Chapter 7
Celes' Point Of View
Nandito na kami nila Shane sa canteen, and you know what? Nag-order lang naman si Chan ng sandamakmak na pagkain and she said that treat niya daw ito sa amin for some reason
Maybe nag ce-celebrate na siya dahil mission accomplished siya kay Kian sa paglagay ng dalawang bubble gum sa upuan niya
Napailing nalang ako dahil sa babaw nun.
I searched a lot about Kian and I also found out na wala siyang records sa pinag-aralan niya sa Biñan. I asked some guy to do that research at sabi pa nito na tamihik lang si Kian na estudyante roon at halos allergic din sa mga tao.
He's rich. Sikat din daw siya sa school nila noon syempre pati na din dito. Hindi mo kasi maipagkakaila na may maipagmamalaki siya sa itsura kaya kahit noong nag transfer siya dito ay pinagkakaguluhan pa din siya
"Right Celes?"
Halos mapatalon ako sa kinauupuan ko nang magsalita si Shane at mukhang hinihingi ang pagkumpirma ko sa di ko alam na dahilan kaya tumango nalang ako bilang pagsang-ayon sa gusto nito dahil hindi ko din naman alam kung ano 'yung pinag-uusapan nilang dalawa
Nilibot ko ang paningin ko at nahagip ng mata ko ang grupo nila Kian pero wala ang lalaki duon
Nandun din si Ella na kaklase namin. Ang alam ko'y same school din sila ng pinanggalingan pero hindi sila magkakilala noon. Napunta naman sa iba ang tingin ko. He's...umm Justin I think? Di ko maalala pero yun ang pagkakaalam ko
Halos magkanda-buhol buhol naman yung mga bulate ko sa tiyan nang mahuli niya akong nakatingin sa kaniya
Nakakahiya!
May kung anong naramdaman din akong kakaiba sa tiyan ko kaya nag-iwas nalang ako ng paningin ko sa kaniya
Kinuha ko yung fries at burger para ma-divert sa iba ang atensyon ko dahil hindi pa din ako makagalaw ng maayos dahil sa panginginig ko
"Are you okay Celes?" Chan asked me habang nakakunot ang kaniyang noo at nakatingin sa kamay kong may hawak na isang pirasong fries at sa kabila naman ay ang burger na kinuha ko
"O-Of course" I answered uneasy. Shit! Why did I stuttered?
"I see" She said at napalingon din sa table nila Kian at nakita namin ni Shane ang pag-kunot ng noo nito
"Why Chan?"
Bumalik agad ang tingin ni Chan sa amin "Nothing" She answered then carefully poured the water into her glass.
Hindi ko nalang sila pinansin at inubos nalang itong pagkaing kinuha ko at uminom nalang din ng coke na nakahanda din sa harap namin
"Kyaahhh ayan na siya!!"
"Ang gwapo niya sheeet kahit mukhang haggard na haggard na"
"Oh my geee, mukhang good mood na good mood siya, look!!"
"Girls! Kailangan ko pa bang magretouch? Look at me guys? Maganda pa din ba ako?"
"Waaa basta akin si fafa Oliver"
"Kyaaahhhhh si bebe Justin ang sa akin"
"Hoy bakla, sa akin si Justin"
"No! Sayo nalang si Mr Silent type" Tska sila nagtawanan. Dinig na dinig ko ang tilian ng mga babaeng iyon sa kabilang table dahil sa lakas niyon kaya nilingon ko naman kung sino ang tinutukoy nila at nakita ko si Kian na umupo sa tabi ni Ella habang nakangiti pa din
Wala na ding bakas na bubble gum sa pants niya dahil nagpalit yata siya bago mag umpisa ang ikalawang klase kanina. Magulo pa ang kaniyang buhok na mas lalong nagpagwapo sa kaniya
Nilingon ko naman si Chan at naabutan ko siyang umiirap sa kawalan kaya napalingon ulit ako sa table nila Kian at pakiramdam ko ay may nakatitig sa akin kaya napalingon ako kung nasaan hanggang sa matuon ang paningin ko sa taong iyon. J-Justin?
°
Nathalie Chanell's Point Of View
I was already in my proper sit at hinihintay nalang namin yung pagpasok ng teacher namin sa Organization and Management na si Miss Abby Dela Cruz
Nagsalpak nalang ako ng earbuds nung dumating na siya dahil wala talaga akong mood na makinig sa kahit na sino man sa kanila. Isa pa, boses palang ng isang 'to nakakabored na. Nagfocus nalang ako sa papakinggan kong music nung nagstart na ang isang pamilyar na kanta
♪♪Sabi nila, balang araw darating
Ang iyong tanging hinihiling♪♪
GODDAMN IT!
Ano bang kanta ulit 'to? I think ito yung nauuso ngayon dahil yata sa palabas sa cinema nito lang
At anong hinihiling? Hello? Wala na akong kailangang hilingin dahil nasa akin naman na lahat!
Goodness! Napaparanoid na yata ako. Tinatamad naman akong kunin iyong cellphone ko sa aking bulsa para palitan ng iba, kaya hinayaan ko nalang iyon at tinuloy ko nalang ang pakikinig duon kahit na nakakainis yung mga linya ng kanta
♪♪At nong dumating, ang aking panalangin ay hindi na maikubli. Ang pag-asang nahanap ko sayong mga mata. At Ang takot kong sakali ma'y ika'y mawawala♪
♪♪At ngayon, nandyan kana. Di mapaliwanag ang nadarama—♪♪
"Miss Buenaventura" Narinig kong tawag sa akin ni Miss Dela Cruz kaya inalis ko muna yung nakasalpak sa tainga ko bago ko siya binalingan ng tingin
Hindi naman kasi ganun kalakas ang tunog nito dahil hindi ko ito sinagad kaya narinig ko pa rin ang pagtawag niya
"You're not listening, please read this" Tinuro niya yung nasa screen and halos lumuwa ang mga mata ko dahil sa gusto niya. What the fucking hell? What year am I?
Kung hindi lang talaga siya mabait ay baka nabulyawan ko na ito dahil sa kaniyang inuutos. But I have no choice kaya babasahin ko nalang, inilapag ko ang hawak kong earbuds sa desk bago tumayo para basahin ito
"Matrix business organization are those whi—" I stop because I heard someone's laughing. Tinignan ko ito pero nagsalita si Miss Dela Cruz na ituloy ko na kaya pinagpatuloy ko nalang siya at binalewala ang narinig
"Which assign experts or specialist belongi—" I stopped again and this time nilingon ko na agad kung sino ito at napansin kong halos lahat sila ay tumatawa maski sina Shane at Celes
The fuck! Ano bang problema nila?!!. "Why are you guys laughing?" I asked, annoyed. They bowed their heads including my two fucking friends tsaka palang nagsalita si Miss Dela Cruz para patigilin sila
"Students!! Respect the one who's talking, wag niyong sabayan at bakit ba kayo tumatawa?" Tanong nito ngunit walang nagsalita but one of my classmate raised her right hand
"Okay Miss Santiago, what is it?" Tanong ni Miss Abby. Santiago? Ah the fierce one "Miss, w-we are laughing because Queen Nathalie—umm, there's a bubble gum on her skirt"
My eyes becomes wider as I heard her statement "Whattttt????" Bigla kong hinablot ang bag ko sa upuan para lumabas at dumeretso pumuntang locker
DAMN YOU KIAN!!!
I know it's you! Alam kong gumanti siya sa akin dahil sa ginawa ko. Oh my goodness!! I was embarrassed!!!
"Humanda ka sa aking lalaki kaaaaa!!" I yelled. Wala na akong paki-alam sa mga makakarinig basta dumiretso nalang ako sa locker para makapagpalit
Nang matapos at makapag-retouch ay dumiretso ako sa soccer field dahil walang masyadong napapagawi duon lalo na pag walang game o event. Umupo ako sa isang bench don sa gilid at nag-isip kung anong klaseng ganti ang gagawin ko. Hinding-hindi ko siya titigilan lalong-lalo na't ginalit niya ako
Dapat mas mabigat ito para naman makaganti talaga ako ng maayos sa kaniya. After thinking, I texted Shane.
Compose Message
To: Shanie
After that fucking freaking class, come with me and bring Celes too here sa soccer field. ASAP!
Message sent! 9:23 AM
Hinintay ko ang reply niya at dalawang minuto pa ang nakalipas bago ako makatanggap nito
~One message received~
From: Shanie
"Yeah 10 mins. What's your plan?"
Received! 9:25 AM
To: Shanie
"Basta come here nalang I'll discuss about it"
Message sent! 9:26 AM
Naghintay ako ng ilang minuto at nandito na nga si Shane. Wala si Celes dahil may pinuntahan daw saglit kaya naman kahit nakakaasar ay naghintay pa kami hanggang sa natanaw na nga namin si Celes papalapit sa kinaroroonan namin
"What took you so long?" Tanong ko dito dahil kakarating lang talaga niya
Umiling ito sabay sagot "Nothing" Nairita naman ako ng bahagya pero hinayaan ko nalang at in-explain ko na sa kanila kung anong klaseng revenge ang gagawin ko ngunit umangal silang dalawa sa planong iyon, masyado daw kasing agaw-pansin ngunit sa huli ay nakumbinsi ko rin sila ngunit halata namang napipilitan lang sila.
I can do it on my own, all alone. Sinasali ko lang sila para hindi naman masyadong boring ang revenge ko because the more the merrier but I can't change their minds so I'll let them basta huwag lang nilang masira-sira ang plano ko
Boring na nga kasi yung experience ko sa taong yun, boring pa siya mismo kaya nakakawalang-gana, so I'll make something fun to ease my boredom
—°—
END OF CHAPTER 7!
Song: Ikaw at Ako
By: Moira Dela Torre and Jason
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top