Chapter 46
Ella's Point Of View
"Pasok na po kami ni Elly, Ma" Paalam ko nung makita ko ito sa living room, nagbabasa.
Tumingin ito sa akin at tsaka ako ngitian. Ganun din ang ginawa niya kay Elly na kumukuha na naman ng toasted bread sa kusina
Lumingon ako sa paligid at wala na akong ibang makita bukod kay Mama at sa mga kasambahay "Asan po si Mommy, Ma?" Nagtataka kong tanong
"Nasa garden anak, nagdidilig yata" Sagot nito kaya nagpaalam ako at nagtungo sa lugar na sinabi ni Mama
"Ash! Ash!! Bilisan mo, male-late na tayo!!!" Sigaw ni Elly mula sa kusina habang papunta ako sa gilid ng aming bahay upang magpaalam kay Mommy
Dali-dali akong tumakbo patungo sa garden dahil sa sinabi ni Elly "Mommy! Mom, pasok na po kami" Dali-dali kong tugon nang makita kong inaayos nito ang hawak na hose
"Okay, take care anak" Aniya at bigla nalang akong tumakbo palapit kay Elly at sumakay na sa sasakyan, habang ang aming family driver ang nagmamaneho
Naging maingay ang biyahe namin dahil sadyang kay daldal ng aking kapatid. Masaya ako dahil pagkatapos nang mahigit limang buwan ay naging maayos din ang lahat. Napagamot siya na ako lang ang meron sa tabi niya. She has a bipolar disorder at sa sinabi ng kaniyang psychiatrist ay nakatulong daw ako sa agarang paggaling niya. Mahirap dahil nangangapa pa ako, tinulungan ako ni Tita Beatrice na ipagamot siya sa ibang bansa na lingid sa kaalaman ng lahat
Silang dalawa ni Tito Alexis ang tumulong sa akin upang ipagamot siya sa ibang bansa. Nakakulong palang noon si Mommy at Daddy at galit na galit pa din ako sa pamilyang Buenaventura ngunit noong sinabi nila na kung gusto kong mas mapadali ang paggaling niya, ipagpapaliban ko muna ang galit na mayroon ako patungkol sa kanila. Sa loob ng ilang buwan na iyon ay okay na siya...at dahil iyon sa tulong ng pamilya nila Natalya
Napakalaki ng utang na loob ko sa kanila. Binigyan nila ng pangalawang pagkakataon ang aking mga magulang para mabuhay ng payapa.
Habang nasa states kami ni Elly, hindi kami nakaligtaang kamustahin ni Tita lalo na ang kalagayan ni Elly. Lahat ng kabutihang ginawa nila sa amin ay isa pa ding lihim na ayaw nilang ipabatid. Okay na daw na nakatulong sila. Okay na daw na nakikita nilang masaya ang dating kaibigan nila, at doon ako humanga ng husto sa pamilya nila
Wala akong maiipintas maliban nalang sa ugali ng anak nila na hanggang ngayon ay masamang ugali pa din ang ipinapakita
I don't know about her condition. Hindi ko alam if she fully remember everything. Madami pa naman daw nangyari sa kaniya bago niya kami makilala base kay Tita kaya hindi ko alam kung alam niya na ang tungkol kay Kian, sa mortal niyang kaaway na ngayon ay parang hindi na mapaghihiwalay
I smiled bitterly. We're siblings at nakakasuka kung iisiping may gusto ako sa kaniya, hindi ba? Tao din ako, nagkakamali at isa iyon sa pagkakamali ko. At least I'm already okay. Actually, I already have Jasf as my suitor and he never failed to make me happy
He was the reason why I am okay and fully moved on. My feelings for him is different to Kian's back then because I know, that loved was normal and this...this is the real one, no doubts and hindrance
Kian is not staying in one roof with us since that day. He already moved out to his condo unit, so we just see each other kapag bumibisita siya. Usually, if we're not all around
We already forgive him for doing that to our parents but he's still not comfortable with our presence. We just let him live alone but Dad and Mom still supporting his needs even if he's refusing our help
We arrived in school at exactly seven thirty in the morning so we're still late dahil matagal na lakaran pa ang tatahakin namin dahil talaga namang nasa dulo ang building namin
Decorations everywhere are so cute. Some couples are flirting. Habang ang iba namang lalaki sa hindi kalayuan ay may hawak na isang bugkos ng rosas para sa kanilang minamahal
Elly groaned in annoyance when she saw one of the couple kissing because of the man surprise "What an eyesore!! Ash, faster!!" She said, still annoyed. Napakabitter naman ng kakambal ko hahaha.
Today is Valentine's day kaya naman kahit maaga pa ay talaga namang hindi nagpaawat ang karamihan sa pagsurpresa sa kanilang kasintahan. Half-day lang kami ngayong araw and exactly eight o'clock, magsisimula na ang kasiyahan para sa okasyong ito. Binigay sa amin ang kalahating araw para makapaghanda kaya naman halos lahat ay masaya
Jasf will be my partner tonight. Hindi ko lang alam kay Elly kung sino because she said, it's her surprise. I'm excited because truth to be told, no one wants to be her friend because of her condition na okay naman na ngayon. Natatakot sila na baka bumalik daw ito kaya naman wala siyang kaibigan bukod sa akin
I'm always with her. During break, lunch at kapag parehas ang time ng vacant namin. Ilag pa din si Kian sa akin kahit nasa iisang silid lang naman kami kaya hinahayaan ko nalang
Pagkapasok ko sa classroom, nahihiya akong bumati kay Miss Agatha dahil nahuli ako sa kaniyang klaseng ng sampung minuto. Masyado kasing naaliw ang mata ko sa dekorasyong nakita at sa mabagal ding paglalakad na ginawa namin ni Elly kaya ganun nalang katagal bago ako nakarating. Umupo ako sa tabi ni Brena na siya nang aking seatmate ngayon.
Do you still remember Brena? The one I asked about Natalya's whereabouts?
While discussing, my mind keeps on thinking about what will happen tonight. Nakabili na kami ng susuotin namin mamaya para sa celebration and I'm kinda nervous if I wear that kind of dress. Hindi kasi ako sanay magsuot ng ganong klaseng damit lalo na't kitang-kita ang kabuuan ng likod ko
Hindi ako ang pumili nung damit na iyon dahil pakana iyon ni Elly, Mommy at maging si Mama. Maganda siya sa totoo lang pero hindi iyon para sa akin gaya ng paliwanag nila pero pinilit pa din nila akong iyon ang isuot dahil bagay daw iyon sa akin
Hindi na nakapaghintay ang lahat lalo na ngayong lunch time na. Sabi ni Elly, sa mall na daw kami magla-lunch with Mama and Mommy dahil mamimili pa daw kami ng jewelries pang partner sa susuotin namin tonight.
Inaayos ko na ang gamit ko palabas ngunit nagulat ako nung nakita kong nandun sila Natalya together with Celes and Shane
"Why so haggard?" She said, looking at me from head to toe. Ano na naman ba ito? Wala na't maalala, ako pa din talaga ang trip ano?
Akmang lalagpasan ko na ito nang hablutin niya ang kamay ko. Her friends was usual. They didn't do anything to make her stop
"We're still talking. Don't you dare turned your back to me!" She said, annoyed by my movement. My brows creased and I just shook my head trying to avoid fights with her
"Why do you care about my looks?" I said flatly. Trying to be nice because, all in all, she was still Tita Beatrice's daughter that I owed a lot
"Because it's irksome to see your ugly face everyday"
"And so?" I said. Still gripping my patience
"You think, you're glowing? Oh girl, you're not glowing. You're just oily" She said then burst out laughing like she said something funny. Does she find it fun for her to laugh her ass that loud?
What's the matter if I'm oily? I didn't get why she have to say that. I was about to walk away when I heard my sister's voice. A meter away from us
"It's better to be oily than crawling just to get back her memory. Limit your words in insulting others, because sometimes the words you are using to insult them is the best word to describe you" That's my twin and I can't contain myself but to laugh.
What a savage!
Natalya's face could no longer be painted
"Argh! The girl with a bipolar disorder have the guts to excoriate me!" She said making my neck stiffened a bit. That was below the belt. But Elly's word was also personal so let's call it a quits
I moved away from Natalya and go to my twin. I pulled her hands kasi baka mapaaway pa siya ng wala sa oras and I don't want that to happen because she needs her beauty rest just like what she said yesterday for tonight's party
"What a freak twins!!" She yelled at napahinto naman si Elly dahil sa narinig
"What a stinkard Queen!" She yelled back before walking out in the corridor
I shook my head in disbelief but my eyes lifted when I saw him approaching. Napahinto si Elly at bahagya pang umirap nang makita ang reaksyon ko
"Fool Inlove huh?" She teased before leaving me behind.
"Jasf..." I whispered.
He smiled at me na agad na nakapagpatunaw ng aking puso. Yes, he's also studying here in BRIA. Grade 12, STEM student. Graduating na siya this year kaya naman nakakalungkot dahil he will become more busy next school year
"What happened to Questly's face?" He asked, looking back kung nasaan ang aking kapatid na nakabusangot pa rin ang mukha
"Trouble" I lazily said.
"Where are you going for lunch? Home?" He asked ngunit umiling lang ako. Nauna nang naglakad sa amin si Elly giving us our privacy
"Nope. Sa mall na daw kami magla-lunch together with my Moms" I said, half explaining.
"Is that so?" He said nung makarating na kami sa parking lot ng aming eskwelahan. Our chauffeur was already there at nauna na ding pumasok si Elly sa sasakyan
"I'll pick you up then later. I know, you'll be the most beautiful girl in that party" He winked at me. Parang nagkanda buhol-buhol ang sistema ko dahil sa kaniyang sinabi. Hanggang sa makarating tuloy sa mall ay hindi ko mapigilang mangiti. Pinupuna na nga ulit ito ni Mama
"Aba'y kanina ka pa ngiting-ngiti anak ah? May maganda bang nangyari sayo ngayong araw?" Aniya. Akmang sasagot ako ng 'oo' nang biglang sumabat si Elly
"Anong maganda, wala naman pong magandang nangyari lalo na kung kasama ang babaeng yun sa araw namin" Naiinis pa ding tugon niya. Nangunot ang noo ni Mama pero hindi na nagawang mang-usisa pa
Kumain kami sa isang mamahaling restaurant na siyang pinili ni Mommy. Fast food nga ang sinuggest ko para makatipid but she refused kaya hinayaan ko nalang sila
Pumunta kami sa isang sikat na stall ng mga alahas after eating our lunch at halos umatras ang paa ko ng kusa nang makita ko ang tumataginting nitong presyo
Plain necklace but it cost thirty thousand, really??
Mawawalan yata ako ng ulirat dahil sa presyo ng mga iyon ngunit parang wala lang siya kay Mommy. Hindi ako nahihiyang umamin ngayon dahil hindi naman lingid sa kaalaman ko na ngayon palang ulit nagiging matunog ang pangalan ng kompanya namin simula nung mangyari iyon kay Mommy at Daddy. Madaming nagpull-out ng shares and anything kaya ngayong lumalago na ulit ang business nila Daddy ay nakakapunta na kami sa ganitong lugar na nakakapanluwa pala talaga ng mata
Ang bigat naman masyado 'to sa bulsa!
"Mommy, hindi nalang po ako gagamit niyang mga yan. Okay na po ako sa binigay niyong bracelet sa amin ni Elly nuon" Turo ko sa suot kong mamahaling pulseras.
Napalingon ito sa akin at nginitian ako. "No, it's okay darling. Just point your finger kung anong magustuhan mo, okay?" She said giving me an reassuring smile pero napangiwi lang ako dahil dun
Umiling-iling ako sa loob ko at buo na ang loob na hindi ako magpapabili ng kung ano at wala nga silang nagawa kundi bilhan nalang ako ng hikaw pampares sa damit ko kahit ilang beses kong sinabi sa kanilang huwag na
Alas dos ng hapon nang mapagpasyahan naming umuwi na para makapaghanda. I looked at my dress in my room at kung saan-saang planeta na naman napunta ang isip ko kung sakaling ito ang isuot ko
Bandang alas kuwatro nang dumating ang make-up artist na kinuha ni Mommy para sa gabing ito. Nakaligo na ako at handa na para ayusan nila
Magkatabi kami ni Elly ngayon sa loob ng kwarto ko habang bino-blow dry ang buhok naming pareho nang biglang dumada ang baklang mag aayos sa amin
"Mabilis lang 'to at hinding-hindi kami mahihirapan dahil natural naman na ang ganda niyo. Gagawin lang naming mas catchy ang ayos niyo and then pak!! Kabog silang lahat" Sabi nito at sabay kaming natawa dahil gumawa pa talaga ito ng sound, slapping his butt para sa word na 'pak'
Napailing nalang ako at halos makatulugan ko pa iyon dahil sa dami ng ginawa nila sa buhok, mukha at maging sa kuko ko. When I woke up, I saw my nails and it was painted with color lavander just like the color of my dress. Siguro, tinanong na nila iyon kay Mama or kay Mommy dahil tulog ako
Nilingon ko si Elly na tuwang-tuwa sa kuko niyang itim ang nakapinta. Nalukot ang noo ko dahil dun
"Bakit itim?" Tanong ko dito. Hindi kaya sila Mama din ang may pakana nito kaya ganun ang kulay ng kaniyang kuko?
"Hello? It was so cool kaya" She answered kaya umiling nalang ako dahil sa trip niya.
Tinapos nila ang make up ko at halos mamangha ako dahil sa galing nila. Napakasimple pero napakaganda niyon sa mukha. Maaliwalas tignan at hindi ka magmumukhang clown. Kinulot nila ang hanggang balikat kong buhok at tapos na. Kulang nalang ay ang aking damit at sapin sa paa para okay na
I waited my twin to finish her tied bun hair before facing my dress. I gulped nuong maalala ko ang itsura nito nuong isinukat ko iyon nuon
Relax Ella, everything will be fine!
We both touched our dress at tsaka kami iniwan nung mga nag ayos sa amin para makapagbihis. Nanginginig kong hinawakan ang aking roba at pumunta sa closet upang doon magbihis. Dahan-dahan kong isinuot ang aking damit
It is maxi sleeveless high neck beaded jersey lavander dress. Expose na expose ang likod kapag naisuot ko na ito kaya naman halos manginig ang mga kamay ko nang maisuot ko ito. Sa totoo lang, maganda talaga iyon pero hindi iyon nababagay sa akin upang isuot dahil hindi talaga ako sanay ngunit ayaw kong mapahiya kay Jasf ngayong gabi lalo na't napakaganda ng kaniyang sinabi kanina bago kami umalis
Lumabas ako ng closet at nakita ko pang umiikot si Elly sa harap ng salamin. Nangunot ang mukha ko at pinandilatan siya ng mata nang makita ko ang kabuuan niya
Really? All black for Valentine's day?
"What the hell was that?" Tugon ko habang hindi pa rin makapaniwala dahil sa itsura niya. I'm already aware na black ang dress niya pero hindi ko naman inakalang all black talaga
She's wearing a plain black formal long trumpet party sleeveless sassy gown paired with her black stilleto and her nails were black too. Her eyelids due to the make up and she looks so fierce because of that. She's also wearing her favorite black pearl earrings paired with her silver necklace that has also black pearl pendant there.
And just like what I've said, her hair was tied in a bun. Can't you imagine? Yes, that was so cool but not with a event like this. How bitter she is for wearing those. Kulang nalang ay mag black lipstick na siya para perpektong-perpekto sa costume pang halloween.
I sighed, buti nalang talaga at gloss lang ang ipinalagay niya kaya may isa pa ding okay sa kabuuan niya
While I was wearing my silver crossover style high heels paired with my lavander backless dress. I was really kinda conscious by my outfit
"Ash, this is the real outfit for that celebration, yah know!" Maarteng aniya habang pinagmamasdan ang kaniyang kamay na kaka-manicure. Umismid nalang ako dahil sa kaniyang reaksyon
Pagkalabas namin ng kwarto ay siya din sanang pasok nina Mommy at Mama ngunit nakalabas na kami bago pa nila mapihit ang pinto
"Oh my gosh! Hella gorgeous" Tili ni Mommy nang makita ang kabuuan naming dalawa. Ilang minutong ganun ang nangyari nang bigla niyang sabihing may naghihintay na sa akin sa labas kanina pa
Nanlaki ang mga mata ko nang sabihin ni Mama na si Jasf na iyon. Nakakahiya! Pinaghintay ko pala siya.
Ngunit napatigil din ako nang may ma-realized "Teka, where's your date Elly?" Tanong ko ngunit halos mamula ang mukha ko dahil sa hiya nung ma-proseso ang salitang ginamit ko
Date!
Agad akong umiling-iling at agad na binawi ito "I m-mean your pa-partner for tonight" Bawi ko ngunit ngumiti lang ang mga ito ng nakakaloko
Bakit ko nga ba nasabi iyon? Baka isipin nilang date ko nga si Jasf ngayon kahit magiging kapareha lang naman kami ngayong gabing ito
"I'll go get some grab" Aniya at nagpaalam na. Napaawang ang labi ko dahil dun. Hindi siya susunduin?
"W-Wait, wait!!" Pigil ko nang makabalik ako sa sarili "Pupuwede kang sumabay sa amin ni Jasf papunta. No need to book a vehicle for you to attend the party kasi okay lang naman kung sabay na tayong tatlong pumunta plus we have family car" Pangungumbinsi ko
Ilang minuto pa siyang humindi ngunit napilit ko din siya. Ang rason nito'y baka daw makasira siya sa get alone 'daw' naming dalawa ni Jasf. Pagkalabas namin ng bahay ni Elly together with Mamy ay namataan ko na agad ang magarang sasakyan ni Jasf sa harap na siyang nakasandal ngayon sa kaniyang sasakyan habang hawak ang isang bugkos ng pulang rosas, paper bags at tsokolate
Agad na umakyat ang dugo ko papunta sa pisngi dahil sa hindi paipaliwanag na pakiramdam lalo na nung inabot niya ito sa akin sa harap nila Mama
"For the beautiful lady in front of me" Tugon pa niya habang inaabot sa akin ang mabangong rosas at maging ang kaniyang regalo.
"Please, get the smallest one and open it" Tukoy niya sa maliit na paper bag. Nangunot ang noo ko nung makita kong pulang pahabang kahita ang laman niyon. Tumingin ako sa kaniya ngunit nginitian lang niya ako urging me to open it kahit na may hinala na ako kung ano yun base pa lamang sa paper bag nito
Pagbukas ko, umawang ang labi ko nung makita ko ang isang silver necklace na nay bilog na pendant sa gitna. Simple ngunit napakaganda niyon. Nagulat pa ako nung kinuha niya ito sa kamay ko at maingat na hinawi ang buhok upang maisuot iyon. I was speechless! Damn speechless!
Mayroon na akong suot na necklace pero parang naging two layered ang dating noong inilagay niya iyon sa akin!
After that, dali-dali niyang binuksan ang kaniyang sasakyan nung mailagay niya na iyon sa akin ng maayos at nang pag balik niya ay may hawak na muli siyang isang bugkos ng rosas at iniabot ito kay Elly, sumunod kay Mama at Mommy
Parang mas lalong umusbong ang paghanga ko sa kaniya habang tinitignan ko siya. Para ding may mga kabayong naghahabulan sa loob-loob ko dahil sa magandang pakiramdam na iyon.
Hindi nagtagal ay nakarating na din kami sa venue, gymnasium. Napakagandang disenyo at ilaw ang nakasabit kung saan-saan. Elegante at maganda sa paningin ang bawat disenyong aking nakikita
Mga naggagandahan at naggagwapuhang estudyante ng BRIA ay halatang masaya sa kanilang ginagawa. Malapit nang magsimula ang party ngunit hindi pa din pumapasok si Elly. Ang sabi niya ay may hihintayin lang daw siya bago siya susunod kaya hinayaan ko nalang. Iginiya ako ni Jasf sa pang dalawahang upuan at hindi pa man kami nakakaupo ay ang dami nang lumapit sa kaniya. Mapa-lalaki man o babae kaya hindi ko napigilan ang sarili kong punain iyon dahil na din sa inggit
"Masyado kang papular upang aking maging kapareha. Nakakahiya" Tugon ko at yumuko ngunit hindi ko manlang siya narinig na magsalita pagkatapos kong sabihin iyon kaya naman agad akong nag-angat ng tingin sa kaniya at biglang kumabog nang malakas ang puso ko nung mahuli ko ang kaniyang tingin sa aking mukha
"You're so beautiful, Ella" He said making me blush like a tomato. Saktong may dumaang waiter na nagse-serve ng drinks kaya hindi ko na napigilan pang kumuha duon. Ngunit agad akong natauhan nung malunon ko ang matapang na alak na dumaloy sa aking lalamunan
He chuckled at my sudden move "That was tequila" He said making me more blush dahil sa katangahang ginawa ko
"Just give her orange juice or water will do" Aniya sa waiter at bigla naman itong naglapag ng tubig sa aking harap tsaka kami tinalikuran matapos magpaalam. Agad kong nilagok ang tubig na iyon dahil parang gumuhit sa aking lalamunan ang ininom kong alak kaya parang nahimasmasan naman ako dahil duon
"You're g-good at joking" I commented but he just shook his head. Not agree with my statement. Well, that's what I interpreted.
"I'm not-"
"Oh, hey Jasf!" A loud and bitch voice coming at the back gave me chill through my veins especially when I heard his voice calling his girl
"Hello, Nathalie. You look so fabulous" Jasf commented. Parang yung magagandang sinabi niya sa akin kanina ay nawala. Beautiful? Fabulous? What's the best among them?
I creased my brows trying to get off that thoughts in my mind. Why the hell I'm comparing those words?
"Who's your...Oh!!!" She stopped when she finally see me.
"You're with Kian's ex girlfriend huh?" She mentioned kaya biglang akong napairap. Yeah right, we had a relationship but a big incest even though yung feelings namin hindi naging totoo, we still had a relationship!
"Anyways, nice outfit and hairstyle. I didn't notice you" She said to me without sarcasm "But, I'm still prettier than you" She added. I knew it!
"Who said that?" My twin's voice boomed in our conversation. She turned her head together with her body when she heard that too
"You again? And what a freaking witch! You look like a bankrupt zombie" Aniya at pinasadahan pa niya ito ng tingin pababa at pabalik pataas. What a certified bitch. From head to toe then reversed?
"You know what? The last time I saw someone like you, I flushed it. Especially now, when there's a girl looking miserable by her outfit in a party like this" Dagdag ni Natalya habang ang dalawang lalaki ay walang imik at matamang nakikinig sa sagutan ng dalawa. Hindi pa din ako lumilingon kila Natalya kaya hindi ko pa nasasaksihan ang away nang dalawa
"Oh really?" That was my twin.
"Speechless? Well yeah. Where are you from by the way? China?" Tanong ni Natalya kaya nangunot ang noo ko. Elly's about to answer when Natalya spoke first making my jaw dropped
"That even your birthplace, China. Denied they made you"
Ngunit madami atang baon ang kapatid ko para sa ganitong sagutan kaya napaharap nalang ako sa kanila and I was stunned when I saw someone behind my twin
"Oh, you're so sayang. Too bad you can't photoshop your ugly personality" Bara din ng kapatid ko pero nakatuon pa din talaga sa likod niya ang paningin ko
"Natalya. Stop it, let's go away" His baritone voice echoed in my ears but his next words to me and to my twin was really unbelievable.
"Ella, Questly. Go home early. Jasf and Ejan will drive you two home safely. Don't be a drunkard. Let's go all out tomorrow" Anito. Maging si Elly na parang shotgun ang bunganga ay napahinto.
That was the first time!
That was the freaking first time he talk to us after how many months!!
Everything is already fine! From Questly's condition. From my parents issue. And also, about Kian being snobbish. There's no for me to wish something dahil wala na talaga akong hihingilin pa kundi ang maging maayos lang lahat. I don't want fights anymore.
I already moved on! I'm okay! I want to be tough. I don't want to get back to the old Ella. I want it to be Ashley now, unlike before.
It was laughtrip because all those fights and pain is all worth it in the end
Your past does not define you. It just molded you into the person that you are now. Today, however it may go, is not the be all and end all of your existence. You still have tomorrow to grow. Hold on to hope; it's always there. Days only become meaningful when you face them with much optimism.
Learn to forgive yourself for all your shortcomings. Let go of all that's weighing you down. When you finally learn to accept yourself as a whole, you begin to experience what life has to offer fully. Take this time to reflect. Forgive yourself for what you did before because someday, it's all make sense
I am Ella Ashley Asuncion, the last born of Asuncion's now signing off!
—°—
END OF CHAPTER 46!
If you want to see their outfits, look at the inline comment section below para makita niyo yung suot nilang tatlo
√Link (Inline Comment)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top