Chapter 43
Ella's Point Of View
Sa tuwing sasapit ang araw na ito ay para akong nanghihina. Weekend na naman kasi at hindi ko alam kung anong klaseng buhay na naman ang mararanasan ko sa pagpasok bilang assistant ni Miss Nathalie
Napabuntong-hininga ako't humarap sa salamin
"Anak, nandyan na sa labas si Kian, aba'y napakatagal mo naman dyan?" Halos mapatalon ako nung marinig ko ang boses ni Mama sa labas.
Bahagya pa nitong binuksan ang pinto at dinungaw ang ulo para tignan ako
"Opo ma, andyan na" Sabi ko't nginitian ako ni Mama
Hindi alam ni Mama at Papa na nagtatrabaho ako dahil sa nagawa kong kasalanan, baka kasi kung ano pang masabi niya eh, may kasalanan naman talaga ako
Halos mapawi ang lungkot na nakapaskil sa mukha ko nung makita kong nakasandal si Kian sa kaniyang sasakyan
Gwapong-gwapo sa kaniyang ayos at postura. He was wearing a black short, paired with his white plain shirt and sneakers while his two arms are slipped in his pocket
Damn! He's so damn looking good
Umiling nalang ako dahil sa naisip ko. Pinagbuksan niya ako ng pinto matapos magpaalam kay Mama. Wala naman na si Papa dahil tumulak na sa pamamasada
Kumaway ako kay Mama kahit alam kong hindi niya na ako makita dahil tinted ang sasakyan ni Kian
"I'll fetch you after work okay?" Naninigurong aniya. Tumango nalang ako dahil kahit humindi naman ako sa kaniya ay susunduin pa din niya ako
Tahimik ako patungo sa village nila Miss Nathalie. Hindi iyon ganon kalayo kaya naman natatanaw ko na agad ang guard house ng subdivision
"What are you thinking?" Aniya ngunit umiling lang ako bilang sagot. Ayoko namang sabihin sa kaniya na iniisip ko kung ano ulit ang ipapagawa sakin ni Miss Nathalie dahil baka pagsabihan pa niya ito diba?
Bali dalawang weekends nalang at masasabi kong may natitira pa akong respeto para sa kaniya
Masyado nang grabe ang nararanasan ko sa loob ng mansyon na iyon na lingid sa kaalaman ng lahat maliban saming dalawa ni Miss Nathalie
Nasa tapat na kami ng gate ng mansyon at akmang lalabas na ako nung biglang pinagbuksan ako ng pinto ni Kian
Hindi ko manlang namalayan na nakalabas na siya. Ganon ba ka-occupied yung isip ko para di manlang makita yun?
"You're thinking too much" Puna nito pagkalabas ko ng kaniyang sasakyan
Umiwas ako ng tingin at nagtama ang mga mata namin ni Miss Nathalie na nakahilig sa pintuan
Blanko ang ekspresyon nito kaya natatakot akong tumapak sa teritoryo nila dahil pakiramdam ko'y nasa impyernong muli ako
May panahong gusto ko siyang sumbatan dahil sa ginagawa niyang pagpapahirap sa akin pero hindi ko kaya, masyado akong natatakot sa kahihinatnan gayong batid kong maimpluwensiya ang pamilyang babanggain ko kung sakali
"I'm sorry" Hingi ko nang paumanhin dahil sa napuna ni Kian pero nginitian lang ako nito.
Nahihiya akong nagpasalamat at akmang papasok sa mansyon nang hinigit nito ang kaliwang kamay ko dahilan upang mapaharap ako sa perpekto niyang mukha
"I'll fetch you after, let's eat somewhere"
Napaawang ang labi ko dahil sa sinabi niya. Ilang oras na din akong nagtatrabaho pero wala akong maramdamang pagod dahil sa sinabi niya
Kasalukuyan akong nag-aayos ng tanim na bulaklak sa kanilang hardin nang biglang maramdaman ko ang malamig na tubig mula sa host na tumatama sa akin
Napatili ako't lumingon kung saan hanggang sa mamataan ko si Miss Nathalie na nakalikod na nagce-cellphone habang ang hawak nitong host ay nakatutok mismo sa akin
Unti-unti itong lumingon sa puwesto ko't napatili din sa kaniyang ginawa
Bigla tuloy naging alerto ang ibang kasamahan kong nagtatrabaho at agad silang dumulog sa kanilang amo kahit halata namang ako yung na-argabyado
Ang iba sa kanila'y binigyan ako ng nakakaawang ngiti kaya napapayuko nalang ako dahil sa hiya
Alam ko namang hindi aksidente lahat ng ginagawa niya sakin at alam kong alam din ng karamihan iyon
Napapikit ako sa loob-loob ko dahil sa inis. Kung patuloy sa pagganito'y baka tuluyan na akong panawan ng bait dahil sa kaniya
Kinabukasan ay ganun ulit ang nangyari. Sinundo ulit ako ni Kian sa bahay at ipinagpaalam kay Mama
Alam kong may alam na si Mama na nagtatrabaho ako pero hindi lang siya nagsasalita
Kumaway ako kay Kian nung makapasok ako sa sa gate ng pamilyang Buenaventura
Mahabang lakaran pa bago ka makarating sa main door nila. May fountain sa harap pagkapasok mo ng gate at may umbrella tree din sa gilid at upuan na nagsisilbing tambayan nino man sa kanila
Pagkapasok ko sa loob ng mansyon ay hindi pa din mapawi ang pagkamangha ko dahil sa disenyo nito
Sa living room ay may malaking chandelier na ang pagkaka-alam ko ay galing pa sa ibang bansa. Matatanaw mo din agad ang pagkahaba-habang gintong staircase papunta sa kani-kanilang kuwarto, study room, guest room, library, computer room at kung ano-ano pa. Sa ikatlong palapag ay may sarili silang pagkalawak-lawak na gym duon
Pagtapak ko palang sa loob ay halos mapaiyak ako sa sakit na dulot ng pagkadulas ko. Halos magcramps ang paa ko dahil sa sakit, idagdag mo pa ang puwetan kong nauna sa pagkakabagsak
Parang namanhid ang buong katawan ko nung makitang may dugo sa palad ko. Marahan kong sinulyapan ang puwesto nun kanina at halos manlaki ang mga mata ko dahil sa nakita
Ganoon na ba ako kamanhid para hindi ko maramdamang nabubog na pala ako?
Halos mapaiyak ako dahil duon
Masakit na paa't puwetan. Dumudugong kamay at...m-maduming kagamitan??
Paanong nangyaring may bakas ng chocolate icing ang mumurahing puting handbag ko?
Biglang umakyat ang dugo ko dahil sa galit. Dinaluhan ako ng mayordama matapos akong makita nito na nagngingit-ngit sa galit habang ganun pa din ang kalagayan. Nakasalubong ko pa ang nag-aalalang si Tita Beatrice
Puno na ako, punong-puno na ako dahil sa kagagawan ng anak ninyo...
"What the hell did you do to my cakeeeee!!???" Pasigaw ni Natalya sa akin
Punong-puno na ako to the point na nawalan na ako ng respeto sa kaniya
Naisip ko pa ngang Dem nalang ang itawag sa kaniya pero wala pa akong masyadong lakas ng loob para masabi ko iyon lalo't nandito ako sa pamamahay nila
Huling weekend ko na ito at parang isang flying cake ang dumapo sa mukha ko kaya nagkakaganito ngayon ang aking demonyong amo. Imbis na mainis dahil sa nangyari ay napangisi nalang ako
Dalawang buwan ang nakalipas at dumating na ang araw ng kaarawan ni Natalya
Ayaw ko sanang dumalo pero napilitan nalang ako.
Pero sa huli ay parang naging thankful pa ako dahil pumunta ako kasi may nalaman ako. Naging thankful nga ba?
'I saw you earlier...on how you looked at him. I saw the desire in your eyes while staring at him, just like how I looked at your Mom'
Hindi man malinaw sa akin nuon pa man pero ngayon ay nakumpirma ko na. Habang tumatagal ay mas nagiging obvious siya to the point na sinusubukan niyang lumagpas sa linyang ginawa ko para ilayo siya kay Kian
Naging malamig ang pakikitungo ni Kian sa akin. Tila nagye-yelong ice kung ihahambing ang pag-uusap namin
'Let's end this! You don't deserve a fucking idiot guy like me. I'm just confused with my feelings. I discovered that I don't love you romantically, but platonically'
Napaluha ako dahil hindi talaga mawala-wala ang sakit nun pagkatapos niyang sinabi ang mga katagang iyon
Yelling for attention to my brother and sister
Nanatili ang mga yun sa utak ko't tila sasabog na ito dahil sa daming impormasyong nalaman ko
"Paano kung mayroong kapatid sila Questly?" Alam kong hindi naman iyon impossible pero bakit tila hindi ako mapakali?
"Wala namang masama kung mayroon pa palang kapatid sila Kian diba?" Pangungumbinsi ko sa sarili ko
Tila walang-wala na ako sa huwisyo
'I-Im sorry pero kamukha po talaga niya yung may gawa nito sa kaniya' Tang'na Miss Janice, masyado mong ginulo ang isip ko!
"Hindi pwede..."
"Hi-Hindi dapat ako nagja-jump sa ganitong klaseng konklusyion"
"Questly"
"No..no—"
Para akong patay na biglang nabuhay dahil sa dagliang pagtayo. Marahas na yugyog sa balikat at nag-aalalang tinig ang gumising sa akin sa pagkaka-idlip
Hinawakan ko ang ulo ko dahil sa sakit niyon. Hindi naman ako uminom pero bakit parang may hang-over ako?
Natauhan ako nang may dalawang palad ang dumakop sa aking pisngi at marahan nitong pinunasan ang luhang naglalandas sa aking pisngi pababa na hindi ko manlang namalayan
"Anong napaginipan mo Anak?" Nag-aalalang tanong ni Mama. Hindi pa din ako makatingin ng diretso sa kaniya maging kay Papa simula nung nalaman ko iyon.
Umiling-iling ako dahil sa terminong ginamit ni Mama. Masasabi ko bang panaginip iyon kung lahat naman nang nanduon ay nangyari talaga sa buhay ko?
"Mali ka Ma. Hindi lamang ito isang panaginip kundi isa itong bangungot na pilit akong hinahabol kahit magpahinga ako" Tipid ngiting sabi ko sa kaniya
Isa talaga iyong bangungot para sa akin. Masyadong mahirap ang pinagdaanan ko sa kamay ni Dem. Hindi lang iyon lahat ang ginawa niya sa akin kundi may mas worst pa na minsan pa akong nahantong sa klinika
It looks so real. Parang kanina lang nangyari ang lahat ng iyon. Pati nga ang naramdaman ko sa mga oras at araw na iyon ay saktong-sakto
Para itong naka-HD sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Ayokong magbulagbulagan pero bakit pakiramdam ko ay nasasaktan ako para kay Questly?
Minor de edad pa siya kaya hindi muna siya pwedeng maikulong kaya sa DSWD muna siya ipinunta. Ilang buwan nalang ay pwede na siyang manatili sa bilangguan pero bakit parang ang sakit-sakit isipin nun?
Kung totoo ngang may kapatid pa sila, parang gusto ko nalang lumubog sa lupa dahil sa mga impormasyong maaari ko pang malaman
Naligo't nagbihis na ako ng uniporme papunta sa eskwelahan pero pagkalabas ko palang ng bahay ay halos manigas ako sa aking nadatnan
"An-Anong ginagawa m-mo dito?" Utal-utal kong tanong sa naghihintay na si Kian
Ngumiti ito sa akin na parang wala siyang sinabing tumatak ng husto sa isip at sa puso ko
Sa pagkakataong ito ay unti-unting nabuhay ang pag-asang babawiin niyang lahat yun at babalikan niya ako pero lumaylay ang dalawang balikat ko nung sinabi niyang..."Just the usual, hatid na kita?"
Napaawang ang labi ko't hindi makagalaw sa aking kinatatayuan. Napakaaliwalas ng kaniyang mukha na tila hindi siya nasaktan sa mga nasabi at nalaman niya kagabi lamang
Bakit ganun? Hiningian ko naman siya ng space kahit ilang araw lang diba? Para naman mapag-isip pa ako ng tama kasi ayoko nang magkamali
Ayokong pagsisihan iyon muli!
Umiling-iling ako bilang pagtanggi pero hindi niya iyon nakita dahil abala siya sa pagbubukas ng pinto sa harapan
"Hindi mo na ako kailangang ihatid Kian. Pinutol mo na ang obligasyon mo para sa akin kaya bakit nandito ka pa din?"
Iyon man talaga ang gustong-gusto kong sabihin kanina pa pero nung nabanggit ko na, tska ko palang natunugan ang pagiging ampalaya
Sa hiya ay tumalikod na ako para makaalis na
Parang biglang nawala yung tapang na pinapakita ko nitong nakalipas na araw at linggo
Parang bigla akong bumalik sa dati bilang mahinhin at mapagpatawad dahil nanditong muli siya
Ayokong masaktan muli kaya kung pwede ay iiwasan kona lang. Prevention is better than cure ika nga nila
I've learned my lesson kaya sana siya din. Lalo na't pareho pala kaming nalilito sa aming nararamdaman
Nagpatuloy ako sa paglalakad at hindi na sumubok pang lumingon sa likod nang biglang...
~Peeeeppp! Peeeeppp!~
Pagkalakas-lakas na busina galing sa aking likod ang namayani sa aking tainga
Unti-unti ko itong nilingon at halos mapapikit ako sa inis dahil sinusundan niya ang lakad ko
"Ella, sakay kana" Aniya pero hindi ko lang siya pinansin
Malapit lang naman ang BRIA mula sa bahay kaya bakit kailangan ko pang sumakay sa pagkagara-garang Mercedes hindi ba?
Sa pagmamadali ko ay halos matapilok pa ako sa daan kahit flat black shoes naman ito
Sila Dem ay hindi manlang sumusunod sa patakaran ng eskwelahan, na siyang kinukunsinti ng nakatataas. Black na sapin sa paa at medyas na above the knee ang required pero black heels ang ginagamit nila na for college students naman talaga
Shit!
Buti nalang at hindi masyadong napasaktan itong paa ko kundi baka mas pilitin niya akong sumakay sa sasakyan niya
I don't want that happen.
Nakarating ako sa eskwelahan nang maayos. Ngunit kahit sa paglalakad papunta sa aming building ay nangungulit siya
What now? After what he said, ganitong klaseng pakikitungo pa din ang ipapakita niya? Na parang walang nangyari ganun?
"Ella please let's talk" Pero pasok sa tainga at labas din sa isang banda ang ginagawa ko kapag naririnig ko siyang nagsasalita galing sa likod ko
He's so cold, not clingy like this. He seems so happy
Because of what?
"I want to share everything to you just like the old times" Whattt??? I want to slap him so bad but I remained silent dahil ayokong maging pabigla-bigla ang kilos ko
He's asking me to do that like nothing happened between us? Like he doesn't hurt me the way his new girl did to me months ago, what the hell?
Tell me. I deserve peace right? I need time to think and give myself love for whatever happened these past few weeks right? I still need to chill like the other girls out there right?
But how can I damn chill when those problems are still hunting me even if I'm freaking resting?
How? Please tell me and I'll do it!!
Marahas kong hinila ang upuan ko na nasa ilalim ng desk at bigla nalang umupo doon kahit maaga pa
Mangilan-ngilan palang kami dito nang magsimulang maghagikgikan ang mga babae habang nakatingin sila banda sa pintuan
Kian entered wearing his usual poker face. Gone the smile plastered on his face earlier when he's trying to catch up with me
I felt his cold eyes stared at me so I blink to ease the awkward feeling
A group of sassy girls entered. They're talking something like...
"What a good news Estella, you're so useful at times you know, thanks for the—"
"Ohhh..." Sabay-sabay nilang aniya matapos akong makita at tska nito nilipat kay Kian at ngumiti ng nakakaasar sa akin
"So...is it true na wala na kayo? Good for Kian because if I know, masyado niyang tiniis ang katulad mo for months you know"
Nginisian ko sila pabalik at bahagyang natawa ng sarkastiko. Akala ko, I'm back with my old self pero mukhang hindi na ata ulit mangyayari yun
I'm tired of being so understanding and kind person. Gusto ko ding magalit. Masyado atang naubos ang kabaitan ko dahil sa nangyari at nasaksihan ko
Sabi nga nila, may tainga ang lupa. Mukhang ang bilis nga naman talaga kumalat na kahit sa labas ng silid-aralan ay ako pa din ang pinag-uusapan
What a shame!
Tila wala akong makakasama ngayong break time dahil panigurado naman na pag sumama ako kila Oliver ay nandun at nandun si Kian na siyang iniiwasan ko
Nagdadalawang-isip pa ako kung sa west wing ba ako pupunta o sa east para kumain. Pero sa huli ay sa dating canteen pa din ako dumeretso
I don't like to look bitter. Yan ang naisip ko kaya ko napagpasyahang dito nalang ulit kumain
Nilibot ko ang paningin ko't biglang aksidenteng nagtama ang mga mata namin ni Justin. Ngumiti lang ako ng tipid at dumeretso na sa linyahan para bumili ng pagkain
Nagtatalo pa ang isip ko kung magra-rice ba ako o normal food lang for meryenda pero sa huli ay nagburger, fries at spaghetti nalang ako at dumeretso na sa labas para maghanap ng puwesto pagkakainan
Hindi pa nag-iinit ang puwetan ko nung may grupong lalaki ang umupo sa tapat ko
Napapikit ako sa inis pero hindi ko nalang siya pinansin. Mahirap ba masyado yung hiling kong kailangan ko ng oras para mapag-isa at makapag-isip?
"Are you fighting?" Justin asked me and his eyes squinted as if trying to read me but failed when I plastered blanked on it
No we're not fighting, we broke up. Gusto kong isatinig iyon pero baka mas lalo lang akong magtunog bitter
I didn't speak and I wonder kung bakit masyadong clingy si Kian ngayon. I'm not use to it, dati kasi sakto lang. But now, it's different
It's like he's trying to truckle for something. A rang from Oliver's phone suddenly broke the tension na namuo sa pagitan naming lahat
"Excuse me" Aniya't sinagot ang tawag. Nasulyapan ko pa ang caller bago siya nakalayo. Si Shane
Tinapos ko nalang ang pagkain ko nang hindi lumingon sa kung saan-saan. Hindi pa nakakabalik si Oliver nang biglang tumunog ang cellphone ni Justin
Napasinghap ako dahil pakiramdam ko ay nananadya ang mga ito kahit na alam ko namang hindi. Si Celes kasi yung tumatawag sa kaniya
I'm so fuck up! Kaming tatlo nalang ni Erick at Kian sa batong lamesang ito at halata naman kay Erick na wala siyang pakialam sa nangyayari ngayon dahil gaya ng nakasanayan, nakasalpak pa din ang earphone sa tainga nito
"Ella, I'm sorry" Waves of pain stabbed my chest then suddenly, raw tears formed on my eyes and I badly need to wipe it bago pa niya iyon makita
But before I could speak, sabay na nakabalik sina Oliver at Justin sa pwesto nila kanina
"Pwede na daw i-discharge si Nathalie mamaya" I faked smile when I heard that news. Bahagya pang tinanggal ni Erick ang earphone sa kaliwang tainga dahil sa narinig
"That's good. Punta tayo mamaya ha? Sabay ka na din sa amin Ella" Napaawang ang labi ko dahil sa imbitasyon ni Justin
Akmang magsasalita palang ako para tumanggi nang maunahan ako ni Kian
"Sa akin na siya sasabay..."
Parang isang salitang hindi pupuwedeng hindi matupad dahil sa paraan nito ng pagkakasabi
At para akong tanga na nagpapilit kaya heto ako ngayon kasama siya papasok sa loob ng hospital
Bakit kailangang nandito pa ako? Susunduin lang naman siya palabas kaya bakit kailangan pa kaming lahat dito? Hindi na ba siya makalakad dahilan kung bakit kailangan niya ng madaming tao para buhatin o alalayan siya?
Tsk kalokohan!
Parang gusto kong umatras nang natanaw ko ang parents ni Dem sa labas. Akmang papasok na ito sa loob when they saw us approaching. Tita Beatrice smiled softly
"My goodness!! What do think about me? Disabled? Get out of my sight!!!" That voice echoed in the room when we're about to enter
Dali-daling pumasok ang mag-asawang Buenaventura together their first born then we followed
"What's happening here Chanell?" Nagtatakang tanong ng kaniyang Ama. Pasiring kung tumingin si Natalya sa kawawang nurse na nagtatangkang lumapit sa kaniya
"Who told you that I'm disabled? Can't you see, I'm fine and kicking?" She hissed "I don't need that fucking wheelchair, get lost!!!" She added
Humingi ng tawad ang kaniyang ina sa ugaling pinakita ng kaniyang anak sa nurse kaya umalis nalang ito
Nagtama ang paningin naming dalawa at bigla siyang umirap sa akin ng bongga
What did I do this time?
"You're here again?" Aniya't tumayo "You know that I don't need—"
"Chanell, don't be rude to your friend!" Saway ng kaniyang Ama. But I want to puke when I realized the term that his father used—referring to me
"Whaaaatttt???? Friend? Since when we became friends?? I don't even know her! My blood boils at her when I see her around so you tell me how!!" Well hell! I also don't want to consider you as a friend kahit pa ikaw nalang ang natitirang tao sa mundo
"I rather die than be with her at all times and oh my gosshhh!!! Why you guys brought some extra baggage??" She's pertaining to Kian, Oliver, Justin and Erick beside her parents
"Stop stressing yourself Changet, you're getting older" Tipid na sabi ng kaniyang kapatid na kanina pa tamihik
"Whatever you say, my virgin brother" She teased and it's worked. Her brother's cheeks blushed as if he was embarrassed by that thought.
Pinasadahan niya ng tingin si Kian and then she smiled seductively making us all speechless
"Well it's okay, I don't mind. This guy is so hot by the way" My jaw dropped at that compliment
What the fuck?
—°—
END OF CHAPTER 43!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top