Chapter 4
Nathalie Chanell's Point Of View
Nagising ako dahil sa init na tumatama sa balat ko galing sa labas ng malaking bintana ng kwarto. Tumayo ako at humarap sa salamin.
"GOOD MORNING BEAUTIFUL" I said habang nakangiti sa harap nito. Naligo at agad ko ding pinatuyo ang buhok ko gamit ang blower.
I was also able to wear a statement highwaisted shirt paired with my denim shorts. I also put powder on my face and I don't have to apply lip tint or anything because my lips naturally turn red
I took my phone from the table next to my lampshade and look at the time. It's 7:08 AM by the way, masyado yata akong naging excited sa pagdating nung new maid ko. She will be a maid here at home for a month
Oh she's lucky pa kaya, I mean it's just equivalent to one week and three days dahil weekend lang naman ang pasok niya. Truth to be told, kulang na kulang pa ang araw na iyon para pagbayaran niya lahat ng ginawa niya kaya pasalamat siya mabait pa ako sa lagay na ito
Nung makababa na ako galing kwarto, I saw Manang in the kitchen preparing our food "Hi Manang, good morning" I greeted and smiled to her
"Good Morning" She answered then smiled back to me. We ate our breakfast together with Dad, Mom and Kuya. After that, I locked myself in my room to kill the time waiting for her.
Eight thirty in the morning, I found myself scrolling down and up to my facebook account because I'm freaking bored. While scrolling, I saw that gross name in the suggestion box that I don't want to see in my whole life. I just stared that for the long time but minutes past, I found myself stalking him like what the hell did I do? Since when did I stalked someone like him? He's not even h-hot! Yes he's not! I combed my hair in frustration. Nang mainip at mainis ako sa sarili ay humarap na ako sa salamin and decided to go downstairs to check if Santa Santita's here na. Don't tell me, she's late? Wag niya lang akong paghintayin ngayon dahil nabu-bwisit ako!!
Ilang minuto pa bago ako makababa because of our long hallway and grand stairways "Hi Dad and Brotha" I greeted nang makababa ako
"Who's that girl Chanell?" Sabi ni Dad habang tinuturo si Ella na naghuhugas ng pinggan sa kusina
Napataas naman ang kilay ko at pilit na hindi pinapakita yung pagka-ngisi ko para sa babaeng iyon "Ahh, she's Santa. Our new maid for weekend" I said flatly. Sound of heels from wherever roared in my ears
"Santa? What a cute name" Well, it was my Mom from the kitchen. She's holding a tray when her homemade cupcakes and juice were placed. She emplaced it properly in our glass table before giving me an amuse look
"Really? Santa? I thought it's Ella" Sabad naman ng Kuya kong engot. Si Kuya Nathaniel
"Hmm, she's Santa for me. Santa Santita suits her well" Sabi ko sabay taas-baba ng aking magandang kilay. Sumama naman ang kanilang mukha dahil sa sinabi ko
"NATHALIE!" Sabay-sabay na tugon nina Daddy, Mommy and Kuya na may halong awtoridad kaya umirap nalang ako sa kawalan dahil dun
Umupo ako ng prente sa single sofa bago sumagot "Mom, Dad, Kuya, pambayad niya na 'to sa ginawa niya sa akin kaya ko siya hinire as our new maid and besides, para di na din masyadong mahirapan si Manang sa gawaing bahay" Pagdadahilan ko para di na ako malagay sa hot seat
Bakit ba kasi nila kinakampihan 'tong si Santa? Ako yung anak nila diba?
Makalipas ang ilang minuto ay nawala na din sila Mommy sa paningin ko. Binuksan ko yung TV naming pagkalaki-laki at nanood nalang hanggang kailan ko gusto
When I got bored of watching the shows, I turned it off. I saw Santa sweeping the dining area so I approached her
I took juice and one slice of chocolate cake and put it on the table while she silently swept our spacious dining room.
Nung nagsasalin na ako ng orange juice ay sinadya kong hindi itapat yung pitsel sa baso para matapon yung juice na sana ay iinumin ko
Hindi niya naman agad napansin yun kaya sinadya kong ihulog yung favorite cake ko sa sahig para lang pahirapan siyang maglinis
Psh, swerteng floor na 'to, natikman pa yung favorite cake ko!!
Nung di pa siya tumitingin ay bigla ko nang sinagi yung baso at sumigaw para makuha ko yung atensyon niya "Oh my goodness!!" Sigaw ko na may halong pekeng pagkairita. Dali-dali namang dumalo si Manang sa akin nung marinig niya ako upang tulungan but I refuse her help. Instead Manang, si Ella ang sasabihan ko to accomplish my mission
Ngunit akmang sisigaw palang ako para tawagin siya nang agad-agad siyang lumapit na may hawak ng dustpan
"Ahh ako na Manang magpahinga nalang po kayo baka mapano pa po kayo" Sabi ni Santa pero inirapan ko nalang siya at nakita kong hirap na hirap siyang dakutin yung mga bubog dahil baka masugatan siya
Kung hindi ba naman kasi tanga, hindi manlang kumuha ng walis para mas mapadali siya. Boba! Once you enter in my territory, you will experience something fun
Yeah it's fun...for me! And I don't care your perceptions about it.
"Oh Dad, where are we going?" I asked nung makita kong bumaba siya ng hagdan at nakabihis ng pormal
"I have an urgent meeting daughter. By the way, what happened? I heard your shriek upstairs" Dad asked and hug me afterwards
I shook my head before formulating an alibi "Ah nahulog kasi yung glass na sinasalinan ko ng juice kaya ayun nabasag" Tugon ko, ngumuso pa ako kunwari "By the way, you gotta go na, take care Dad I love you" I said and smiled to assure him that I'm okay
"Yeah, I love you too. Umm Hon!" Sigaw niya "We need to go, come on male-late na ako" Sabi ni Daddy at narinig kong ini-start niya na yung engine ng kaniyang sasakyan
Sakto namang dumating si Mommy at ngitian pa ako bago inalok "Baby, do you want to go to the SPA with me?" My Mom asked me. Umiling nalang ako, mukhang maiiwan ako dito sa bahay ah
"Okay baby I need to go too baka malate pa si Daddy mo. Magpakabait ka, I saw you kanina kung anong ginawa mo" Nagulat ako sa sinabi nito. Hindi na din ako nagreklamo nung tawagin niya akong baby, paulit-ulit ko naman kasing pinapaalala sa kaniya na di na ako bata. Tumango nalang ako, acting normal. Nakita niya pala yung ginawa ko para lang paglinisin si Santa
Panibagong yapak na naman ng paa ang narinig ko at paglingon ko...
"Kuya, don't tell me aalis ka din?" Inunahan ko na siya kasi pababa palang siya ng hagdan ay amoy na amoy na agad yung pabango niya. Pinanligo na yata!
"Yes, I will go on a date" Aniya na nagpalaki ng mata ko. Si Kuya? Go on a date? Really?
Excitement filled my soul "Oh my god, who's the lucky girl?!!" Nanlalaki matang tanong ko dahil hindi pa rin talaga ako makapaniwala
"It's for you to find out" Maarte nitong aniya habang inaayos ang kwelyo ng kaniyang damit
What the fudge!!??
Is it my karma dahil ganun din ang sinabi ko kay Santa? Ang namuong excitement kanina sa katawan ko ay naglaho. I really need to go out too, hindi pwede yung nandito lang ako sa bahay na nakatunganga habang sila ay nagsasaya sa ginagawa nila.
Pity me!
Umakyat agad ako sa taas matapos kong mag-senti, argggh nakakapagod. Ang haba-haba kasi nitong hagdan eh
Bakit ba kasi dun yung pinili kong room back then? Parang feeling ko tuloy ito yung napakatagal kong pag-akyat at paglalakad papunta sa kwarto. Paano ba naman kasi, ngayon palang, nae-excite na ako sa ipapagawa ko. Gagawin ko lang naman si Santa na personal assistant ko. Exciting isn't it? Paano kaya kung bilhin ko lahat ng mga gamit sa favorite kong boutique at ipabitbit lahat iyon sa kaniya?
Napatili pa ako dahil sa excitement. Weekend siya kaya for sure, madaming tao sa mall ngayon
Sa tagal ng aking paglalakad buti naman ay nakarating na ako dito sa kwarto ko. I immediately went to the bathroom to take a shower. While I was soaking in the shower, the face of that squatter guy suddenly popped into my mind!
Jeez I hate this!!
I finished the bath right away because I might think of that monster again. I just wore a plain white spaghetti strap and I put a denim jacket on it then paired it with denim shorts then my white sneaker shoes.
After that, I just applied a little pressed powder in my gorgeous face bago ko kinuha ang sunglass at inilagay 'yon sa ulo ko.
Gotcha!
After those things, pumunta na 'ko ako sa baba para tawagin si Santa
"You, come with me" I said directly. Nagulat pa siya nung una pero nung nakarecover na ay agad-agad din siyang tumayo
"U-Umm M-Ma'am Nathalie, s-san po tayo pupunta?"
"MOA" I said flatly. Nakita kong halos lumuwa na yung mata niya dahil sa sinabi ko "M-MOA p-po?" Gulat pa nitong tanong
"Yes! Any problem?"
Then realization came.
"Ohh yah I get it. Di mo nga pala afford yung kahit pumunta lang sa mga malls" Pang-iinsulto ko sa malumanay na boses
Bumakas ang sakit sa mukha nito at agad dinepensa ang sarili "A-Ahh h-hindi po sa g-ganun, n-nagulat lang po ako kasi po d-diba po medyo malayo po yun dito?" Magalang na tanong nito
"Hmm, okay I know you can't afford to go to the malls so I'll explain a little. Hmm it is located at Main Mall SM Central Business Park, SM Mall of Asia, Seasode Boulevard at pag pupunta na tayo ngayon..." Sabi ko at tinignan ko muna yung time sa watch ko bago nagsalita "9:41 AM na so we will arrived at 10:35 AM if we will use our car get it?"
"O-Opo"
"But if you want to ride a bus, I'll let you. It's 1hour and 30 minutes then tatapatan pa ng traffic at mahihirapan ito lalong umusad. So let's go na you will be my personal assistant there" I said effortless
"O-Opo"
"Oppss wait, baka hindi mo pa pala alam what MOA means" Pahabol ko
"A-Ahh" Nag-aalangang tugon nito. Hindi mabanggit ang gustong sabihin
"Yah I really understand you Santa, I'm sorry. I'll explain it again" I sarcastically said it to her "SM Mall of Asia, also abbreviated as SM MOA or simply MOA" Panimula ko.
Nahihiya naman siyang tumingin sa akin for obvious reasons. "It is a large shopping mall in Bay City, Pasay, Philippines, near the SM Central Business Park, the Manila bay, and the southern end of Efipanio de los Santos Avenue or EDSA" Tugon ko while touching the bridge of my nose
"Want some additional info?" I asked staring at her
She smiled shyly before uttering some stupid words "H-Hindi na p-po" Sabi niya sabay yuko
Tinignan ko naman kung anong oras na at exactly ten AM na kaya nagdecide na 'kong umalis at tinawag ko nalang yung driver namin
When we arrived at the destination, I walked while carrying my beautiful posture. I even removed the glasses I was wearing and put them back on my head
Bungad pa lamang ng mall ay natanaw ko na agad ang lalaking kinaiinisan ko sa balat ng lupa na hindi ko alam kung paano siya nakapunta or bakit afford niyang pumunta dito at magshopping na din at the same time. Pang tiyangge lang sila hindi ba?
Kumulo agad ang dugo ko sa kanilang dalawa ni Santa. Papalapit na kami pero napasin kong nakatingin lang siya sa akin.
Wait what? Sa akin?
At talaga naman ang kapal ng mukha niyang tumitig sa akin!! Hindi ba niya alam na prohibited yung ganun sa gaya kong maganda ang mukha? Wow he's so tough!!
Inirapan ko na siya't lahat todo pa din ang titig niya. Hindi pa din iyon napawi kaya nang na-realize ko na sa bandang likod ko pala siya nakatitig ay nilingon ko si Santa at nakangiti rin siya kay Kian???
What the hell???
—°—
END OF CHAPTER 4!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top