Chapter 40

[A/N: Kung may lugar man akong nabanggit na nage-exist at kung mali man ang details na maibigay at mabanggit ko ay gusto kong isiksik niyo sa isipan niyo na nasa fiction tayo. Yun lang naman, enjoy reading!

-°-

Kian Luis' Point Of View

"Kuya!!!"

"Kuyaaaa sandaliii!!"

"Kuya Kiann, stop!!!!" I stopped when I heard my name, hindi ko agad natunugan na si Questly iyon dahil sa humahangos niyang boses

Pawis na pawis at parang maiiyak na. I was about to return to our suite when she stopped me. My forehead creased when I saw her hands trembling

I got curious and scared at the same time "What happened?" I asked and my heart beats fast like a fucking ragging bullet

She cries at halos manlambot na ang tuhod niya nung lumingon siya banda sa malayo, madilim at mapunong parte. Hindi ako mapakali, fuck!

"Tell me, what the fuck is happening!!" I said angrily. My hands starting to shake for unknown reason and I'm even more nervous for what she'll say

"Na-Nathalie...C-Chanell" She said and burst out crying. Just like, I was being poured out by the cold water because of the name she had spoken. Hindi pa man niya nasasabi ay napakalakas ng pakiramdam ko na may hindi magandang nangyari sa kaniya

"Fuck Questly!! Just fucking straight me to the fucking point!!!" Shit, hindi na ako mapakali. I had a bad feeling about this

"Sh-She's unconscious a-and there's a lot of b-blood dripping on h-her head" I skip a beat and unable to move. Nagsimula na akong tumakbo patungo sa kinaroroonan niya nung ituro iyon ni Questly gamit ang hintuturo niya. Hindi ako mapakali. Nanginginig na pati mga paa ko.

There. I saw her lying. Unconscious and she's already bathing her own blood

I felt a hot liquid running down to my cheeks. I feel something on my chest na parang paulit-ulit sinasaksak ang puso ko sa aking nakikita

Unti-unti at maingat ko siyang binuhat at itinakbo papalapit sa hotel. Hindi ko alam ang gagawin ko. Ang alam ko lang ay kailangan ko na siyang dalhin sa hospital but I'm aware that there are no hospitals here in El Nido. There are few drug stores where you can buy basic pharmaceutical products, and according to our tour guide earlier, there is only a small clinic for immediate medical concerns kaya paano siya agad magagamot?

Nanginginig pa din ako at hindi na malaman ang gagawin. Marami nang dugo ang nawala sa kaniya

"A-Anak!!"

"Chanell!!!!" Napaangat ako ng tingin kay Tito Alexis at Tita Beatrice

"Anak. Anak gumising ka pakiusap" Pagmamakaawa ni Tito Alexis. Natutop naman ng Ginang ang kaniyang bunganga nang mapagmasdan niya ang kondisyon ng anak

"Go get some fucking grab!!" Aligagang sigaw nang Kuya ni Natalya. Hindi na napigilan pa nina Shane at Celes ang umiyak

Gabing-gabi na pero dinala pa din namin ito sa pinakamalapit na clinic dahil wala talagang hospital dito. Halos sabay-sabay pa kaming napamura dahil sa sinabi ng nurse sa amin. Habang tumatagal ay mas nanganganib ang buhay niya lalo pa't madami nang dugo ang nawala sa kaniya

Kinailangan muna niyang magstay dun para maasikaso siya at malunasan kahit sa pagtitigil lang ng pag-agos ng dugo mula sa ulo niya. Wala silang masyadong gamit dito kaya bukas na bukas ay babalik na kami sa Laguna para magamot agad siya

Bakas ang takot sa mukha nang lahat nung makauwi kami. Hindi na kami nakatulog pa

Dinala agad namin siya sa hospital na kumpleto sa kagamitan, at simula nun ay hindi pa din siya nagigising. Dalawang linggo na ang nakalilipas simula nung umalis kami sa Palawan pero hindi pa din talaga siya nagmumulat ng kaniyang mga mata. Hindi ko pa natatanong kay Questly kung ano ba talagang nangyari kay Natalya dahil umiiyak lang siya every time na kakausapin namin siya

Minsan ko pang narinig ang usapan ng Doctor at ang mga magulang ni Natalya na may tendency daw na makalimot siya-na hindi niya maaalala ang ilan sa mga nakaraan niya

Parang sinaksak ng kutsilyo ang puso ko nung marinig ko iyon. Hindi na din kami nakakapag-usap ni Ella. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ko 'to ginagawa. After class ay dumederetso na ako dito sa hospital at tumutulala. After class, I went straight to the hospital at tutulala. Around 6:30 I will go home to eat and rest but most of it is just where my mind takes me

I don't fucking understand why I am feeling this way. My eyes were bloodshot dahil sa kulang ang tulog.

'Because of all the blood veins in the head, head injuries bleed profusely. To function properly, our brain requires a large amount of oxygen. In fact, around 20% of the blood that flows from our heart is sent to our brain. Other organs in our heads, including our eyes, require a regular flow of oxygen-rich blood to function properly.

Because of its enormous blood supply, even tiny lacerations to the skull can lead to very large amounts of bleeding.

Hard knock to the head can leave you unable to remember people or events. Even if the injury doesn't knock you unconscious, it can lead to memory loss. Depending on how severe the hit to your head was, the memory issues might go away or be permanent.'

Fuck that!!! That's all I heard to her parent's and doctor's conversation because they walked away still talking about to that bullshit explanations

I do not know her real state. All I fucking know is that, she's not okay. Natapos na din siya with the CT scanned and I do not know what they saw

I get up after thinking those things. I need to go to school. I arrived there five minutes late but I don't mind

"Where are we going?" Ella asked when the ring belled. Sign that it's already our break time

"Of course sa canteen" Sagot ni Oliver nung hindi ko manlang siya binalingan ng tingin

"No, in that bullshit canteen 2" I said directly without looking at them

"See? Sabi ko sa inyo sa bullshit canteen 2 eh" Oliver joked but they are just grimace in that thought.

The canteen is already crowded. I looked around and looked for her to ask for an explanation. The Buenaventura family has not been able to take care of this because of concern for their daughter's condition but I will investigate for her.

And there, I saw her laughing as if nothing was bothering her because of what she saw

I just stared at her until her eyes met mine. She plastered her genuine smile but I just gave her my bored look and wait for her to stood up-to approach us, and she did

Hindi nawala ang ngiti sa mukha niya habang papalapit ito sa amin. Tahimik lang sila Ella sa likod at mukhang naghihintay sa gagawin ko

"Hi guys!" She waved her hand and smiled

"Come with us" she gave me a doubtful look kung bakit ko siya gustong isama pero hindi na siya nagtanong pa at sumunod nalang siya papuntang Science Garden-kung saan makakausap ko siya ng masinsinan

"What is it?" She asked directly as we sat down. I look at her intently and think about how I can start the conversation without her being offended.

"What's really happened to her?" Tanong ko ng mahinahon sa kaniya. Shocked consumed her at hindi lang ako ang nakapansin nun kundi pati ang mga kasama ko

"Oo nga naman Questly, ikaw ang unang nakakita sa kaniya diba?" Puno ng kuryusidad na tanong ni Oliver pero hindi pa din siya sumasagot

I'm starting to get pissed because her mouth didn't even open to explain

"I don't know what you're talking about" Halos magkautal-utal pa siya sa pagsagot. What the fudge? Hindi niya alam pero siya ang unang nakakita kay Natalya na wala ng malay kaya bakit niya sasabihing hindi niya alam?

"Eh diba ikaw ang unang nakakita sa kaniya?" Nagtatakang tanong ni Justin kaya kapansin-pansin ang panginginig nito ng kamay

"Bakit hindi ka makasagot?" Naghihinalang tanong ko sa kaniya. Bakit hindi? Siya ang nagsabi sakin sa lugar kung saan ko natagpuang halos mag agaw-buhay si Natalya dahil sa nawalang dugo sa kaniya tapos hindi siya pwedeng paghinalaan?

"I j-just saw her there, lying a-and unconscious. I ran f-fast to call for he-help at si Kuya Kian agad ang nakita ko" Luminga-linga pa ito sa paligid at kung hindi mo siya kilala ay pwede mo siyang akusahan bilang baliw

Sa ikinikilos niya ay parang ganun nga. She looked around with widened eyes. Kulang nalang hawakan niya na ang buhok niya at pasado na siya bilang si Sisa. Kung tutuusin ay para nga siyang si Sisa na hinahanap si Crispin at Basilio pero dahil kilala ko siya, mahirap sabihin yun dahil hindi naman talaga

But it's weird - there's something weird about her that I can't even explain

"Look at me" I demanded.

Unti-unti itong lumingon sa akin pero hindi manlang nagtama ang paningin namin dahil sa gilid ko lang siya banda nakatingin

"Look at me and say that straight in my eyes" I'm already pissed. I just want to prove if she's innocent by looking at her eyes.

"Pinagbibintangan niyo ba ako? Sinabi ko nang nakita ko lang siya dun eh!!!!" My companions feigned a surprise look on their faces when Questly raised her voice to us

"You're lying!" I stated. A lie detecting technique. I observed that by looking at her wrist. When I asked the confirmatory question kung ano ba talaga ang nangyari kay Natalya, there's any irregularities in her pulse that can confirm that she's lying.

"H-How do you s-say that?" She stuttered

I smirked at her "Simple, your pulse is getting wilder. They also said that someone who is lying might stare or look away at a crucial moment and you're moving your eyes around as you try to think about what to say next, am I right?" I answered

"What no!! T-That's it?" She denied

"Liars tend to use gestures with their hands after they speak as opposed to during or before a conversation. The mind is doing too many things including making up the story. Bakit hindi mo nalang kasi sabihin kung anong nangyari" Suhestiyon ni Justin pero para lang itong baliw na umiling-iling

"Hi-Hindi, hindi ko alam kung anong pinagsasasabi ninyo!" Anito't aligagang napatayo

"I also noticed a creak in your voice. Clearing the throat and stuttering means of coping with the discomfort of the tightened muscles, can also at times signal dishonesty. Well, hindi ka na namin pipilitin dahil ang mga awtoridad na ang bahala sayo upang kuhanin ang statement mo as a witneds or maybe the first suspect" Pananakot ni Oliver pero bigla nalang itong tumakbo-halos madapa na ito dahil sa kamamadali

"She's sick!"

Napakurap kaming tatlo nina Oliver at Justin dahil sa sinabi ni Ella. Ngayon lang siya nagsalita simula nung tinanong niya kung saan kami pupunta

"Huh?" Inosenteng tanong ni Justin

"I agree" Dinig naming pagsang-ayon ni Erick. Kadadating niya lang galing sa library at mukhang narinig at nakita niya din ang nangyari "I can't identify yet what kind of disorder is that but I can say that she's not okay unlike us" dagdag nito kaya nahulog ako sa malalim na kaisipan

°

Shane's Point Of View

Parang nawalan ng sigla ang araw ko simula nung bumalik kami dito galing sa Palawan. Parang may kulang-parang biglang nag-iba ang atmosphere sa aming lahat. Ang iba ay natutuwa dahil sa nangyari kay Lie, pero marami pa rin namang naaawa dahil sa sinapit niya. Dalawang linggo na pero hindi pa din siya gumigising. Bilang nalang ang mga araw at panibagong linggo na naman ang sasapit na hindi pa din siya nagigising

Nandiyan kami sa tabi niya pagkalabas palang namin ng eskwelahan-dito na kami dumederetso para bantayan siya

Kanina ay nahagip ng mga mata ko na may kausap sina Tito at Tita na pulis. Ngayon lang kasi nila naharap dahil sa sobrang pag-aalala sa kanilang anak

Si Kian ay nandito din kasama nami na walang imik. Hindi ko alam kung pwede kong ikatuwa yun o ano? Kitang-kita kasi sa kaniya na sobra siyang nag-aalala to the point na mayroon pala siyang nobyang naghihintay sa kaniya

Masakit iyon sa part ni Ella dahil nababalewala na siya pero iisipin ko pa ba yon? Relasyon nila yan kaya dapat ayusin nila pero heto si Kian-nakatulala habang nagbabantay gaya namin ni Celes. Wala kaming imik sa kwartong kinaroroonan namin. Hulog kaming lahat sa malalim na palaisipan kung sino ang may gawa sa kaniya niyan

Nakaupo kami ni Celes sa sofa na nasa gilid ng hospital bed ni Lie habang nasa kabilang banda naman si Kian at nakatitig lang sa kawalan nung biglang bumukas ang pinto at iniluwal nuon sina Justin, Ella at Erick na siyang may hawak na prutas

Umupo ang mga ito sa tabi ni Kian na hindi manlang inabalang tignan ang kaniyang mga kasamahan

Erick's face had no reaction upon seeing Lie in the hospital bed, who's still unconscious for what happened. He quickly averted his gaze as if hindi niya kayang nakikita sa ganoong state si Lie

Kung gising at wala lang sigurong nangyaring masama kay Lie, baka inasar ko na siya ng bongga dahil sa kakaibang napapansin ko

"Kumusta na siya?" Nag-aalalang tanong ni Oliver. Nakatingin sa akin.

Ngumiti lang ako ng pagkatipid-tipid at sumagot "Hindi pa din siya nagigising" At sa bawat araw na lumilipas at hindi manlang siya magmulat ay mas lalo kaming kinakabahan sa magiging posibilidad niyon

Hindi imposibleng makalimutan niya ang iba sa nakaraan niya at iyon ang nakakabahala

Walang kaming imikan hanggang sa bumukas muli ang pinto at iniluwal nito si Kuya Niel kasama ang isang babaeng halata sa mukha ang pag-aalala

Kumunot ang noo ko dahil dito. Ngayon ko lang ulit nakitang may kasama si Kuya Niel na babae, at sa ganitong sitwasyon pa

Pakiwari ko'y mas bumigat ang atmosphere nung dumating sila "Shane, where's Mom and Dad?" Hindi mapakaling tanong ni Kuya Niel. He's walking back and forth na parang may malaking problemang bumabagabag sa kaniya

Habang ang babae naman ay nakatingin lang sa kaniyang daliri na medyo nanginginig pa

"Sa lobby ko sila huling nakita kausap ang mga pulis, bakit?" Nagtatakang tanong ko. Pumasok na ito ng tuluyan sa kwartong kinaroroonan namin at bahagyang natigil dahil nahagip ng mga mata niya ang wala pa ring malay na si Lie

Simula nung dalhin namin si Lie dito ay hindi manlang tinignan ni Kuya Niel ang kaniyang kapatid sa ganoong sitwasyon

Gaya ni Erick ay parang ayaw niyang nakikita ang kapatid na ganoon ang lagay

"Pwede bang pakitawag sila kung saan mo sila huling nakita? This is important matter about my Princess case" Anito't inihilamos pa ang kaniyang palad sa sariling mukha

Tumalima agad ako nung marinig kong tungkol iyon kay Lie. Baka may kasagutan na kahit pa kakasimula palang magpa-imbisga nina Tito at Tita

"I'll go with you" Dinig kong sabi ni Oliver kasabay nun ay ang pagpihit niya ng doorknob

Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa makarating kami sa hospital lobby. Nandoon pa din sina Tita at Tito Alexis na bakas sa mukha ang wala pang maayos na tulog

"I'm sorry to disturb you but your son's waiting for you upstairs. I think he'll discuss something about the case" Pangunguna ni Oliver sa dapat na sasabihin ko

Kung nasa maayos lang sana kaming sitwasyon ay baka nasapak ko na siya dahil inaagawan ako ng spotlight pero hindi eh, kailangang malaman na namin agad ang taong gumawa nun kay Lie para siya'y magbayad

Dali-dali kaming umakyat kasama na din ang dalawang pulis na kasama nina Tito at Tita Beatrice sa baba

Wala kaming inaksayang oras at bigla nalang kaming pumasok sa silid na kinaroroonan ni Lie. Masyado na kaming marami sa loob, buti nalang malaki at malawak ang piniling silid nila Tita

Pumasok kaming lahat sa kwarto at isinara ang pinto. Nagtatakang tumingin sina Tito at Tita kay Kuya Niel at tska nito ibinaling sa kasamang babae. Base sa mukha ng kaniyang magulang ay nagtataka ito kung bakit sa dinami-rami ng pagkakataon ay ito pang araw na 'to ang napili ni Kuya Niel na magpakilala ng nobya

Ngunit para sa akin ay hindi. Sa tingin ko ay malaking tulong ang maibibigay niya dahil sa nangyari kay Lie at hindi nga ako nagkakamali "She's our witness about what happened in that fucking island" Nagpipigil galit nitong aniya

Parang sa dalawang linggong pagbabantay namin kay Lie ay may isang biyayang lumapit sa amin

After hearing the word 'witness', the pulis cleared his throat "You may speak" Tugon ng isang pulis

Bigla kong nilabas ang cellphone ko para sa anumang sasabihin niya. Mas maganda nang sigurado baka mamaya ay ideny niya na kapag biglang may nagbanta sa kaniya

"I'm J-Janice Tumvardo, 20 y-years old. Na-Nagkaroon po kasi ng reunion ang pamilyang kinabibilangan ko at duon po sa El Nido P-Palawan ang naisipan nila para sa o-okasyon na iyon pero h-hindi ko po alam na makaka-witness a-ako ng ganitong klase ng kaso" Nanginginig nitong paliwanag

"If that's the case, can you share us what happened to her?" Diretsong tanong ng medyo may katabaang Pulis

Binigyan ng ispasyo nina Kian, Oliver, Justin at Erick ang babae para makaupo. Masyado na kasi kaming marami dito kaya wala ng mauupuan. At mukhang pansin din ng mga ito na anytime soon ay baka biglang bumagsak sa sahig ang babae dahil sa panginginig ng kaniyang tuhod. Marahil natatakot siyang magsalita o nagkaroon siya ng trauma sa nakita

"Mga bandang alas siyete po nung napagpasyahan po ng mga tita ko na g-gumawa ng bonfire hindi kalayuan sa dalampasigan. B-Bukod po dun ay may iba pa po kaming nadatnang grupong m-magbabarkada na hindi ganon ka-kalayo mula sa amin" Anito't napapatingin sa ibaba habang hindi magkamayaw ang kaniyang daliri sa panginginig

"Tumagal po ng dalawampung minuto at n-nagsimula na nga po ang kasiyahan sa aming grupo n-ngunit bigla pong nagtext ang kaibigan ko dahil may problema po siya kaya po n-naisipan ko pong tawagan siya through video call" Aniya. Hindi namin magawang sumingit para pamadaliin siya dahil kailangang malaman namin ang buong kwento bago kami magtanong-tanong

"Kaso, hindi naman po ganoon kalakas ang signal kaya po naghanap-hanap po ako hanggang sa makita ko ang isang babae na naglalakad papunta po sa kakahuyan-malayo po kung nasaan ang puwesto namin"

"Curious po ako kung bakit niya gustong pumunta dun sa napakadilim at tamihik na parte ng kakahuyan. Kinakabahan na din po ako nung mga oras na yun dahil napalayo na ako. Iniisip ko po na baka hindi ko na alam ang pabalik sa kinaroroonan ko nung mga oras na iyon kaya sinundan ko na lang po siya at nagtatago kapag humihinto siya"

"Just straight to the point" Nagtitimping tugon ni Kuya Niel pero hindi siya pinansin ng witness-nagpatuloy lang ito sa pagkuwento kaya nakuha muli nito ang atensyon ko

"Sa dulo po ay may nakita akong nakaitim at parang pang madre po iyon o togang itim. Mukhang napansin din po ng sinusundan kong babae iyon kaya nagtago po ako sa malaking bato"

Natigilan ako dahil sa narinig ko. Batid kong ganun din so Celes at maging sina Kian

'S-Shane! Celesss!! Look at her!!! She's Demonnnn!!!'

I remember that day nung nasa canteen kami at hindi siya mapakali. I also heard her mumbled some words at hindi ako nagkakamali dahil panay 'black' ang binubulong-bulong niya

'Magmamadre ka talaga Lie?'

'Look! I'm l-locked Shane Ryie, please faster Jeezz I hate this place anymore!!'

'What about the 'black' word na nakasulat sa mirror? What does it mean?'

Hindi kaya-No! Yung tatlong HUMSS student ang naglock sa kaniya sa CR na iyon!!

"Narinig ko pong nagsalita ang babae kaya kinuha ko po yung phone ko para magrecord" Aniya't nilabas ang kaniyang itim na cellphone

'Who the hell are you?....Why are you doing this to me? Why are you making fun of me! Are you not satisfied yet?'

'You got it girl, I'm still not! Well, not until I witnessed you with so much of pitying state'

'Damn you girl, you don't have any idea how scared I am whenever you showed yourself to me. What did I do to you?'

'I hate you and the family you were belong. You ruined our lives that easily'

'My parents don't want to-'

"Sa kasamaang palad ay biglang namatay ang cellphone ko kaya hanggang doon lang ang narecord ko pero narinig at nakita ko ang nangyari" Kinuwento nito ang ibang narinig niya pero hindi niya daw maalala ang pangalan na binanggit ni Lie noong araw na iyon para makapagturo sa amin sa salarin. Napaiyak si Tita Beatrice at kumuyom naman ang mga palad ni Kuya Niel dahil sa kuwento ng babae

Napaluha ako nung marinig ko ang pangalan ni Vier. Si Vier na lalaking minahal ko at patuloy pa din naming minamahal kahit pa wala na ito

Hindi lang isa ang kasalanan niya sa pamilyang Buenaventura kundi dalawa for fuck sake!!!

Pero ang tanong, sino siya?

"Hindi ko siya kilala at malamang ay turista din siya. Ang alam ko lang ay kilala siya ng biktima" Halos hugutan ako ng hininga dahil sa narinig ko at marahil ganun din ang lahat ng nandito maliban sa dalawang pulis at si Janice bilang witness

Kung ganon ay isa lang sa amin ang gumawa nito? Pero sino?

"P-Pero, kami-kami lang din ang kilala niya duon" Patukoy ni Tita Beatrice kay Lie

"Pero posible din pong may nakita si Nathalie duon na kakilala niya" Dagdag ni Oliver dahil sa posibilidad na iyon. Hindi siguro ako maniniwala kung isa lang sa amin dito ang may gawa nito maging ang kay Vier

"Tell us more" Kian seems interested. Sino ba namang hindi? After all siya pala ang may gawa nun kay Vier at sinusunod niya ngayon si Lie? Tita and Tito Alexis will freak out kapag pati si Lie ay nawala

"Ashley!!!! Bakit ang daming dugong nagmumula sa ulo ko??" Bulong ni Janice at tila nalalabuan pa sa kaniyang naaalala "T-Tama!! Ashley, Ashley ang itinawag ng biktima sa kaniya!" Pansin kong napatigalgal si Kian dahil sa kaniyang narinig

Ang walang emosyong mukha niya ay napalitan ng pagkagulat "D-Did I heard it r-right?" Napalunok ako dahil ngayon ko lang siya nakitang ganito. Utal-utal ang pananalita at hindi na mapakali sa kaniyang inuupuan. Lahat ay nagtataka dahil sa kaniyang inaasal

"Oo, yun ang pangalang narinig ko" Siguradong sagot ni Janice

Mas lalong napaawang ang kaniyang bibig dahil sa konpirmasyon na nakuha

"What the fucking hell? I-It couldn't be..."

-°-

END OF CHAPTER 40!

Ayokong mag tagal sa POV ni Kian kasi feeling ko nagiging bakla na siya hahaha. Pag nag po-proofread kasi ako eh babae naririnig ko sa isip ko, so weird :<

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top