Chapter Five
Matapos ang pangyayari sa barangay hall, dumiretso si Rafael pauwi ng bahay na may kasamang pangungulila sa sarili. Hindi niya lubos maisip kung bakit ganun na lang kabilis bumagsak ang kanyang imahe sa campus. After the plagiarism incident, panigurado siyang kakalat na ang usap-usapan sa pagkakalagay niya sa barangay dahil sa pag-iinom. Inisip niya ang mga pagkakamali na nagdala sa kanya sa ganitong kahihiyan. But as usual, he didn't feel any remorse. Mas nakakahiya pa rin ang nangyari na pag-setup sa kanya sa bar kahit na alam niyang wala siyang kasalanan noon. At least ngayon, talagang gumawa siya ng pagkakamali.
Sa kabila ng kanyang pangako sa barangay captain na hindi na mauulit ang kanyang pagkakamali, hindi pa rin nawawala nararamdaman niyang inis at galit. Si Divina ang kanyang itinuturong dahilan ng lahat ng ito. Sa bawat segundong sumasagi ito sa isip niya, mas lumalalim ang kanyang determinasyon na bumawi at patunayan sa lahat na hindi siya basta-bastang natatalo.
Napabuga siya ng hangin matapos niyang makita ang trash bin na inilalabas na ng isa sa kasambahay. Bigla niyang naalala ang journal ni Divina at naisip niya na baka tunay nga na mahalaga rito ang bagay na 'yon kaya matindi ang galit nito sa kanya. Hinabol niya ang kasambahay at pinigilan ito sa pagse-segregate ng mga basura.
"Rafael? Nakakagulat ka naman, bakit hinawi mo 'ko sa basurahan? Pi-pick-up-in na 'to ng truck mamayang mga alas sais ng umaga," bulalas ng kasambahay na si Aling Koring.
"May hahanapin lang po ako," mabilis na pakli naman ni Rafael at inisa-isa ang basura. Tumigil din siya nang makita niya ang journal. Naglaro sa isip niya ang ideya na pwede niya itong gawing kolateral kay Divina para makaganti.
"Ayos. Tingnan ko lang kung hindi pa siya tumiklop," mapagmalaking sabi niya at tumakbo pabalik sa loob ng kanilang magarbong bahay.
"Rafael! Bakit hindi mo binalik itong mga basurang kinalat mo?" nanggagalaiting tanong naman ni Aling Koring na lubhang nagtaka rin sa ikinilos ng binata.
May kasamang kalkuladong ngiti sa mukha ni Rafael nang mapasakamay niya muli ang journal na pinakaiingatan ni Divina.
"Kailangan kong malaman ang lihim ni Divina para ipamblackmail sa kanya, at ito ang susi," bulong niya sa kanyang sarili nang buksan nang maingat ang journal ni Divina. Nagsimula siyang magbasa ng mga pahina, nakatuon sa paghahanap ng mga detalye na maari niyang magamit na weapon laban sa kanyang mortal enemy.
Nagsimula siyang masilayan ang masalimuot, masaya, at kwestyonableng na bahagi ng dalaga sa pamamagitan ng mga saloobin nito. Sa kabila ng pagiging matapang at mapangahas ni Divina, napagtanto naman ni Rafael ang mga bakas ng lungkot at pangungulila sa kanyang journal. Ang dami nitong 'say' sa mga bagay na sa tingin niya, hindi naman problema ng sinuman o ng buong bansa.
Habang binabasa niya ang mga essay draft at iba pang saloobin ni Divina, unti-unti ay naglaho na parang bula ang kanyang galit at napalitan ito ng pang-unawa.
"Hindi pala siya simpleng masamang tao. Baka may pinagdadaanan din siya na katulad ko," bulong ni Rafael sa kanyang sarili.
Nang makarating siya sa huli nitong entry, natagpuan niya listahan ng pangalan ng mga taong maaring kakilala ni Divina o posibleng mga contacts nito. Napaigtad nga lang siya nang mabasa ang pangalan doon ng lolo niyang si Rafael Gravidez, na may palayaw na "Senior", "Senior Paeng", at "Lolo Paeng."
Kaya naman, mas lalong nagkaroon siya ng determinasyon para alamin na rin ang posibleng ugnayan nito sa kanyang lolo.
This time, siya naman ang gugulat kay Divina.
***
Plano ni Rafael na surpresahin si Divina at tuparin ang kagustuhan nito na pag-usapan nila ang project sa cafeteria na malapit sa unibersidad para lang pareho silang mapagbigyan ng dean. Baka hanggang ngayon, inakala nito na hindi siya makakasipot dahil maaring iniisip ni Divina na hindi niya nalusutan ang sigalot na nangyari sa barangay. Wala pang 2 pm, nakarating na siya sa cafeteria at siya na rin ang kumontak kay Divina dahil nakuha naman niya ang number nito mula kay Clint.
"Yow!" malakas na bungad niya nang sagutin ni Divina ang tawag. "Dito na ako sa napag-usapan nating meeting place."
"Okay. Saglit lang pupuntahan kita," sagot ni Divina at saka tinapos ang tawag. Iyon ang isa sa mga kinaiinisan ni Rafael. Ayaw niyang binababaan agad siya ng phone nang wala man lang pasabi. Nakakabastos kasi para sa kanya.
"Si Clint lang ang may karapatang pagbabaan ako ng phone," singhal niya saka umiling at ipinaling ang tingin sa menu board ng cafeteria. Imbis na pag-order ang una niyang ginawa, minabuti niyang i-approach ang lalaking staff at magtanong ng bagay na may kinalaman kay Divina.
"Excuse me, kilala mo si Divina right? Mukhang close kayo noong makita ko siyang nandito sa shop na 'to," may pagkaaroganteng panimulang tanong ni Rafael sa staff na busy sa pagkakaha sa counter.
"Oo. Anong gusto mong malaman? May boyfriend? Taken? Mabait? Ano?" tanong ng staff saka nagkamot ng ulo.
"Lahat. Everything na nalalaman mo tungkol sa kanya. Bored kasi ako at hinihintay siya rito. Since wala pa naman siya, kailangan ko rin ng mapagkakaabalahan," sagot naman ni Rafael. Bigla rin siyang na-conscious sa sarili dahil pinakatitigan lang naman ng staff ang kanyang mukha. Probably, dahil sa sugat na kanyang natamo dahil sa pagsuntok ni Divina kahapon lamang. "Kahapon ko lang na-meet ang babaeng 'yon pero naiintriga talaga ako kung sino siya. Hindi naman siya mukhang mayaman at demure but she has that intelligence and strong personality."
"Crush mo?" pang-iintriga naman ng staff.
"Hell no! Mukha siyang boring. Anyway, magkwento ka na nga lang," naiiling na tugon pa ni Rafael.
"Bago ako magsimula, mag-order ka na nga lang muna," seryosong hirit naman ng staff na halatang naalibadbaran na sa presence ni Rafael.
"Okay fine." Naiiling na kinapa ni Rafael ang bulsa ng kanyang pantalon para dumukot ng pera. "Pa-order na lang ng dalawang iced coffee."
"Writer nga pala si Divina. nagka-award na rin siya sa mga sinalihan niyang writing contests. Hanapin mo siya sa internet, Divi Soraya ang pangalan," paglalahad ng staff matapos i-total ang amount ng babayaran ni Rafael habang nakatuon ang mga mata sa screen.
"Ah, gano'n ba? Anton?" pakli naman ni Rafael. He addressed the staff by his name, which he read on a name pin of his uniform.
Bumaba tuloy ang tingin ng staff na si Anton sa kaliwang side ng dibdib niya kung saan nakalagay ang name pin.
"Oo."
"Bakit Divi Soraya? Stage name ba 'yon?" Confused na si Rafael. At the same time, ang weird naman ng pangalan ni Divina bilang manunulat, katunog pa talaga ng sikat na lugar sa Maynila.
"Stage name?" Natawa si Anton. "Baka pen name ang tinutukoy mo. O alyas ng writer, parang mga rapper din sila na may alter ego. Stage name ka dyan."
Napangiwi lang si Rafael dahil patuloy siyang tinatawanan ni Anton kahit matatapos na ito sa pag-prepare ng iced coffee para sa kanya at kay Divina.
"Sorry naman. Sa amin kasing mga artista, stage name ang tawag kapag ipakikilala ka sa madla nang hindi mo totoong pangalan ang gamit," apologetic na sagot ni Rafael kahit bahagyang naiinis siya sa tila pangungutya sa kanya ng staff dahil lang sa mali niyang nasabi.
"Ano pang gusto mong itanong tungkol sa kanya?" sunod na tanong naman ni Anton.
"Is she influential? I mean, sinong parents niya?"
"Ulilang lubos na si Divina. Dating nagtatrabaho sa SBU ang parents niya. Nawala sila noong 12 years old pa lang si Divina. Dahil maraming concerned na tao at maraming naging kaibigan ang mga magulang niya, nagpasya ang university na ampunin siya. Hindi ko alam kung tama ba ang term ko, basta doon na siya nakatira at kapalit no'n ay pagtatrabaho niya sa university at tumatanggap din siya minsan ng part time jobs sa mga professor," mahabang paliwanag ni Anton.
"Part time job? Gaya ng?"
"Maglinis ng bahay nila, mag-tutor, maging assistant sa faculty. Kaso, mga ilang taon din siyang nawala raw sa SBU. May inasikaso raw na importante. Sa sobrang importante na pati scholarship, tinanggihan niya. Tapos parang last year lang siya na nagpakita. Noong mga time na nawala siya, hindi na raw siya nari-reach ng mga acquaintance niya sa SBU pati mga dati niyang kaklase."
"Ang lungkot pala ng buhay niya." May bakas na panghihinayang sa boses ni Rafael.
'Now nage-gets ko na kung bakit hindi ako aware sa kung sino siya. But it's good to know that she didn't sell herself for someone's pleasure in exchange of money.'
"Sige. Iyon lang ang itatanong ko, thanks Anton."
Sumandal si Rafael sa isang tabi at nagsimula nang magbasa ng iba't ibang klaseng pamphlets na nasa mesa. Biglang nag-iba ang plano, nawaglit agad sa isip niya ang balak niyang panggigipit kay Divina. Kahit siya, naging questionable sa sariling 'change of heart' niya dahil lang sa nalaman niyang kakarampot na detalye tungkol dito. Sa katunayan, may mga nasaktan na siyang tao na mas nakakaawa pa kay Divina pero kakaiba ang simpatyang nararamdaman niya sa sandaling ito. That sympathy only made him curious as if Divina is like a book of mystery. Hindi na siya makapaghintay na makausap ang manunulat. Habang nag-aalala siya sa mga nangyari sa buhay ni Divina, mas lalong napukaw ang kanyang interes na makipag-ugnayan pa rito.
On the other hand, Divina gulped as she entered the cafeteria. Sinadya niyang lakasan ang pagbukas ng entrance door na para bang may balak na mambulabog. Ginawa niya 'yon para madaling makuha ang atensyon ni Rafael na tila ba may malalim na iniisip habang nagbabasa. Natatandaan niya ang scene na ito, na iba-blackmail siya ni Rafael.
"Divi Soraya, ah?" bulong ni Rafael sa sarili nang mamataan sa entrance ang kanyang pakay. Iniwan niya ang mga pamphlets at naglakad patungo sa kinatatayuan ni Divina.
"2 pm ang usapan," dugtong ni Rafael na bakas ang pagtatampo.
"1:55 pa lang naman," tipid na sagot ni Divina at inginuso ang digital clock na nasa wall ng cafeteria.
"Ayoko kasi nang pinaghihintay," reklamo naman ni Rafael.
"Pero kung ako ang hihintayin mo, dapat ngayon pa lang, masanay ka na," sarkastikong tugon naman ni Divina at dumiretso na sa table na iniwan ni Rafael kanina lamang.
"Kung makasabi ka nang ganyan, para namang nag-decide ka agad na gusto kong makasama kita," bwelta naman ni Rafael na inunahan pa si Divina sa pag-upo. Hindi pa siya nakuntento at padabog pa ang kanyang ginawa para ipamukha na hindi niya gusto kung paano siya kausapin ni Divina. Kanina lang, balak niya na huwag na itong sungitan o pagtrip-an pero ang arrogant demeanor ni Divina ang nagti-trigger sa kanya na pagsungitan na lang ito kaysa pakitaan ng kabutihan.
"Whether you like it or not, makakasama mo ako hanggang matapos ang kwento." Itinuon ni Divina ang tingin kay Rafael na may pang-aasar na ngiti sa kanyang labi.
Naging palaisipan naman kay Rafael ang sinabi ni Divina. Hindi niya alam kung bakit parang nag-iwan ng hiwaga ang katagang iyon. It could be because Divina is a writer, giving it a poetic touch, but he sensed it was more than that. It felt like she had something else to convey.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top