Bonus Chapter

(ALTERNATE ENDING FROM FICTIONAL DIMENSION)



Ikinagulat nina Divina ang pagbabalik niya sa reality dimension, at kasama pa rin niya si Rafael. They remained in each other's arms as their fears slowly dissipated upon seeing each other again—unharmed and safe.

"Vina. How did we get in here? Sa..." Inilibot ni Rafael ang tingin sa paligid na puno ng mga nakatambak na libro. Masikip man ang espasyo, sumapat naman iyon para sa kanilang dalawa. They were still able to breathe some fresh air. Napagtanto na lang din ni Rafael na nasa bookshop pala sila sa Tutuban ngunit nakapagtataka kung paano sila napunta roon at bakit nakakulong sila sa isang silid-aklatan na alam niyang nakakandado naman noong una niyang makita?

"Naalala mo lahat?" tanong ni Divina na kulang na lang ay maglupasay sa tuwa. Rafael recognized her and seemed familiar with this place.

"Oo. Parang nag-blackout sa park. Pareho tayong kinakabahan. Hindi kita maaninag pero alam kong takot na takot ka. Tapos lumakas 'yong hangin," pagsalaysay ni Rafael at biglang naipaling ang tingin sa kalendaryong nakapaskil sa dingding ng silid.

"Bakit advanced ang kalendaryo rito? December 25, 2022 pa lang, right? Bakit dito, February 2023 na?" naguguluhang tanong ni Rafael. Pasamantalang nagkibit-balikat si Divina at lumabas upang tiyakin kung talagang nakabalik na sila sa reyalidad.

She's stunned upon seeing both Mang Gori and Lolo Paeng, energetically approaching her, as if they wanted to congratulate her.

"Lolo?" Rafael held his breath for a while. Sa wakas, ligtas ang Lolo Paeng niya at kagaya niya at ni Divina, hindi ito napahamak.

"Lolo," he murmured once again. Ilang saglit din ay nagkaroon siya ng sapat na lakas ng loob upang yakapin si Lolo Paeng at walang tigil ang pag-agos ng luha sa kanyang mata. Naging emosyonal ang tagpong nasaksihan nina Divina at Mang Gori.

Napagpasyahan din ng dalawang matanda na i-reveal na kay Rafael ang ginawa nilang manipulation ng kaluluwa nito at pag-travel sa ibang dimensyon pati na rin ang naging ambag ni Divina para maging posible iyon. At first, he couldn't comprehend everything, but gradually, the memory of the accident where Divina wasn't with him started to flash back in his mind. Kaibahan naman iyon sa nangyari nang nakilala at nakasama na niya si Divina at nakapagdiwang pa nga sila ng Pasko at naglakad sa area ng South Triangle.

"Kahit dalawang magkaibang ganap ang nangyayari sa araw na 'yon, nangyari pa rin sila sa parehong araw at oras. Pero ano pa bang ibang nangyari?" tanong naman ni Rafael.

"Sa dimensyon na kasama at nakilala mo na si Divina, nagawa n'yong mapanagot si Harvey. Nang matagumpayan iyon ni Divina, nagbago na rin ang kapalaran mo sa dimensyong ito. Habang wala kang malay dito, nalinis na rin ang pangalan mo at pareho lang ang sinapit ni Harvey sa magkakaibang dimensyon," sagot naman ni Mang Gori at nginitian si Divina.

"Naging matagumpay ang paglalakbay ni Divina dahil sa pagmamahal niya kay Rafael. Naging tapat siya sa pangako niya na hindi ka niya susukuan. At nang pinakiusap mo na huwag siyang lalayo habang nilalamon na ng dilim ang paligid, hindi ka niya binigo at mas nanalig na hindi talaga kayo magkakahiwalay. To conclude this, naging malinaw ang alaala mo Rafael dahil natuto kang magmahal at magpatawad."

Rafael's heart sang with gratitude for what he had learned. If it weren't for the concerned people around him, he might have been dead. But now, he's still living and now striving to become a better person.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top