Chapter Eight

"Hindi ka man lang ba magpapasalamat na nandito ako? Na nagko-comply pa rin ako para sa project?" sarcastic na tanong ni Rafael.

"Pumunta ka pa lang naman, wala ka namang sinabing magko-comply ka. Malay ko ba kung anong sadya mo rito, baka naparito ka lang naman para sa libro. Baka gagawa ka na naman ng essay na plagiarized," sagot naman ni Divina na hindi man lang nakangiti. Pasimpleng kinuha niya sa tabi ang iced coffee niya na hindi pa rin maubos-ubos. Ito 'yong paborito niyang order-in minsan sa cafeteria, na nilibre din sa kanya ni Rafael noong isang araw.

"Favorite mo?" tanong ng binata.

Mabilis na pagtango ang response ni Divina. "Mas nagf-function ang utak ko kapag may ganito."

"Ililibre na kita nyan palagi, matapos lang ang project," pakli naman ni Rafael. He's quite enticed by Divina's mood at this moment. Mas maayos na itong kausap. Mas maganda itong pagmasdan kapag seryoso ito.

"Bakit mo naman ako ililibre? Suhol ba 'yan?" tanong ni Divina habang sumisimsim ng iced coffee.

"Hindi ba pwedeng peace offering na lang?" hirit naman ni Rafael.

"Walang kwenta ang peace offering kung walang apology," sagot naman ni Divina.

"Eh, di—sorry. Sorry. Anong gusto mo? Sayawin ko pa ang Sorry Sorry ng Super Junior?" nakangiwing tanong ni Rafael. Napansin niya ang pagpipigil ng tawa ni Divina sa sandaling iyon.

"Alam mo, favorite ko 'yang group na 'yan," banggit naman ni Divina. She was supposed to act cold in front of the man she admired, but there she is, starting a small conversation. Her character build up wasn't like this. Ngunit sa kabilang banda, mas magaan pala iyon. Mas madaling nagkakaroon ng progress ang kwento nilang dalawa.

"Hindi ko tinanong," pamimilosopo ni Rafael na hindi nagpapakita ng hint na nagbibiro lamang siya. Gusto niya kung paano magsalita si Divina. Kahit nonchalant ang demeanor nito, napapakita naman nito ang lighter side nito nang hindi inaasahan. Akala pa niya dati, sobrang antisocial si Divina at parang miyembro ng gang sa kanyang kilos. Isang impression pa nga rito ay typical nerd at may alter ego—parang may tinatagong hindi dapat malaman ng sinuman.

Hindi na nagsalita si Divina. It seemed like her silence drawn confusion towards Rafael.

"Are you offended by that?" tanong ni Rafael.

"No. Wala lang akong pakialam sa sagot mo."

"Okay." Kaswal na tumayo si Rafael mula sa kanyang kinauupuan. "Fan din ako ng Super Junior. Elf since Mamacita Era. Tapos favorite ko 'yong kantang 'This Is Love' doon sa album na 'yon"

Napatigil si Divina at bahagyang kumunot ang noo. Bilang long-time fan ni Rafael, hindi niya alam na fan din pala ito ng kpop group na una niyang nakilala sa hallyu o Kpop world. Nakikialam na yata si Lolo Paeng sa pag-navigate ng karakter nito sa fictional dimension. Sabagay, si Lolo Paeng naman ang tunay na nakakakilala sa kanyang apo.

"Pero hindi pa rin kita napapatawad kahit pareho tayo ng paboritong K-Pop Group," sagot naman ni Divina.

"I'm not even saying that to apologize. Hindi mo man lang hinintay ang talagang apology ko." Rafael swiftly shook his head and cleared his throat, aiming to sound sincere as he spoke.

"I'm sorry, Divi Soraya. Or Divina. Divi. Kung anumang pangalan mo. Hindi ko pa masyadong na-realize noon na may malaking dagok pala sa'yo ang pagnakaw ko sa essay mo."

Ilang saglit pa, inilabas niya na rin ang journal niya at maingat na ibinigay kay Divina. "Haharapin ko ang sanction ni prof. Kahit ano pa 'yon."

"Sa tingin mo, mapapagaan ang sanction ko kapag nag-volunteer ako?"

"Siguro. Itanong mo na lang para malaman mo," turan ni Divina.

"Pwede bang samahan mo ako?"

Halos maibuga ni Divina ang iniinom niyang iced coffee. "Seryoso ka? Ano namang gagawin ko do'n, tagasulsol?"

"No. Kailangan ko lang ng witness na nag-confess ako sa kasalanan ko. Para naman matahimik na rin ako," dahilan naman ni Rafael.

"Natatakot ka lang na pagtrip-an ka na naman ni Roldan at ng tropa niya. Mga senior high lang pala ang kayang tumumba sa'yo," biro naman ni Divina.

"Nagkakamali ka. Napatumba mo na nga ako 'di ba? Sa harap pa ni prof?" pag-remind naman sa kanya ni Rafael na bakas ang pagtatampo.

"At ayaw mo nang maulit. Dapat lang," sagot naman ni Divina. Isa isa niyang iniligpit ang mga papel na nasa mesa nang may kabilisan. Kumunot agad ang noo ni Rafael.

"Hindi mo pa nga nasasabi ang tungkol sa project, lalayasan mo na ko agad?" untag niya kay Divina.

"Kaya ako nagliligpit kasi pupuntahan natin 'yong project."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top