Chapter 45
Ella's Point Of View
"Mommy? Mom!! No, don't take them away from meeeee!!!"
Parang akong isang bangkay na biglang tumayo sa itsura ko. Dali-dali akong dinaluhan ni Mama at Papa sa kinaroroonan ko
Nanaginip lang ba ako?
What happened? Everything felts surreal pero bakit ako nakahiga ngayon sa kwarto ko kung totoo lahat ng iyon?
"Anak, anong nararamdaman mo? Okay ka lang ba? May masakit ba sayo? Sabihin mo sa akin anak" Alalang tanong sa akin ni Mama kaya naman bigla ko siyang tinignan ngunit napukaw ng paningin ko ang kwartong kinaroroonan ko
Sinulyapan ko pa ang damit ko at naka-patients gown ako? What the fuck?
"Mama, anong nangyari? Bakit ako nandito?" Nagtataka talagang tanong ko. Litong-lito ako pero hindi ko maipag-kakaila ang mabigat na pakiramdam na nasa dibdib ko
Biglang pumasok sa akin yung n-napaginipan ko pero hindi eh! Lahat ay parang totoo kaya hindi iyon pwedeng maging panaginip, ngunit paano ko maipapaliwanag sa sarili ko kung bakit ako nandirito?
"Anak, wag mo munang stressin yang sarili mo, magpahinga ka muna o kumain para lumakas ka" Sabi ni Mama pero parang lumabas at pasok lang iyon sa tainga ko dahil pilit kong inaalala kung panaginip lang ba yun o totoo
Hinahagilap ko din sa isipin ko kung paano ako napunta dito at halos manlamig ako nung maalala iyon
I fainted?
What the hell? Agad kong hinalukay sa isip ko lahat ng nangyari sa mansyon nila Natalya at parang paulit-ulit na sinaksak ang puso ko nung maalala ko lahat
Ang hindi ko lang alam ay kung bakit ako nawalan ng malay pero hindi ko na iyon inalala dahil kailangan ako ni Tita—ni Mommy? Lahat ng blurred na nagfa-flashback sa isip ko nito lang ay totoo pala. May babae akong tinawag na sa panaginip ko. Napasabunot nalang ako sa buhok ko dahil sa nangyayari
Agad na nataranta si Mama at Papa dahil sa ganoong reaksyon ko. Lahat ng sinabi nila Mama tungkol sa totoong mga magulang ko ay bumalik sa isip ko maging nung nakita ko si Titang dumalaw sa bahay kahapon nung pagkadating ko galing sa hospital
May namuong galit sa puso ko ngunit hindi ko mailabas iyon dahil sa sobrang pag-aalalang nakikita ko sa kanilang mukha ngayon
Pero hindi humupa ang galit na nakapaskil sa mukha ko dahil yun talaga ang nararamdaman ko. Bakit sila nagsinungaling sa akin? Ano ba talagang nangyari at bakit naging ganito ang lahat? Bakit ako napunta sa kanila? Bakit ako napalayo sa totoong mga magulang ko? Bakit at paanong hindi kilala ni Kian si Questly bilang kapatid? Bakit? Paano nangyari ang lahat ng ito?
Biglang napahinto si Mama sa paglapit sa akin nung makita ang galit ko sa aking mukha. Tila natatakot siyang lapitan ako baka kasi sumbatan ko lang siya pero higit pa dun ang nararamdaman ko
Alam kong wala akong karapatan na sumbatan, sigawan at saktan sila dahil kapag nangyari iyon, wala din akong pinagkaiba kay Kian
Sinabihan ko siyang ahas dahil manunuklaw din siya sa huli despite all the sacrifices his parents' did to him. At wala akong pinagkaiba sa kaniya kapag ginawa ko iyon sa tumayong magulang sa akin na kailanma'y hindi ako pinakitaan ng masama ngunit nagsinungaling sila. Pinagkaitan nila ako ng katotohanan. Pinagkaitan nila akong makilala ang tunay kong pamilya. Pinagkaitan nila akong maramdaman ang yakap ng aking tunay na ina at ama. Pinagkaitan nila akong makasama at makilala ng lubos ang mga kapatid ko kaya paanong hindi magngi-ngitngit ang kalooban ko kung ang ilang bagay na iyon ay tinutusok na ang puso ko?
"A-Anak? May masakit ba sayo?" Nag-aalangang tanong ni Papa. At parang isa iyong gatilyo na nagpakawala ng luhang pinipigilan ko. Nataranta sila at biglang nagtawag ng nars. Lumapit ito sa akin pero tinignan ko lang siya
"I'm okay" Matigas na sabi ko sa nars na akmang ite-tsek ako kaya naman doktor na ang pinatawag nila Mama
Hinayaan ko nalang ito sa kung ano-anong ginawa at tinanong niya pero hindi tumila ang pag-agos ng luha ko sa mukha dahil ang ilang alaala ko nung aking kabataan kasama sila ay mas lalong nagpapausbong ng galit sa akin sa tumayong mga magulang ko
Kung ganung edad ay magkakasama pa kami? Kailan ako napunta kila Mama? At bakit?
Sinabi ng doktor sa akin na magpahinga dahil stress lamang ako at tsaka ito lumabas kasama nina Mama at Papa ngunit narinig ko pa ang sinabi ng doktor bago magsara ang pinto
"She's just stress that's why she fainted Mister and Misis kaya hanggang maari ho ay iiwas niyo siya sa mga bagay na makakapagpasama ng pakiramdam niya..."
Sumunod na din ang nars sa paglabas kaya ako na lamang ang natitira dito sa loob
Stress? Malamang sa malamang because these past few days ay parang niyanig ang puso at pagkatao ko dahil sa mga nalaman ko. Hindi manlang kasi ako binigyan ng mundo para makapagpahinga at talagang sunod-sunod pa?
Napahikbi ako dahil hindi ko na alam ang gagawin ko pero agad din akong napahinto dahil naisip kong sa mga oras na ito ay nasa kulungan na sila
Bigla-biglang akong tumayo dahil sa matinding pag-aalala pero hindi pa ako nakakalapit sa pintuan ay bumukas na agad ito
"Ella, bakit ka tumayo Anak. Ang sabi ng doktor ay magpahinga ka, saan ka—"
"Aalis po ako" Pamumutol ko kay Mama.
"A-Anak, magpa—"
"Sa tingin niyo po ba magagawa ko iyon habang ang totoong magulang ko ko ay naghihirap sa kulungang iyon?" Puno ng paghihinagpis na tugon ko
"Bakit hindi niyo nalang po sinabi sa akin ang totoo? Bakit niyo po pinagkait sa akin iyon Ma?" Humakbang pa ako paatras ng makita kong humakbang ito palapit sa akin
"Ella, wag kang magsalita ng ganiyan"
"Pero totoo naman diba, Pa?" Agarang sagot ko. Hindi ako makapaniwalang pinagtutulungan nila ako ngayon
"Gusto ko pong malaman ngayon ang lahat-lahat" Tugon ko in my firm voice. Gusto ko mang malaman iyon lahat sa totoong magulang ko ay hindi ko na mapigilan pa
Masyadong sarado ang isip ko para makapag-isip pa ng tama. Magiging isang kahihiyan ako kapag patuloy ang pambabastos na ginagawa ko ngayon sa pamilyang minahal ko but I can't take it anymore. I really need to voice out my thoughts just like Tito—I mean like my biological father did t-this ni-night??
Tumingin ako sa siwang na nakikita ko at nalaglag ang panga ko nung makita kong tirik na tirik ang araw sa labas
Umaga na?
At dahil halatang walang balak na magsalita sila Mama tungkol sa mga tanong ko ay pumunta ako sa sofa at kinuha ang duffle bag na nanduon at nanguha ng aking damit. Mataman lang akong tinignan nina Mama at Papa ngunit alam kong gusto nila akong alalayan pero natatakot sila dahil sa galit sa aking mga mata
Pumasok ako sa banyo at tinanggal ang gown na suot-suot ko tska ako nagpalit ng damit
Paglabas ko ay talagang nagulat ako sa aking nadatnan. Prente itong nakaupo sa aking hinigaan at bahagyang nakasandal sa diding niyon
Anong ginagawa niya dito?
Nang lumabas ako ay bakas ang pag-aalala kina Mama at Papa lalo na nung makita ang gayak ko. Nakasuot ako ng maong jeans at plain v-neck shirt at handang-handa nang umalis pero dahil sa bisita ko ay hindi ko pa maihakbang ang paa ko palabas ng kwartong ito
Kataka-taka ang presensya niya. Luminga pa ako sa maliit na kwartong ito pero wala akong makitang kasama niya kaya naman ganun na lamang ang reaksyon ko
Ang galit na nakapaskil sa aking mukha ay nawala dahil napalitan ito ng pagtataka
"Erick, what are you doing here?" Matigas na ingles na tanong ko. Hindi ba'y sobra nga namang nakakapagtaka na ang isang katulad niya ay bibisitahin ako for what reason?
Nandito ba siya dahil sinabi ni Kian na tingnan ang kalagayan ko?
Kung ganon, pwede na siyang umalis dahil pupwede na akong manadyak ng tao
"Kung ang rason mo kaya ka naparito ay dahil pinapatignan ni Kian ang lagay ko ay makakaalis kana" Deretso kong sabi pero agad na nangunot ang noo nito sa pagtataka. Dadagdagan ko na sana iyon pero sumagot ito
"I didn't say anything, yet you assumed" He said making my jaw dropped
"And I'm sorry to boost your bubbles but you're wrong" Aniya na mas nakapagpahiya sa akin
How can he be rude like that?
I was embarrassed in front of my family because of what he said. And why the hell did I think about that? Maybe because I was really assuming. Tsk Ella, never assume unless otherwise stated
"Then why are you here?" Matamang kong sagot. Hindi ipinakita ang pagkapahiya kahit pa naipaskil agad iyon kanina pagkatapos niyang sabihin iyon
"I just want to pay a visit. Is it bad?" Inosenteng tanong nito
He's talking to me!!
Alam kong overacting but that's new! He's trying to catch up with us na hindi gaya ng dati but I really need to get out of here
"No, but thanks" I answered. It was suffocating so I stood up at nilagpasan silang lahat na parang wala akong kinausap sa kanila kahit isa. Narinig ko pa ang pagtawag sa akin ni Mama at Papa pero nagpatuloy lang ako sa paglalakad. I was preoccupied kaya hindi ako naging aware sa paligid ko kaya hindi na ako nagulat pa nung makita kong nasa likod ko banda si Erick wearing his usual bored or poker face
Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa baba. Naglakad pa ako ng ilang hakbang para maghanap ng masasakyan pero agad na may dumaang taxi at huminto iyon sa harap ko. Akmang bubuksan ko na ang pinto nang maalala kong wala akong dalang pera kaya itinaboy ko nalang ito hudyat na hindi ako sasakay sa kaniya
Wala sa sarili kong kinapa ang bulsa ko at may nahanap akong bente pesos duon. Nabuhayan ako ng loob dahil akala ko ay maglalakad ako papunta sa kung saan para makapag isip-isip
Hindi kalaunan ay may dumaang tricycle sa harapan ko kaya agad kong pinara iyon. Hindi na ako lumingon pa sa bandang likuran dahil batid kong naroon si Erick at binabantayan ang galaw ko
I don't get why he's here. Kung inutusan man siya nino, paano nilang nakumbinsi ito kung gayon? Ngunit kapag kusang loob naman talaga itong dumalaw ay para saan iyon? Is he concern? I do not know dahil hindi naman kami nag-uusap dahil sumasagot lang talaga siya kapag alam niyang importante at may sense ang tanong na iyon
Ang una't huli kong pag-uusap sa kaniya ay yung nairita ako sa pagtatanggol ni Kian kay Natalya dahil tungkol sa nakikita niya at sa inis ko ay bigla akong umalis at hindi ko inaasahang susunod sa akin si Erick dun at magsasabi ng kung ano-anong weird na bagay. And this is the second time he talked to me
The ride went on and stop when I reached our destination. I gave the twenty pesos to the driver and I started to walk freely. I found a swing nearby but the bermuda grass I was standing caught my attention. I sat there and watched those people around
They were happy, peaceful and contented. Parang walang makakasira nito maski pa ano
Nandito ako sa isang old park at masasabi kong kinakalma ako ng hanging nalalanghap ko. Masaya ako sa nakikita ko at walang hadlang para hindi ko iyon maramdaman sa ngayon ngunit parang hindi yata para sa akin ang salitang saya at payapa dahil ramdam kong may tumabi sa akin at hindi ko na dapat lingunin iyon at tignan kung sino dahil sa amoy palang nito ay alam ko na agad kung sino ito
I stayed silent as I watched the happy family not that far where I am. It consists two princess and one prince with one King and Queen. That thought reminded me of my real family
Some of my childhood days popped into my head. Akala ko dati panaginip lang ito but I was wrong because it was all true
I used to play with my brother and sister back then. Little Kian has a childhood friend makes me jealous everytime they're together
He cared that girl too much but everything has changed when the girl left with her family. Lumipat ang mga ito at wala kaming naging balita sa kanila
Kian became frustrated. He confessed to me that he likes that girl back then. Sa anim na taong gulang ay nasabi niya iyon sa akin ng walang pagaalinlangan. Umasa ito na babalik pa siya pero walang nangyari kaya kinalimutan niya ito ng lubusan
Iyon lamang ang huli kong natandaan mula sa pagkabata ko. That girl looks familiar. Hindi ko alam pero parang nakahagip na ako ng picture frame na may mukha niya. Hindi ko nga lang maalala
"I was right" Isang tinig ang pumukaw sa pagbabalik-tanaw ko. Halos makalimutan ko nang nasa likod ko lang pala si Erick
Hanggang ngayon ay palaisipan pa din sa akin kung bakit siya dumalaw at sumunod sa akin dito. Kung hindi ko lang siya kilala ay baka sabihin kong stalker ko siya pero hindi eh. Hindi kasi siya ganito since day one
"What are you talking about and why are you following me?" Nagtataka talagang tanong ko sa kaniya
"Because I think you need someone to talk to" Sagot niya na parang wala lang iyon samantalang ako ay parang bumubuo ng puzzle dahil hindi ko talaga maintindihan kung para saan at nandirito siya
"You're wrong because I re ally want to be alone" Buong tapang kong tugon. Kung ganiyang klaseng pakikitungo ang kaya niyang ibigay ay kaya ko ding ibalik sa kaniya iyon.
Biglang bumalik sa isip ko yung nangyari kagabi. Yung tungkol sa pag amin nila, pag iyak at pagkuha sa kanila. Hindi ko din alam kung paano ako napunta sa hospital kaya kailangang-kailangan ko ng kasagutan ngayon din
"Okay" Sagot niya sabay tayo. Nagdadalawang-isip pa ako kung itutuloy ko ba yung nasa isip ko o ano kaya sa huli ay pinigilan ko siya
"Stay!" Mariin ngunit nahihiyang tugon ko. Napahinto ito at unti-unting lumingon sa kinasasadlakan ko. Ganun pa rin ang ekspresyon niya at hindi talaga mawala-wala ang earphone na nakasabit sa tainga niya. Parang isa itong bagay na hindi pwedeng tanggalin sa katawan niya dahil baka ikamatay niya!
I wonder kung pati sa loob ng silid-aralan ay ganiyan ang asta niya. Hindi ko nalang alam kapag nagkataon
"What?"
"Stay!" Pag-uulit ko
"Anong nakapagpabago ng isip mo?" Agarang tanong nito. Para tuloy kaming naglalaro ng fast talk dahil sa agarang tanong na iyon
"Nothing, I just realized I need someone to talk about what happened yesterday" Walang pagaalinlangang sagot ko. I don't need to say soothing words para mag stay niya. If he don't want, then he should go
"You fainted"
"Obviously" Sarkastiko kong sagot sa kaniya. Hindi ko makita ang reaksyon niya dahil tumalikod ako sa kaniya pero alam kong usual face lang ang nakapaskil sa mukha niya
"You're stressed"
"I know!" I answered immediately
"You already know so why do you need to ask about that?" Iritadong tanong niya. Halata kasi iyon sa boses niya pero binalewala ko lang ito
"W-Where's Kian?" I asked
"I don't know, why you asked me his whereabouts?"
"Because you're friends"
"Where's Kian?" He asked back. My brows creased when he repeated my question
"I don't know, I don't even know what happened after that fainted scene" That was obvious so I rolled my eyes
"Exactly!" Sagot niya kaya mas lalong kumunot ang noo ko dahil sa dun "You asked me his whereabouts and I said, I do not know that's why I asked you the same question and you answered the same as mine" Mahabang lintaya nito. I get his point and I still can't believe he's here trying to answer my questions
"Why are you here by the way?" Pag-uulit ko sa kanina ko pang tanong kahit alam ko namang hindi nito sasagutin ng deretso
"Because I think you need someone to talk to"
What the hell? He just repeated he said earlier.
"Let's talk" Sabi ko sabay tayo
"We're already talking" Pambabara niya. Ewan ko kung pambabara ba ang tawag niyon para sa kaniya o talagang normal na iyon sa kaniya
"I mean, about yesterday" Pasensiyadong sagot ko. I need to ask some question to him dahil kahit kilala siya bilang 'walang paki-alam sa mundo' ay alam kong alam niya ang nangyayari ngayon
"Yeah, whatever. You are the youngest in the Asuncion family" Deretsong sagot nito na parang hindi manlang niya kinonsidera ang mararamdaman ko
Hindi ako nakaimik kahit alam ko naman na ang bagay na iyon. Hindi ko lang maproseso sa utak ko ang katotohanang iyon
"Your parents was put in jail" He added. Bigla muling nalungkot ang puso ko dahil sa isiping iyon
"I want to see them all"
"Then go" Sagot nito na parang ganun lang iyon kadali. I don't have money at wala pa akong lakas ng loob para makita silang nasa ganoong kalagayan
"Where's Questly?" Nag-aalangang tanong ko. I don't know her condition at hindi ko din alam kung nasaan siya at paniguradong may alam si Erick dahil baka nabanggit ito ni Kian sa kanila
"Mental" Diretsong aniya. Nalaglag ang panga ko dahil sa sinabi niya. Anong ginagawa niya sa mental? Hindi ako tanga para hindi malaman ang uri ng hospital na iyon ngunit ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit siya nandoroon. Kahit pa may ideya na ako!
"She's sick" Aniya kahit obvious naman na ngunit sadyang hindi pa rin talaga ako makapaniwala
Napangiti ako ng sobrang pait dahil sa lahat ng nangyari sa buhay ko, sa aming lahat.
"I want to visit them all" Inulit. Mahina. At humihikbi kong aniya. The pain was unbearable to the point I felt like I'm going to faint, again.
"How about Kian, your brother?" Aniya na parang ganun lang kadali ang lahat. I stilled then suddenly, I was already shaking in anger like a storm raging
I still can't believe he did that. How dare he do that, samantalang ako ay naghahanap ng kanilang kalinga simula nung malaman kong isa lang pala akong sampid sa pamilyang kinagisnan ko
All I can feel now is pure hatred. Nandidiri ako sa sarili ko. I can't face the world now after knowing that we're fucking blood related. And now, I understand what I felt for him is all normal because we're siblings. My love for him is all pure. Not romantically just like what he said but hell!! We entered in a relationship! How disgusting!!!
Incest?
T-That was...That was fucking gross!!
What the hell did I do to make my life like this? I c-cant accept the fact that we really did the boyfriend-girlfriend thing. Alam kong wala kaming kaalam-alam pero bakit wala manlang pumigil? Bakit wala manlang nagsabi sa aming hindi talaga kami pwede? Bakit...
I was dumbfounded
I'm so fucked up
I'm bitch
And I'm so fucking stupid!!!
'Kuyaaa Kiannn!!!! Break her up, I'm begging you!!'
'Kuya Kian, Ate Ella! Your choice, break now each other's heart bago pa lumala ang nararamdaman niyo para sa isa't isa'
Ang munting hikbi ko ay biglang lumakas dahilan kung bakit medyo nataranta si Erick
"Stop it Ella they might think I abused you" Nag-aalala talagang tugon nito pero hindi ko siya pinansin at inisip nalang ang lahat ng kagagahan ko
"I'm so stupid!!!" I blamed myself for not listening to my sister.
"I know" Pagsang-ayon nito pero imbis na mainis ay mas lumala pa ang pagtulo ng luha ko
"I knew that something's wrong back then" Panimula nito na siyang nakaagaw ng atensyon ko. My brows creased as he sat down near me
"As a matter of fact, I only see you as siblings" Aniya "I can't find any reason to say you really love each other as a couple. But now, I understand" Dagdag niya
"Do you remember what I said before?" He asked making me feel speechless
Which one?
Gusto kong isatinig iyon pero hindi ko na ginawa. Hinalukay ko ang lahat ng sinabi niya nung araw na iyon. That was our first conversation and that was the first time I heard him speak in Filipino
Kung dati ay gulong-gulo at amaze na amaze ako dahil kinausap niya ako plus the language he used but now, I was fucking speechless
I understand everything. Naintindihan ko na ang lahat ng ibig niyang sabihin
'Mahal mo ba siya? Iyang pagmamahal bang iyan ay kayang magparaya?'
Ngumiti ako ng pagkatipid-tipid dahil sa realisasyon sa kaniyang salita. Kaya pala hindi ganon kasakit. Kaya pala hindi manlang ako nag-isip ng kung ano-anong gawin sa sarili gaya ng ibang nawawasak ang puso. Kaya pala! Kaya pala dahil kaya ko pala talagang magparaya dahil sa aming sitwasyon. Ngayon tanggap ko na! I don't need his explanation anymore because in the first place, I already did. Hindi ako, hindi ako ang talagang gusto niya dahil ang ibinigay niya lang palang atensyon sa akin ay bilang kapatid lamang. Wala nang ibang dahilan.
'...Kasi mahirap magmahal ng taong hindi ka naman gusto. Oo gusto ka pero paano kung may mahal siyang iba, paano kung ang pagmamahal na iyon ay normal lang pala? Papalayain mo ba lalo na kung wala dyan sa mga sinabi ang rason upang iwan ka niya?'
Napakalinaw. Lahat ay naintindihan ko na. Parang nakakapangilabot nung maalala kong sinabi niyang 'paano kung ang pagmamahal na iyon ay normal lang pala?'
At sa pagkakataong ito ay gusto ko na lamang saktan, tawanan at kutyain ang aking sarili dahil sa pambabalewala ko sa lahat
I was fucking easy to get that's why it happened. My parents sent to jail. My sister did something horrible and she's also sick. My brother was fucked up because his own mother and father lied to him. And me, I was completely messed up! I'm so fucking idiot and whore being tied up with my own brother
"I badly want to see them all, Erick. Please, bring me to t-them. Bring me to my f-family" I faced him. I touched his arm, begging. My tears keeps on falling
Ako nalang, ako nalang ang pwede nilang masandalan ngayon. Ako nalang ang pwede nilang kapitan ngayon dahil ang akala kong magpo-protekta sa amin ay siya pa pala ang magkakaluno sa aming lahat
And it's because of that girl!
Tahimik itong tumayo. Nanghihina man ay sinubukan ko din ngunit sadyang nanghihina na yata talaga ako dahil sa lahat ng nangyayari. Yun na ba yon? Wala na bang kasunod? Kung meron man, sana ngayon niyo na ipaalam para isang bagsakan nalang. Masyado na kasing masakit eh. Nakakamanhid dahil sa sakit
Nangangatog ang aking binti at maging ang aking mga daliri. I can't help but to stand alone dahil walang ibang tutulong sa akin kundi ang sarili ko lamang. Sumunod ako sa kaniya at pumasok sa kaniyang sasakyan
Halos wala akong maramdamang paghanga habang ang aking paningin ay nasa kaniyang sasakyan. Parang lahat ng nararamdaman ko. Saya, pagkamangha at kung ano-ano pang magagandang pakiramdam ay parang sabay-sabay nang naglaho
I hate dramas pero wala eh. What do you expect? Tawanan nalang gaya ng ginagawa ng iba?
Niloko na nga ako, pati ba naman sa sarili ko gagawin ko?
Hindi ako ganun katatag kung pati ang sarili ko ay gaguhin ko. Ginago na nga ako, gagawin ko pa sa sarili ko? Parang tinraydor ko din pala ang natitirang kakampi ko kapag pati yun ay ginawa ko
Gaya ng inaasahan ay hindi niya na ako kinausap pa. Nilagay niya na ang dalawang earphone sa kaniyang tainga hudyat na wala nang dahilan para makinig siya
Pinalis ko ang luhang nagbabadyang tumulo sa mata ko. I need to be brave. Hindi nila pupuwedeng makitang pati ako ay nahihirapan
Inayos ko ang sarili ko at sinubukang ngumiti kahit alam ko namang pangit lang ang kalalabasan nun dahil sa sobrang peke
Pamilyar ang daang tinatahak namin at alam ko na agad kung sino ang unang pupuntahan namin
Huminto ang sasakyan at kitang-kita ko na ang lugar na tinutukoy niya kani-kanina. Bigla muling nanghina ang aking tuhod dahil ito ang unang beses na makikita ko siya. Hindi bilang kakilala, kundi bilang aking kapatid
Sinipat ko pa ang sarili sa salamin at nakita kong hindi naman ganoon ka-maga ang mata ko dulot ng matinding pag-iyak ngunit mahahalata mo pa din talaga dito
Parang hindi pa ako handa na makita siya sa ganoong kalagayan. Si Erick ang unang naglakad sa aming dalawa na parang alam niya na agad kung saan siya pupunta na tila hindi ito ang unang beses na bumisita siya
Hindi ko alam kung saan kami pupunta dahil nilampasan lang namin ang mga kwarto matapos magtanong ng aking kasama sa babaeng aming nakasalubong kanina
Matapos ang ilang lakaran ay nakuha ko na agad kung nasaan siya banda. Marami pa kaming nakasalubong na pasyente kanina. Yung iba ay bayolente, ang ibang nama'y tahimik lang at tulala
Nasa malawak kaming garden ngayon at nagkalat ang de unipormeng nagbabantay sa bawat pasyente
Inilibot ko ang paningin ko at nakita ko siya. Suddenly, bigla akong naging guilty dahil maayos ang pakiramdam ko, na wala akong karamdamang nararanasan nila hindi gaya ko. Walang-wala ang sakit na iniinda ko kumpara sa kanila
Tulala siya at parang wala sa sarili. Gustong-gusto ko siyang lapitan pero natatakot ako. Hindi na baka saktan niya ako kundi baka hindi pa siya handang makita ako
Gusto kong umatras pero bago ko pa iyon magawa ay nakita na niya kami kung saan kami naroon
Parang biglang napako ang mga paa ko dahilan kung bakit hindi ako makaalis. Maging siya ay gulat na gulat. Hindi ko alam ang gagawin ko lalo na nung kitang-kita ko ang pagtakbo niya patungo sa amin
Nanginginig ako at gusto na ding kumawala ng luha ko pero hindi ko ginawa dahil gusto kong maging matapang sa paningin nila
"Ella A-Ashley..." Usal niya pagkalapit at bigla-bigla na lamang niya akong yinakap
I can't move my arms to hug her back because of what she said. Did I hear it r-right?
"Take me out of here Ash please" She added. My heart was pounding so loud, even if I heard Erick's footsteps away giving us our privacy ay hindi pa rin nalagpasan niyon ang lakas ng tunog na nagmumula sa loob ng dibdib ko
"I'm n-not crazy! I'm not si-sick. I'm okay so please Ash, bring me with you n-now! Please twin, I'm b-begging" Aniya
Ang kanina ko pang pinipigilang luha ay hindi ko na natiis pa't bigla nalang itong sabay-sabay na bumuhos na parang isang talon. Sunod-sunod at hindi ko na mapigilan pa na huwag tumulo
Fuck!!!
Ano pa? Ano pa ba ang hindi ko alam? Pwede bang isang bagsakan nalang? Masyado nang nakakasakit ng puso at utak
We're not sisters because we're fucking twins!
'The victim keeps on calling her Ashley because she thought it was her real name'
Nanumbalik ang salitang binitiwan ni K-Kian nung gabing iyon. H-Hindi iyon kay Questly dahil sa akin talaga ang p-pangalan na iyon? But I'm still confused, puzzled, and fucked up!
"A-Ashley..." Mahinang usal ko. Parang ang pangalan na iyon ay kay gandang pakinggan sa kanila. Pangalang ipinagkait din sa akin upang gamitin
"Y-Yes, I'm s-sorry. I really want to tell those secrets to you back then when we're still in Catarina High but I was scared and warned by Dad"
"We're t-twins. You are a-adopted by Tita Eliza a-and Tito Alfredo Valdez due to l-lack of money, t-that's why Mom and Dad d-did that for y-your well-being. I'm sorry Ash, k-kung pwedeng ako n-nalang ay gagawin ko b-but we're still y-young back then k-kaya hindi ko pa a-alam ang n-nangyayari" Mahabang paliwanag nito habang humahagulgol sa balikat ko. Nanghina ako at hindi na malaman kung anong sasabihin dahil sa pagtatapat ng kakambal ko
Biglang napuno ng kung ano-anong kaisipan ang utak ko. Madaming tanong na namuo katulad na lamang kung paano sila naiahon ng mga magulang namin sa hirap na tinutukoy ni Questly
Pero kaalaunan din ay nasagot iyon ng isipan ko sa kabila ng pagbabalik-tanaw sa nangyari kahapon
'...I helped you when you got pregnant with your son, Kian and your daughters. I helped you to raised them well. I support you for their needs...'
Suddenly, lahat ng galit ko sa pamilyang Buenaventura ay naglaho dahil bigla itong napalitan ng pasasalamat. Maybe it's too late to thank them all but I still want to express my sincere gratitude for all their help especially to Tita Beatrice who support my Mom from prostrate
I was clueless, confused or puzzled, but now, I already knew everything. Well, did I?
I was still thankful that I have Mama, Papa and Ethan kahit pa napalayo ako sa kanila. I realized that this is God's plan for us kahit pa mas marami akong naranasang pighati sa buhay ay marami pa ding magandang nangyari dito dahil ito ang plano niya. Wala akong karapatang sumbatan siya dahil lahat ng ito ay may magandang dulot sa aking buhay
I maybe tired but he's here to guide me, to help me continue living. Ipinaubaya man ako ng magulang ko kila Mama, naging maganda naman ang kinalabasan nito dahil nakaahon sila dahil sa kaniya.
Lahat nang ito ay naintindihan ko na ng malinaw. Hindi niya kami pinabayaan kahit pa batid niya lahat ng mga makamundo naming mga kasalanan
Because sometimes God allows us to go to through difficult times, even as a result of the wicked actions of others. Yet whatever we have to endure, no matter how unfair or unjust, we can be sure that God will use it for good.
—°—
END OF CHAPTER 45!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top