Chapter Eleven
December 14 ang simula ng Christmas Bazaar sa St. Bernadette. Magdadalawang oras na ang booth pero wala pa ring pumupunta para man lang bumalak na bumili o mag-inquire man lang ng libro. Halata na rin ang frustration sa mukha ni Divina at hinihintay lamang niya na gumawa ng initiative si Rafael. Natandaan niya kasi ang ganitong scene sa draft niya, at tingin niya, may mangayayaring hindi maganda sa susunod. Ngunit ano man ang kahinatnan nito, kailangan niyang hayaan si Rafael na mag-isip.
"Unang araw pa lang, wala pa rin tayong benta," sabi ni Rafael at saka tumayo. "Kapag hindi tayo nakakota, baka magpa-thesis pa ang prof. Ang hirap i-defend ng thesis, kasinghirap ng pag-defend sa bayan."
Napasinghap na lamang si Divina. As usual, she needed to act cold in front of the man she adored, sabay tanong ng, "Ano ang next move? Mas mabuting may gawin habang nagrereklamo."
"Mag-iikot muna ako at mag-o-observe," napilitang pakli ni Rafael. Hindi na niya hinintay ang approval ni Divina.
Para naman kay Divina, naging kahanga-hanga sa kanya ang naiisip ni Rafael. Alam niya ang sense of entitlement nito at talagang freeloader ito sa anumang task. First time lang nito na makipag-cooperate. Finally, kahit dito man lang sa fan fic na sinulat ni Divina, may kaunting development si Rafael.
Pasimpleng nilibot ni Rafael ang kabuuan ng bazaar at iba't ibang booths. Napansin niya na kailangan nila ng mas eye-catching signages at decorations para mas mapansin ang booth nila. He also hated the fact na mas nabebenta pa ang mga non essential products at walang kinalaman sa school kaysa mga libro nila na educational naman at hindi matatagpuan sa library ng SBU. May naisip din siyang isa pang idea, kung ipo-post niya sa TikTok account ang video clip ng booth nila, baka mas marami silang maengganyong customer. Kaya lang, banned pa ang account niya at hindi pa niya alam kung nagawan na siya ni Clint ng bagong account.
"Ano ba 'yan!" he sighed. "Sa FB na lang ako magpo-post."
Mabilis na bumalik si Rafael sa booth at pinagkukunan ng litrato at video ang pinaghirapan nilang ayusin ni Divina. Dahil busy sa pagso-sort ng mga libro si Divina na sinusuri din niya kung maganda bang ilagay sa estante, hindi na nga niya napansin ang ginagawa ni Rafael.
Madali rin naman ang pag-post ni Rafael at nag-log out agad siya ng account. Palibhasa, pati sa FB, hindi rin siya pinapayagan pa ni Clint na magpaskil ng anumang may kinalaman sa private life niya, especially sa pag-aaral niya sa unibersidad. Para rin naman iyon sa safety niya matapos ang eskandalong kinasangkutan. Pagkatapos, inagaw niya kay Divina ang ilang mga libro.
"I got a plan," panimula ni Rafael na tila abot tainga ang ngiti nang pakatitigan si Divina.
"Ano?"
"May ilalagay tayong libro, pero ibabandera natin 'yong mga walang substance," pakli naman ni Rafael.
"Paano mo naman nasabi na may mga librong walang substance? Kanya-kanya ng reading preferences ang tao, maaring sa'yo walang kwenta ang isang libro, pero para sa iba, maaaring ituring nila 'yon na precious gem o pwedeng ihanay sa mga nanalo sa Palanca," pahayag naman ni Divina. On the flip side, he's quite amazed that Rafael could say something like that. Baka naman talaga bookworm ito at hindi lang niya alam. Maybe Rafael really idolized his grandfather who were also into reading books.
"Chill. Bumase ako sa title at sa..." Sinadya ni Rafael na putulin ang nais sabihin.
"Sa cover." He revealed a pocket sized book, na suggestive ang pabalat at title dahil adult romance ang genre nito. "Do you think na may substance itong 'Seducing Devil In A Lingerie?'"
Napatakip ng bibig si Divina dala ng pagkagulat. Hindi naman siya judgmental sa mga nagbabasa ng mga gano'ng libro at alam niyang baka nga hindi lang binabasa ni Rafael ang mga ganoong genre, baka nga pinapanood pa in private. Nagpigil siya ng halakhak dahil pamilyar din naman sa kanya ang librong iyon.
"Best selling 'yan. Nakailang reprint na raw," sabi naman ni Divina, while keeping a straight face.
"Ganyan lang ba ang binabasa mo? kaya naman pala."
Umalma agad si Rafael. "Of course not. Tingin mo sa'kin? Manyak?"
"Pag nagbabasa lang ng adult genre, manyak agad?" Natawa tuloy si Divina.
"Hindi ko alam kung uobra ang plano mo. Pero may punto ka, mas nabebenta naman talaga ang suggestive nowadays. Lalo na sa mga bata. Curious na kasi sila sa mga ganyang bagay," sagot naman ni Divina.
"So dumating ka rin sa part na na-curious ka rin pala. Akala ko inosente 'yong mga tulad mo. Ikaw, ah," biglang panunudyo naman ni Rafael. As if totally close na sila ni Divina.
"Hindi naman ako robot. Saka dahil nga writer din naman ako, ilang libro na rin ang nabasa ko para mas lumawak ang vocabulary ko. May mga dapat pa tayong ipakita rito." Inilabas ni Divina ang pinakatatago niyang mga libro sa isang kahon.
"How To Kill A Serial Killer"
"The Best Tsismosa In Town"
"Ang Tropa Kong Repeater At College Drop Out"
"Tumaas Na Ang Bilihin Pero Iyong Mga Korap Hindi Pa Bumaba Sa Pwesto."
Saka lamang huminga nang maluwag si Divina nang matapos na siya sa pag-enumerate ng book titles.
"Favorites mo?" natatawang tanong ni Rafael at mabilis na pagtango ang response ni Divina. "Lalo na 'yong pang-apat. The best 'yan."
Nagkasundo na nga sila paglagay ng mga napiling libro sa front ng booth. Naging effective naman ang strategy nila dahil marami palang naging pamilyar na sa mga librong iyon. Sinamantala na rin nila ang pagkakataon na mang-enggayo pa para may bumili rin ng educational books.
Namukhaan din ng ibang estudyante si Rafael at hindi naawat ang ilan sa kanila na magpa-picture. Unintentionally, nagamit na naman niya ang celebrity privilege para makabenta. Dinumog na ang kanilang booth at nagkaroon na ng hindi makontrol na komosyon kaya ipinatawag na sila ng dean pagkatapos ng alloted time ng pagbebenta sa bazaar.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top