 'yong ayaw mo pang aminin na may mali sa'yo at ayaw mong itama ka tapos nakakaabala ka na pala ng ibang tao," sinserong pangaral ni Kap Magno sa binata.
"I hate the way you talk, to be honest. Para kang si Lolo—I mean, si Senior Paeng!" sikmat naman ni Rafael at napabuga ng hangin.
"Baguhin mo na ang ugali mo dahil hindi lahat ng tao, kaya kang pagpasensyahan habambuhay. Sana magsilbing aral sa'yo ito. Huwag mo nang uulitin. At pag-uwi mo, kausapin mo ang guardian mo tungkol dito," utos ni Kap Magno.
"Wala ang mother ko, nasa abroad. Si papa, he's gone too. I will just inform my manager about this. Thank you. Anyway, kailangan ko pa bang mag-bail or what?" aroganteng tanong naman ni Rafael na wala man lang nababakas na pagpapasalamat sa desisyon ng barangay captain kahit nagbanggit naman siya ng 'thank you' phrase.
"Hindi na. Alis na, baka magdilim bigla ang paningin ko at ng ibang tao rito dahil sa pagiging arogante mo," turan ni Kap Magno at bumalik sa kanyang upuan.
"Mukhang magsusunod-sunod ang kamalasan ko dahil sa babaeng iyon! Hindi pwede, kailangan ko siyang ma-background check. What makes her influential? Bakit ang hirap niyang banggain?" pagmamaktol ni Rafael. At that moment, nawala na rin ang epekto ng alak sa kanya, napalitan iyon ng hindi maipaliwanag na galit para kay Divina, kahit curious siya sa pagkakakilanlan nito.
On the other hand, naging masaya naman si Divina sa naging resulta ng kanyang plano na ipinagpapasalamat niya rin sa mga delingkwenteng Senior High Students na sinadya niyang isama sa kwento. Ang pagganti niya kay Rafael ay isang tagumpay para sa kanya dahil kahit papaano, mapagtatanto ng binatang ito na wala na ito sa kinang ng popularidad. Ngunit, may bahagi sa kanyang puso na parang may halong panghihinayang.
"Nakalabas kaya ang mokong na 'yon? Makakalabas 'yon dahil naisulat ko na 'yon sa third chapter. Ewan ko lang kung babaguhin nina Lolo Paeng at Mang Gori," sa isip niya habang pinatutuyo ang mga pahina ng notebook niya sa dorm ng SBU.
Bilang isang pinakamatagal na estudyante at matatawag na 'orphan' ng paaralan, even in the reality dimension, binigyan na rin siya ng pribilehiyong tumira sa dorm kahit hindi tuloy-tuloy ang naging pag-aaral niya. Ang kalagayan niya rin sa ngayon ang magiging kasagutan sa tanong ni Rafael, na kung bakit siya nirerespeto ng ibang tao sa SBU at halos lahat ng staff sa university ay kilala na siya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top